You are on page 1of 31

MALAY XVII (1)

AGosro 2002

SA YSA Y AT SALAYSA Y NG
PANTAWANG PANANAW
MULA PUSONG HANGGANG
IMPERSONASYON
Rhod V. Nuncio

Our literary tradition is unique in a way. Although all oral and


written literature ... may be said to reflect the comp!ex sectoral
conflicts ofany histoncalpenod our literary traditJon has developed
in constant engagement with urgent sociopoJitJcal debates. It has
been engaged in cnticism, in questioning and protes~ in resistance
through comIC, satinc- and other devious ways.
- E Sanjuan

Dalumat at Saysay

MARIING pinahahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at


pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa tawa lamang, 'ika nga, may
redempsyon mula sa problemang kinahaharap ng sinuman. Sa ngiti, hagikhik,
o halakhak naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa
nagkakaroon ng pagtudling sa sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon
ng tao mula sa kabigatan ng saloobin 0 damdamin. Di nga ba't tinaguriang

78
SAYSAY AT SAlAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

isang therapyang pagtawa? Laughter is the best medicine and humor is the
spice of life (Batacan 1966). Kung susuriin nang mabuti ang tawa ay isang
mekanismo ng damdamin na nagbibigay-laman sa puwang 0 guwang sa
damdamin ng isang malungkuting tao 0 di kaya'y yaong naghahanap lamang
ng kasiyahan sa buhay. Kung kaya't, mahihinuha sa sikoIohiya ng tao ang
pag-imbento niya ng mga kaparaanang magpapaaliw sa kanya. Dapat may
bagay na pinagmumulan ng aliw, may mga persona 0 maskara na nagtatanghal
at may mga pangyayaring nagiging tampulan ng kasiyahan. Ito ang naging
dahilan marahil kung bakit naging tanyag ang matsing sa mga kuwentong-
bayan at ilang pabula na kinawiwilihan sa bayan-bayan. Dagdag pa rito, ang
pagkakaroon ng payaso, pusong, kengkoy, aktor sa entablado 0 saan man ay
naging popular sa pagbibigay-kasiyahan. Ang eksenang nadulas, nadapa,
nahulugan ng mabigat na bagay, at marami pang iba ay mga pangyayaring
nagdudulot ng katawa-tawang reaksyon sa iba. Maging ang paghahalo ng
imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang sexual na sensibilidad ay
nagiging katawa-tawa rin; ito ang tinaguriang green jokes 0 tOIlet humor.
Maaaring may nakaligtaang isama sa ganitong paggalugad sa penomenon ng
tawa subalit ang kalikasan at kakayahan ng tawa upang magbigay ng aliw ay
isang malawak na sakop ng sikolohiya. Ang mga halimbawa sa itaas ay
mahalagang mabanggit upang bigyan ng pagtatasa 0 kaibahan sa isang uri ng
tawa I 0 pagpapatawa na nakaangkla hindi lamang sa damdamin 0 emosyon
ngunit maging sa kamalayang Pilipino.
Sa paggamit ng salitang "pananaw" tumutukoy ito Sa pag-iisip ng tao.
Kung ang tawa ay reaksyong pandamdam, patungkol naman ang pananaw sa
kaisipan. Pinagninilayan 0 pinag-iisipan ng isang tao ang pagkakaroon ng

IIba naman ang paliwanag ni Mikhail Bahktin ukol sa tawa: "It is precisely laughter that destroys the epic.
and in general destroys any hierarchical (distancing and valorized) distance. As a distanced image a subject
cannot be comical; to be made comical, it must be brought close. Eve~ing that makes us laugh is close at
hand, all comical creativity works in the zone of maximal proximity .. .laughter demolishes fear and piety before
an object, before a wcdd. making it an object of familiar contact and thus clearing the ground for an absolutely
free investigation of it. Bas.hin ang "The Dialogic Imagination", I 98 I, n. sinipi ni Berger. Arthur Asa. 1992.
Popular Culture Genres: Theories &" Text. New York: S.ge Publication. p. 62.
Tinaguriang bantog sa larangan din ng komedy. ang mga Romano. Si Plautus ang isa sa kilalang manunulat
noong 300 B.c. Sa tema ng pagpapatawa, mahalaga ang paggamit ng mga kakatwang karakter bilang karikatsur,-
pagsasama ng sayaw at awitan, bulgar na wika ng dula at fanrastikal na mga im.he at maskara. Ginamit din niya
ang karakter ng isang alipin (slave) sa kanyang mga dula. Nabigy.n ng puwang ang isang .lipin sa lipunang
puno ng tunggalian at kapangyarihan subalit sa kasamaang palad, nauwi sa pagkutya at paglapastangan sa kanila.
Sa isang banda bayani rin ang ilang alipin sa mga nakakarawang dulang Romano. "He fills this role by virtue of
his wit and intelligence, triumphing over adversity and the social facts of life in a way that no actual Roman
slave could ever do." Basahin ang The Roman Theiltre and Its Audience, sinulat ni Richard Beacham para sa
Routledge, 1995. pahina 27-37.

79
R.V.NUNCIO

pananaw. Higit pa sa isang opinyon lamang ang pananaw ng isang tao, isang
pagbasa 0 interpretasyon ito sa nangyayari sa kanya at kanyang kapaligiran.
Inaarok ng isipan ang kahalagan 0 kabalintunaan ng isang pangyayari 0
kaalamang naging malaki ang epekto 0 kinahinatnan sa sariling buhay,
pakikipag-ugnayan sa iba, at sa sandaigdigan. Kung isang interpretasyon 0 pag-
unawa ang pananaw, isasakonteksto ito bilang kritika. Naiiba ang kririka sa
komentaryo sapagkat pinagnilayan ito nang husto at hindi lamang puna nang
puna sa nakikita 0 nararanasan. Ang kritika ay interpretasyon 0 pagbasa sa
karanasan, teksto, kultura na inuunawa sa perspektiba ng kamalayan. Hindi
neutral na salita ang pananaw sa pagbasang ganito. Kritikal na pagbasa ito at
nakaugat sa kontekstong panlipunan. Ang pantawang pananaw ay
nangagahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan.
Kung kaya't isang pagbasang kritikal ng kamalayan (pagsasanib ng
damdamin at isipan) ang pantawang pananaw, ng isang taong mulat sa
nangyayari sa lipunan. Ang pantawa bilang "pan + tawa" ay pag-angkin at
pantukoy sa kakanyal1an at kakayahan ng tawa bilang kritika. Tinaguriang
pantawang pananaw ang ganitong kalikasan at kakayahan. Ang tawa bilang
catharsis ay masasabing panandalian-isang comic relie£ Ang pantawang
pananaw ay nakakabit sa kamalayan at diwa ng mga Pilipino.

PANTAWANG PANANAW

(oral, panitikan, (Panlipunan,


dula, tanghal, pampulitika, at
mass media) pang-ekonomiya)
Midyum Konteksto

Kontent I Anyo MgaAktor


(Kuwentong-bayan, (Pusong, aktor,
entremes, saynete, komedyante,
bodabil, drama, impersoneytor)
impersonasyon)

80
SAYSAY AT SAlAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

May limang elemento ang pantawang pananaw: (I) midyum, (2)


konteksto, (3) kontent 0 anyo, (4) aktor, at (5) manonood.
1sang diwa ng karanasang Pilipino ang pantawang pananaw. Nakapaloob
ito sa karanasan ng tawa bilang kritika, bilang pagtuligsa sa kapangyarihan
at kaayusan sa lipunan na mababakas mula pa sa oral na tradisyon bago pa
dumating ang mga Kastila hanggang sa paglaganap ng mass media ngayon.
Ang bahaging ito ay tumutukoy sa midyum ng pantawang pananaw. Ang
midyum ay daluyan na kung saan nagiging laganap 0 natatangi ang pantawang
pananaw. Kasama rin sa elementong ito ang lunan 0 situs ng daluyan,
halimbawa, sa entablado, kalye, radyo, at telebisyon Samantala, nakapaloob
sa daluyang ito ang iba't ibang anyo na kinabibilangan ng kuwentong-bayan,
entremes, saynete, drama, bodabil, dulang panradyo, at impersonasyon bilang
palabas sa telebisyon. Ang mga nagsisiganap 0 mga aktot, karakter ang
tinaguriang mga pusong, aktor/komedyante at impersoneytor. Ang mga
isyung panlipunan na tumatahak sa na kalagayang panlipunan at pampulitika
ng bansa ang bumubuo sa konteksto ng pantawang pananaw.

liang Katangian ng Pantawang Pananaw

Isang pagbasang kritikal. Katulad nang nabanggit na hindi lamang pagtawa


na walang konteksto ang pantawang pananaw. 1tinataas ito hindi lamang bilang
sa aspektong pandamdamin kundi bilang isang kritikal na pagbasa na tumatarok
sa kamalayan at kaisipang Pilipino.

Subjektib na pagbasag sa imahe at katawan. Masasabing isa itong


pagtanong sa katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusang panlipunan bilang objek
ng tawa at pagtuligsa. Winawasak nito sa ganitong kritikal na pagbasa ang irnahe
ng kapangyarihan bilang kahinaan 0 ang kapangyarihan bilang imahe ng kawalang
kapangyarihar.!.

May kasaysayan. Masasabiting nakatuon sa pangyayaring historikal ang


pagkukwestiyon sa imaheo katawan rig kolonyalismo (panahon ng pananakop)
o komersyalismo (panahon ng kulturang popular). Nagpapabago ng kahulugan
ang pantawang pananaw sa tayo 0 poder ng karanasang kolonyalismo 0
komersyalismo.

Intersubjektib. Nangangailangan ng kapwa 0 sabjek na tuwirang babasa at


magkikritik na gamit ang pantawang pananaw. Ang ganitong paraan ay
81
R.V.NUNCIO

nangangahulugan ng walang humpay na pagbasa ng manonood, tagapakinig, at


sinuman upang makapagbigay ng tuloy-tuloy na kritikang panlipunan.

Intertekstuwal at Refteksibo. Nangangailangan ng pagiging bukas ng ilang


teksto upang'magamit sa pagpapakahulugan at pagkatuto sa mensahe 0 simholo
sa alinmang diskurso. Kung kaya't mahihinuhang naglalakbay ang pantawang
pananaw mula sa kuwentong-bayan hanggang sa kulturang popular. SamakatuwicL
hindi masasabing isang genre 0 anyo ng panitikan ang pantawang pananaw
sapagkat ang nakabukas sa iba't ibang anyo at daluyan sa karanasang Pilipino ang
pagiging teksto nito hilang pagbasa. Maaari rio kasing isama ang komiks, ang
comic strip namakikita sa mga pahayagan, pelikula, at iba pa. Kung tutuusin,
isang magandang paksa sa iba pang pag-aaral ng pantawang pananaw ang isama
ang ilang nabanggit na anyo. Sub alit nakatuon lamang sa limitasyon ng pag-
aaral na ito ang konsepto at praktika ng pagtatanghal at palabasgamit ang
pantawang pananaw, partikular sa impersonasyon.
Sa handang huli, ang puntos ng intertekstuwalidad sa pagdulog ng
pantawang pananaw ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan ng
kapangyarihan, karanasan, kaalaman, diwa, at katauhan upang isakonteksto ang
pakay ng pag-aaral na ito.

Salaysayin

Tungkol sa impersonasyon bilang pantawang pananaw ang pag-aaral na


ito. Nakatuon sa kasalukuyan, sa napapanahong isyu at tauhan sa lipunan ang
pagbasa ng impersonasyon. Subalit bago natin patibayin ang kasalukuyang
diskurso, diwa, dalumat, at pagbasa ng impersonasyon, kinakailangan muna naring
balikan ang salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Isang dalumat ito ng pagbasa,
isang refleksibo at kritikal na pagsukat sa nangyayari sa lipunan, sa mga tauhan
sa lipunan. Upang mabigyan ng katuwiran ang kasalukuYMlg pagbasa sa
impersonasyon bilang pantawang pananaw, marapat na alamin k~ng bakit naging
refleksibo sa tala ng kasaysayan ng dula at panitikan ang pantawang pananaw.
Ang dalumat na ito ay isa na mismong pagteteoryang politikal, sosyal, at kultural.
Nakabalot sa tradisyon at kultura ang panitikang nagbibigay ng pakahulugan,
puna, at deskripsyon sa nangyayari sa lipunan. Sa ganitong analisis, nakatuon sa
isyu at tauhang sumasagisag sa 0 bumubuo ng lipunan ang panitikan bilang
teksto. Ang teksto na umuugma sa samut-saring pakahulugan atganap na
irripluwensya nito sa kalakaran ng mga tao at institusyon, politika, at kultura ay

82
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

masasabing may kaganapan sa paglipas ng panahon. Kung kaya't ang pantawang


pananaw bilang dalumat ng pagbasa ay magsisilbing diwa sa pag-uunawa sa
pangyayaring sosyo-politika sa pamamagitan ng tawa. .
Mahalaga ito sapagkat bilang dalumat gustong ipahatid ng pag-aaral
na ito na namumutawi na ang pantawang pananaw sa talastasan 0 kuwentuhan
at pagtatanghal bago pa man dumating ang mga Kastila. At nagpapatuloy ito
sa ngayon sa mga palabas sa te1ebisyon bilang isa sa mga bumubuo ng
kulturang popular. Bilang isang diwa, nakapaloob na sa damdamin at isipan
ng mga Pilipino ang pagpapatawa bilang pagbatikos sa kolonyal na
kapangyarihan. Makikilala ang pantawang pananaw mula sa mahabang
naratibo ng karanasan at kasaysayan ng mga Pilipino. Sumasabay ito bilang
diwa at dalumat sa iba't ibang anyo at genre ng panitikan. Sapagkat, hindi
naman masasabing isang likas 0 lantay na uri 0 anyo ng panitikan ang
pantawang pananaw ang pagiging ref1~ksibo at dinamiko nito sa takbo ng
panahon.
Gayundin, bahagi ng kritikang intertekstual ang pakahulugan,
deskripsyon, at puna ng pantawang pananaw bilang isang pagbasa sa pagkaka-
ugnay mula sa dula, at pagtatanghal hanggang sa palabas sa mga isyung
pampolitika at pangkultura sa isang bansa. Samakatuwid, isang kritikang
panlipunan ang tawa bilang pananaw na maaaring sabihing impluwensyal
upang makapagdulot ng malalimang repleksyon at pagsusuri sa gitna ng
pagtawa 0 paghalakhak. Bilang isang pagbasa ang mananaliksik ay gagawa ng
sarbey sa paglilinang sa salaysay at saysay ng pantawang pananaw. Hindi
nagtatakda ng isang ganap na kasaysayan ang gagawing pagtalakay sa
kabanatang ito. Layuning bumuo ng sarbey ang pagsasalaysay na ito mula sa
naitalang naratibo, kuwento 0 teksto. Kasama rito ang pagtalima sa dalumat
ng pantawang pananaw sa pagbabalik mula sa nakaraan. Hahatiin sa dalawang
punto ang gagawing paggalugad sa nakaraan. Kabilang sa sarbey na ito ang
mga sumusunod: (1) Pusong mula saJuwentong bayan, (2) entremes at
saynete mula sa komedya at sarswela, ("3) drama, ( 4) comedy skits mula sa
bodabil, (5) dula mula sa programang panradyo, at (6) palabas sa telebisyon
na may Impersonasyon.
Magandang balikan ang ilan sa mga datos na nagpapatibay sa ganitong
penomenon ng tawa na hindi lamang bilang pang-aliw sa manonood bagkus
isang pagpuna 0 kritika.

83
R.V.NUNCIO

Mula sa Kwentong-Bayan-Ang Pusong

Mayaman at laganap ang mga kuwentong-bayan sa oral na tradisyon.


Pasalin-salin sa bukambibig ng mga taong pinanggalingan, tumangkilik, at
tumatangkilik pa rin sa mga kuwentong ito. Bilang daluyan ng pantawang pananaw
masasabing nagsimula pa noong bago pa man dumating ang mga Kastila (ika 16
na siglo pababa) ang mga kuwentong bayang ito. Kung tutuusin ang pagsusuri sa
konteksto nito ay bilang isang social praxis. Bago man ito tinaguriang isang
panitikan isang matibay na kinagawiang tradisyon at pamumuhay ang pagsasalin
ng kani-kanilang, kaalamang-bayan. Ayon kay F. Lando Jocano ang pasalita ng
mga Pilipino ay nagbubunsod sa isang malakihang rekonstruksyon ng kontekstong
panlipunan ng sinaunang kasaysayan; ito tin ay nakakapagbigay ng mas mahusay
na pag-uunawa sa mga detalye ng ganitong tradisyon sa kasaysayan na nagsilbing
pundasyon ng kasalukayang kultura at lipunan ng mga Pilipino (1967).
Samakatuwid, ang puno't dulo ng tradisyong oral ay nasa kaligirang panlipunan
na tumatalakay sa buhay-buhay, kostumbre, paniniwala, sining, at espirituwalidad.
Isang malaking dagok kung ituturing na primitibong panitikan ang
nakapabilang sa ganitong tradisyon. Mahirap tukuying isang prirnitibo ang
anyo ng kuwentong-bayan at isang lipunang walang sistemang panulat ang
pinanggalingan nito katulad nang nabanggit ni Arsenio E. Manuel.

The best examples ofprimitive literature may be fOund in non-


literate societies. Illiterate bearers carry on the traditJons supposed
to have been transmitted through the ages for
generations .. . because these traditions are oral or verbal. A
collection of such traditions may be labelled primitive literature
(1967:255).

Sa katunayan, tumuturollamang sa aspekto ng pan.aPon 0 peryodisasyon


ang konsepto 0 bansag/taguring primitibo. Subalit taliwas ito sa nilalaman ng
nasabing tradisyon. Sa ganitong argumento, rnasasabi bang ang nilalaman ng
acing kultura sa ngayon ay rnagiging primitibo rnakalipas ang limampu 0 sandaang
taon?
Hindi pa patay ang tradisyong oral sa ngayon bagkus nakikipagsabayan pa
ito sa ilang bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa rnga probinsya. May sistema tin ng
pagsulat ang rnga sinaunang Pilipino. Hindi lamang patungkol sa pagkakaroon
ng alpabeto 0 wikang napreserba sa panitik ang sistema ng panulat (alibata).

84
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

Namayani ang tradisyong ito sa paninimbulo sa gawang sining at kilos ng mga


tao noon.
Kasama sa paninimbulong ito ang mga nakakatawang kuwentong-
bayan ukol kay Juan Pusong 0 Suan ng mga Tagalog at mga Kapampangan,
Juan Usong (Osong) ng mga Bikolano, Juan Pusong ng mga Taga-Bisaya
at Sulo; at Pilandok ng mga taga-Maranao (Eugenio 1989). Bakit
paninimbulo? Dahil sa kuwentong-bayan hindi natin masasabing nangyari
ang mga salaysaying ito sa kanilang karanasan 0 kasaysayan. Bagkus,
malalaman ang mensahe ng mga nakakatawang kuwentong-bayang ito sa
pagsipat sa tawa bilang kritika sa karanasan at kultura ng mga sinaunang
Pilipino.
Gamit ang ginawang koleksyon ni Eugenio, susuriin sa bahaging ito
ang tatlong kuwentong-bayan ng Pusong na nagmula sa mga Cebuano (369-
70), Waray (370-71) at mga Muslim ng Sulu (379-80). Tingnan sa kasunod
na pahina ang balangkas ng naratibo ng tatlong nabanggit:

Mga Kahulugan ng mga titik 0 unit ng naratibo:

A bida
B ang Hari 0 taong binibiro ni Juan
T mga nakakatawang pagbibiro
X tunggalian 0 komprontasyon ng A at B
C tagapamagitan, maaaring isang tao 0 hayop
Ct pangogoyo 0 pagbibiro sa tagapamagitan
Y pagtakas ng bida
Yt - panloloko 0 pagbibiro muli ni A kay B
Z - kongklusyon ng kuwento

Sa kabuuan, ang pinakabuod ng kuwentong ito ay tungkol sa


pakikipagsapalaran ni Juan Pusong at sa kanY:ng pakikipagtunggali sa hari 0
datu sa pamamagitan ng pagbibiro at pagiging tuso. Sa bandang huli, ang
kanyang katawa-tawang pagbibiro ay nagdudulot sa kanya ng kapahamakan
ngunit sa ganito ring pagbibiro siya nagwawagi. Anong paninimbulo 0 signos
mayroon ang mga kuwentong nabanggit? Gamit ang mga talang
pangkasaysayan at ibang panunuri sa kalagayan noon ng mga Pilipino, basahin
ang teksto sa punto de bista na ibinigay ni William Henry Scott (1982) at sa
perspektiba rin ng dalumat ng pantawang pananaw.

85
R.V.NUNCIO

Cebuano Waray Muslim ng Sulu


A Pusong Pusong Posong
B Hari Hari Sultan at Pitong datu
T Pinutol ang bun tot ng Gustong makuha Biniro at nakipagtalik
mga baka at ibinaon ang pabuya ng hari sa anak na babae ng
sa putikan. Sinabi sa sa pamamagitan ng Sultan isang gabing
hari na nalunod ang pagpapanggap na umuulan.
mga baka. may lorong
nagsasalita.
X Nalaman ng hari ang Kahahabol ng hari Pumunta sa pitong
kalokohan ni Juan at sa 10ro siya ay datu na
inilagay siya sa hawla napunta sa dumi ng nagpapagalingan para
at ipinatapon sa mga hayop. HinuIi sa kamay ng dalaga at
dagat. si Juan at itinali sa sinabi ni Posong na
poste. nakipagtalik siya sa
anak ng hari na kasin-
sarap ng nganga.
Hinabol siya ng mga
ito.
C Isang lalaki Prinsipe Mga mababangis na
hayop sa gubat
Ct Inalok na ikakasal Inalok ang Prinsipe Sa hudyat ng gong
ang lalaki sa anak na na mamili sa mga nang tamaan ng mga
babae ng hari kung anak na babae ng karibal ni Juan
makikipagpalit ng hari upang nagising ang mga
puwesto. pakasalan natutulog na mabangis
na mga hayop.

Y Nakatakas si Juan at Bumalik si Juan sa Nakatakas si Juan


bumalik sa hari hari na nakasuot mula sa mababangis
nang marangyang na hayo at sa mga
kasuotan mula sa karibal niya
prinsipe
--
Yt Sa panloloko uli ni Sinabing maraming
Juan sinabi niyang ginto at kayamanan
hinahanap ng mga sa ilalim ng dagat
kamag-anak ang hari
sa ilalim ng dagat
Z Ipinatapon ang hari sa Inutusang itali at Nilamon ng mga
dagat at si Juan ang itapon ang hari mababangis na hayop
naging bagong hari upang makita nito ang pitong datung
ang mga karibalniJuan
kayamanan sa
ilalim ng dagat
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

Ayon kay W. H. Scott, hindi totoong mahirap halikan ang kasaysayan ng


mga sinaunang Pilipino dahillamang sa itinakda ng mga Kastila na wasakin
ang mga lahi ng kalinangang panulat 0 pasalita at ng mga kaalaman noon.
Ang mga Kastila ang may monopolyo sa pagbuhuo ( 0 pagwasak) ng panihagong
kaalaman upang lapastanganin ang kultura, kasaysayan, at kamalayan noong
panahong iyon. Suhalit may mga guwang sa teksto ( cracks in the parchment)
na maaaring hasahin hatay na rin sa tradisyong pasalita na naging daluyan ng
mga kuwento kay Juan Pusong at hatay na rin sa ginawang koleksyon ni Eugenio
(1989). Ano ang maaaring ipasok sa paghasa ng mga guwang na ito?
Patungkol ang unang paliwanag sa pag-usisa upang mang-uyam at
manudyo sa harap ng may kapangprihan, i.e., karaniwa.tlg hari 0 sultan. Kung
susuriing mahuti, si Juan Pusong ay isang ordinaryong tao lamang na mahilig
maghiro sa hindi katulad niya (sa konteksto ng nahanggit na kuwento) kundi
sa katauhan ng mga hari at datu-silang mga angat sa estado sa lipunan.
Maaaring hindi totoo suhalit sino naman ang makapagsasahi gayong dumaan
sa mahabang panahon ang pagsasalin sa bihig ng ganitong kuwento. Kung
tutuusin, sa pagdating ng mga Kastila at sa ilang anyo ng dula na galing,sa
Espanya, ang pamumusong ay naging kasa-kasama hilang komentaryo sa
pagtatanghal. Isang patunay na ang pusong at pamumusong ay bahagi ng
pagganap at paggamit sa wikang pasalita.

And these events, as signal social events, not only take place in,
but. . .are made by their characteristic forms of talk, for these
forms of talk are much like those other event-making forms of
language (Feldman 1991: 49).

Kung kaya't maisasama sa pagtatanghal ang mga kuwentong pusong sa


dahilang sa pamamagitan ng pagkukuwento at pagsasalin-salin nito sa ibang
bibig, ang kaganapan ng buhay at kaisipan.ang naipapaahot sa ihang
nakaririnig 0 nakaaalam. ~
Hindi ang pagkamito ng kuwento ang punto rito, hagkus nakatuon sa
mensahe at simholo lahan sa imahe ng kapangyarihan. Katulad ng sa Sulo,
sinahing lumaganap ang kuwentong Pusong noong panahong nanungkulan
ang isang sultang diktador 0 autokratiko. Maipapalagay na gumamit ng
kuwentong Pusong ang mga tao noon upang paglaruan ang imahe ng Sultan
at upang ilahas ang kanilang saloohin sa kagustuhang makaganti sa katauhan
ni Juan Posong (Eugenio, xxxv).

87
R.V.NUNCIO

Umaangkop sa pantawang pananaw ang katauhan ni Juan Pusong bilang


aktor sa pagpapatawa at pagbibiro. Sinusumbatan ng kuwento ang
kapangyarihan sa katauhan ng isang tuso at mapagbirong tao. 5i Pusong, 0
Posong, ay isang karakter na masasabi nating binuo sa tradisyong pasabi at
gumamit ng pangungutya, panggagaya 0 pagpapanggap at panloloko. Subalit
hindi dapat tingnan nang negatibo ang mga katangiang ito ni Posong, tulad
nito:

Juan Pusong) is ... a scampish young Filipino mCkste0 whose


swindles, notorious escapades, and practical jokes are always
amusing, frequently off-colo0 sometimes obscene but rarely
villainous (Hart and Hart, 1996: 3 I 5).

Maituturing na isang pagtingin sa kapangyarihan ng tawa 0 pagpapatawa


ang mga kaparaanan ni Posong. Nakatatawa nga ang mga ito dahil ginagawa
nitong mangmang ang hari at sa bandang huh si Posong ang humahalili at
nagwawagi. Katangian ito ng pagsupil at pagbaligtad sa kapangyarihan; na
kahit sa panahong bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga sinaunang
Pilipino ay nagpapatawa at nagbibiro na upang tanungin ang nasa
kapangyarihan. Ito ang guwang sa mga kuwento at kasaysayang maituturing
na patungkol sa kamalayan at karanasang Pilipino noon. Batid pa nga ni F.
Landa Jocano na:

Oral fOlk literature fUnctions in society as a means through which


s
the people faith in the efficacy of their tradition is affirmed.
and their convictions strengthened. It constitutes the framework
of meaning and values in terms of which the people interpret

.
their experience and gwde their actions (1967: 307).

Mula sa Komedya at Sarsuwela: Ang EntreirJes at Saynete

Sa pagpasok ng mga Kastila bilang mananakop, ginamit nila ang espada


at krus upang palawakin at pagtibayin ang kolonisasyon sa loob ng tadong
daang taon, i.e., mula 1565-1898. 5ubalit hindi lamang espada (pamahalaan
o puwersang Kastila) at krus (Katolisismo) ang dala nila, ginamit din nila
ang maskara-pagsisimbulo sa drama-upang isama bilang kolonyal na
inobasyon sa pagsakop sa aspekto ng pangkultura ng kamalayan at karanasang

88
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

Pilipino. Ang mga mananakop na Kastila, lalung-Ialo na ang mga Prayle, ay


gumamit ng drama bilang kasangkapan sa Kristiyanisasyon at Hispanisasyon
(Tiongson 1989: 2) at hilang isang paraan ng pagtuturo at komunikasyon sa
mga Pilipino (Fernandez 1996: 5) .
Pangunahin na rito ang komedya na nanggaling mismo sa Espanya noong
ika-16 na siglo. At sa pagsapit ng ika- I 8 na siglo nang tuluyang naipasok ng
mga Kastila ang kulturang lahas sa kaisipan at kagawian ng mga Pilipino,
dito na simulang itinuring na komedya ang pagtaranghal (Lumbera 1987).
Tinawag din ito bilang 1inambay sa Cebu, kUmJdya sa Pampanga, hadi-hadi
sa Leyte, at moros-moras sa Hiligaynon (Fernandez: 9). Karaniwang umaahot
ito mula tatlong oras hanggang dalawa 0 maraming araw sa pagtatanghal.
Mayroon ding dalawang klase nito: una, hilang sekular na tumatalakay sa
pag-ihig, pakikipagsapalaran; at ikalawa, hilang re1ihiyoso na naghihigay pugay
sa mga buhay ng mga santo.
Karaniwang tungkol sa tunggalian ng Moro at Kastila ang tema ng
komedya 0 moro-moro na umiikot sa kanilang pag-ihig sa iisang habae
(Muslim 0 Ktistiyano). Ang ilan sa mga komedya ay tuwirang nanggaling sa
awit at korido na naging tanyag 0 popular sa mga taga-hayan tulad ng Don
Juan Tiiioso, Dace Pares de Francia, Pnncipe Amante, at Pnncipe Baldovino
(Tiongson 1982). Pulos tungkol sa kaharian, pantasya, at pag-ihig ang
malalaking tema ng komedya. Dahil dito naging pangunahing pang-aliw
ang mga pagtatanghal na ito tuwing may pista sa mga hayan.
Sa Cehu, ang flnamhay( tawag sa komedya)-ayon kay Resil Mojares-
ang naging isang mahaha at mayamang tradisyon sa mga taga-Villadolid.
Ang pagtatanghal nito taon-taon ang naging socialpraxis ng taga roon mula
1840 hanggang 1940 dahillumalahok ang lahat ng tao sa hayan sa paghuhuo
ng entahlado, pagganap at pagsasanay ng mga aktor, kaayusan at kahandaan
sa huong pagtatanghal (I985).
Sa pagpasok ng ika-20 siglo, dum~ng naman ang impluwensya ng
sarsuwela mula rin sa Espanya. Ipinangalan ang hagong anyong ito ng
pagtatanghal mula sa Palacio de 1a Zarzue1a, malapit sa Madrid. Ang mga
pagtatanghal na ito ay ginagawa noon sa Espanya sa harap ng hari at tinawag
na fiestas de 1a zarzue1a (Fernandez: 14):'
Sa pagsasapilipino nito, tinawag itong sarsuwe1a na tinuran hilang dulang
mayawitan. Yumabong ang dulang ito sa mga Tagalog, Kapampangan, Hoko,
Bikol, Cehuano, Honggo, at Waray. Ayon kay Tiongson, pinapaksa sa ganitong
pagtatanghal ang tungkol sa pag-iibigan ng mayayaman, pagtutuligsa sa mga

89
R.Y. NUNCIO

usurero, politiko, mapaniil na may-ari ng lupa, at mga lalaking tamad na


walang ginawa kundi magsugal at magsabong (1989: 29).
Si Severino Reyes at ang kanyang isinulat na R.LP. ang naghudyat sa
kamatayan ng komedya dahil sa pagpasok ng sarswela. Nagkaroon ng mga
grupong panteatro at itinanghal ang mga sarsuwela sa Zorilla; naging sikat si
Atang dela Rama sa Dalagang Bukid (isinulat ni Hermogenes Hagan) at
naging kapansin-pansin din ang pagtalakay sa kalagayan at kostumbreng
Pilipino.

Pamumusong mula sa Saynete 0 Enfremes

Dahil nga sa mahahaba ang karaniwang pagtatanghal ng komedya at


sarswela sa pagitan ng bawat yugto 0 sa bawat araw ng pagsasadula, sinamahan
ito ng tinatawag na saynete 0 entremes. Nakaugalian na rin namang singitan
ang mga yugto ng komedya ng iba't ibang uri ng awit, sayaw at pati na ng
himnastika, tulad ng nangyari sa pagpapalabas ng Principe D. Fernardo del
reino de Sansuena sa Teatro de Tanduay noong 1894 (sinipi ni Tiongson,
1982 sa aklat ni Laconico-Buenaventura: 84). Ang sayneteng Tagalog ay
walang iniwan sa sayneteng Kastila sapagkat kapwa maiikling dula ang mga
ito na umiinog sa buhay-buhay ng karaniwang tao at kadalasa'y may mga
masasamang ugali 0 kaisipangpinupuntirya (1982: 45). Masasabing ang
saynete ay isang dula sa isang dula. Sa komedyang Ilokano Ip.ababanggit ang
"suelto" na "isang maikling awit at tunggaliang pabigkas ng lalaki at babae
na madalas nakatatawa at/o may kapilyuhan na karaniwang itinatanghal
[bilangJ intermisyon (Tiongson, 1982, sinipi kay Tupas, 1974):'
Sa naging paglalahad ni Fr. Joaquin Martinez de Zuniga, O.S.A. noong
circa 1800 nang mapadpad siya sa Lipa, Batangas, sinasabi niyang sa bawat
pagtatanghal ng komedya, na kadalasang ang uri ay mora-moro, may pagpuna
rito na nilalahukan ng mga pusong mula sa manonood.

Each native play has one or two comedians who make the crowd
laugh with their witty remarks. The comedians are lavishly dressecl
with knapsacks on their shoulders, in which they carry wine and
food. . .After a comedia, a comedian goes on stage to give his
comment on the plar- citing its glaring defects, and in
imitation ... relates the frauds of those who think that they can
write plays; then he criticizes some of the actuations of public

90
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

servants. Everyone laughs induding the targets of the jokes who


laugh wittingly or unwittingly (Zufiiga 1973: 82).

Ang ilang manonood mismo ang nagiging pusong upang libakin at


pagtawanan ang nakikita sa pagtatanghal. Dagdag pa rito ang pagtuligsa sa
pamahalaan at mga naglilingkod dito. Isang paningit, kung maituturing
ang saynete 0 isang intermisyon, sa pagtatanghal ng komedya at sarsuwela.
Sa bukambibig pa nga ni Tiongson (1982) ang ganitong paningit ay isang
variety show--may tawanan, kantahan, sayawan, at dulaan.
Maaaring nasa labas 0 hindi kalahok mismo sa dula ang pusong
katulad ng nabanggit ni Fray Martinez at maaari rin namang kabilang sa
pagtatanghal mismo bilang alalay ng prinsipe 0 hari. Tingnan ang sinabi ni
Resil Mojares ukol sa gracioso na kasama sa pagtatanghal ng linamhay sa
Valladolid:

... [He] is something of a fi-ee element; detached fi-om the ah-


stracted hierarchy depicted by the pIa;; a role partly signified hy
his whimsical name. Indeed.. the gracioso is more than just a
localism. To a certain extent; he has a subversive potential: he
exists outsIde of the pia;; moves through it like a running com-
mentary- a living cancature, and cnnCism, ofthe pretensious world
of the nobility. Of me time fi-ame we are considerin~ however,
s
he does not fully function in this manner at all. He is the prince
bumbling and empty-headed ward.. the epitome of the childlike
disorder of which the prince is the foil(1985: 88).

May dalawang klase ng kritika ang pamumusong sa tuwing may komedya


bilang palabas: una, tumutukoy ito sa panloob na pagkritik at ikalawa, sa
panlabas na pagbasa.
Tumutukoy ang panloob na kritika sa kalabisan 0 kakulangan ng
makikita sa palabas 0 yaong sa estruktura at nilalaman ng isang dula.
Maaaring sa bahagi ng nagsipagganap, ang set 0 paghahanda sa pisikal na
kaayusan, ang kagandahan at kahusayan ng nakikita at naririnig ng mga
manonood ang tinutukoy dito. Sa tuwirang pagkilatis sa puntong ito, ang
pusong ang nangingibabaw sa pagpuna, siyempre pa sa pamamagitan ng
pabigkas na pagpapatawa. Samakatuwid, ang nagsisipagpusong din mismo
ang mahihinuha nating pinakaunang kritik ng dula sa panahong iyon.

91
R.V.NUNCIO

Samantala, sa ibang pagtingin, ang pamumusong ay isang mahusay na


pagpapakita ng pagkilos at pagkakasatuparan sa hangaring lagyan ng politikal
at sosyal na pagbasa ang isang palabas. Tumutukoy mismo ang eksternal na
pagbasa sa pantawang pananaw. Upang higit na maunawaan ang pagbasang
ito, susuriin sa bahaging ito ang masasabing isa sa mga sayneteng napreserba;
mula ito sa panulat ni Francisco Baltazar noong 1860.

Pagsusuri sa La India E1egante Y E1 Negrito Amante

Katulad ng nabanggit, ang sayneteng ito ay ginamit bilang paningit sa


komedya at pumaksa sa pag-iibigan ng dalawang Pilipino. Umiikot ang
kuwentong ito sa panliligaw ni Kapitan Toming, na isang Ita, kay Menangge.
Habang naghahanda para sa pista ng bayan, si Toming naman ay abalang
sinusuyo ang kanyang nililiyag. Subalit hindi siya pinapansin ng babae dahil si
Toming nga'y isang Ita. Kung kaya't nagbihis Kastila siya upang mapansin ng
babae.

A ber; kung siyay suminta


Ngayong ako y de-1ebita,
Pagkat ang aking hitsura
KastIla t hindi na Ita
(CCP Encydopedia: 199).

Nagdamit ng mestisong Tagalog, baro't salawal Intsik at damit-


morong Balangingi ngunit pagdaka'y hindi tumalab ang pagpapalit-damit.
Kung kaya't pinagtawanan at kinutya ni Uban, isang pusong, si T oming
sa ginawang pagbabalatkayo. Matapos nito bumalik si Toming na dala-
dala ang pana at sibat; sinimulang suyuin muli si Menangge. Muntik
nang umayaw muli ang babae ngunit pinagsabihan ito ~Toming na huwag
tumingin sa kulay ng balat. Sa bandang huli, nagustuhah din ni Menangge
ang nanunuyong si Toming.

y
Sa pagsinta wa1ang hindi sumusuko
Ang 1a1ong malJap ay napaaamo,
Ang tigreng mabangis na uhaw sa dugo
Daig ng pag-ibig at napasusuyo
(CCP Encydopedia: 200).

92
SAYSAY AT SAlAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

Nakatatawa kung pagmamasdan ang pagbabalatkayo ng isang Ita


habang nakasuot ng magagarang damit na hindi katutubo sa kanya.
Maaaring basahin ang sayneteng ito bilang paghuhubad sa imahe ng
kolonyalismo. Pagsasa-imahe ang pagpapalit- damit ng katauhang hindi
taglay at nagpapakita ng karuwagan sa pagkatao. Isang eksternal na kritika
sa panloob na kalagayan ng katauhan 0 kakanyahan ng mga Pilipino ang
panlilibak ni Uban sa nabanggit na saynete. Isang pagsumbat ito sa
katayuang kolonyal ng pag-iisip at isang pagkritik sa paiba-ibang identidad
ng mga tao. Ngunit sa naratibo ng pag-iibigan sa kuwento muling
makakamtan ang ligaw na identidad hindi lamang sa panlabas na kaanyuan
bagkus sa kagandahan ng loob. Maaaring sabihin na ang sayneteng ito ay
isang pagbasang sosyo-politikal sa panahong laganap mismo ang kaisipang
kolonyal mula sa aspektong panrelihiyon, pang-ekonomiya, pampolitika,
at pangkultura. At sa pagkritik sa mga ito, ilalabas ang tunay na identidad
tungo sa kasarinlan ng imahe, katawan, diwa, at kamalayan bilang Pilipino.

Dramang Katatawanan

Ang drama ay tinatayang galing rin sa Espanya noong ika-19 na siglo.


Karaniwang pinapaksa nito ang buhay-buhay, kaugaliang masasabing di kaaya-
aya tulad ng pagsusugal, pag-iinom, na umiikot sa kuwentong pag-iibigan. Ayon
kay Jocson (1993), hindi nawala ang mga dulang katatawanan sa kabila ng mga
pagbabago ng anyong komedya at sarsuwela. Dagdag pa niya: "Subalit dahil
napagtagumpayang tingnan ang komedya bilang isang tradisyong naghihingalo
at sa kalauna'y mamamatay, pumaloob sa panahong ito, halimbawa'y sa mga dula
nina Patricio Mariano, Severino Reyes ...Julian Cruz Balmaseda, Hermogenes
Hagan, Ahsto Matangbaka at Tomas Remigio na nakapagluwal ng mga dulang
katatawanan paris ng "Yayang" (1905), "R.I.P." (1902), "Sino ba Kayo?"
(1943) ... "Dalawang Hangal" (1904) ...at "~gaSantong Tao" (1993:26).

Pagsusuri sa "Mga Santong Tao:"


Pagsasara sa Tel on ng Pananakop ng Kastila2

Ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang Ambrosio at Titay. Sa


kahirapan at kaapihan na nararanasan nila sa kamay ng mananakop na

2 Ang dulang nabanggit ay galing sa CCP Encyclopedia of Philippine Arts, Theater, Vol. VII.

93
R.V.NUNCIO

dayuhan, nagplano si Titay upang gantihan ang mga nasa kapangyarihan.


Sinabi niyang nagkakagusto sa kanya ang tatlong pinakamakapangyarihang
tao sa bayan-ang Kura, ang Piskal, at ang Sakristan Mayor. Inilantad niya
kay Ambrosio ang plano at kung papaano gagawin kaagad sa dahilang
nagnanais ang Kura na akusahan si Ambrosio bunga ng pagtanggi ni Titay sa
kanyang pag-ibig. Nang bumalik ang tatlong manliligaw, sinabihan ni Titay
ang mga ito na dumating sa takdang oras at dalhin ang kani-kanilang regalo.
Dumating ang Kura nang alas siete at bitbit niya ang mga naipong salapi sa
simbahan. Nang sandaling gus tong yakapin ng Kura si Titay, biglang may
kumatok sa pintuan. Nagtago ang pari sa akalang ang asawang lalaki ang
dumating. Pinapunta siya ni Titay sa silid ng mga santo. Inilagay ni Titay
ang krus sa balikat ng kura at nagmukhang Nazareno. Sinabihang huwag
gagalaw dahil sa baka malamang may ibang tao sa silid. Dumating ang
Sakristan Mayor nang alas otso at dala-dala naman nito ang isang bag ng
mga salapi. Sa pagkakataong iniaalok ang gustong pagsuyo, kumatok naman
ang isa pa sa pinto. Laking takot ng Sakritan Mayor kung kaya't nagtago sa
silid at nagpanggap bilang si Kristong nakapako sa Krus. Ang Piskal naman
ang dumating dala-dala rin ang mga salapi ngunit bigla ring nagtago't
nagpanggap bilang Ecce Homo nang dumating na talaga si Ambrosio na
may dalang itak. Kasunod niya ang ilang taong naghahanap ng mga santo
para sa prosesyon. Ipinakita ni Titay at Ambrosio ang mga santong natural
ang hitsura, pinapawisan, at makikita sa mukha ang pagdurusa. Gustong
bilhin ng mga bisita nang nakita ang tatlong santo at ipinakita rin ni Ambrosio
ang isang milagro. Pinaso niya sa puwet ang Kura at kumaripas ng takbo.
Isang paglalaro at pagbibiro sa imahe ng kapangyarihan ang ipinakita
sa dramang ito. Ang imahe ng kapangyarihan sa kanyang kalabisan, pag-
aabuso, at kalupitan ay napapahina ng tawa. Ang tawa dito ay pagsasaanyo
ng imahe upang mang-uyam at manlibak sa katauhan ng mga kolonyalistang
Kastila. Ang kapangyarihan ay naging imahe ng kaw~ang-kapangyarihan.
Dahil sa kapalaluan ng mananakop, naging tampulan ng pantawang pananaw
ang katawan at imahe ng dayuhan. Nilibak kasama rito ang imahe ng simbahan
o ng relihiyon. Sa katunayang dapat na ito ang magturo ng kababaang-loob
at pagmamahal sa kapwa-tao, naging instrumento lamang ang simbahan upang
palaganapin ang programang kolonyal ng mga Kastila. Isang subersyon ang
proseso ng pagpapatawa sa ganitong pagbasa. Nakapangyayari ang pagtawa
sa isang dulang subersibo dahil sa pinagdaanan nitong tradisyon at kasaysayan
(Respeto 1999).

94
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

Mula sa Bodabil

Kasabay sa pagpasok nang taong 190 lang pagdating ng vaudevIlle at


nang taong 1916 naging voda-viI 0 bodabil na ipinakilala ni Sunday Reantaso
sa kanyang pagbabalik mula sa Estados Unidos (Fernandez: 16). Kalimitan
itong pagtatanghal na binubuo ng musical at comedy skits at monolog, sayaw,
at iba pang palabas (CCP Encylopedia: 68). Ang kasaysayan ng pagdating
ng bodabil sa ating bansa ay masasabing isang kolonyal na pamana na
karaniwang pagbibigay-pugay 0 pagtangkilik saanyo ng entertainment na
mula sa Amerika.

The numbers, of course, and the style ofperfOrmance all came


trom their American models. Not only jazz and blues were
introduced, but also American ballads and the Latin beat; chorus
girls and contortionists; acrobats and stand-up comics, animal
tricks to rival the circuses in town, tap dancing andjitterbug( CCP
Encylopedia: 69).

Nagkaroon tayo ng magagaling na mananayaw tulad nina Benny Mack at


Bayani Casimiro. Si Casimiro rin ang tinaguriang Fred Astaire ng Pilipinas, si
Canuplin bilang Charlie Chaplin, Kathy de la Cruz bilang Sophie Tucker, Eddie
Mesa bilang Elvis Presley, at Diomedes Maturan bilang Perry Como (26-27).
Nang dumating ang mga Hapon, ipinagbawal ang mga pelikula na
impluwensya ng mga Amerikano. Nagkaroon ng tinatawag na stage show bilang
hbangan at pang-aliw sa mga tao. Sa pagitan ng bawat palabas, hinahaluan ito ng
bodabil 0 variety show. Sa ganitong malawak at iba't ibang sahog na pang-aliw sa
manonood ang pagpapatawa na may kasamang pang-uuyam ay pumalaot din.
Katulad ng satire na bumabatikos sa mga politiko sa panahon ng eleksyon (69)
gayundin ang katatawanang pagdaong ni M~r at paninira sa mananakop
(70) ay sadyang naging instrumento ng kritika sa lipunang binabalutan ng
kolonyalismo.

Afier theJapanese lefi, bodabil went back to copying andaping Amed-


can perfOrmers. Although it produced some 'originals' like the
Reycard Duet:, it has since faDen on bad times, with shows that con-
tain vulgar skits, acrobatic acts, and 'fashion shows: . .(Fernandez,
21).

95
R.V.NUNCIO

Dulong Ponradyo: Kuwentong Kutsero

Dahil na tin sa mahilis na pag-unlad ng teknolohiya. sa pagdating ng radyo


tinangkilik ng mga tagapakinig ang Kuwentong Kutsero na tinipon at isinulat ill
Epifanio G. Matute. Sinasahing sinimulan ito ng Ateneo huang karaniwang
palatuntunan sa radyo ... at ginawang satirikal at ihinatay sa huhay-huhay ng
pamilya ng isang kutsero (Matute 1997:vii)' Tinalakay ng programang ito ang
hinaing ng samhayan at ang kahulukan ng pamahalaan sa pamamagitan ng iha't-
ihang tauhan 0 karakter na humuhuo rito. Nagsimula sa radyo nguillt lumahas
din ito sa tanghalan. telehisyon. at pelikula. Tumagal ang Kuwentong Kutsero
hanggang sa tinatawag na First Quarter Storm hago pinairal ang Martial Law
(Matute. ix).
Kinahihilangan nina Tehan. ang kutsero; Terya. asawa ill Tehan; Tony.
anak na ahogado; Celia. anak na guro; Junior. hunsong anak; at Lolo Hugo
huang mga pangunahing tauhan ng dulang panradyong ito.
Isang halimhawa ng kuwentong ito ang iskit na pinamagatang
"Politikang Kasoy!" na humanat sa walang kuwentang pamumulitika ng
mga politiko sa tuwing sasapit ang eleksyon. Nagsimula ang dula hahang
ipinaalala ni Tony ang araw ng pagpapatala sa presinto. Kasama ni Junior
si Lolo Hugo upang magparehistro nang malaman niyang hindi pala
madaling magpalagay ng pangalan kung matanda na. Mahirap makipaghuno
sa inspektor lalo na kung walang kasama ang isang matanda. Dito nagkaroon
ng walang humpay na katatawanan nang hingin ng inspektor ang edad ng
matanda. Akala ni Lolo Hugo ang kanyang nasirang asawang si Idad ang
itinatanong. Ipinagmalaki ng inspektor na walang maaaring humotong
patay sa presinto niya. Hindi ito sinang-ayunan ni Junior at sinahing noong
nakaraang eleksyon. maraming patay ang humoto. Samantala. nalalapit na
ang eleksyon at isa-isang nangangampanya ang mga kandidato. Isa na rito
si Alik 0 Mang Alikahok J. Alikahok na kandidat~a pagkarepresentante
sa ikalimang distrito ng Maynua. Tinatawag na AKP ang kanyang partido.
na ang ihig sahihin. "Alikahok Kawatan Party." Kung tutuusin isa itong
pagsumhat sa mga gustong kumandidato na gusto lamang niagnakaw sa
kahan ng yaman. Imhis na "Kinatawan ng Bayan" nagiging "Kawatan ng
Bayan" ang hansag sa kanila. Nang magkampanya na si Alik sa Plaza
Miranda. sinahi niyang siya ang unang makikinahang sa tulong ng Amerika.
Bilang paghuhuod sa kanyang litanya:

96
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

'Pakinggan ninyo ako, mga kababayan ... hindi makapipigll sa


aking panalo sa halalan ni ang kamarayan ...pagkat kahit na ako
malagot ay tljak na babalik sa lupa . . .Sapagkat siguradong hindi
ako ratanggapin, maging sa langit. . .at kahit na sa impierno! Kaya (
asahan ninyong ako'y tljak na uupo ar uupo sa Kongreso,
pagkatapos ng halalan ... Kundi man ako maupo ... kahit
na ...paringkayad...makikita ninyo ako sa Kongreso (I 997: 28)/"

Mainam na ipinakita sa pananalitang ito ang paghuhubad ng imahe


upang maipakita ang katotohanan sa mata ng publiko. Gamit ang mass media.
partikular ang radyo, naging isang mabisang espasyo sa isang pampublikong
pagsusuri ang pangyayari sa komunidad 0 bayan sa pamamagitan ng
pagpapatawa sa Kuwentong Kutsero. Kumakatawan ang buhay ng kutsero sa
buhay ng mas marami pang maliliit na tao sa bansa na may malalaking mensahe
para sa mga nanunungkulan. Nakabibingi ang mensaheng ito na walang
humpay sa pagbatikos at paghimay ng mga isyung dapat harapin ng mga
politiko at taong nasa gobyerno. Nakatutulong man ang iba, katulad ng
paggawang pagboto ng ilang mamamayan tuwing eleksyon ang mas nakararami
namang politiko ay naghahangad lamang ng kapangyarihan, karangyaan, at
lubusang kamangmangan. Dahil sa ginawang pagpapatawa sa mga
makapangyarihan, napilitan si Marcos na ipasara ang programang ito nang
itinakda niya ang Batas Militar noong I972.

Ang Palabas na may Impersonasyon

Matapos ang pamamayagpag ng radyo, nagsimula namang umunlad pa


ang teknolohiya at naimbento ang telebisyon noong huling yugto ng dekada
50. Nagkaroon ng iba't ibang programa sa telebisyon. Naging palasak dito
ang mga entertainment 0 variety show at ilaIW'ang pormat 0 segment sa
telebisyon. Isa na rito ang komedi.
Nagsimula ang Ispup naong Marso 1999 bilang panggagaya sa pag-
arte sa mga palabas sa telebisyon, pelikula. patalastas. at politika. Karaniwang
pormat ang pasayahin ang mga tao sa pamamagitan ng ganitong pagpapalabas ..
Ginagaya nila ang bawat eksena, galaw. at ilang natatanging pangyayari sa
mga nabanggit na objek ng pagpapatawa. Hindi nagtagal, lalong naging
palasak ang pang-uuyam nila sa mga politiko at naging political satire ang
karaniwan nilang banat. Kung kaya, kapag may nasasaktan sa kanilang direkta

97
R.V.NUNCIO

o di-direktang patama sa nangyayari sa gobyerno, inilalabas nila ang ganitong


linya: "Ispup onli walang pikunan:'
Orihinal na cast nito ang malalaking pangalan sa larangan ng
impersonasyon tulad nina Willie Nepomuceno at John Santos, kasama rin
sina Raffy Rodriguez, Ruffa Mae Quinto, at ilang mandudula na galing sa
Dulaang Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Si Ginoong Mon del Rosario
Torres ang tumatayong Executive Producer at si AI Quinn naman ang
direktor. Hindi nagtagal, nagkaroon pa ng mga bago ngunit beterano na
ring impersoneytor pagsapit ng 2000, tulad nina Candy Pangilinan at Leo
Martinez. Nawala naman sa cast nito sina Raffy Roriguez at Ruffa Mae
Quinto. Hindi nagtagal naging isang mahusay na programa at
ipinagmamalaking orihinal na konsepto bilang palabas ito ng Chennel 5.
Dahil sa papuring natanggap mula sa ilang kritiko ng kanilang industriya,
nagkamit ang palabas ng ilang gantimpala. Kabilang dito ang 1999 KBP
Award for Best Comedy Show; si Willie Nepomuceno bilang Best Comedy
Actor, Ruffa Mae Quinto, bilang Best Comedy Actress na iginawad ng
Kapisanan ng Brodkaster sa Pilipinas (KBP); at Catholic Mass Media Award
noong 2000 bilang Best Comedy Show.
Nahahati ang palabas sa iba't ibang segment. Walang isang storyline
ang programa sa dahilang hindi naman situation comedy(sitcom) ang pormat
nito. Noong si Erap pa ang pangulo, may isang segment para sa erap jokes.
Mayroon ding "What I£:' na inalalagay sa isang sitwasyon ang karakter,
halimbawa kung si Nur ay tindero sa palengke, Erap bilang selda mayor 0 di
kaya'y si Cardinal Sin bilang gameshow host. May segment din na gumagaya
sa mga gameshows, soap opera, MTRCB review, MTY, at sa programa ni
Ernie Baron at Charo Santos-Concio, "Ang Maalala Mo Kaya".
Samantala, ang Eto na ang Susunod na Kabanata ay sequel sa naunang
palabas na pinamagatang Abangan ang Susunod na Kabanata. Nagsimula ang
palabas noong Abril 2001 at nawala sa ere noong Se~mbre ng taon ding
iyon. Pinangungunahan ito nina Tessie Tomas (Barbara Tengco), N oel Trinidad
(Anding Tengco), Nanette Inventor (Azucena Katuray), Berting Labra (Domeng
Katuray), Samuel Lagmay (Sammy Lagmay), Candy Pangilinan (Purita Lagmay),
Serena Dalrymple (Duchess Lagmay), at Jon Santos (impersoneytor). Si Johnny
Manahan ang direktor, sa panulat ng batikang si Jose Javier Reyes, at
pinamamahalaan ni Rowena Feliciano bilang executive producer.
Sa maikling panahon na itinagal nito sa ere naging mabisa ang pormat
nilang sitcom upang basahin ang pulso ng bayan. Nahahati sa taclong pamilya

98
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

ang palabas-pamilyang Tengco, Katuray, at Lagmay-na nagmumula sa


bahagdan ng mayayaman, gitnang uri, at mahihirap na tao. Ang cema 0 paksa
ng kanilang episode ay naayon sa pinakapatok na isyu sa pamahalaan at sa
lipunan. Si John Santos naman ang naglalarong impersoneytor sa palabas
samantalang kumakatawan lamang sa isa 0 kolektibong katauhan ang lahat ng
nags1S1pagganap.
Subalit sa kasaysayan ng palabas na gumagamit ng impersonasyon,
masasabing may naunang programa na kailangang balikan. Ngunit dahil ang
pagbasa ng pantawang pananaw ay gagawin sa diskurso ng kasalukuyan hindi
isasama ang mga ito. Nararapat na banggitin ang mga ito bilang pananda sa
pagpasok ng impersonasyon sa te1ebisyon bilang palabas. May ilang halimbawa
pa ng palabas na hinuhugot mula sa konteksto ng politika at lipunan ang
proseso ng panggagaya. Kung babalikan, ang Sic O'dock New5'-tinaguriang
pinakaunang pormat ng palabas na gumagamit ng impersonasyon-ay pumalaot
sa ere sa Channel 13 mula 1988 sa panahon ng panunungkulan ni dating
Pangulong Corazon Aquino hang gang sa huling yugto ng dekada 90.
Makikitang nililibak dito ang kapalpakan ng administrasyong Aquino. Kung
inyo ring matatandaan sina Gen. Fidel Ramos, dating Kalihim Juan Ponce
Enrile, Cardinal Jaime Sin, mga miyembro ng Gabinete, mga Senador, at mga
Kongresista ay hindi pinatawad ng mga impersoneytor tulad nina Ces Quesada,
Jaime Fabregas, Madelaine Nicolas, Leo Martinez, at Willie Nepomuceno.
Sa pagpasok naman ng dating Pangulong Fidel V Ramos noong 1992
nagkaroon ng ibang problema sa lipunan at ilang isyung hinarap ng pamahalaan.
Samantala sa Channel 2, ang palabas na Ahangan ang Susunod na Kabanata ay
malalim na sumuyod sa mga isyung pampulitika upang ipamukha ang katotohanan
at masayang ipahatid sa pamamagitan ng impersonasyon bilang pantawang pananaw.
Naging sikat si Kongresman Anding Tengco (Noli Trinidad) na may btakot-takot
na badigard at lagi styang nakasakay sa Pajero. May isa tin siyang anak na baliw at
drug-addictna si Dino (Anjo Yllana). Ipinakitwito aug pagiging gahaman sa
kapangyarihan, salapi, at karahasan ng mga politilCo.

Kahulugan ng Impersonasyon

Ang impersonasyon ay panggagaya sa mukha, imahe, katawan, esensya,


kaisipan, gawi, kilos, pananamit ng isang tao. Ang panggagayang ito ay
pagbubuo muli ng nilalang, katawan, at isipan. Pagbubuo ito na mayroon
nang ibang kaanyuan, identidad, kahulugan, at signipikasyon ukol ginawang

99
R.V.NUNCIO

Manonood

Iro ang proseso ngimpersonasyon bilang pagbasa sa katauhan ng karakter, halimabawa si Erap.
May mediation ng impersoneytor upang gayahin si Erap at makila ng manonood

impersonasyon. Mahahati sa dalawang kategorya ang pagbubuo ng gaya-


gaya katulad ng ganito.
Ang una ay tumutukoy sa sabjek-kaanyuan na naglalayong gayahin ang
. imahe, mukha, katawan, at iba pang panlabas na katangian ng isang tao batay
sa kung anD ang nakikita. Ang ikalawa naman ay nakapaloob sa sabjek-
kolektibong panggagaya. Ginagawa ito upang tularan kung papaano mag-
isip, makiramdam, at kung anD ang diwa ng pagkatao batay na rin sa pagbasa,
pag-aaral 0 panonood sa taong ginagaya. Walang pisikal na pagkakatulad sa
isang tao ang yugto ng panggagayang ito. Binibigyan ng katauhan sa
kolektibong pananaw ang kolektibong karakter na maaaring tumukoy sa uring
panlipunan, kasarian, katayuan, lahi, at iba pa. Halimbawa nito ay ang
representasyon ni Donya Buding3 sa mga Pilipinong sodal dimber, matapobre
at mayabang dahil sa ipinagmamalaking kayamanan (kuno). Matatawag itong
representasyon dahil kumakatawan hindi lamang sa isa kundi sa maraming
mukha, katawan, at diwa. Nawawala ang kongkreto at pisikal na gaya.
Bakit sabj ek ang pangunahing tinutukoy sa impersonasyon? Ang sabjek
ay tumutukoy sa katauhan, identidad, mukha, imahe ng isa 0 nakararaming
tao. Dito pumapasok ang kahalagahan ng katawan bilang pananda sa isang
tao. Ang sab;ek ay nababasa bilang teksto. Kung kayatt nagagaya ang isang
tauhan 0 karakter dahil sa kanilang subjektibiti 0 identidad. Hindi maaaring

'Si Nanette Inventor ang gumaganap bilang si Ms. Maria Leonilla Evaporada Casinday viuda de Ford, 0
Donya Buding. Naging ~/"ereotype na katauhan si Donya Buding sa mga nagpapanggap bilang nasa alta de
sosyedad. laging may sinasabi sa lahat ng isyu. mapagmataas at mukhang pera. "The starting metamorphosis of
Donya Buding from social butterfly to 'sosyal' political activist offers a cathartic experience for candidates and
voters, a spoof of the political goings-on during elections. and an autopsy of the circus that is Philippine
politics." Basahin ang "Dona Buding joins the political fray" sa Philippine Daily Inquirer, March 31. 2001. n.
isinulat ni Bibsy M. Carballo.

100
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

ihiwalay ang sabjek sa panggagaya dahil ang una ang nagbibigay ng sukat at
sakop kung ana ang gagayahin. Ang sabjek din ang tumatayong ugnayan sa
ibang sabjek upang magkaroon ng tuwirang pagbasa dahil isang sabjek din
ang bumabasa 0 ang impersoneytor. Kung kaya't sa pagiging mabisa ng
impersonasyon lumalabas ang panggagayang pisikal at kolektibo na nagluluwal
ng iba pang mensahe-karaniwa'y mensahe laban sa sabjek at imahe ng
kapangyarihan.
Subalit kinikilalang popular ang panggagayang pisikal kung kaya't sa
kasaysayan ng impersonasyon nabanggit na noong bodabil mayroong Elvis
Presley, Perry Como, at Charlie Chaplin ng Pilipinas. Ang mga ginayang
katauhang ito ang ginamit at ginagamit pa rin naman sa ngayon sa larangan
ng entertainment. Malaki ang hatak nito sa manonood lalung-Ialo na kung
sila ang mga tinaguriang idolo. Subalit ang ganitong impersonasyon ay salat
sa isyu at dimensyong pampulitika. Malawak pa ang sakop ng impersonasyon
na kadalasang makikita sa Jive performance sa ilang bar 0 restoran sa kalakhang
Maynila. Isa sa mga sikat na Lugar na ito ang Punchline na matatagpuan sa
Quezon Avenue, Lungsod Quezon. Tinatanghal dito ang mga magagaling
na comedyperformers tulad nina Allan K., Ai-Ai de las Alas, Giselle Sanchez,
Joy Viado, at marami pang iba. Madalas kantahan, sayawan, at hagalpakan
ng tawa at pagbibiro ang kanilang pagtatanghal. Maraming manonood ang
naaaliw at nahahalina sa bawat tugtog at tunog ng musika. Puwede ring
mag- videoke ang mga tao roon. Paminsan-minsan mayroon din namang
impersonasyong nagaganap-ala bodabil ang dating. Ginagaya nila ang mga
artista at kahit ang politiko rin. Sub alit ang pagpapatawa ng mga
impersoneytor ay kadalasang pampaaliw lamang. Isang comic relief ang
ginagawang pagpapatawa na kadalasa'y sal at sa tawang politikal 0 sa pantawang
pananaw.
Ang pantawang pananaw ng impersonasyon ay nakatutok sa pagsasanib
ng damdamin at isipan sa pagtawa at pisikal at kognisyon sa panggagaya.
Ang pagsasanib ng kaanyuang pisikal at kognisyon 0 ng damdamin at isipan
ay nagiging malalim at kritikal ang dating bilang pagbasa sa isang karakter 0
isyu sa lipunan.

Ang Impersonasyon Bilang Pagtatanghal

Ang impersonasyon ay parehong pagtatanghal at palabas. Nabanggit


na sa unang bahagi ng kabanatang ito ang konsepto ng palabas; ang konsepto

101
R.V.NUNCIO

at praktika naman ng pagtatanghal ang bibigyan ng linaw sa bah aging ito.


Sub alit magagawa lamang iyon sa paghahambing at pagkakaiba ng dalawa.
Katulad ng pambungad na layunin ng pag-aaral na ito ang
impersonasyon ay nagmula at nakaugat sa kasaysayan ng dulaan at
pagtatanghal. At ang kasaysayang ito ang nagbibigay-kahulugan, signipikasyon
o paliwanag sa diskurso at praktika ng impersonasyon. Binanggit na ni Lee
Paterson ang kahulugan ng pagsasalaysay at paglalarawan sa pangkasaysayang
diskurso:

'There were historical events that had a facticity and objectivity.


a presence in the world that allowed of precise and accurate
description. They existed out there as part of the histoncalrecorel
and diligence and discipline could reconstruct them accurately.
Such a reconstruction could in turn govern the interpretation of
literary texts by defining the parameters of possible
significance. .. (251 ):'

May pagkakaiba ba ang pagtatanghal at palabas? Sa nilalaman nito


walang kaibhang makikita sapagkat lahat ng pagtatanghal ay palabas at lahat
ng palabas ay pagtatanghal. lyon nga lang, may pagkakaiba sa perspektiba
kung pag-uusapan ang tiyak na kaibahan ng dalawa.
Ang pagtatanghal ay ayon sa paningin ng gumawa nito, 0 ayon sa pananaw
ng direktor, aktor, at kawlong sa produksyon ng dula. Ang palabas naman ay
ayon sa paningin ng manonood, sa bumabasa, silang nasa labas ng produksyon.
Kung kaya't sa pananalita ng isang direktor hindi niya sinasabing. "manood
kayo ng aming pagpapalabas ng buhay ni Jose Rizal:' Bagkus ang linya niya ay
dapat na: "manood kayo ng aIDing pagtatanghal sa buhay ni Jose Rizal:' Sa
mga manonood naman madalas ang bulalas na: "Magand~g palabas!"
.;.

Ang Elemento ng Pagiging Aktor, Payaso, af Pusong

Pinag-aaralan ang panggagaya. Hindi ito basta-basta lang. Maraming


elemento at mga anyo ang ginagaya saisang tao. Magsisimula ito sa mukha,
sa mata, ilong, labi, bibig, tenga, kilay, pisngi, at buhok. Kasunod nito ang
pagkakawlad sa tindig at sukat ng balikat, braso, balahibo, dibdib 0 suso,
baywang, balakang, puwet, binti, hita at Paa' Dapat ay lahat halos ng bahagi

102
SAYSAY AT SAlAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

ng katawan ay sinasakop sa panggagaya. Hindi Iamang iyan, kahit angbigat,


sukat ng katawan, tindig, pag-upo, pagtayo, pagtalon, pag-iyak, ang boses, at
ilang natatanging ekspresyon ay dapat na mapag-aralan. Katulad nga ng
sinabi ni Jon Santos:

"Research is very important. The more materials, written and


video, the better. 1 am also a rehearsalist. Kay Tessie (Tomas) ko
nakuha iyan. Weird ako kas£ The more 1 rehearse, the more na
nakaka-adlib ako ...

Hindi na ako kumakain. Siyempre hindi naman ako puwedeng


maging Ate lh' kung kamukha ko si Ralph (laughs)' Siyempre,
paano ka mag-o-Osang. Its diet and exercise and vocal training
kasi fOr me, there's no such thing as a one-man show. Yong sinasabi
nilang one-man show. yon lang yong napapanood mo. Behind a
one-man show is a group of artists, yong gumagawa ng ilong ko,
wig. nag-aayos sa akin,yong voice coach, yong personal trainer
na tumutulong sa aking maging slim. Mayroon din akong group
ng prosthetics experts who help me create the characters para
mas makatotohanan." (21 October 2001, The Manila Times
Internet Edition).

Sinabi rin ni Candy Pangilinan na kailangan niyang ahitin ang kanyang


kilay upang magaya ang kay GMA. Kasunod nito nilalagyan niya ng tissue
ang kanyang ngipin upang magaya ang maumbok na nguso ng pangulo maski
ang tunog na lumalabas sa boses. Dagdag pa niya:

"1 had to memorize lines, think ofher speech and posture, make
sure the tissue or the mole didn't (sic)/all of£ Plus, 1 wanted to
make sure 1 used all her famous lines, such as 'heal our land' or as
the good book say's ( Sunday Inquirer Magazine, April 2, 200 I):'

Isa pang kapuna-puna sa ilang impersoneytor lalo na ang mga Ialaki


ang ginagawa nilang cross-dressing. Karaniwan dito si Jon Santos dahil sa
madalas ang kanyang ginagaya ay mga babae. "1 do more women than men.
It is because the Pinay talks. Kaunti lang ang Pinoy na nagsasalita. Either
politiko sila 0 lasing. Ang nanay mo magkukuwento nang magkukuwento:'

103
R.V. NUNCIO

(21 October 2001, The Manila Times Internet Edition). Ang cross-dressing
ay masasabing isa ring mahusay na teknik sa impersonasyon. Sa mga aktor
tulad ni Jon Santos, kung magaling kang manggaya, dapat kahit iba ang
kasarian kaya mo ring gayahin. Kung tutuusin mas epektibo na impersoneytor
ng mga babae si Jon. Hindi naman kaugnay ng seksuwalidad ang pagiging
epektibo sa cross dressing; hindi isyu ang pagiging bakla, tomboy 0 straight;
nakasalalay ito sa talent ng isang impersoneytor. Si Willie Nepomuceno ay
minsan ding nag-impersonate ng babae, subalit hindi isyu sa kanya ang
seksuwalidad.
Ang mga impersoneytor ay manunuri, midyum, payaso, at pusong sa
tema ng pagbasasa karakter at pagbatikos sa isyung ginagawaran ng pagsusuri.
Unang-una, sila ay manunuri sapagkat pinag-aaralan nila ang gagawing
pagbasa at panggagaya. Kasabay nito, binabasa rin nila ang konteksto, isyu 0
tern a na kinasasangkutan ng isang karakter. Hindi lamang basta panlabas na
aspekto ng karakter ang sinusuri. Sinusuri din ang umiiral na kaisipan, diwa,
at damdamin din. Halimbawa sa mga sitwasyon: ano ang gagawin ni Erap
kung may batang-bata, seksi, at magandang babae sa harap niya? Papaano
kung matalo sa golfsi FVR? Papaano naman kung mapikon si GMA sa mga
tanong ng Press sa kanya?

'7t wouldbe easy to explain the play-acting impulse by saying that


it is merely the instinct to imitate - that we are all educatedmonkeys,
and that monkey sees, monkey does "eJohn Dolman, Jr. I).

Ang mga impersoneytor ay midyum din ng pagtatanghal at palabas-


sa punto de bista ng kabuuang produksyon ng dula at ng manonood.
Kung sa paningin ng produksyon, sila ang bida, sikat, pangunahin, at
magaling na aktor/impersoneytor, sa mata ng manonood sila ay mga
karakter lamang na kailangan sa isang palabas. Nakikita sila ng manonood
sa kabuuan ng palabas dahil ang persona nila aygaya-gaya. Hindi katulad
ni Nora 0 Vilma, kinagigiliwan at hinahangaan sila. Sa mata ng
produksyon at manonood, superstar at sikat pa rin sila. Pero papaano
kung sa impersonasyon ang nakikita ay kahawig at katulad ni Erap-
pinagtatawanan at inuuyam. Mga aktor sila na namamagitan sa palabas
at manonood upang mabasa ang kabuuan at konteksto ng pagbatikos.
Dagdag pa rito ang impersonasyon ay pagsasabuo ng isang nilalang
ayon sa diskurso at praktika ng panggagaya. Ang diskursong ito ang laman,

104
SAYSAY AT SALAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

daluyan, at wika sa panggagaya. Ang paggagaya sa lengguwahe ni Erap ay


nakaangkla sa isyung panlipunan. Ang kanyang erap jokes ay bumubuo ng
diskurso para sa isang mabisang panggagaya. Ang praktika naman ng
panggagaya ay tumutuon upang maipakita ang impersonasyon gamit ang
prosthetics, make-up, costumes, wig, at iba pa. Kailangang makita ng
manonood ang ganitong proseso para masabing kuhang-kuha ang mukha at
katawan, halimbawa ni Erap. Ang manonood mismo ang maghuhusga kung
naging matagumpay ang impersonasyon.
Payaso rin sila dahil nagiging katawa-tawa ang imitasyon. Hindi lamang
umiikot sa ganap na pagkopya ang impersonasyon, may elemento rin ito ng
kakulangan, kalabisan, bulgar, at distorsyon. Maaaring batikusin ng
impersoneytor ang kakulangan ng isang karakter bilang katawa-tawa,
halimbawa, ang kakulangan sa taas ni GMA, pagkasalat sa IQ ni Erap at
kakulangan sa pansin ni FVR. Sinisipat din ng impersoneytor ang elemento
ng kalabisan 0 eksaherasyon tulad ng paggaya sa malaking tainga ni FVR,
malaking tiyan ni Erap, bukambibig ni Cory na "My Dear Filipino People",
at pakikialam ni Jaime Cardinal Sin sa politika. Lahat ng labis at kulang ay
nakakatawa. Distorsyon naman kung lalapatan ng ibang konteksto ang isang
karakter, katulad ng ginagawa sa Ispup. Paano kaya kung si Cardinal Sin ay
gamemaster sa isang gameshow? Si Erap ay selda mayor sa kulungan? Si
Cory ay contestant sa gameshow? Si Nur ay tindero sa palengke at marami
pang iba. Kung kaya't sinabi rin ni Hillel Schwartz na ang: Striking likenesses
fI

have led us down the garden path to unreasonable facsimiles, a world of


copies and reenactments dIfficult to think ourselves through or feel our way
around (378 )."
Mahalaga rin ang pagkakataong ang impersoneytor ay may layuning
palabasin sa harap ng manonood ang katiyakang ang karakter na kanilang
ginagaya ay isang pagtatantiya at pagsusukat lamang. Walang halos buong
panggagayang nagaganap subalit ang impresyon ~amukha, kahawig, at katulad
ay naroroon. Hindi ito nawawaglit at dapat na ingatang mabasa ng
impersoneytor ang kanilang karakter upang lubusang tupdin ang impresyong
ganito.

"When an individual plays a part, he impJicidy request his ob-


servers to take seriously the impression that is fostered before
them. They are asked to beJieve the characters they see actually
possesses the attributes he appears to possess, that the task he

105
R.V.NUNCIO

performs wIll have the consequences that are implicitly claimed


for it- and that- in generaL matters are what they appear to be"
(Paul B. Brezina, 1990: 109).

At ang pinakamahalaga sa lahat, katulad ng isang pusong, ang mga


impersoneytor ay may sinasabi ukol sa kapangyarihan. Ang lahat ng proseso,
teknik, at sahog sa panggagaya at pagpapatawa ay nauuwi sa kritika.

"The expectation ofpeople is that politicians will always be fimnr-


more so if we parody them. Politics and entertainment are one
and the same, and thats the problem-wF can't distinguish them
anymore" (Willie N epomuceno).

Pagbasa sa Mga Karakter

Nakasalalay ang impersonasyon sa karakter na kanilang ginagaya.


Nararapat lamang na alamin kung anong batayan ang madalas gamitin upang
gayahin ang isang tao. Madalas gayahin ang mga karakter nina Joseph Estrada,
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Fidel V. Ramos, Miriam Defensor
Santiago, Corazon Aquino, at Jaime Cardinal Sin. Bakit sila ang madalas
gayahin at ano ang layunin ng pag-iimpersoneyt sa kanila?
Una, ang karakter ay may impluwensya sa lipunan. Maaaring politiko,
negosyante, pari, artista ang mga ito. Dahil na rin sa kanilang salapi, pagiging
sikat, at maraming kakilala sila ay tinataguriang maimpluwensya.
Pangalawa, sila ay matagal nang nakaupo 0 nahalal sa gobyerno. Laging
nailalagay sa pahayagan ang kanilang sinasabi at ang kanilang payo ay
kadalasang pinakikinggan at ang presensya ay laging kinagigiliwan.
Pangatlo, sila ang mga politikong nasasangkot sa iba't ibang kaso sa
gobyerno. Sila ang nagiging sentro ng batikos at puna mula sa midya at
nagiging tampulan din ng spoofsa mga pagpapata~a.
Ikaapat, malaki ang naibahagi nila sa kasaysayan ng politika sa bansa.
Sikat sila dahil dati silang mga pangulo, senador, at kongresman. Nasangkot
man sa eskandalo 0 bida sa harap ng midya, ang mahalaga sila ay simbolo ng
kapangyarihan.
Ang apat na panuntunang ito sa impersonasyon ay naaayon sa ginawang
pagbasa ng mananaliksik. Lahat ng ito ay nakatutok sa kapangyarihan.

106
SAYSAY AT SAlAYSAY NG PANTAWANG PANANAW

Paglalagom

Tinalakay dito ang mahabang kasaysayan at tradisyon ng pagpapatawa


na may halong batikos at puna laban sa makapangyarihan. Mula pusong
hanggang impersonasyon naging mahusay na dalumat at praktika ang
pantawang pananaw upang suyurin at suriin ang mga isyung polirikal na
naging maingay at lantad na nangyayari sa lipunan. Inihayag din sa bahaging
ito ang kahulugan ng impersonasyon at ang paglulugar sa aktor/
impersoneytor bilang pangunahing tagapagbasa ng isyu, kontekst at
pangyayaring nagaganap sa pamahalaan at lipunan. Kasama sa kabanatang
ito ang paglalahad ng mga pangunahing karakter na tinitingnan upang gayahin
o bigyan ng impersonasyon. Sila ang mga tauhan sa lipunang binabarikos,
pinupuna, tinutuligsa, at pinahihina sa pamamagitan ng tawa.

Bibliograpiya

Batacan, Delfin Flandez. 1966. The Laughter of My People: A History of


the Filipino People with a Smile.
Brezina, Peter B. Selengut, Charles Weyer, Robert A. eds. 1990. Seeing Society:
Perspectives on Social Life. Boston: Allyn & Bacon.
Brosas, Alex. Jon Santos: Kidding Aside. www.manilatimes.net/national/
200I/oct/2I/weekend/2001 1 1021 wek2.html
CCP Encydopedia DE Philippine Arl". Volume VII: Philippine Theater.
Manila: Cultural Center of the Philippines.
De Zuniga, Joaquin Martinez, 1973. Status oE the Philippines in 1800.
Manila: Filipiniana Book Guild XXI.
Dolman, John. 1949. The Art ofActing. New York: Bonanza Books.
Eugenio, Damiana. 1982. Folktales. Quezo~ City: University of the
Philippines Folklorists Society, Inc.
Feldman, Carol Fleisher. "Oral Metalanguage;' 1991. Literacy and Orality,
David Olson and Nancy Torrence. Cambridge University Press.
Fernandez, Doreen. 1996. Palahas: Essays on Philippine Theater History,
Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Honasan, Alya. 'Politically Correct: April 1,2001. Sunday Inquirer Magazine.
Jocano, F. Landa. 'The Philippines at Spanish Contact: An Essay on
Ethnohistory'

107
R.V.NUNCIO

Manuud, Antonio (ed.) 1967. Brown Heritage; Essays on Philippine Cultural


Traditions 3.nd Literature, Quezon City: Ateneo de Manila Press.
Jocson, Ramon Cruz. 1993. 'Panimulang Pag-aaral sa Tradisyong Katatawanan
sa Dramang Filipino: Diliman Review. Vol. 41. no. 3-4.
Lumbera, Bienvenido. 1997. Revaluation: Essays on Philippine Literature,
Theater and Popular Culture. Manila: University of Sto. Tomas
Publishing House.
Manuud, Antonio (ed.) 1967. Brown Heritage,· Essays on Philippine Cultural
Traditions and Literature, Quezon City: Ateneo de Manila Press.
Matute, Efipanio G. 1997. Kuwentong Kutsero, Quezon City: University of
the Philippines Press.
Mojares, Resil. 1985. Theater in Society, Society in Theater: Social History
of a Cebuano Village 1840-1940, Quezon City: Ateneo de Manila
University Press.
Patterson, Lee. 1995. 'Literary History: Frank Lentricchia and Thomas
MacLaughlin. Critical Terms for Literary Study. USA: University of
Chicago Press.
San Juan, Epifanio. 1996. History and Form. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press.
Respeto, Jerry. 1995. Dramang Tagalog: 1840-1940. Di-pa nalilimbag na
tesis. Quezon City: University of the Philippines.
Schwartz, Hillel. 1996. Culture of the Copy: Striking Likenesses,
Unreasonable Facsimiles. New York: Zone Books.
Scott, William Henry. 1982. Cracks in the Parchment Curtain, Quezon City:
New Day Publisher.
Tiongson, Nicanor. 1982. Kasaysayan ng Komedya sa Pilipinas: 1766-1982,
Manila: Integrated Research Center, De la Salle University.
Tiongson, Nicanor. 1989. Dulaan: An Essay on Philippine Theater, Manila:
Cultural Center of the Philippines.

108

You might also like