You are on page 1of 4

Sa Pandayan ng Karalitaan

Rodolfo D. Izon

Narrator: Ano ang kadalasang nagiging problema ng isang pamilya? Ano ang dapat
gawin upang makaahon sa kahirapan? Hindi ba sa panahon ng kagipitan walang ibang
magtutulungan kung hindi ang magulang at ang anak.

Maliit pa lamang ako ay natuto na akong maghanapbuhay. Noon, natatandaan ko pa,


pagkagaling ko mula sa eskwela ay namimingwit ako sa bukana ng ilog sa aming bayan,
upang may maiulam ang tatlo kong maliit na kapatid. (FLASHBACK PICTURE Screen)

Scene 1: Nag-aalsa ng mga mabibigat na sako ang itay ni Fermim sabay pahid sa kanyang
pawis.
Rj (boss) : Sweldo nyo!
Binigay ang dalawang piso at hinulog ito sa sahig.
Necessario (itay): Salamat Boss may pang baon to sa mga anak ko.

Scene 2: Angelina at si Inay.

Diegor (Inay): Maam Angelina baka may palalabhan ka dyan?


Gracelyn (Angelina): Saktong pagdating mo ang dami ng mga labahan dito.

Scene 3: Alarm clock…. Kringgg……. Kringgg….

Ina: Gumising na kayo mga anak ,kayo ay maligo at magbihis na para mag-aral.
Fermin/Felisa/Maria/Henia: Opo inay.

(background music sa paaralan) …..

Teacher: Ngayon ay tatawagin ko ang mga Honor student sa ating paaralan.


Mula sa ika anim Fermin ikaw ay nasa Top 3 ngayon
Felisa ikaw naman ay nasa top 1
Maria ikaw ay nasa top 4
Henia : ay top 2.

Scene 4: Nasa bahay.

Fermin: Inay, Itay top 3 po ako.


Felisa. Ako po ay Top 1 napakagaling ko po.
Maria: ako naman po top 4
Henia: ako din po top 2

Ina: Wow napaka matalino ng mga anak ko.


Itay: Oo nga pagbuhtihin nyo ang inyung pag-aaral mga anak.
Narrator: Kita sa mukha na abot sa mata ang kasiyahan ng kanyang magulang dahil yan
lamang ang tanging yaman na maipagmamalaki nila ang magkaroon ng mga anak na
matatalino.

Scene 5: Sabado na naman at bukas ay linggo, maglalako nanaman ng kakainin si fermin at


henia para makatulong sa pamilya. Alarm clock……….. Kringg…….. Kring……

Fermin: Hernia gumising ka na tayo ay maglako ng kakanin.


Henia: Sige po kuya.
Henia: Bili na po kayooo
Henia: maruya! Maruya!, barberkyung kamote!, nilagang kamoteng kahoy at saging! . ukoy!
Ukoy! Bili na po kayo masarap po ito
Namimili #1: Pabili henia , isang maruya at isang ukoy.
Fermin: Sige po, at ito po yung sukli.
Namimili #2: Magkano yang barberkyung kamote nyo?
Fermin: Sampung piso po.
Namimili # 3 : Tatlong nilagang kamoteng kahoy.
Fermin: Maraming salamat po sa inyo.
Henia: Maraming salamat.

Narrator: Nakatapos ng mababang paaralan bilang isang balediktoryan si Fermin.


Pagkaraan ng apat na taon maluwalhati siyang nakatapos ng kursong bokasyonal. Ang
kanyang kapatid na si Felisa ay nakapag patuloy ng hayskul at ang kanyang dalawa pang
kapatid ay na tigil muna at tinulungan na lamang nila ang kanilang Inay sa paglalaba.
Isang araw, kinausap siya ng kanyang ltay.

Scene 6: Si itay at Fermin.


Necessario: "Hindi ka na mag-aaral sa kolehiyo, Fermin. Tama na sa iyo ang makapagtapos
ng hayskul, tutal maaari ka na namang mamasukan sa ilang kompanya riyan."
Jason: "Itay, kahit na ho sa kapitolyo, gusto ko ho kasing kumuha ng inhenyeriya,
nagtatrabaho na lamang ho ako sa araw."
Necessario: Hindi!, Huwag mong yakapin ang di mo kayang yakapin, napakataas ng iyong
ambisyon.
Jason: Tama ang leksiyon namin noon sa Pop Ed, mahirap ang buhay ng maraming anak
kaysa kaunti.

Narrator: Kung matigas ang pasya ng kanyang itay, lalong matigas ang pasya ni Fermin.
Dala ang ilang pirasong damit at kaunting naipon sa pagka kargador ng palay sa mga
makina ay walang paalam umalis si Fermin. Pumunta siya sa Maynila at nakipagsapalaran.
Kaloob marahil ng Diyos ay napasok si Fermin sa publikasyon sa kanyang talento sa
pagguhit siya ay nakaupo sa isang maliit na apartment at hindi niya akalain na magbabago
ang kanyang buhay.

Scene 7: Nag-iimpake si Jason. Ang taas ng pila.

Jason: iba pala ang kahit na paano ay may nalalaman.


(nag bitay word na T-Shirt Printing, Drawing, Diploma making sa iyang kwarto)
Magpapagawa 1: (Kumatok) (Pagawa po sana ako ng T-shirt sa aming barangay Fermin.
Jasin: Magandang umaga po. Ano po sa atin?
Magpapagawa 2: Pa drawing po sana ako, para po sa birthday gift ng jowa ko.
Magpapagawa 3: Paggawa ako ng diploma mga dalawang libo.
Jason. Sige po

Narrator: Mula noon ng dahil sa napakalakas ng negosyo ni fermin ay nag resign na siya
sa kanyang trabaho bilang Publikasyon at nakakatulong na sya sa ibang tao sa pagkuha ng
katulong sa shop na katulad niya rin noon ay humahanap ng kapalaran dahil sa karalitaan
sa probinsya

Scene 9: Nagpadala ng sulat si Fermin dala pera.

Felissa: Inay may nagpadala ng sulat galing yata to ni kuya.


Inay : Tingnan mo may sulat galing kay Fermin
Itay: May pera pa napakalaking halaga.
Jason: (Nagbasa sa luyo)

Mahal kong ama at ina,


Kamusta na po kayo?
Sana nasa mabuti kayong kalagayan,
Paumanhin po kung pinag-alala ko kayo.
Ngunit huwat na po kayo mag-alala dahil
Nasa maayos naman akong kalagayan…
Umalis ako ng walang paalam sa atin
Dahil nais ko pong hanapin ang aking kapalaran.
Nagsusumikap po ako nang mabuti dahil alam kong
Makakamtan ko rin ang pangarap kong
Makaahon tayo sa kahirapan.
Sa ngayon, kumikita ako kahit maliit na halaga
Kaya nagtatrabaho po ako ng mabuti para mas malaki
Ang kitain ko. Nakalakip po sa liham na ito ang
Kalahati ng aking kinikita para naman makatulong
Ako sa inyo dyan sa probinsya, dahil alam ko ang hirap ng pamumuhay dyan.
Hanggang dito na lang po ang aking sulat, lagi nyo po
Sanang tatandaan na mahal na mahal ko kayong lahat.

Nagmamahal, Fermin.

Narrator: Lulan ng isang Philippine Rabbit patungo probinsya. Makalipas ang maraming
taon, napagpasyahan niyang umuwi at bumalik sa kanilang probinsya. Magulo ang kanyang
isipan ngunit nananbik siya sa kanyang pagbabalik. Habang sakay ng traysikel, napansin
niya ang laki ng pagbabago ng kanilang probinsya. Sa pagpasok niya sa kanilang bahay,
nagulat ang kanyang pamilya sa kanyang pagbabalik. iyakap siya nang mahigpit at nag
iiyak. Nagsermon ang kanyang tatay ngunit sandal lamang ito. Napansin niya ang
pagbabago ng kanilang bahay.
Jason: Ang daming nagbago buti nalang hindi ako sumuko sa mga sandaling iyon. Kay
ganda ng buhay. Napa ayos ko aming bahay at nagtapos na si Felisa ng kursong komersyo,
si Maria ay sekretarya, si Henia na kasama kong naglalako ng kakanin dati ay nasa
magandang paaralan sa baguio kumuha ng kursong medisina at si Boy nasa canada nag-
aaral. Kay ganda ng buhay.

Narrator: Kay ganda ng bukas. May landas ng tagumpay sa mga nagsipag sikap. May
kaginhawaan sa PANDAYAN NG KARALITAAN at kahirapan. At may umagang sumisilay
pagkatapos ng takipsilim.

End.

You might also like