You are on page 1of 2

ALAMAE DUNGOG

FIL 005 (13961)

Region 3

Ang rehiyon ay kilala sa tawag na “Gitnang Kapatagan” (Central Plains) at itinuturing na palabigasan ng
bansang Pilipinas (Rice Granary of the Philippines). Mga Wika nila ay Kapampangan, Pangasinan,
Tagalog, Iloko, at Sambal. Kaligirang Kasaysayan nito ay mayaman sa kasaysayan ang rehiyong ito.
Malaki ang ginampanan ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. Kabilang sila sa unang walong
probinsya na lumalaban sa Kastila. Ito ay tahanan din ng mga Dakilang Pilipino bayani, manunulat,
pangulo, iskolar, artista, at marami pang iba. Pangingisda,panghahayupan, pagsasaka, pagmimina,
pagtotroso,at paggawa ng asukal at produktong yari sa rattan. Ang Bataan naman ang naging lugar kung
saan ginanap ang “Death March”. Mga Lalawigan at Panitikan sa lugar ng bataan sa Tagalog ang
pangunahing wika ng Bataan. Sinusundan ito ng ilokano at kapangpangan. Sa lugar naman ng NUEVA
ECIJA wikang tagalog ang nananaig at ginagamit ng mga taga Nueva Ecija,ngunit ginagamit din ang
kapampangan at bikolano. PAMPANGA kapampangan, Ingles at Tagalog ang ginagamit at nauunawaan
ng buong lalawigan. ito ang ilan sa kanilang Awiting Bayan Goso tumutukoy sa moralistikong aspekto ng
kanilang kalinangan. Ito ay may tiyak na aral at inaawit sa saliw sa gitara, biyolin at tambulin tuwing
araw ng mga patay. Basulto- ito’y naglalaman ng mga matatalinghagang salita nakaraniwang ginagamit
sa pagpapastol ng mga kambing, baka at iba pang mga hayop. “o caca, o caca”, o brother o brother.”.
Sapataya- awiting nag-uugnay sa mga kapampangan sa kanilang paniniwalang politikal. May himig ito ng
pangangatwiran o pagtatalo habang sinasaliwan ng isang sayaw ng kastanyente. Maraming hacienda ang
natagpuan sa lugar na ito. Pinakapopular sa lahat ang Hacienda Luisita ng pag-aari ng mga pamilyang
Conjuangco at Aquino. Tradisyon "Dakip" ay isang salitang Filipino na nangangahulugang pag-aresto o
pagdukot. Ito ay isang natatanging kaganapan na nangyayari tuwing banal na linggo o panahon ng
lenten, sa munisipyo lamang ng Bulakan, Bulacan. Baliuag Lenten Procession Ang pinakamahaba at
pinakadakilang prusisyon ng Kuwaresma sa Pilipinas. Isang lumang tradisyon ng mga tao mula sa Baliuag
Bulacan tuwing Miyerkules Santo at Biyernes Santo. Bulacan-ObandoFertility- Rites Isang pagdiriwang
kung saan ang mga deboto at turista ay sumasayaw sa mga lansangan sa anyo ng isang prosesyon ng
relihiyon na may hangad na manganak. PALM SUNDAY (THE HOLY FAMILY) Ang Palm Sunday ay ang
simula ng Banal na linggo, na tinatawag ding Passion Sunday at ang Ebanghelyo para sa Linggo na ito ay
nagbibigay sa atin ng ideya ng pagkahilig, pagpapako sa krus at kamatayan ni Jesus. LIBAD FESTIVAL Ang
isang fluvial na prusisyon ng mahusay na pinalamutian na pagoda ay gaganapin sa ilog tuwing ika-23 ng
Hunyo bago ang taunang pagdiriwang ng bayan bilang parangal kay San Juan Bautista. Mga piyesta Giant
Lantern Festival (Ligligan Parul) Ang Giant Lantern Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginanap sa
kalagitnaan ng Disyembre sa Lungsod ng San Fernando sa Pilipinas. Nagtatampok ang pagdiriwang ng
kumpetisyon ng mga higanteng parol. Dinamulag Festival Ang Dinamulag Festival na kilala rin bilang
Zambales Mango Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginanap sa lalawigan ng Zambales sa Pilipinas
upang ipagdiwang o hikayatin ang masaganang ani ng mga mangga ng lalawigan. Philippine Hot Air
Balloon Festival Tatlong taon matapos ang matinding pagkasira na dulot ng pagsabog ng Mt. Pinatubo,
ang hot air balloon festival ay naglalayong masimulan ang ekonomiya ng Pampanga. POOK NA
DINARAYO SA LALAWIGAN DAMBANA NI MARCELO H. DEL PILAR SA BAYAN NG BULACAN, GROTTO NG
LOURDES SA SAN JOSE DEL MONTE, BANTAYOG NI COL. JOHN STANTSEBERG, CAFÉ VALENZUELA SA
MALOLOS, ANG BIAK NA BATO, SULO NG KALAYAAN, KWEBA NG LUKOD, ANG IPO DAM SA
NORZAGARAY, ANG MGA BUKAL AT PALIGUAN SA PANDI, SIMBAHAN SA CALUMPIT.
Napakaganda nga naman ng sariling atin. Lahat ng rehiyon ay mayroong nakaka bighaning mga lugar at
maraming piyesta na kay ganda daluhan at ang pagkain siyempre. Katulad ng Giant Lantern pestival sa
litrato palang ay nakakabighani na lalo nat papalapit na ang pasko alam naman natin na kapag pasko ay
hindi mawawala ang mga naglalakahing mga parol na kukislap sa ibat-ibang tahanan ng mga tao hindi
lamang sa rehiyon 2 kundi sa iba pang mga lugar at lalawigan. At ang isa pang pestival na aking gustong
salihan at dalohan ay ang Suman Festival sa dahilang paborito ko ang soman lalo na sa umaga na
mayroong sikwati. Ito ang gusto kung subukan ang Hot Air Balloon Festival kahit ako ay matatakutin sa
heights o sa matataas na lugar kahit nga sa over pass lang ako ay takot na. Pero kahit takot ako ay gusto
ko itong subukan kasama ang aking pamilya at kaibigan. Pakiramdam ko ito ay masayang gawin. Ito ang
isa sa ilalagay ko sa aking travel list at sa aking travel activity ang pagsakay at pagsubok sa hot air ballon.
Madami pang magagandang lugar at mga tanawin ang rehiyon 3 kagaya ng minalungao national park ito
ay itinuturing bilang isa sa mga ilang natitirang natural na kapaligiran sa rehiyong ito sa hilaga ng
Maynila. Ito rin pala ay na-promote sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan bilang isang
Ecotourism destination nag-aalok ng makapigil hiningang tanawin ng berdeng malinis na ilog at
natatanging pormasyon ng mga bato, maari ka ring sumakay sa balsa upang malibot ang ilog. At kung
ikaw ay isang mahiling sa mga rides ay pwede Karin pumunta dito sa lugar ng Pampanga at makikita ang
sky ranch Pampanga. At kung ikaw naman ay mahilig sa mga history, arts, museum at marami pang iba
na pwedeng pwede puntahan. Pero paalala lang hindi masama ang pumunta at magpasyal ang isipin at
isa isip dapat ikaw ay isang mabuting turista at sundin ang mga batas. At laging isipin na maging isang
mabuting mamasyal at mabuting turista.

MGA MANUNULAT NG REHIYON

 ANCIETO DELA MERCED


 CIRIO H. PANGANIBAN
 VALERIANO HERNANDEZ PENA
 MARCELO H. DEL PILAR
 VIRGILIO S. ALMARIO (1944)
 ANG BALATAGSAN

You might also like