You are on page 1of 4

KABANATA 3

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


Modyul Blg. 08

Daloy ng Kaalaman
A. Tsismisan

Ang Tsismisan ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang


katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng
dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob. Subalit
ang tsismis na siyang laman ng tsismisan ay nanggaling din minsan sa
hindi kakilala lalo na kung ito ay naulinigan lamang sa
nagtsitsismisan.

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO
Ang tsismis ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaliktad na katotohanan, dinagdagan
o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka
sadyang di totoo o naimbentong kuwento lamang.
B. Umpukan

Ang Umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga kakilala para
makausap ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o nagaganap na lamang sa bugso ng
pagkakataon.

Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay mga kusang


lumalapit para makiumpok, mga sadyang nagkakalapit lapit o
mga niyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang
lumalapit siya ay masasabihang isang usisero.
Ang paksa sa usapan sa umpukan ay hindi planado o
pinag-iisaipang mabuti-maaaring tungkol sa buhay-buhay ng
mga tao sa komunidad, pagkakaparehong interes ng mga
nag-uumpukan o mga bagong mukha at pangyayari sa
paligid.

C. Talakayan

Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng


dalawa o higit pang kalahok na nagkakaroon nang tukoy na
paksa. Ito a maaaring pormal o impormal at pwedeng harapan
o mediated o gumagamit ng anumang midya.
Ang karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa
isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo,
buong pamayanan o buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at
pagkakaunawaan, maresolba ang isa o nakakawing na problema at makagawa at
makapagmungkahi ng solusyon.
Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong
at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok. Sa
pormal na talakayan karaniwang may itinatalagang tagapagdaloy (facilitator) na tiyak sa
kaayusan ng daloy ng diskusyon at asal ng mga kalahok habang nagpapalitan ng kuro-kurro
at impormasyon.
Ang impormal na talakayan ay madalas nangyayari sa umpukan at minsan sa
tsismisan o di sinasadyang pagkikita kaya may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay
mapipili. Sa impormal naman ang kalahok mismo ang kusang nagmamanehi ng diskusyon.

D. Pagbabahay-bahay

Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng


isang tao o isang grupo sa isang bahay sa isang pamayanan para
maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang
teknolohiya, komunsulta sa mga miyrmbro ng pamilya, hinggil
sa isyu o programa, mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan
o samahan o maghimok na tumangkilik sa isang produkto,
kaisipan, gawain o adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan
upang pag-usapan ang mga sensitibomg isyu sa isang
pamayanan. Ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO
kaugalian na pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino lalo na sa mga
lugar na rural.
E. Pulong-bayan

Ang Pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng


mamamayan sa itinakdang oras at lulan upang pag-usapan
nang masinsinan at pagdesisyunan kung maaari ang mga isyu,
kabahalaan,problema, programa at iba pang usaping
pampamayanan.
Kasama sa maaaring layon ng pulong-bayang ang
pagkonsulta sa mga mamamayan, paghimok sa kanila na
sumuporta o sumama, pagpaplano kasama sila, paggawa ng isang desisyon na binabalangkas
nila.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pag-usapan ang mga
suliranin, hakbang at maging ang mga inaaasahang pagbabago.

F. Komunikasyong Di-Berbal

Ang komunikasyong Di-Berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa


pamamagitan ng samo’t saring bagay maliban sa mga salita. Ito ay isang karaniwan at lahat ng
uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.
Ang komunikasyong di-berbal ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod.
1. Paggalaw ng kahit isang bahagi lang ng katawan.
2. Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi lang ng katawan
3. Panahon ng pagsasalamuha, bagal o bilis, kawalan o dalas at oras o araw ng
interaksyon
4. Pook at kaligiran ng pagsasalamuhaan
5. Kasuotan o burloloy sa katawan
6. Iba pang simbolismo gaya ng kulay.

Sa larangan ng komunikasyon;

Kinesika- Pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng


katawan

Proksemika- Pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng


espasyo.

Vocalics- Komunikasyong naipararating gamit ang tono ng


pagsasalita.

Chronemics- Komunikasyong nakabatay sa panahon o oras.

Haptics- Komunikasyong nakabatay sa pandama.

Sa Komunikasyong Di-berbal na naipakikita gamit ang


kilos o kalaw ng katawan
Pagtatampo(Tampo)-Damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na
inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak,
kasintahan, o kaibigan.

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO
Pagmumukmok(Mukmok)-Ito ay komunikasyong naipaparating sa
pamamagitan ng pagsasawalang-kibo. Ito ay bunga ng pagkasuya at
pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa
karamihan.
Pagmamaktol (Maktol)-Akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang
pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa
kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o
pagbulong-bulong na sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe.
Pagdadabog(Dabog)-Paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag
ng pinto, pagbagsak ng mga bagay-bagay at iba pang ingay na intensyonal na
ginagawa ng taong nagdadabog.Bunsod ito ng paghihimagsik sa sapilitang
pagsunod na nagpapahiwatig ng pagkainis, pagkayamot, galit, at poot.

G. Mga Ekspresyong Lokal

Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala na


nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya
ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya,
tuwa o galak.

Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa


pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe.
Ang mga halimbawa ng ekspresyong lokal ay Manigas ka!, Malay mo., Hay Naku,
Susmaryosep,

KONTEKSTWALISIDONG KOMUNIKASYON SA
NEUST-CAS
FILIPINO

You might also like