You are on page 1of 3

Short film on Academic Pressure

Maureen, Eljay, Shnamae, Ronalyn, Ashley, Jahnea, Kimjay

[Scene 1]
*May dalawang magkaibigan na nakaupo sa harapan ng klase, at nagtatawanan (they’re best friends).
Dumating ang guro tas nagsitayuan lahat para mag-greet, and bumalik yung isang friend sa upuan
niya sa likuran*

Teacher (Eljay; Benjo) : Goodmorning class. Iremind ko lang kayo na ngayon ang quiz niyo sa Math,
but before that mag-rewind muna tayo ng mga lessons natin. _________________ Ano ba ang
natatandaan niyo sa lessons niyo last week??

Student 1 (Maureen) : *raised hands* Last week po, we learned about Fractions. The addition,
subtraction, multiplication and division of fractions. *maureen explaining sa blackboard*

*While Maureen is discussing, the other friend (Shanmae) is sleeping in the back*

[Scene 2]
Yug dalawang friends ay naglalakad pauwi talking about their quiz scores. Maureen comforted her
friend hanggang sa makarating sila sa bahay ni Maureen.

Shanmae: Hayys! Bagsak na naman…


Maureen: Okay lang yan. Basta next time ha. Sumama ka sakin tas sabay dapat tayong magreview.
Tuturuan kita..
Shanmae: Wag naa! Hindi ko kailangan ang matataas na grades. Basta makapasa lang okay na yun…
Maureen: Sanaol!
Maureen: Bye! Nadin…
Shanmae: Byee..

Sumalubong yung Nanay niya and they bid farewell. Sinabihan siya ng Nanay niya na layuan na yung
kaibigan na yun dahil hindi siya focus sa pag-aaral and baka maapektuhan siya.

Mom (Ronalyn): Nak! Layuan mo na kaya yang Shanmae na yan. Bad influence lang yan.
Maureen : Ma, hindi naman ako nagpa-influence.
Mom (Ronalyn) : Once na makita ko na bababa yang grades mo, kailangan mo na yang layuan.
Maureen : Don’t worry Mom, hindi yan mangyayari.
Mom (Ronalyn): Ireremind lang kita, you need to always be on top! Mahirap lang tayo ang ikaw ang
panganay. Pag wala na kami, ikaw na dapat ang magsusuport sa pag-aaral niyong magkakapatid. Alam
mo naman yan diba??
*Maureen nods*

Mom: Alam mo naman diba kung gaano kahirap ang buhay. I need you to achieve more in life, wag
kang matulad sa’kin.. *in an angry way*
Maureen: Yes Ma..
Mom: Sige Magshower kana and magreview after.

[Scene 3]
*Shanmae arrived home, and walang tao sa bahay nila.

Shanmae : Ma! Meron ka na ba?!


Shanmae: Hay! Wala na naman akong kasama..
*Shanmae proceed to sit and watch on her phone*

* her phone rings*


Mom: Nak! Late ako makakauwi ngayon. OT kasi ako. Iheat mo nalang yung food sa ref pero
magshower ka muna hah.. Wag din kalimutan mag-aral..
Shanmae: sige sige

*Shanmae hangs the phone and proceeded to scroll on tiktok*

*NEXT DAY*

*everyone is sitting in their sits*


Teacher: Shanmae, Pasabi sa Nanay mo na pumunta dito bukas..
Shanmae: sige po Ma’am…

Teacher: O! Meron na yung overall grades niyo ngayon. I’ll announce it now!! Congratulations to
Ashley, she’s the top 1 for this grading.. Points lang ang pinag-kaiba nila ni Maureen.. Still,
Congratulations to the both of you, kayo lang ang nasa honorols ngayong grading.. Sa iba naman,
Congratulations din, pero bumawi kayo sa next ha…

*all students are clapping, pumupunta sila kay Ashley and nagcocongratulate…*

[Scene 3]

*Maureen went home crying*

Mom(Ronalyn) : Nagchat yung teacher mo sa gc! Ano… Bakit 2nd ka lang???? *in an angry way*
Maureen: Mama, ginawa ko naman lahat..
Mom(Ronalyn) : Anong ginawa?? Kung ginawa mo talaga ang lahat, di hindi ka sana 2nd ngayon… Yan,
sinasabi ko na,, yang bestfriend mo nayan.. Simula ngayon, hindi mo na yan kakausapin, and give me
your phone… Ibibigay ko to sayo pag nagafirst kana ulit… (*In an angry way*)
Maureen: Ma, bat di niyo nalang po tanggapin.. Baka yun lang talaga ang kaya ko!!!
Mom : Tanga… Simula Kinder, nasa top ka!!! Ano, nung dumating yang shanmae na yan,, bigla kang
naging 2nd??
Mom: Punta ka na nga sa kwarto mo, nakakainis ka na… Pagod na pagod na nga lang ako sa
kakatrabaho, tas ito pa ang isusukli mo… Reflect on yourself, mag-aral ka…

[Maureen is studying in her room]

Maureen looks stressed and crying as she flips through her textbooks, trying to absorb as much
information as possible.

[Scene 4]
*Shanmae’s house*

*Shanmae calls her mom*

Shanmae: Ma, pinapatawag ka ni Ma’am bukas sa school??*


Mom: Ano na naman ba yan, hindi ka naman ba pumapasok??? Nakita ko yung rankings niyo…
Akala ko ba nag-aaral ka ng mabuti.. (*in an angry way*)
Shanmae: Nag-aaral naman ako ah
Mom: Kung nag-aaral ka, bakit wala ka sa rankings?? I told you!! Isa lang akong nagpapalaki sa’yo..
Suklian mo naman yung mga pagod ko… Kahit sa grades mo lang…
Shanmae: Ma, alam mo, kung nandito ka lang sana, baka nasa rankings din ako. Kung may Nanay
lang akong ipinagluluto ako ng breakfast, lunch, dinner, nagpeprepare ng gagamitin ko and
nagmomotivate sa’kin, sana nasa top ako ngayon… Saan ka ba nung kailangan kong magpatulong
sa assignments??
Mom: Wag mo akong sagot-sagutin ng ganyan!! Akala ko you understood my work, kung hindi
ako magtatrabaho, wala kang gagamitin o kakainin ngayon.. You should also acknowledge my
sacrifices for you!!
Shanmae: Ma, kung malaki ako ngayon, maiintindihan kita, pero Grade 5 paplang po ako. Grade 5
palang ako, mag-isa na ako sa bahay..

(*Shanmae hangs the phone*)

Narrator: (Syak latta angnarrate in mau)


Sa bawat hakbang, tila't nasa gitna ako ng dalawang mundo – ang mundo ng aking pangarap at
ang mundo na inaasahan ng aking pamilya.

Sa bawat oras na lumilipas, ang ekspektasyon sa akin ay bumubibat na. Hindi biro ang mga mata
na nagsasabi ng "Kaya mo 'yan, anak" habang ang mga labi ay nagpapahiwatig ng mas mabigat na
mensahe na "Kailangan mo 'yan, anak."

Ang pamilya natin, sila ang pundasyon ng ating buhay. Ang kanilang pangarap para sa atin ay
hindi lamang simpleng pangarap; ito ay isang hamon na dapat nating harapin. Sa tuwing nakikita
ang kanilang mga ngiti, sa tuwing pinag-uusapan ang mga mataas na marka at prestihiyosong
unibersidad, nararamdaman natin ang bigat ng kanilang mga pangarap para sa atin.

Pero sa kabila ng lahat ng iyan, patuloy dapat tayong umasa. Umasa na sa huli, makakamit natin
ang tagumpay na hindi lamang magpapasaya sa ating pamilya kundi para sa atin din. Wag tayong
magpaapekto sa sinasabi nila at sundin ang laman ng ating mga puso.

You might also like