You are on page 1of 1

Dalin, Abigail C.

BSED 2
FIL008 (13995)

SIYA AY AKO
Ako nga pala si Abigail Dalin at ito ang aking buhay. Maraming nagsasabi na ako daw ay masayahin
pero ang hindi nila alam marami din akong pinagdadaanan sa buhay. Hindi ko masyadong
naipapahayag ang aking sarili sa iba o kaya sa aking mga kaibigan. Mas pinipili kong maging tahinik at
huwag ng umimik. Para sa akin ang buhay ay simple lang, may mga panahong ako’y nagiging masaya
minsan naman ay humaharap din ako sa problema kagaya ng aking pag-aaral sa kolehiyo hindi biro
ang umabot sa estadong ito at mas lalong maraming pagsubok na dapat harapin. Ang maging ako ay
hindi madali, minsan naiisip ko kong tama ba ang mga nagiging desisyon sa buhay o ano pa ba ang
kulang? Pero mas pinipili kong lumaban at umabante sa buhay dahil ako’y may pangarap at nais ko
itong maabot.

You might also like