You are on page 1of 4

PATINTERO

Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo


hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na
parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay
pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan. Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay
tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring
tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang
kalahok ng kabilang grupo. Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo
na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi
nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo
naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.
Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.
SUMAN

Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pinoy ang suman dahil, unang – una, ito ay
madaling lutuin at gawin. Ang mga kailangang sangkap upang makagawa nito’y malagkit na
bigas, asukal, gata, at dahong saging lamang.  Ito’y ginagawa lamang sa iilang mga hakbang :
pinapakuluang mabuti ang malagkit na bigas, pagkatapos ito’y ihinahalo sa mga sangkap na gata
at asukal sa loob ng dalawang minuto at pagkatapos, ito ay ibinabalot sa dahon ng saging.

Dapat ay pahalagahan nating mga Pilipino ang pagkaing suman. Ipinapakita ng suman ang
pagiging malikhain ng mga Piipino sa aspetong pagkain, kasama na rin ang pagiging isa ng
nakararaming mga pamilya, at ang pagtampok ng nakararaming Pilipino sa kanilang sariling
kultura. Tunay na pinapalabas nito ang pagkakaiba’t pagkakaisa natin bilang mga Pilipino kaya’t
dapat ipagmalaki natin ang sariling atin!
LUKSONG BAKA

Ang LUKSONG BAKA ay isa sa pinaka-popular na larong pinoy o laro ng lahi.


Kinabibilangan ito ng isang taya at ng dalawa (2) o higit pang manlalaro. Ang taya ang siyang
magsisilbing “baka” na kailangang lagpasan ng mga manlalaro. Habang tumatagal ang laro,
tumutuwid ng tindig ang taya. Kailangan din itong hindi masagi ng mga manlalaro o ang alin
mang parte ng katawan nito. Ang hindi makatalon o ang makasagi sa “baka” maliban sa kamay
ang matataya. At babalik ulit sa simula ang laro. Isinasagawa ang larong ito sa isang malawak na
lugar na walang magiging sagabal.

Ang larong ito ay hindi lang tumutulong sa mga kabataan na patibayin ang kanilang mga
katawan o magsilbing isang maganda at masayang alaala ng pagkabata. Nagpapakita rin ito ng
isang halimbawa sa buhay ng isang tao na kahit gaano kataas ang problema o pagsubok na
tatalunan natin, malalagpasan pa rin natin ito. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay
magkaroon ng matinding hangarin na makalagpas at makatalon ng mataas upang hindi maging
“taya” sa tunay na mundo.
HOPIA MALITBOGANON

You might also like