You are on page 1of 3

Maikling Kwento

NANAY AT ANAK

TAUHAN:
ANAK = Kenneth
NANAY = Nanay Nely
KAKLASE = Jeremy
PRINCIPAL
GURO

Lumaki si Kenneth sa isang hindi pangkaraniwang normal na buhay, dahil simula pa


lamang noong siya ay nagkaroon ng isip sa buhay ay nagtitinda na ito ng sampaguita
sa harap ng simbahan ng San Vicente sa lugar ng Samar, kasama niya ang kaniyang
Ina. Mabait, Mapagpasensiya, Maunawain at Responsableng anak si Kenneth, marahil
ay silang dalawa na lamang ng kaniyang Ina na si Nanay Nely ang naiwan sa pamilya
kung kaya’t sila rin ang nagtataguyod sa mga sarili upang makakain at makapagaral
ang nagiisang anak ni Nanay Nely na si Kenneth.

Unang biyernes ng Disyembre, nakakapagtakang masayang maagang nagbihis ng


uniporme ang labing dalawang taong gulang na si Kenneth, kahit pa alas diyes pa ng
umaga ag kaniyang klase ay nakabihis na ito ng uniporme sapagkat ang oras ng unang
simba sa araw na iyon ay alas sais, kaya ito ay maagang gumayak para makapagbenta
ng sampaguita, makikitang gusot gusot at may butas sa may kwelyo ang uniporme ng
bata ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi pumasok sa eskwelahan at
makapagbenta ng sampaguita sa tapat ng simbahan. Madalas mangarap si Kenneth na
makapagsuot ng magagarang damit katulad ng mga batang nakikita niya sa simbahan,
ngunit walang sapat na pera upang makabili siya nito, tanging ang nag-iisang
uniporme lamang ang pinakamagarang damit niya na nasa loob ng cabinet niya.

Madalas tuksuhin si Kenneth sa eskwelahan dahil sa kaniyang mga gamit at damit na


sira-sira ngunit pinagpapasensyahan niya lamang ito dahil laking pasasalamat parin
niya sa Diyos na binigyan siya ng pagkakataon upang makapagaral.

Sumapit ang alas dyes sa orasan ng makarating si Kenneth sa silid aralan ng Grade 6,
inayos niya ang kaniyang uniporme at pormal na pumasok ngunit hindi parin bago
ang kaniyang dinatnan sa loob, dahil nagtatawanan ang mga kaklase niya, habang
tinuturo siya. Pinagtatawanan siya ng mga ito.

“Hahahahaha! Ano ba iyan Kenneth, iyan nanamang butas mong uniporme ang suot
mo!”
“Ah! Mahirap lang kase sila!”
“Nakita ko nga iyan kanina nagtitinda ng sampaguita kasama niya iyong nanay niyang
walang ginawa kundi umupo sa may gilid at namamalimos!”

Naiiyak si Kenneth na inayos ang kaniyang dalang bag, at umupo na sa kaniyang


upuan. Ngunit hindi tumigil ang mga kaklase nito at hinila ang kaniyang bag na sanhi
ng pagkasira ng zipper nito kaya nagtawanan muli ang mga kaklase niya.

“Namamalimos pala Nanay ni Kenneth?”


“Namamalimos ah! Namamalimos!”

Sa katunayan ay hindi namamalimos ang kaniyang Ina, umuupo lang ito sa gilid ng
simbahan upang makagawa ng samapaguitang ibebenta niya.

Itinulak ng isang batang lalaki si Kenneth at tinukso ito na mahirap at namamalimos


lamang sila.

“Hindi kami namamalimos ng Nanay Nely ko, nagtratrabaho kami upang makakain!”
Sigaw ni kenneth habang umiiyak.

“Bleh bleh bleh! Namamalimos!!”

Napatayo si Kenneth sa sobrang inis, kaya napahakbang patalikod ang kaklase niya na
naging dahilan upang matapilok at matumba ito at nauntog sa upuang kahoy. Tamang
tamang dumating ang kanilang guro ng makita ang nangyayari sa studyante, mabilis
na pinatawag ng guro ang magulang ng dalawang sangkot sa nangyari sa Principal’s
Office.

Nagaalalang dumating at may pagkadismaya si Nanay Nely ng haplusin niya ang


kaniyang anak na nakaupo sa harap ng Principal. Hindi nagsasalita si kenneth tanging
luha lamang ang lumalabas sa kaniyang mga mata, at nakikinig sa gurong nakakita
sakanila.

“Nakita ko po ma’am na ang anak niyo ay tumayo sa kaniyang upuan na sanhi ng


pagkatumba ni Jeremy na kaklase ho ng anak niyo na nasa klinik ho ngayon
eskwelahan.” Kuwento ng Guro

“Kenneth, maaari mo bang ikwento ang buong pangyayari kung bakit nagkaroon ng
bukol si Jeremy?” Tanong ng Principal kay Kenneth. Hinaplos ni Nanay Nely ang
likod at ulo ni Kenneth upang pakalmahin ito.

“Ma’am, Ma’am Principal, hindi naman po siguro dahilan ang estado namin sa buhay
upang hindi makapagaral, hindi po ba? Araw araw po tinutukso ako ng kaklase ko
kung gaano po kami kahirap dahil butas at gusot gusot po ang aking uniporme, amoy
usok po dahil tuwing umaga ay nagbebenta po ako, ngunit hindi ko po tinulak si
Jeremy o kahit kalabit po nang tumayo lang po ako ay napaatras siya at natapilok
dahil mali po ang apak sa sahig, nainis lang din po ako dahil araw araw ay naghihirap
kami ng Nanay Nely ko upang magkaroon ng pangkain, tinawag po kami ni Jeremy
ng namamalimos, at bilang isang Ina po, ang Nanay ko ay kumakayod araw araw
hindi namamalimos, pinaghihirapan po namin ang pera namin.”

Labis ang iyak ni Kenneth ng yakapin siya ng kaniyang Ina. Umiiyak na ang kaniyang
Nanay Nely habang paulit ulit humihingi ng patawad sakaniya. Ang Lungkot at Galit
na nadarama ni Kenneth ay napalitan ng pagkadismaya sa sarili dahil napaiyak niya
ang kaniyang Nanay.

Pinagsabihan ng Principal si Jeremy at hindi naman ito tumanggi sa kaniyang maling


kasalanan kung kaya’t binigyan ng parusa si Jeremy sa pag-aasar kay Kenneth.
Humingi din ng tawad si Jeremy kay Kenneth at gayun din si Kenneth kay Jeremy.
Simula noon, mahigpit ng pinagbabawal ang pangaasar o kahit ano mang uri ng
pagbubully kahit sino man sa estudyante, kung kaya’t mas lalong ginanahan ang
studyanteng si Kenneth upang kumayod sa pagbebenta sa umaga at pumasok sa
eskwelahan at makipagtulungan sa mga gawaing paaralan kasama ang kaniyang
bagong kaibigan.

TULA

BALA SA KABATAAN

Mahal kong sinilangan,


Hinaharap ko ba’y iilagan
Sa lahat ng kapangyarihan
Na alam nating tayo’y pahihirapan

Mahal kong bayan,


Punong puno ng kasiyahan,
Ngunit sa isang iglap ay luhaan
Kabataan pinangsangga sa kasamaan

Kabataa’y pag-asa ng bayan,


Droga at pagpatay ay bawal,
Paano ang bukas kung puro bala ang tanim
Ano ba ang tubo ng bala? Ito ba ay Itim?

Polusyon nga ba ang papatay sa kabataan?


O maling bala ng sugo ng kataastaasan?
Hinaharap ay katakot-takot mabuhay
Kung sa ngayon ang bala’y buhay na buhay

Mahal kong Sinilangan,


Ikaw perlas na tanging lalamang sa kamatayan,
Ako, kami, ang bahala sayo sa hirap
Dahil kami ang sugo na hahawak sayo sa hinaharap.

You might also like