You are on page 1of 6

Dalawang babaeng "magkapatid" sa pagtsitsismisan na may katabing 

dimonyo.

Mga rebultong naglalarawan kung paano kumakalat ang tsismis magmula sa dalawang matatandang babae
sa Alemanya.
Ang tsismis (Ingles: gossip[1], rumor[1]; Kastila: chismes[2]) ay isang bagay, karaniwang mga pangungusap o
kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may-buhay [2], na negatibo (isang negatibidad),
pasalungat, pakontra, o kabaligtaran, na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao. Ginagawa at ginagamit
ito ng mga tsismoso[2] (lalaki) at tsismosa[2] (babae)  – kilala rin bilang
mga madaldal, matabil, masatsat, daldalero (lalaki), daldalera (babae), satsatero (lalaki),
at satsatera (babae)[2]  – dahil sa udyok ng kanilang sariling inseguridad o "kabuwayahan", upang ibaba o
ilugmok ang ibang tao, samantalang iniaangat naman ng mga nagkakalat ng mga tsismis ang kanilang sarili
at para makaramdam ng iniisip o hinahangad na "kabutihan" o pagiging mabuti sa mata ng iba na paukol sa
sarili.[3]
Ang tsismis ay kasingkahulugan ng mga sumusunod: satsat, sitsit, yapyap, dada, ngakngak, kiyaw-
kiyaw, ngawngaw, taritan, tari-tari, kalantari, dalahira, rumor, sagap, sabi-sabi, bali-balita, balitang
kutsero, balitang barbero, bulung-bulungan (binabaybay
ding bulungbulungan), parali, alingasngas, tibadbad, higing, balitang kanto, balitang naulinigan,
[1]
 at daldal.[2]

Mga nilalaman
 1Paglalarawan
 2Pangangasiwa
 3Tingnan din
 4Sanggunian
Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]
Ayon kay Tenzin Gyatso, ang ikalabing-apat na Dalai Lama, nakapagpapaikli ng isang araw na tila
napakahaba o napakatagal lumipas ang tsismisan subalit ito ang isa sa pinakamasamang pagsasayang ng
oras o panahon. Binigay niyang halimbawa ang hinggil sa isang lalaking mananahi na humahawak lamang
sa isang karayom habang patuloy sa pagsasalita sa harap ng isang kliyente; dahil sa kanyang gawaing ito
hindi natatapos ang kanyang pananahi; at maaari pang matusok pa niya ng karayom ang sariling daliri
dahil sa pagkalibang sa pagdaldal. Ipinakakahulugan ng Dalai Lama na nakapipigil ang walang kabuluhang
pakikipagtsismisan sa paggawa ng alin mang uri ng gawain.[4]
Batay naman sa Three Minutes a Day (Tatlong Minuto Isang Araw), tomo bilang 35, ng The Christophers,
nakapipinsala sa iba at sa sarili ng tsismoso o tsismosa ang pagtsitsismis. [5] dahil, Aklat ng mga
Kawikaan ng Bibliya, naglalantad ng mga lihim ang tsismis (Mga Kawikaan 20: 19). [5]
Pangangasiwa[baguhin | baguhin ang batayan]
Kabilang sa mga paraan upang mapangasiwaan ang mga tsismoso at mga tsismosa, o masugpo ang tsimis,
ay ang tuwirang pagtatanong sa mga nagbabalita ng tsismis ng ganito: na kung bakit kailangang malaman
pa ng ibang mga tao ang mga bagay-bagay o paksang isinasalo o ibinubunyag nila. O kaya, ang pagtatanong
kung paano matutulungan ang taong itsini-tsimis sapagkat ang reputasyon nito ang siyang nakataya.
[3]
 Kaakit-akit naman sa isang hindi tsismoso o tsismosa ang pagkakaroon ng reputasyong may kakayahang
mapanatiling sarado ang bibig o hindi magdaldal ng bagay-bagay na pribado, at pagkakaroon ng paghabas,
pagtitimpi, pag-iingat, o magpasyang may diskresyon, sapagkat hindi kahali-halina ang gawaing
kabaligtaran nito. Bilang dagdag, kahit na sa loob ng pinakamatalik na pakikipag-ugnayan,
pakikipagkapwa-tao, o relasyong may pagkakagaanan ng mga kalooban, palaging may pangangailangan ng
pagsasaisip ng mga sasabihin, kung paano ito magiging maganda o mainam sa pandinig, o kung paano ito
makakaapekto sa makikinig o tagapakinig. Kung minsan, ang bugso, udyok, o "tulak" ng kagustuhan
maglantad o magsiwalat ng bagay-bagay o paksa ay isang kagustuhan ng paglalabas ng nakakubling
pagnanais na makasakit sa kapwa. Hindi isang kamalian ang pag-isipan muna bago ito gawin, kahit na
hinggil ang paksa sa sariling buhay o kaya ng kapwa tao.[5]
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
 Kawalan ng ginagawa
 Sumbong
Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
1. ↑ Jump up to:1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Gossip,  rumor  - Gabby's Dictionary: Praktikal na
Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary,
GabbyDictionary.com.
2. ↑ Jump up to:2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Tsismis, tsimoso, tsismosa, atbp". English, Leo James.  Tagalog-English
Dictionary  (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990., pahina 1456-1457.
3. ↑ Jump up to:3.0 3.1 Duquin, Lorene Hanley, Nihil obstat: Reb. Michael Heintz, Ph.D., Imprimatur:
Obispo John M. D'Arcy, "Gossip", Four Things that Hurt Parishes, isang polyeto ng Our Sunday
Visitor (imbentaryo bilang P841), Our Sunday Visitor, Inc., Huntington, Indiana, ISBN
9781592765591.
4. ↑ Gyatso, Tenzin, His Holiness the Dalai Lama, "Gossip", pagmumuni-muni para sa ika-30
araw ng Oktubre, The Path to Tranquility, Daily Wisdom, inipon at pinanutnugutan ni
Renuka Singh, Viking/Arkana, Penguin Group, Lungsod ng Bagong York, pahina 30, ISBN
0670887595
5. ↑ Jump up to:5.0 5.1 5.2 "Too Close for Comfort", Three Minutes a Day, The Christophers, Tomo 35,
matatagpuan sa pahinang may tatak na petsang Abril 22, Lungsod ng Bagong York, Taon:
2000, ISBN 0939055252

 jannamariefranpbybkk 
 Ambitious
in english knot
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng
mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. Ginagamit din ang "umpukan" para
ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat. Maaari rin na ang "umpukan" ay
mangangahulugang buhol.
May mga iba’t ibang kahulugan ang komunikasyon at narito ang ilan:A

- Ang komunikasyon ay ang pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal o di-berbal.


(Bernales, et al., 2002)

- Ito ay binubuo ng dalawang panig: nagsasalita at nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang lamangan
(Atienza, et al., 1987)

- Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.


Isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipagunawaan. (Webster)

Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

• Tsismisan

• Umpukan
• Talakayan

• Pagbabahay-bahay

• Pulong-bayan

• Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.)

• Mga Ekspresyong Lokal

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1873088#readmore

Answers
 imstatel 
 Ambitious
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagbisita o pagpunta sa iba’t ibang tirahan upang magsiyasat ay makakuha
ng mga impormasyong. Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background investigation sa taong nais
bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang makakuha ng iba
pang impormasyon, at ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application form.
Answers

 christineeejn 
 Ambitious
Ang ibig sabihin ng pulong bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang
pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng
mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng mga
kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon makapagsalita. Ito ay
pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Verbal at di verbal na komunikasyon
1. 1. MGA URI NG KOMUNIKASYON
2. 2. KOMUNIKASYONG VERBAL Ito ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o
pasalita. Pasulat ito kung nababasa. Pasalita kung binibigkas o naririnig.
3. 3. KOMUNIKASYONG DI-VERBAL Hindi gumagamit ng wika ang ganitong uri ng komunikasyon.
Kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
4. 4. Halimbawa: ekspresyon ngmukha galaw ngmata, kamayat paa
5. 5. Kahalagahan ng Komunikasyong Di-verbal: 1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang
imosyunal ng tao. 2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe at 3. Pinananatili nito ng
interaksyong resiprokal ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe.
6. 6. MAY IBA’T IBANG ANYO ANG KOMUNIKASYONG DI- VERBAL. ANG MGA ITO AY MAARING
MAKITA SA MGA SUMUSUNOD:
7. 7. 1. ORAS (Chronemics) Ang oras ay maaaring magtaglay ng mensahe.
8. 8. 2. ESPASYO (Proxemics) Ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao
ay maaaring may kahulugan. May iba’t ibang uri ng proxemics distance tayong ginagawa sa iba’t
ibang pagkakataon at ang distansyang ito ay maaaring mangahulugang intimate, personal, social o
public. Nakapaloob din sa kategoryang ito ang pisikal na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang
lugar.
9. 9. 3. KATAWAN(Kinesics) Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa mga
tunog na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag na body language.
10. 10. Maaaring magpakita ng mensahe ang: *Mata *mukha. *pananamit at kaanyuan *tindig at kilos
*kumpas ng kamay na maaaring maging: - regulative -deskriptiv -emphatic
11. 11. 4. PANDAMA (Haptics) Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch bilang tagahatid ng
mensahe.
12. 12. 5. SIMBOLO (Iconics) Ito ay mga larawan na may mga ibig sabihin.
13. 13. 6. KULAY Maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
14. 14. 7. PARALANGUAGE Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa mga salita. *Pagbibigay-diin
*Bilis ng pagbigkas *Paghinto sa loob ng pangungusap *Lakas ng boses *Taginting ng tinig

KOMUNIKASYON DI-BERBAL
Quene Villarico
Updated 18 August 2014

3. Kinesics
> Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe.
> Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Mahalaga ang oras . Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay
maaaring kaabitan ng mensahe.
6. Colorics

KOMUNIKASYON DI-BERBAL
Maraming Salamat!
Maaring kumpas ay regulative katulad ng kumpas ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan.

c. Highly Informal
Ang ating tindig at kilos ay maaari ring agsalita para sa atin. Kapag nakakakita tayo ng isang lalaking tuwid
na tuwid at matikas ang tindig, ano ang agad na inaakala natin sa kanya? kung sa lobby ng isang ospital ay
makita isang lalaking paroo't parito, ano ang ipapalagay mo sa kanya?

KASINTAHAN (Intimate Distance)


Ang ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ano ang iyong iisipin kung may makita
kang babaeng napakaikli ng palda at halos lumabas na ang dibdib? Ano ang iyong iisipin sa isang taong
patpatin ang pangangatawan at halos kuba na kung maglakad?
Halimbawa:
Ang pagdating nang huli sa isang job interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina.
Samantala, ang pagdating naman nang maaga sa isang salu-salo maaaring makainsulto sa magbibigay ng
salu-salo dahil maaari niya iyong ikataranta sa paghahanda.
> Ito ay paggamit ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe,
Halimbawa nito ay ang pagsutsot sa pagtawag ng pansin ng isang tao.
Pansinin ang ipinahihiwatig na mensahe sa mga sumusunod na larawan batay sa tindig at kilos ng mga
tauhan.
> Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbikas sa isang salita.
7. Paralanguage
>Eh sa isang taong di-kakilala? Ganun din ba?
KAIBIGAN (Personal Distance)
Maaaring ang kumpas ay descriptive kapag naglalarawan ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay.
> Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe.
> Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe.
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi lang pasalita at pasulat. Madalas ay gumagamit din tayo ng
mga di-berbal na anyo o di kaya'y kumbinasyon ng berbal at di-berbal na anyo ng komunikasyon.
>Ang mga kumpas naman na nagpapahiwatig ng damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa, sabay
ng pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyom ng mga palad ay tinatawag na emphatic.
11. Pictics
HIPO
>Paano ka makikipag-usap sa iyong kasintahan? Gaano ang layo ninyo sa isa't isa?
b. Informal
HINDI, 'DI BA???
> Nakatuon naman ito sa pang-amoy.
Halimbawa:
Kapag nahuli ang isang ina ang kanyang batang anak, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan sa
kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa kabili ng kanyang matigas na
pagtanggi.
8. Oculesics
Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga'y higit pa sa mga tunog ang lumalabas sa ating bibig.
Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language.
Ang kumpas ng kamay ay isa ring mayamng pinanggalingan ng mensaheng di-berbal.
BATOK
10. Olfactories
Mahalaga ang di-berbal na komunikasyon sapagkat:
Pansinin ang pagkakaiba ng personalidad ng mga tauhan sa mga kasunod na larawan batay sa kanilang
pananamit at anyo.
> Paggamit ito ng tunog, liban sa salitang tunog.
5. Iconics
2. Proxemics
a. Formal
9. Objectics
HABLOT
DI-KAKILALA (Social Distance)
Katanungan:
>Ganun din ba kalayo kapag ika'y nakikipag-saup sa isang kaibigan?
PISIKAL NA KAYUSAN:
>Ang mensahe ay maaaring makuha sa mga kaayusan
Pansinin ang mga sumusunod na kaayusan:
12. Vocalics
> Hindi rin maitatago ang ating damdamin at tunay na intensyon sa ating mukha.
1.CHRONEMICS
4. Haptics
Maaaring may kahulugan din ang espansyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.
1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao.
2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe, at
3. Pinanatili nito ang interaksyon resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.
Answers

 namranna 
 Ambitious
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang
uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng
damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi
maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang
wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.)
Malay mo.
Sayang. (Sayang naman.)
Hay naku.
Susmaryosep!
Anak ng _____!
Hugot
busilak ang puso
bumangga sa pader
butas ang bulsa
basa ang papel
isang kahig, isang tuka
lumuha man ng bato
Pwede ring matuto ng karagdagang impormasyun sa mga sumusunod:
brainly.ph/question/1706750
brainly.ph/question/1665073
brainly.ph/question/351442

You might also like