You are on page 1of 6

EVENT HEALTH AND SAFETY GUIDELINES

 All participants must register and have their temperature checked.


 Anyone feeling unwell should not participate.
 Provide handwashing stations or sanitizer.
 Check all equipment for safety
 Have staff oversee activities and be ready to help.
 Set up a first aid station and emergency plan.
 Cover mouth when coughing or sneezing

REMINDERS
 Bring your own water tumbler
 Wear appropriate, modes, easy-tomove in attire
 Follow the instructions of the game organizers and referees to
ensure everyone's safety
 Be mindful of your surroundings and play safely to avoid
accidents.
 If you or someone else gets injured during the game, report it
to the organizers and seek medical attention if necessary

Playing games o Pag lalaro


 Ang paglalaro ay isang paraan para:
1. Maglibang at magpasaya.
2. Magtagumpay at magtagisan ng galing.
3. Makipag-ugnayan at magkaibigan.
4. Mag-improve at mag-develop ng mga kasanayan.
5. Magpalakas ng katawan at kaisipan.
6. Mag-explore at mag-discover ng bagong mga bagay.
7. Magbigay ng ligaya at katuwaan sa iba.
8. Mag-ambag sa pagpapalaganap ng kulturang Pambansa

TAGUAN

Ang larong tago-taguan ay isang paboritong laro na kadalasang nilalaro


ng mga bata. Sa larong ito, ang layunin ay magtago ang isang tao
habang hinahanap naman siya ng ibang mga manlalaro. Mayroong
itinakdang tagapahuli na maghahanap sa mga nagtatago. Kapag
natagpuan na ang lahat ng nagtatago o kung sino man ang unang
matagpuan, siya naman ang magiging tagapahuli sa susunod na laro. Ito
ay isang nakakatuwang laro na nagpapalakas ng mga kakayahan sa
pagtago, pagtukoy ng tamang oras, at pagtibayin ang pagkakaibigan sa
pamamagitan ng sama-samang paglalaro

Bilang ng Manlalaro: higit sa tatlong manlalaro


Kinakailangang Gamit: Kailangan lamang ng lugar na maraming
pagtataguan
Layunin ng Laro: Mahanap ng taya ang ibang manlalaro
Mekaniks/Hakbang:
1. Pagdedesiyunan ng mga manlalaro kung sino ang unang magiging
taya sa pamamagitan ng “maiba taya” kung saan gagamitin ang
palad ng manlalaro (facing up or down) at ang maiba ay siyang
taya.
2. Pupunta sa sulok o poste na magsiislbing base, ipipikit ang mata,
at magbibilang hanggang sampu ang taya habang naghahanap ng
matataguan ang ibang manlalaro.
3. Pagkatapos magbilang ng taya, hahanapin niya ang ibang
manlalaro at isisigaw ang kanilang mga pangalan. Kapag nahapan
na ang lahat ng manlalaro saka babalik ang lahat sa base at
magsisimula ng panibagong round.
4. Ang susunod na taya ang pinaka-unang nahuli o ang pinakahuling
nakarating sa base.

PATINTERO

Ang Patintero na tinawag ding Harang Taga o Tubigan (dahil kadalasan


ay binubuhusan ng tubig ang lupang nilalaruan) ay karaniwang nilalaro
ng dalawang koponan na may pantay na bilang ng manlalaro.
Bilang ng Manlalaro: Limang (5) Bangon (Runners), laban sa limang (5)
Taya (Taggers).
Kinakailangang Gamit:Maliban sa sariling katawan at lugar ng palaruan,
kailangan din ng chalk o pangmarka sa pagguhit ng mga linya upang
makabuo ng magkakapantay na parisukat.
Layunin ng Laro: Kailangang makalagpas ang mga Bangon sa lahat ng
linya — mula sa una hanggang sa dulo — at makabalik muli sa lugar na
pinagsimulan (starting area), ng hindi sila natataya. Ang mga Taya
naman ay magbabantay, isang tao sa bawat linya, at pipigilang
makalagpas ang mga Bangon sa pamamagitan ng paghuli at pagtaya.

Hakbang/Mekaniks:
1. Ang Laro ay pasisimulan sa pamamagitan ng Jack-en-Poy (Bato-Bato
Pik – papel, gunting, bato). Ang sinumang manalo sa Jack-en-Poy, sila
ang unang pangkat na maglalaro bilang mga Bangon.
2. Ang mga Bangon ay magsisimula sa unang linya at susubok na
makalagpas sa bawat linya nang hindi natataya.

3. Ang Taya ay magbabantay sa bawat linya sa pamamagitan ng pagtayo


at pagbaybay pahalang sa linya ng nakadipa ang mga kamay. Susubukan
niyang abutin at matapik ng kanyang palad o mga daliri ang harapang
bahagi ng katawan ng Bangon na nagtatangkang makalagpas.
Kailangang nakalapat ang dalawang paa sa linya habang nananaya.
Hindi balido ang pagtaya na hindi nakalapat ang mga paa sa linya.

4. Kapag nakalampas na sa linya ang Bangon, hindi na siya maaring


tayain ng nalagpasang bantay-taya, maliban na lamang kung pabalik na
ito galing sa dulo.

5. Bawal lumabas sa loob ng palaruan ang Bangon. Kapag lumabas ang


Bangon sa lugar ng palaruan, ito ay ikukunsidirang nataya, at paaalisin
sa laro.

Tumbang Preso

Ang "Tumbang Preso" ay isang tradisyonal na larong pambata na


kilala sa Pilipinas. Sa larong ito, ang layunin ng mga manlalaro ay
mapatumba ang "preso" o lata na nakatayo sa gitna ng kalsada o
ng lugar kung saan nilalaro. Ang bawat manlalaro ay may tangan
na tsinelas o iba pang bagay na gagamitin upang tumbahin ang
preso.

Bilang ng Manlalaro: tatlo hanggang siyam na manlalaro


Kinakailangang Gamit: pamato-tsinelas ang karaniwang ginagamit
lata (empty can),chalk o kahit anong pangguhit/pangmarka
Layunin ng Laro: Matumba ang lata nang hindi nahuhuli ng taya
Hakbang/Mekaniks:

1. Sisimulan ang laro sa pagguhit ng bilog na papaloob sa lata at


diretsong linya na may layong 20 ft na magsisilbing starting point ng
mga manlalaro.

2. Ihahagis ng mga manlalaro ang kani-kaniyang pamato at kailangang


malapit ito sa bilog. Ang manlalarong may pinakamalayong pamato
mula sa bilog ang siyang magiging taya.

3. Habang binabantayan ng taya ang lata, susubukan namang


patumbahin ng mga manlalaro ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng
pamato.

4. Kapag natumba ang lata maari nang tumakbo ang mga manlalaro
pabalik sa linya habang kailangan ng taya na patayuin muna ang lata
bago hulihin ang ibang manlalaro. Maari namang tumakbo ang mga
manlalaro kahit hindi natutumba ang lata basta’t hindi lamang nahuhuli
ng taya.

5. Sa oras na mahuli ang isang manlalaro siya na ang bagong taya

You might also like