You are on page 1of 10

Paglikha ng mga larong pambata

mula sa mga awit at tugmaang


pambata
Ang mga tradisyunal na larong Pinoy ay sadyang
nakapang-aakit, kakaiba, at bunga ng malikhaing
imahinasyon.
SA MAIKLING KASAYSAYAN
NG LARONG PILIPINO
Kilala rin ang larong Pilipino sa bansag na “Laro ng Lahi” dahil
sinasagisag nito ang kulturang tunay na maipagmamalaki ng mga
Pilipino. Unang inilunsad ang palarong ito noong Pebrero 10, 1984
sa Laoag, Ilocos Norte sa pangunguna ng Ministry of Education,
Culture, and Sports (ngayo’y Department of Education), Office of
the Provincial Governor at Office of the Municipal Mayor. Di
naglaon ay ibinilang na rin ito sa ilalim ng araling Physical
Education ng Bureau of Physical Education and School Sports.
MGA LARONG MAY KANTA
1. Langit lupa impyerno. Im, im, impyerno. Saksak puso
tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na sa pwesto
mo!

Kinakanta ‘to bago magsimula ang laro. Dito malalaman


kung sino ang magiging taya. Minsan, depende sa
nagtuturo at nakanta ang magiging taya kasi pwede nilang
laktawan yung ayaw nilang mataya at yung trip nilang ma-
atchoy.
2. Chippy-Chippy gum is a bubblegum. Masarap ito at
malinamnam. Bumili kayo sa tindahan. Chippy-chippy gum
is a bubblegum! —

Nakakatuwa ‘tong laruan lalo na kapag natapos n’yo ng


walang mali.
3. . I wanna kick, open, side by side.

Ito yung magsisipaan kayo ng kalaro mo. Pang-


dalawahang laro din tulad ng Chippy-chippy gum.

4. Chimpoy Champoy, dose na de pik! Dose na de oink-


oink. Dose na de pik. Dose na de bebe. Dose na de pik.
Dose na de amen. Dose na de pik. —- Nagja-jak-en-poy.
Kapag natalo, oink-oink.

Kapag nanalo, bebe. Kapag draw, amen.


5. Dunkin donut, tingali-ngaling poknat!

Magpapatungan lang kayo ng kamay. Tapos ii-ikot nyo


kapag nakanta na parang nagawa ng donut.

6. Jak En Poy. Hale-hale hoy. Sinong matalo s’yang


unggoy!
Ang larong ito ang nagbigay patunay sa teorya ni
Charles Darwin. Madaming naging unggoy dahil dito.
7. Sawsaw suka mahuli taya! — Pang-sanggol na laro.

8. Si Anna ay bata pa kaya ang sabi niya ay um um um ah ah.


— Nakakatuwang laro kasi namatay ni Anna sa bandang huli.

9. Ito ang beat sabay sabay. Ito ang beat bawal sablay. Pabilis
ng pabilis. Wag mami-miss wag mami-miss. Ahhh. Coca-cola.
Nalilito nalilito. Nahihilo nahihilo. Coke ko ‘to. Coke ko ‘to.
Coke ko ‘to! — Mula sa commercial noon ng Coke.
10. I wanna be a tutubi “I wanna be a tutubi. Nawalang
tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa.
Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!”

Yan yung laro na hahanapin ng isang taya kung nakanino yung


bato. Nakabilog ang mga kasali habang nasa likod yung taya.
Habang kinakanta ang “I wanna be a tutubi”, ipapasa ng mga
kasali ang maliit na bato. Bawal nilang ipahalata kung nakanino
yung bato, kasi hindi maa-atchoy yung taya. Dapat patago yung
pagpasa.
11. Penpen de sarapen, de kutsilyo,de almasen. Hawhaw
de karabaw, de batuten.

You might also like