You are on page 1of 4

ANG KULTURA AT TRADITION SA GITNANG LUZON

Ang ikatlong rehiyon, o kilala rin bilang Gitnang Luzon,ay binubuo ng pitong probinsya. Ang mga
probinsyang ito ay Aurora,Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac atZambales. Ngunit sa pitong
probinsyang ito ay ang probinsyang Pampanga ang naturing sentro ng Gitnang Luzon. Nahahati rin ang
rehiyon sa dalawang dibisyon – angkanlurang Cordillera at Gitnang Kapatagan.

Ang Gitnang Luzon ay ang may pinakamalaking nasasakop na kapatagan sa Pilipinas at ito rin ay ang
nangungunang tagapagtustos ng bigas sa buong bansa. Kaya ang isa pang tawag sa Gitnang Luzon ay
“Rice Granary of the Philippines” o “Rice Bowl of the Philippines” sapagkat ito ay nagtutustos ng
karamihan ng bigas sa ating bansa. Mahigit pitongpu’t porsyento ng buong Gitnang Luzon ay mabundok
o hindi kaya ay patag lamang. Paggawa ng asukal ang pangunahing industriya sa lalawigan ng Tarlac at
Pampanga. Mayroon ding malalaking palaisdaan ng bangus, sugpo, at iba pa sa lalawigan ng Bulacan,
Pampanga at Bataan. Ang Zambales at Aurora ay pinagkukunan ng mga produktong kahoy tulad ng tabla
at poste.Matagpuan din sa Zambales ang minahan ng chromite, tanso at guano. Bakal, apog at marmol
sa Bulacan at Bataan.

Tradisyon

Sinasabing ang lutuing Kapampangan ang nangunguna at pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino; ang
Pampanga ang tinataguriang sentrong kulinari ng Pilipinas. Ang ilan sa mga pagkaing nagmula sa
Pampanga ay ang kare-kare, sisig, at kilawin. Ngunit hindi lamang pagkain ang maaaring puntahan dito,
sapagkat dinarayo din ng iba’t ibang tao, pati na sa ibang bansa ang mga pagdiriwang dito katulad ng
mga piyesta at masasayang selebrasyon tulad ng Sisig Festival, Tigtigan Terakan Queng Dalan, Ligligang
Parul, Philippine International Hot Air Balloon Festival at ang pinakaenggrandeng piyesta rito na Nuestra
Señora del Santisimo Rosario de La Naval de Angeles. Mayroon rin namang kakaibang pagtitipon ang
ipagdiriwang tuwing Mahal na Araw sa Cutud, Pampanga. Tinatawag itong Mal a Aldo o San Pedro Cutud
Lenten Rites.

Sisig Festival:

Isang pagdiriwang na nangyayari taon- taon tuwing buwan ng Disyembre sa Lungsod ng Angeles sa
lalawigan ng Pampanga, kung saan kanilang ipinagdiriwang ang pagiging kilala ng mga Kapampangan sa
larangan ng pagluluto. Ang pistang ito ay isang paligsahan kung saan ang mga punong tagapagluto ng
iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Pampanga ay makikipagkumpetensya sa paggawa ng sisig sa
pamamagitan ng kanilang kakaibang pamamaraan sa pagluluto.

Tigtigan Terakan Queng Dalan:

Ginaganap ito tuwing ika-huling biyernes at sabado ng Oktubre. Ginaganap ito sa malawak na kalye sa
Balibago. Dito masaya at mapayapang nag-iinuman, nag-sasayawan, at nag-kakantahan, ang mga tao.
Hinding-hindi mawawala rito ang mga food stalls kung saan sila ay naghahanda ng iba’t ibang mga
putahe mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Pampanga. Ang piyesta ng Tigtigan Terakan Queng Dalan ay
isang pagdiriwang para sa pagbangon ng lalawigan ng Pampanga mula sa mga kalamidad na kanilang
naranasan.

Ligligang Parul:

Ang Ligligang Parul o mas kilala bilang Giant Lantern Festival ay isang taunang pagdiriwang na
ginaganap tuwing buwan ng Disyembre, sabado bago mag-bisperas ng pasko sa lungsod ng San
Fernando sa lalawigan ng Pampanga. Ang pagdiriwang na ito ay nagtatampok ng kumpetisyon ng mga
higanteng parol. Iilawan ng mga taga San Fernando ang mga naglalakihang parol tuwing darating ang
Pasko. Nakaka-aliw makita ang mga kumukutikutap na mga ilaw sa saliw ng mga pamaskong musika.
Tinagurian ding Christmas Capital of the Philippines ang San Fernando, Pampanga dahil sa pagiging
tanyag ng pistang ito.

Philippine International Hot Air Balloon Festival:

Ito ay isang piyestang ginaganap tuwing ika-10 hanggang 13 araw nang Abril, sa lungsod ng Lubao sa
lalawigan ng Pampanga. Iba’t ibang makukulay na hugis ng lobo ang tampok rito. Mahigit 500 katao ang
dumarayo dito taon- taon, hindi lamang mga Pilipino kundi pati mga taga ibang bansa ay dinarayo ito.
Ang pagdiriwang na ito ay pagkakataon nating mga Pilipino upang ibahagi ang ating kultura at tradisyon
sa iba’t ibang bansa sa lahat ng dako ng mundo. Maipapakita ang kultura at tradisyon ng iba’t ibang
bansa na makikilahok sa pistang ito sa disenyo ng lobo na kanilang ipapakita sa pagdiriwang.

Nuestra Señora del Santisimo Rosario de La Naval de Angeles:

Ito ay isa sa pinaka-enggrandeng piyesta sa lalawigan ng Pampanga. Ito ay taunang pista para sa
pabibigay karangalan ng mga deboto sa kanilang patron saint na si Santa Rosario o Our Lady of La Naval
de Angeles. Ang pistang ito ay nagaganap tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre. Tuwing pista ng Nuestra
Señora del Santisimo Rosario de La Naval de Angeles nagkakaroon ng parada ng mga santo kung saan
mayroon itong iba’t ibang kasuotan na nagpapakita ng kultura at tradisyon ng mga Kapampangan.

Mal a Aldo o San Pedro Cutud Lenten Rites:

Isang tradisyon ng mga Pilipino at lalo na ng mga Kapampangan ang pamamanata tuwing Mahal na
Araw o Holy Week. Taon-taon ay ginaganap sa Pampanga ang senakulo, pagpapako sa krus,
pagsasalibat-bat o karaniwang tinatawag na pagpipinetensya. Ang mga Kapampangan ay namamanata
sa bayan ng Pampanga kung saan isinasariwa at inaalala nila ang pagsasakripisyo ng Panginoong
Hesukristo at ang hirap na nagawa nito para sa lahat. Ang pamamanata ay ginagawa upang humingi ng
kapatawaran, maituwid ang mga kasalanan at pasasalamat sa mga biyaya na ating natatanggap.

Kaugalian
Pagmamano – Ito ay madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga
nakatatanda sa kanila.

Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – Ito ay simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.

Mahilig makipagkapwa-tao – Madalas silang makisalamuha sa tao.

Mapagkumbaba – Nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Sining

Ikaw ba mahilig sa mga bagay na umiilaw? Mga bagay na gawa sa mga kahoy? Dito sa Pampanga,
maraming mga bagay na gawa sa mga kahoy, mga bagay na umiilaw tulad ng mga parol at mga artifacts.
Ang mga artifacts ay maaring matagpuan sa lungsod ng Betis sa lalawigan ng Pampanga. Ang mga
Kapampangan doon ay kilala sa galing nila sa pagukit ng mga furniture na gawa sa mga kahoy tulad ng
lamesa, pinto, at upuan. Ang mga nagbibidahang parol naman ay matatagpuan dito sa lungsod ng San
Fernando sa lalawigan ng Pampanga. Ang mga Kapampangan doon ay kilala sa pagiging malikhain.
Gumagawa sila ng iba’t-ibang hugis, disenyo, at kulay ng mga parol sa mga okasyon tulad ng Pasko

Awit at Sayaw:

Ang mga Kapampangan ay mahilig kumanta at magsayaw dahil ito ay kanilang nakahiligan sa paglipas ng
panahon. Sa pamamagitan ng pagkanta at pagsasayaw ay kanilang naipapakita ang kultura at
pagmamahal nila sa bayang kanilang tinubuan.

Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan – May masamang mangyayari sa’yo o sa iyong pamilya.

Bawal kumanta sa hapag-kainan – Simbolo ng hindi pagrespeto.

Bawal paglaruan ang apoy – Maaaring lumabo ang mata.

Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – Ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal.

Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – Maaaring mamatay ang isa sa kanila.

Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – Upang hindi siya maliitin.

Kapag umulan sa araw ng kasal – Simbolo ng kaswertehan.

Kapag may sumakabilang-buhay:

Pagtawid ng mga bata sa kabaong – Upang hindi sila guluhin ng namayapa.

Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – Upang hindi na siya masundan.

Bawal magwalis sa araw ng burol – Bilang respeto sa mga namatayan.

Bawal matuluan ng luha ang kabaong – Upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.

Pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi – Upang hindi malasin .

“Friday the 13th” – Mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.

Paggising ng alas tres ng madaling araw – Maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.

Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – Maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta
ibaon lang ang kanyang damit sa lupa).

Pag-iingay habang may nanganganak – Upang mapabilis ang paglabas ng sanggol.

You might also like