You are on page 1of 28

RANES, Jerry Mae A.

GAS 11-4

ANG ALAMAT NI MAGASPANG AT MAKINIS SA PABULA NG WALANG PANGIL NA


BUWAYA: ITINAGO AT GINAGONG BERSYON

"Sir Maximo, ano po bang meron at ipinatawag niyo ako? May problema po ba sa ipinasa
naming mga documents? Ayos naman na po yung seminar para bukas huh?" tanong ng
isang estudyanteng babaeng nagngangalang Yna Magaspang na may bitbit na napakaraming
papeles.

"Sa room na lang natin pag-usapan 'yan. Pero mauna ka na muna kasi may kakausapin lang
ako saglit," tugon ng guro habang simpleng umaakbay kay Yna.

"Eh Sir yung susi po?"

"Ayy oo nga pala. Ooohh ito. Basta hintayin mo na lang ako dun. Susunod ako agad."

Kinuha ni Yna ang susi at pumunta sa silid ni Sir Maximo. Naiwan sa labas si Sir at sakto
namang dumating ang isang estudyante, si Esper Nakasagap.

"Hoy Esper!" sigaw ni Sir Maximo.

"Oh Sir? Bakit po? Ano po bang meron at ipinatawag niyo ako? May problema po ba sa
ipinasa naming mga documents? Ayos naman na po yung seminar para bukas huh?" tugon
nito na katulad na katulad ng sinabi ni Yna.

Tumingin ng masama ang guro, "Sigurado ka bang ‘yan yung linya mo? Ganyan din kasi
sinabi ni Yna kanina."

"Ay! Sorry Sir. Akala ko po kasi ako ‘yung bida. Take two na lang!" napakamot ng ulo ang
dalaga kaya lumabas siya ulit at muling dumaan sa harap ng kaniyang Sir Maximo. Sumakay
din sa trip ng dalaga ang guro.

"Hoy Esper!

Mapapalingon at lalapit ulit kay Sir Maximo na para bang unang take pa lang ng eksena.

"Goood morniiing Siiir Maximoooo!"

Binatukan ng guro si Esper, "Umayos ka nga kung ayaw mong matapos agad yang role mo sa
kwentong 'to!"
"Sorry po. Sorry. Sorry Direk!"

"Hay naku! Oh sya. Ganito, gusto kong sumama ka sa akin at may ipapagawa ako."

"Nakuu Sir! ‘Wag po! Ayoko po! Bata pa po ako!" niyakap ang sarili na animo'y biktima ng
rape.

"Anak ka ng...! Susunod ka o ibabagsak kita sa subject ko?!"

"Oo nga Sir. Sabi ko nga. Ito na nga eh, susunod na!"

Naglakad ang dalawa palapit sa silid kung saan naroon si Yna. "Ganito

lang yung gagawin mo. Magbabantay ka lang yun lang."

Akmang aalis si Esper.

Hinatak naman ito pabalik ng guro, "Oh? Saan ka pupunta? Hindi ba’t sabi ko, dito ka lang!
Magbantay ka!"

"Eh Sir ba’t ako pa? Bantay lang naman pala eehh. Edi tatawagin ko na lang si Manong
Guard."

"Punyetaaa!"

Tila maninigas ang dalaga, "Ahhhmm. Sige po Sir, dito lang ako. Pumasok na po kayo sa loob
and let the battle begin."

Pumasok na sa silid ang guro.

"Oh Sir, nandyan na po pala kayo. Naiayos ko na pala yung mga papel. Ito na po," agad na
sinabi ni Yna nang makita ang guro.

"Yan ang gusto ko sa’yo Yna," sabay hawak sa pisngi ni Yna. "Pinapahanga mo talaga ako,"
unti-unting nilalapit ng guro ang mukha nito sa mukha niya.

Umiwas si Yna at dali-daling dinampot ang gamit niya, "Sir mukhang wala naman na po
kayong kailangan kaya mauuna na po ako. Salamat po."

"Excited umalis? May ipapagawa pa ako sa’yo. Pakikuha naman yung folder na nasa itaas ng
cabinet na ‘yun. Nandun kasi yung mga files na kailangan pa para sa seminar bukas."

"Ah okay po. Ito po ba?" sabay pumatong sa upuan para maabot ang folder.
"Oo Yna! Dyan nga..." nakatitig sa binti ni Yna ang guro na tila naglalaway sa makinis nitong
balat at balingkinitang katawan.

"Alin po ba rito?" tanong ni Yna.

"Ayan! Ayan! Tanggalin mo muna yan!"

Pilit na inaabot ang papel, "Sir paki push pa nga po ito," utos ni Yna dahil masyadong malayo
ang upuan sa cabinet.

"Oh ayan okay na ba? Satisfied?" malambing na tugon ng guro.

"Okay na po ‘yan Sir. Sapat na," nahulog ang mga folder.

Sa labas naman, habang nagbabantay si Esper ay nakikinig ito ng mga pangyayari sa loob ng
silid.

"Ohh myy gosh?! Mukhang intense na ang kaganapan at may padabog na sound effects pa.
Iba talaga si Sir!" tuwang-tuwa na sinabi ni Esper.

"Shocks!!! Ang laki! Araaayy! Aray ko shit!" sigaw ni Yna sa loob ng silid dahil sa kinagat siya
ng daga.

"Yna. Okay ka lang ba?" tanong ng guro,

"Hindi Sir! Ang sakit! Arayyy!"

Patuloy pa ring nakikinig si Esper.

"Emegeeeshhh… iba na talaga this..." ani Esper habang lumalaki ang mata.

Habang nakikinig si Esper ay dadaan ang mga puta girls. Sa pangunguna ni Janine Binangon,
Pia Nabakbak, at Ariela Kerida. Makikita nila na mukhang tanga si Esper.

"Oh? Anong meron at nakatanga ka dyan?" tanong ni Janine sabay magbubukas ng hawak na
pamaypay.

"Pangarap mong maging guard?" tanong din ni Pia sabay magbubukas din ng hawak nyang
pamaypay.

"Para kang aso?! Oh my goshh!" sabat naman ni Ariela sabay irap.

Tila magdudubsmash si Esper, gagayahin ang mga puta girls.

"Wait? Ariela! Where’s your pamaypay?" tanong ni Janine sa kapwa puta.


"I'm sorry girls! Naiwan ko yata sa club kagabi," pagpapaliwanag ni Ariela.

"Ano ba ‘yan? So burara kasi eehhh!" ani Pia.

"Anyways! Back to you! Anong meron Esper?" tanong uli ni Janine.

"Ahhh… Ehhhh…" kinakabahan si Esper.

"Aaahh.. Eeehhh… Iiiihhh.. What?!" nagiinarteng tanong ni Pia.

Habang kinikilatis ng tatlong puta si Esper ay bigla silang may maririnig sa loob ng silid.

"Sir. Ang sakit po talagaaa.. Shit..." boses ni Yna sa loob ng silid.

"Kaya mo pa ba?" tanong ng guro.

"Sir…" nanginginig na boses ni Yna.

"Ohhh my gosh! What was that?!" tanong ni Janine na gulat na gulat sa mga narinig,

"A-ahh ano kasii..." nauutal utal na tugon ni Esper.

"Ano ngaaa?!" gigil na tanong ni Pia.

"Ayokong sabihin sa inyo. At tsaka bakit ko naman sasabihin sa inyo na inutusan ako ni Sir
Maximo na magbantay dito kasi may plano siyang gawin kay Yna? Duuhh! Mag-isip nga
kayo! Bat ko naman gagawin ‘yun?!" tugon ni Esper.

"Hahahaha! So tanga!" pangasar ni Ariela

Biglang dadating si Mrs. Pahamak, asawa ni Mr. Maximo. Ang principal ng school.

"Anong meron dito at nakakumpol kayo? Wala ba kayong balak umuwi? Anong oras na
huh?!" tanong ng principal.

"Shocks sir, dumudugo ohhh. Nasugat yata?!" sigaw ni Yna sa loob ng silid na narinig naman
ng mga tao sa labas.

"Oo nga noohh? Hayaan mo… Sa katagalan di mo na mararamdaman ‘yan. Wag kang
malikot, baka mas lalong sumakit ‘yan," mahinahong bigkas ni Sir Maximo.

Narinig lahat iyon ni Mrs. Pahamak at agad na pumasok sa silid kung saan nandoon sina Yna
at Sir. Maximo.
"Honey!!! Ano yan!!! Mga hayup kayo! Anong ginagawa niyo rito!!! Ikaw babae ka! Anong
ginagawa mo sa asawa ko? Malandi ka! Hayuupp! Mga baboy kayooo!" galit na galit na
sinugod ni Ma'am Jenna ang dalawa sa loob.

Biglang mapapalabas sa kwarto sina Ma’am Jenna, Yna at Sir Maximo.

"Mga baboyyy! Walang hiya kayo!"

Inaalalayan ni Sir Maximo si Yna, "Honey! Magpapaliwanag ako. Let me explain."

"Ano pang ipapaliwanag niyo huh? Dalawang mata ko mismo ang nakakita sa kababuyan na
ginagawa ninyo! Dito pa? At ikaw babae ka! Hindi ba’t scholar ka pa rito? Ang kapal ng
mukha mo na humarot sa asawa ko! Malandi ka!"

"Ma’am! Maniwala po kayo. Wala talaga kaming ginagawa!" umiiyak na pagpapaliwanag ni


Yna.

"Wag ka nang magmalinis Yna! Narinig namin ang lahat. As in lahat. Kung paano ka
nasaktan sa mga ginagawa ninyo! Paaray aray ka pa huh?" sabat ni Janine na talagang
ginagatungan ang away para mas lalong magalit ang principal.

Bubulong si Esper kay Janine, "Tapos may malaki raw!"

"Tsaka what the? Ano yung malaki?!" dagdag pa ni Janine na animo'y alam na alam ang
nangyari.

"Walang hiya ka talaga! Malandi ka! Hindi mo ba alam na dahil dyan sa ginawa mo! Pwede
kitang ipatanggal sa Pamantasang ito!" nanggagalaiting sambit ni Ma'am Jenna.

"Hon! Hindi mo pwedeng gawin ‘yan! Wala kang patunay at tsaka ‘wag mong gamitin yung
posisyon mo laban sa kanya," pagtatanggol pa rin ni Maximo.

"I have an idea. What if ganito na lang kaya Ma’am? Hayaan mo na siyang mag-stay dito para
maramdaman niya ang kahihiyan. Ayaw niyo po ba nun? Makikita niyo syang naghihirap?
Tama diba girls?" sabat ng isa sa mga puta girls na si Pia.

"I agree," pagsang-ayon ni Janine.

"Lapastangan ka Yna! Ito ang tatandaan mo. Magiging miserable ang buhay mo sa
Pamantasang ito! Tanggal ka na sa scholarship program mo!"

"Hon nakakahiya! Umuwi na tayo! Wag ka nang mag-iskandalo rito!"


"At ako pa ang dapat mahiya sa mga pinaggagagawa ninyo? Kung hindi pa ako dumating
hindi pa matatapos yung sesyon nyo!"

"Tara na umuwi na tayo. Pag-usapan natin ‘to."

Patuloy pa ring nagwawala si Ma’am Jenna pero hahatakin siya ni Sir Maximo papalabas.

"Yna Magaspang hindi pa tayo tapoooos!" sigaw ng principal.

Umalis na rin ang mga puta girls kasama si Esper. Naiwan namang magisa si Yna, at sa di
kalayuan saktong nakita siya ng matalik niyang kaibigan na si Emily. Agad naman siyang
nilapitan nito.

"Bakit ba ganun sila Emily! Hindi nila naiintindihan!"

"Tanggapin na lang natin na hindi lahat ng tao kaya tayong intindihin," nakatulala sa
kawalang tugon ng kaibigan.

"Kinagat lang naman ako ng daga eh... Ano bang problema nila dun? Dahil lang sa daga,
matatanggalan ako ng scholarship? Unfair yun!"

"May mga hayop talaga na hindi mo inaakalang sila pala yung sisira sayo," nakatulala pa rin
ang kaibigan.

"Paano na yung tuition ko next sem? Graduating pa naman na tayo."

"May mga bagay talaga akala mo mapagtatagumpayan mo na pero hindi pa pala dahil may
mga pilit na hahadlang sayo. Nasa tuktok ka na ng tagumpay, may hahatak pa sayo
pababa…"

"Paano ko sasabihin ‘to kay nanay?"

"Bwahahahahaha! Lagot, pupugutan ka nun ng ulo kapag nalaman nya! Ikaw pa naman
yung inaasahan niyang magtataguyod sa pamilya niyo! Umaasa siya sayo pero ano? Kapag
hindi ka nakapagtapos this year, mababaon kayo sa utang, wala na kayong makakain,
palalayasin na kayo sa tinitirahan niyong bahay, gagala na lang kayo sa kalye, umaga,
tanghali, hapon, gabi… mamamalimos ka, wala kayong masisilungan kapag umuulan…
mamatay kayo sa gutom…"

"Ganun ba? Ano na’ng gagawin ko ngayon?" problemadong tanong ni Yna.

"Kung ako sa’yo, magtago tago ka na. magpakalayo layo ka na at wag nang magpapakita pa!
Sarilinin mo na lang ‘yan."
Tuluyan nang maiiyak maiiyak si Yna.

Makikita ng boyfriend ni Yna ang dalawa, si Angelo Magaspang kaya agad itong lumapit sa
kanila.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Angelo sa kasintahan,

Dahan dahang lilingon habang nginig ng ulo na mala-horror tapos may hawak na lang bigla
na kutsilyo.

Binatukan ni Emily si Yna, "Baliw! Hindi tayo horror! ROM-COM ‘to!"

"Ay hindi ba?" sabay itatago yung kutsilyo. "Ano nga ulit yun Angelo?"

"Tinatanong ko lang kung okay ka ba? Narinig ko kasi yung balita," sabay itutulak si Emily at
uupo sa tabi ni Yna.

"Galawang hokage ka rin eh ano?" inis na sabi ni Emily.

Titingin si Angelo kay Emily at sesenyas na manahimik siya, "Ano bang nangyari?"

"Tuluyan nang tinanggal ni Ma’am Jenna yung scholarship ko. Dahil nga sa nangyari
kahapon. Angelo… Maniwala ka sa akin… Wala kaming ginagawang masama.. Mali yung
iniisip ninyo.."

Hahawakan ni Angelo ang kamay ni Yna at tititig sa mga mata nito, "Naniniwala ako sa’yo.
Kahit pa anong sabihin nila, maniniwala pa rin ako sa’yo. Maniwala ka, naniniwala ako."

Magi-spoken words si Emily habang nakatulala sa kawalan, "Naniniwala ako sa aswang.


Lumaki ako na kinukuwentuhan ng mga tiyuhin ko na galing sa Capiz at Aklan tungkol sa
kanila kaya, oo, naniniwala ako sa aswang. Naniniwala ako na kaya nilang magpalit ng anyo.
Na dapat akong maging mas mapayapa na marinig ang pagpalatak ng bibig ng tiktik dahil
kung malapit daw ang tiktik ibig sabihin ay malayo ang aswang. At siguro, iisipin mo na
nababaliw na ako o napakadali ko namang mauto pero, oo, hindi ako nagsisinungaling,
naniniwala ako sa aswang."

Binatukan ni Angelo si Emily, "Gutom lang ‘yan. Kung gusto mo bumili muna tayo ng
pagkain. Ikaw Yna? Nag-meryenda ka na ba?"

"Hindi pa. Pero gusto ko sana?" sagot ni Yna.


"Sige kami na lang ni Emily yung bibili. Dito ka lang muna huh? Mukha rin kasing
kailangang kailangan nang kumain nitong bestfriend mo ehh… Hindi ko alam kung ikaw ba
talaga yung may pinagdadaanan o siya. Dyan ka lang muna huh?"

Umalis na si Angelo at Emilo kaya naiwang mag-isa si Yna.

Binuksan ni Yna ang kaniyang bag at tinignan ang laman ng wallet at tsaka napabuntong
hininga ng malalim, "Paano ba ‘to? Hindi na pala kasya ang ipon ko para sa bayaran bukas.
Saan ako kukuha ng pera nito? Hindi naman pwedeng kay nanay. Magtataka ‘yun at
panigurado kulang naman yung kinita niya sa maghapong paglalako. Hindi ko na talaga
alam."

Biglang dadating ang mga puta girls habang nagpapaypay.

"May susuotin na ba kayo para mamaya? Dapat maganda kayong tignan para alam nyo na…
Para mas maraming costumer at kumita tayo ng malaki laking pera. Okay?" tanong ni Janine
sa mga kasamang puta girls na narinig naman ni Yna,

Napalingon si Yna sa tatlo nang marinig ang salitang pera.

"Janine? Tama ba yung pagkakarinig ko? May trabaho kayo?" paguusisa ni Yna,

"Yuck! Wag ka ngang lumapit sa akin! Tsaka ano bang pake mo?" pagiinarte ni Pia,

"Kaya nga! Tsaka marami ka namang pera diba? Scholar ka ng school eehh ay este ni Sir
Maximo pala! Ahahaha!" sabat ni Ariela.

"Nagmamakaawa ako sa inyo. Baka naman pwede niyo akong isama sa trabaho nyo? Kahit
waitress lang o kaya janitress. Kailangan ko kasi talaga ng pera eehh." pagmamakaawa ni
Yna.

"Fine! Madali kaming kausap. But wait, dapat may kapalit!" sabi ni Janine,

"Kahit ano basta kailangan ko lang talaga ng trabaho."

"Pasampal?" sabay sampal ni Janine sa mukha ni Yna.

"Sandali… Nasa script ba ‘yun?" pagtataka ni Yna.

"Wala."

"Eeehh bat ginawa mo?" ani Yna.


"Nakalimutan ko na kasi yung nakalagay sa script eh. Ang alam ko lang, may kapalit… Kaya
yun na lang yung naisip kong kapalit ng kapalit. Aangal ka pa ba?" pagpapaliwanag ni
Janine.

"Hiindi. Hindi. Gusto mo ulitin mo pa eh." tugon ng dalaga.

"Game!" singit ni Pia na akmang pasampal na.

"Tara na girls! Malilate na tayo! Magagalit si Ina!" pagpigil ni Ariela.

"Oo nga pala. Ito kasi eehhh. Tara na nga! Lets go!" sagot ni Janine sabay irap kay Yna.

Aalis na ang tatlong puta. Nakatayo pa rin si Yna at hindi sumusunod.

"Ano pang tinatanga tanga mo dyan? Akala ko ba sasama ka?" tanong ni Pia kay Yna.

"Pasok na ba agad ako? Wala na bang requirements yan? Bio-data o kaya naman job
interview?" pagtataka ni Yna.

"Ang dami mo pang nalalaman! Tara na! Basta may butas, pasok na!" may halong kaartehang
bigkas ni Ariela.

Umalis na ang apat. Bigla namang bumalik si Angelo at Emily sa kinauupan ni Yna kanina, at
naguat na lang sila dahil wala na ito.

"Y-Yna? Yna?", titingin sa ilalim at likod ng upuan. "Yna? Angelo iniwan na tayo ni Yna… Wala
na sya," malungkot na banggit ni Emily.

"Wala na sya? Parang kanina lang kausap ko sya… Ngayon wala na sya?" sabay matutulala
ang binata.

"May mga tao talagang ang galing galing mang-iwan… Hindi nila iniisip yung
mararamdaman ng iiwan nila… Paniniwalain kang mananatili sila ngunit bandang huli, ikaw
at ikaw lang din talaga ang mag-iisa…" muling titingin sa kawalan si Emily.

"Tingin mo sinadya nya talagang mang-iwan? Paano kung may ibang dahilan?"

"Hindi niya gagawin yun kung may paninindigan sya sa mga salitang binitawan niya sa’yo.
Napakadali talagang maniwala sa mga pangako. Ang inakala mong walang hanggan,
darating din pala talaga sa dulo."

"Yung totoo? Ano bang pinapamukha mo?" tanong ni Angelo,


"Sa totoo lang kasi Angelo... Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong
gawing lambing di mo pa rin pansin. Matagal na akong may lihim na pagtingin sa'yo
Angelo," nakayukong pagamin ni Emily.

"Tama na yaaaaaaann. Alam mo namang si Yna lang ang gusto ko. Isang taon na kami kaya
hindi ko hahayaan na matapos lang yun ng ganun!"

"Bakit? Porket halos tambalan ang mga apelyido niyo! Yna Magaspang at Angelo Makinis?
Ganun ba ‘yun? Apelyido na ang batayan?! Ganun ba? Ito ang tatandaan mo! Magbrebreak
din kayo! Kung yung mag-asawa nga naghihuwalay pa! Kayo pa kaya?" sabay tatakbo paalis.

"Saan ka pupunta?!"

"Magpapakalayu-layo… hahanapin ko muna yung sarili ko!" at tuluyan nang umalis.

Napailing na lang si Angelo at tsaka umalis.

Samantalang, sinama ng tatlong puta si Yna sa bahay aliwan. Napakaraming customer at


sobrang ingay

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Yna sa ililibot ang mata sa loob ng bar.

"Edi magtratrabaho. Trabaho hanap mo diba? Kailangan mo ng pangtuition, right?" sagot ni


Janine.

"Ehh anong trabaho naman? Wag nyong sabihin na…" kinakabahang tugon ni Yna.

"Ito naman makapag-react akala mo first time. Ehh diba may nangyari na sa inyo ni Sir?" ani
Pia.

"Huh? Eh hindi naman totoo yun ehh," pagpapaliwanag ng dalaga.

"Napakaarte mo! Mas madali ang kita rito! Ilang kembot lang, minimum wage ka na at kung
gusto mo ng maximum at may bonus pa, alam mo na. Madaling kumota rito," pagiinarte ni
Ariela.

Habang naguusap ang apat agad namang lalapit si Inang Puta sa kanila.

"Inaaaaannnnngggg!" sabay sabay na sigaw ng tatlong puta.

"Makasigaw naman kayo! Kagabi lang naman tayo huling nagkita!"

"Ganun talaga Inang, Ayy nga pala, Yna, siya si Magdalena Powers ang aming Inang Puta.
Siya ang may-ari ng club na ito," sabi ni Janine.
"Aaaahhh. Dapat ko bang sabihing hello po?"

Titignan siya ng masama ng tatlong puta, "Ahhh. Hello po pala sa inyo," sabay kamay sa
Inang puta.

"Gusto niya pong magtrabaho. Alam nyo na Inang. Turuan na ito ng mga galawan!" sabay
kindat ni Ariela sa kanilang Inang.

"Anong galawan ba yung gusto mong matutunan? Yung pang low level o yung pang higher
level?" tanong ng kanilang Inang.

"Po?" pagtataka na Yna.

"Simple lang, low level means mababang kita. Kung higher level, mas malaki yung kita… so
ano ba yung gusto mo?" paliwanag ng Inang,

"Higher?"

"Wooooaaahhh!!! Coooooool!" sabay sigaw ng tatlong puta.

Habang naguusap ang lima, darating naman ang suki nilang pulis na si SP01 Antonio
Dimatakasan.

"Oorder ako… nasaan ang menu?" sigaw ng pulis.

"Oh!!! Ikaw pala SPO1!! Magaling ka talagang tumiming… sya nga pala… Ang bago sa aming
menu for the night!" pambungad ng Inang Puta sabay hatak kay Yna.

"Hmmm? Safe ba ‘yan? Marunong ba?"

"Oo Sir! Bago ‘to!" singit ni Janine,

"Wait sino ka nga ulit?" tanong ng pulis sabay turo kay Janine. "SPO1

naman! Janine Binangon ‘to! Ang menu niyo last Monday!"

"Eeehh siya?" tanong uli ng pulis sabay turo kay Pia.

"Pia Nabakbak SPO1! Ang bilis mo namang makalimot! Parang nung isang araw lang
pinagsilbihan pa kita eehhh!"

"Baka ako ‘di mo nakilala? Ako yung nagpaligaya sa’yo kagabi! Ariela Kerida, always on the
go!" pagpapabida ni Ariela.
"Tama na ‘yan girls! Oohh ayan SPO1, nagdududa ka ba sa mga tauhan ko? Kailan ba kita
binigo? Sa tinagal-tagal mo nang bumabalik dito, kailan ka ba nadismaya sa mga PUTA-he
ko?" pagkukumbinse ng Inang Puta.

"Naninigurado lang ako. Mukhang takot pa ‘tong inihaharap mo eehhh. Baka ‘di magaling
‘yan!" sagot ng pulis.

"Problema ba ‘yun? Edi kung hindi, ikaw na magdala! Magpakitang gilas ka!"

Ngingiti ng nakakaloko ang pulis, "Hmmm… sige… sya na lang…" titingin siya ng malagkit
ka Yna ng nakangiti. "Hi Miss. Ako nga pala si SPO1 Antonio Dimatakasan. Anton na lang for
short," sabay aabot ng kamay niya.

Tinignan lang ni Yna ang kamay ng pulis pero pinilit siya ni Inang Puta na makipagkamay na
rin.

"Ohh? Bat nakatulala ka lang diyan?! Nakikipagkamay yung unang costumer mo oohh. Kung
gusto mo talaga ng malakihang kita, sumakay ka sa trip niya!" sabi ng Inang puta.

Iaabot na rin ni Yna ang kamay niya.

"Anong oras mo gusting magsimula? Wala naman akong gagawin ngayon kaya baka
magovertime ako sa’yo. Pero ‘wag kang mag-alala, tataasan ko ang sweldo mo. Swerte mo at
galante ako. Ako pa ba? SPO1 Dimatakasan yata ‘to," sabay akbay kay Yna.

Pasimpleng tatanggalin ni Yna ang mga kamay ni Dimatakasan.

"Go Yna! Kaya mo ‘yan! Akalain mo, mas malaki pa ang kikitain mo kaysa sa amin. Ahaha!
Iba ka talaga. Ang swerte mo kay SPO1," sabi ni Janine.

Tahimik lang si Yna. Nakayuko at para bang maiiyak na.

Bubulong si Inang Puta kay SP01, "Lakihan mo yung tip ko ha! Buena mano ka dyan,
panigurado!"

"Oo na,"

"Ariela, ituro mo na sa kanila yung daan tungong langit…" utos ng Inang puta

"Okeeyy!!! This way!" inihatid ni Ariela ang dalawa sa kwarto.

Papasok na ang dalawa sa kwarto at doon na maguumpisa ang makalaglag pangang eksena.
Dahan dahang hahaplusin ng pulis ang buhok ni Yna tapos yung pisngi naman habang
tinatanggal ng pulis ang damit ni Yna. Magtatanggal din ito ng damit… ihihiga ng pulis si
Yna,ilalapit ng pulis ang mukha niya sa mukha ni Yna…

Sa labas patuloy lang ang pagsayaw ng mga puta.

Pagtapos ng mga pangyayari, nagbihis na ang SPO1 at nakaupo naman si Yna na yakap ang
sarili.

"In fairness huh? Kahit baguhan ka, mahusay ang performance. Masunurin! Wag kang
magalala sa uulitin ulit. Gusto kita. Gustong-gusto," malambing na sabi ng pulis,

Hahalikan ni Dimatakasan sa pisngi si Yna. Tsaka lalaabas ang pulis sa kwarto. Nakangiti at
medyo magulo pa ang damit.

"Ano kumusta? Mahusay ba?" agad na tanong ng Inang Puta pagkakita sa pulis.

"Gusto ko siya. Sobrang gusto ko siya. Babalik-balikan ko yan huh? Ooh ito nga pala, yung
kalahati sa’yo, yung kalahati sa kanya. Malay mo sa susunod mas malaki laki pa. Basta,
alagaan niyo ‘yang trabahador niyo na ‘yan. Akin lang siya. Bawal sa iba.

"Sir yes Sir!" tuwang tuwa ang Inang puta.

Umalis na ng club ang pulis pero tuloy pa rin ang sayawan sa club.

"Gusto niyo pa ba ng isa?" tanong ni Janine sa mga tao sa club.

Sisigaw ang mga tao at sasayaw ulit ang mga puta sa saliw ng Careless Whisper.

Kinabukasan sa pamantasan, magkasamang pumasok si Emily at si Angelo na nagtatawanan


at nagkikilitian nang biglang mabangga ni Emily si Yna.

"So… " nakataas ang kilay na sabi ni Yna sa dalawa.

"Yna ikaw ba yan? Yna? Ikaw nga! Nagbalik ka! Bestfriend!" sabay yakap kay Yna.

Tinulak ni Yna si Emily papalayo sa kanya, "Akala ko ba naman ako lang yung maharot sa
kweto na ‘to… Nagkamali ako… Mas maharot ka pa pala… taksil kang kaibigan…
Mangaagaw! Hindi ko alam na nakasulat pala sa kwentong 'to kung paano mo aahasin ang
boyfriend ko! Mas maharot ka!"

"Mang-aagaw? Sino? Ako? Bakit? Ano bang ginawa ko bukod sa pakikipagkilitian at


panakanakang pagnanakaw ng halik sa boyfriend mo? Wala naman akong ginawang iba ah!
Hindi ko sya inagaw sayo!" pagpapaliwanag ni Emily.
"Ang kapal ng mukha mo! Itinuring kitang bestfriend ko! Hindi ko akalaing nakipagkaibigan
ako sa ahas!" nanginginig na boses ni Yna dahil sa galit.

"Teka Yna… nagkakamali ka ng akala…" singit ni Angelo.

"Nagkakamali? Yang maharot at weird na babaeng yan yung nagkakamali sa mga


pinaggagagawa niya!"

"Sumosobra ka na ah! Kung makapagsalita ka parang hindi tayo magkaibigan! Ganyan ka ba


talaga sa mga kaibigan mo?! Ha! Ano pinakinabangan mo lang talaga ako?" sagot ni Emily.

"Nakinabang? Bakit? Ano bang kapaki-pakinabang sa’yo? Kaibigan kita ngunit kaibigan ka
nga ba? Kung nagagawa mo akong pagtaksilan… Walang hiya ka!"

"Hindi kita pinagtataksi---"

"Dahil sa kaharutang taglay mo, tapos na ang role mo sa kwento na ‘to… Makakaalis ka na!"

Lalapit si Emily kay Yna at magtatangkang magsorry, "Hindi kita pinag----"

"Blah blah blah… Whatever." pagpigil ni Yna.

Umiiyak na aalis si Emily. Pero naiwan si Angelo kasama si Yna.

"Yna?" sambit ni Angelo.

"Masaya ka na? Masaya ka na ba?"

"Hindi kita maintindihan. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Nagtatanong ka pa? Hindi mo ba alam na unti-unti ka nang nililingkisan ng kaibigan kong


ahas!"

"Alam ko na noon pa lang, may lihim na siyang pagtingin sa akin. Pero kasalanan ko ba ‘yun
kung gwapo ang boyfriend mo?"

"Ewan ko sa’yo! Nakakainis ka na talaga! Kung gusto mo..." biglang lulungkot ang mukha ni
Yna. "Tapusin na lang natin to… " sabay lalayo mula kay Angelo.

"Ganun na lang ba kadali sa’yo na tapusin ang lahat ng ito? Sa simpleng tanong na ‘yan? Ako
pa ang tinatanong mo kung gusto ko ng tapusin ‘to? Para ano? Kapag sinabi kong oo ako ang
lalabas na unang sumuko, ako ang unang bumitiw at ako ang hindi tumupad sa pangako?
Sayang ang isang taon na pinagsamahan nating dalawa!"
"Hindi iyon ang intensyon ko! Tingin mo ba gusto ko ‘to? Ikaw rin ang may kasalanan! Hindi
mo man lang naisip ang nararamdaman ko kapag nakikita kitang may kasamang iba! Ang
problema sa’yo, manhid ka!"

"Yna! Alam mo namang… Hindi kita iiwan! Hindi pababayaan! Sa akin ay hindi ka iiyak na
kahit minsan!"

"Sabi mo ay ako lamang. Sabi mo ay ‘di iiwan at sabi mo, mahal mo ako? Naniwala sa iyo ang
puso ko!"

"Pero…. Kung inaakala mo na ang pag-ibig ko’y magbabago, itaga mo sa bato, dumaan man
ang maraming pasko," unti-unting lalapit si Angelo kay Yna at yayakap dito.

Unti-unti namang lilingon si Yna. Marahang marahan. Mala-horror.

"Babe. Hindi tayo horror. Target nating pakiligin ang readers!"

"Aaahh ganun ba? Pwedeng take two na lang? Layo ka muna."

"Sige sige..." lalayo ulit ng kaunti si Angelo kay Yna. "Pero…. Kung inaakala mo na ang
pagibig ko’y magbabago, itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming pasko," unti unting
lalapit si Angelo kay Yna.

Dahan-dahang lilingon si Yna sabay ang hawi ng buhok. Tatanggalin ang pagkakayakap ni
Angelo at magpapahabol dito.

Si Angelo naman, hahabol. Medyo maaabutan niya si Yna pero kapag naabutan niya ulit,
papalag ito kaya’t magpapaikot-ikot lang sila nang naghahabulan. Mapapagod tapos uupo
muna sa kunwaring damuhan. Sasandal si Yna kay Angelo at titingala silang dalawa sa langit
na parang tumitingin sa mga bituin.

Bigla namang darating si Esperanza at lalapit sa dalawa.

Nakaturo si Angelo sa langit, "Tignan mo ‘yun oohh. Shooting Star!"

Tiitingala rin si Yna t ngingiti, "Oo nga ang ganda! Magwish tayo!"

Pipikit si Angelo, "Sana may forever na..."

"Meron naman na huh? Sa ating dalawa!" magkakatitigan ng malagkit ang dalawa.

Patuloy silang magtuturo sa langit.

"Ayun oohh! Shooting star ulit!"


Lalapit si Esperanza sa dalawa at titingin din sa itinuturo ni Angelo. Parang nasisilaw at
bigla niyang babatukan yung dalawa.

"Anak ng! Katanghaliang tapat kung ano anong kalokohan ‘yang pinaggagagawa ninyo!
Masyado kayong nagpapadala sa background music!" panira na sabi ni Esper.

"Bitter ka kasi! Kaya hindi mo nakikita ang kagandahan ng mundo! Ang mundong punong
puno ng pag-ibig," kontra ni Angelo.

"At mga politikong korap!" dagdag pa ni Yna.

Mapapailing at aalis na lang si Esper, "Ewan ko sa inyo! Hindi kayo mabubusog ng pag-ibig
na pinagkakakana ninyo. Sige lang pagpatuloy niyo ‘yan!"

"Halika na nga babe! Sa bench na tayo maupo. Medyo may langgam dito eehh. Baka katihin
pa ako ng wala sa oras!" sa aakbay at aalalayan si Yna papunta sa bench.

Patuloy na maghaharutan ang dalawa at tsaka naman dadating si SPO1 Dimatakasan


kasama ang isang lalaking nakahelmet.

May hawak na ballpen at papel si SPO1 at nagsusulat, "Anong pangalan mo?"

"Doctor James Panganiban po. Wait lang po Boss. Bat niyo ako hinuli? Hindi ko po
maintindihan!" sagot ng biktima.

"Para sabihin ko sa’yo, bawal maghelmet ng walang motor! Dito ka pa dumadaan sa harapan
ko huh? Ipapakulong kita ng wala sa oras eehhh!"

"Boss ‘wag po. Maawa po kayo sa akin. Ayoko po."

Ngingiti si SPO1, "Madali naman akong kausap eehh. Basta alam mo na?"

Nagabot na pera ang biktima, "Ito po ang isang libo. Akin na po yung helmet ko."

"Aba’t demanding ka pa huh? Gusto mong damputin na kita huh?"

"Hindi na po Boss. Sige po inyo na ‘yan."

Titignan ni SPO1 ang biktima niyang doktor mula ulo hanggang paa, "Teka. Umikot ka nga.
Bilis!"

Umikot ang doctor nang nakataas ang kamay.

"Gusto ko ‘yang jacket mo huh? Mamahalin! Iwan mo na yan! Sama mo na rin pati sapatos at
pantalon mo."
"Pero? Paano po ako uuwi? Nakahubad?" tanong ng doktor.

Inilabas ni SPO1 ang baril at itinutok sa doktor, "Huhubarin mo o ipuputok ko ‘to sa ulo mo?
Sa’yo na pala ‘tong helmet mo! Basta akin na yang suot mo!"

Natatarantang naghubad ang doktor at pagkatapos ay tumakbo papaalis . Dinampot ng pulis


ang lahat ng gamit at inilagay sa bag niya. Nagbilang siya ng kaniyang pera at panay tawa ng
malakas.

"Ayos na ‘to! Ahaha! Masusuportahan ko na ang beybiii Yna ko mamaya. AHAHAHA!" sabay
mapapalingon siya sa dalawang nakaupo sa bench pero ‘di ito napansinin na si Yna iyon
tsaka nya lang mapagtatanto kaya lumingon siya uli.

Lalapit siya rito at hinatak si Yna.

"Yna?! Anong ibig sabihin nito?" tanong ng pulis.

Napatayo si Yna at Angelo.

"Ipaliwanag mo ‘to! Sino ‘yang kasama mo?!" galit na sabi ni SPO1.

"Tatay mo?" tanong ni Angelo kay Yna.

"Bata mukhang hindi maganda ang tabas ng dila mo huh? Baka hindi mo alam, ako ang---"
naputol ang pagsasalita niya.

"Ano bang pakialam mo huh? Tsaka ano ba kita?!" singit agad ni Yna.

"Sandali… Nalilito na ako. Tatay mo siya pero tinatanong mo pa kung ano mo siya tapos siya
naman anak ka niya pero nagtatanong naman siya kung ano kita.. Ano?! Ang gulo!"
gulonggulo si Angelo sa mga nangyayari.

"Ako? Ama ni Yna? Yna beybi ko kaya yan!" sagot ni Dimatakasan sabay akbay bigla kay Yna.

Hindi nakatiis si Angelo kaya bigla niyang sinuntok si Dimatakasan.

"Aba’t bastos ‘to huh?!" galit na sigaw ni Angelo.

Hinugot ni Dimatakasan ang baril niya sabay itinututok sa dalawa.

"Ohh boss? Masyado yatang mainit ‘yang ulo ninyo? Baka pwedeng pag-usapan na lang
natin ‘to o kung gusto niyo, akbayan niyo na lang ulit yung girlfriend ko. Pipikit na lang ako
para ‘di ko makita!" mahinahong pagpapaliwanag ni Angelo na natakot sa baril na hawak ng
pulis.
"Wala akong panahon sa kalokohan mo! Basta ang sa akin, akin lang! Hindi mo ba alam na
may nangyari na sa amin ng girlfriend mo?!"

"Itigil mo na ‘yan!" singit uli ni Yna.

Inagaw ni Yna ang baril mula kay Dimatakasan, tsaka na pinaputok ito ni Dimatakasan kaya
natamaan ng bala si Yna.

"A---a---a—ray.. Ouch! Ang sakit! Shocks!" pautal utal na sabi ni Yna habang hawak ang parte
ng katawan na tinamaan ng bala.

Nasalo ni Angelo si Yna at napahiga ito sa sahig. Tumakbo naman papaalis ang pulis na
parang nakatulala at di alam ang nangyari.

"Yna? Yna? Babe?" paiyak na sabi ni Angelo habang hawak ang pisngi ni Yna.

"Buhay pa naman ako. Kaya ko pa. Sa totoo lang. Angelo, Mahal makinig ka…"

"Ano yun mahal?"

"Makinig ka sa akin. Alam ko namang hindi ka tatawag ng ambulansya o hihingi ng tulong


para isugod ako sa ospital kaya ngayon. Hayaan mo na lang akong mairecite ang huling
isang page ng line ko sa kwento na ito. Makinig ka. Mamaya ka na magdrama… Patawarin
mo ako.. Patawad.. Ang totoo kasi niyan, may nangyari talaga sa aming dalawa ng hayup na
pulis na ‘yun. Naalala mo? Natanggal ako sa scholarship hindi ba? Namroblema ako kung
paano ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Ayokong malaman ‘to ni Mama. Ayokong
mamroblema pa siya kaya sumama ako sa pinapasukan nina Janine. Sa night club. Nakilala
ko ang pulis na ‘yun at siya ang naging unang costumer ko. Hindi ko alam pero nabaliw pala
siya sa akin. Lagi niya akong hinahanap. At ngayon, heto ako… Naghihingalo na pero
pinapanood mo lang ako. Hinihintay mong mapatid ang hininga ko para maisigaw mo nang
paulit-ulit ang pangalan ko sayang nga lang kasi walang ulan effect para mas dama... pero…
tandaan mo… Mahal na mahal kita. Alagaan mo si Mama. Pakiusap… Magpakatatag ka…"
hinawakan niya sa pisngi si Angelo.

Tuluyan nang nawalan ng malay si Yna at nalaglag ang kamay na humawak sa pisngi ni
Angelo.

"Yna? Yna gumising ka… Yna ‘wag mo kong iiwan… akala ko ba may forever sa ating dalawa?
Kasasabi mo nga lang kanina eh! Yna!" umiiyak na sabi ni Angelo.

"YNAAAAAAA!" tumahimik ang paligid at muling nagsalita si Angelo, "Teka… Nasaan na ang
walang hiyang gumawa nito sa’yo! Sandali lang! Hahabulin ko. Hindi pa naman yata
nakakalayo ‘yung hayup na ‘yun!"
Umalis na si Angelo at naiwang nakahandusay sa kalsada si Yna.

May babaeng naglalako ng kung ano ano at unti unting lumalapit sa katawan ni Yna. Siya
ang nanay ni Yna na si Sisa.

"Alam niyo ba na ang ingridients ng maxx na honey lemon flavor ay sugar, glucose, syrup,
citric acid, artificial flavors, natural honey, menthol crystals, eucalyptus oil and artificial
color with FD&Cyellow#5. At ayon pa sa balat ng kending ito, ang hotline daw nila ay
(632)5598-872 kaya tawag na!!! Salamat nga pala sa mga bumili kanina lalo na--"

Natisod si Sisa at nakita ang nakahandusay na anak.

"Ay politikong korap!!!… A-anak? Yna? Ikaw na ba yan? Anong nangyari sa’yo?! Anak!
Nandito na si nanay! Anak? Tulong! Anak? Ynaaaaaaaaaa!"

Sinugod sa ospital si Yna,

"Anak. Nandito lang ang nanay. Lumaban ka huh? Wag mo akong iiwan!

"Misis ano pong nangyari sa kanya?" tanong ng doktor.

"Doc, gawin nyo po ang lahat para mailigtas ang anak ko. Nagmamakaawa ako."

"Susubukan po namin. Dito lang po muna kayo sa labas."

"Clear... Clear… Tuuuuuuut!" tunog ng aparato sa ospital. Hudyat na tuluyan nang namatay si
Yna.

"Time of death: 12:51 pm."

"Doc? Ano pong nangyari? Doc?"

"Ginawa na po namin yung makakaya namin pero masyado na pong maraming dugo ang
nawala sa kanya bago nyo pa siya naisugod dito… pasensya na po pero---"

"Hindi pwede… anak? ANA---" sigaw ng ina.

"Sshhhh… nanay, alam ko pong balak niyong sumigay pero bawal pong mag-ingay dito sa
ospital."

"Anaaaaaaaakkkk!" sigaw ng ina ng walang boses.

Lumabas ang nanay ni Yna. Umiiyak, nagwo-walling. Makikita naman ito ni Angelo.

"Nanay?" nilapitan ni Angelo si Sisa.


"Patay na sya… wala na ang anak kooooo!" umiiyak na sinabi ni Sisa.

"Tahan na po nanay… Pasensya na po kayo… Hindi ko na po nahabol yung walang hiyang


bumaril sa anak niyo…" pagpapakalma ng binata.

"Teka nga? Bakit alam mong nabaril yung anak ko? Bakit kilala mo ako? Sino ka? Sino ako?
Nasan ako? Sino kayo?" pagtataka ng ina.

"Nanay, ako po yung boyfriend ng anak niyo, alam ko pong kayo yung nanay ng girlfriend ko
kasi sinabi po sa akin ni direk na kapag may nakita raw po akong naglulupasay, kayo na
yung nanay since ngayon pa lang po tayo nagkita…"

"Ah gets ko na... So ikaw pala yung may gawa nito sa anak ko huh? Walang hiya ka!"

"Hindi po ako.." sabay yakap sa ina. "Hindi po ako ang may kagagawan nito sa anak ninyo.
Masaya pa po kami kanina. Nasa park po kami nang bigla na lang dumating yung hayup na
pulis na yun. Ang bumaboy sa puri ni Yna. Mahirap pong ipaliwanag pero marami pong
inilihim sa inyo si Yna dahil po sa takot niya na madismaya kayo. Natanggal po siya noon sa
scholarship niya dahil nasangkot po siya sa isang isyu. May nakahuli raw po na may
ginagawa sila ng isa naming propesor. Pero maniwala po kayo, hindi totoo ang mga bintang
sa kanya. Hindi niya po ito ipinaalam sa inyo. Pinili niya pong gumawa ng paraan hanggang
sa isang araw napasama po siya sa mga kaklase namin na nagtratrabaho sa club. Doon niya
raw po nakilala yung pulis na naobsess sa kanya. Tapos kanina po, nakita niya kaming
magkasama. Hindi ko po alam kung anong demonyo ang sumapi sa kanya pero bigla na lang
po siyang nagpaputok ng baril at si Yna ang tinamaan. Mahal na mahal po kayo ng anak
niyo. Gusto nyo na rin po bang sabihin ko pati yung mga mangyayari sa susunod na
mangyayari sa kwentong to?"

May sumigaw mula sa kalayuan, "Hoy! Wag kang spoiler! Magagalit si direk!"

"Ganun ba? Kailangang managot nung pulis na may gawa nito sa anak ko! Kung
kinakailangan na makipagpatayan ako para sa hustisya, gagawin ko!" naka-fierce ang
mukha at nakatanaw sa malayo na sinabi ni Sisa.

"Wag po kayong mag-alala, kanina, nagpunta na po ako sa pulisya para ireport ang lahat at
ang sabi po nila, sila na raw ang bahala at magsasagawa na raw po sila ng imbestigasyon. Sa
ngayon po, ano na pong balak niyo?" tugon ni Angelo.

Napabuntong hininga na lamang si Sisa at sinabing, "Napagpasyahan kong… Itigil na lang


yung pagigiging takatak girl… siguro mag-aabroad na lang ako… tama… yun na nga ang
gagawin ko, oras na para ayusin ko yung buhay na ‘to…"

"Po? Paano po?"


"Alam mo kasi, alam kong madali akong makakahanap ng trabaho sa ibang bansa, tutal
nakapagtapos ako bilang valedictorian noong 1991 sa Macaranas Elementary School at
Dinanas National High School, nakapagtapos din ako bilang Suma Cumlaude sa kursong
Bachelor of Science in Nursing sa Unibersidad ng Pilipinas noong taong 1999, binigyang
pagkilala rin ako bilang isa sa mga nagsagawa ng mga pananaliksik patungkol sa iba’t ibang
larangan gaya ng medisina. Sa katunayan, inilaban din ang aming mga research sa bansang
Slovakia noong 2000 at nagkamit ito ng karangalan at ngayon, sa kasalukuyan, nagagamit
ito ng ilan sa mga nagpapakadalubhasa sa medisina. Noong 2002, namasukan din ako sa
isang kumpanya at dahil sa likas na pagkamalikhain ng aking utak, naimbento ko ang maxx."

Patuloy lang na nakinig si Angelo pero hindi niya naiwasang humikab.

"Akalain mong napagsama sama ko ang sugar, glucose, syrup, citric acid, artificial flavors,
natural honey, menthol crystals, eucalyptus oil and artificial color with FD&Cyellow#5
upang mabuo ang honey lemon flavor ng candy na ito..." dagdag ni Sisa.

Umalis na si Angelo at wala ng nakikinig pa sa kaniya.

"Ahhmmm… may tao pa ba dyan?" tanong nito.

Matapos lamay, inilibing na ang bangkay ni Yna.

Nagluluksa si Angelo sa harap ng puntod ni Yna kasama ang kaibigan nito na si Emily.

"Hindi ko akalain na mangyayari sa’yo ‘to. Hindi pa maganda ang naging huling pag-uusap
natin. Patawarin mo sana ako dahil kahit anong pilit mo na tapusin na ang role ko sa play na
ito, babalik at babalik ako lalo pa ngayon at wala ka na. Kailangan ng panibagong bida at
panibagong aalilain. Siguro kung nandito ka, malamang babatukan mo lang ako pero
pinipilit ko naman talagang maging matino. Kaso ang hirap talaga kapag pinagpipilitan mo
‘yung mga bagay na ‘di naman talaga pwede. Kaya ‘wag kang mag-alala, hindi ko na
ipagpipilitan ang sarili ko dito kay Angelo. Ayoko namang multuhin mo pa ako noh?!"
malungkot na sabi ni Emily sa harap ng puntod.

"Mahal pangako, pagbabayarin natin ang gumawa sa’yo nito. Mahal na mahal kita alam mo
‘yan. Kahit puro kalokohan lang ang ginawa natin habang buhay ka pa, hinding hindi ko
tatangkain na limutin ang lahat ng iyon kasi nga mahal kita. Mahal na mahal," sambit ni
Angelo.

Darating si Sisang nagmamadali at para bang wala na naman sa katinuan.

"Nakuu. Angelo, pasensya na kung ngayon lang ako nakapunta. May inasikaso pa kasi ako
eehhh. Nga pala, kumusta ang naging libing niya kanina? Marami bang pumunta? Anong
sabi ng purenarya? May kulang pa raw ba?" tanong nito.
Mapapakamot na lang ng ulo si Angelo sabay sabi na, "Maayos naman po ‘nay. Marami rami
ring nakiramay kanina pero ngayon wala na kasi umuwi na rin yung iba kaya kami na lang
ang natira rito. Buti po at nakahabol kayo?"

"Oo nga ehh. Napakahaba kasi ng pila sa DFA. Nag-ayos kasi ako ng mga dokumentong
kakailanganin ko," pagpapaliwanag ng ina.

"Para saan po yun? Mangingibang-bansa po kayo?"

"Oo iho. Dapat matagal ko nang ginawa ‘to eehh. Hindi ko rin alam. Simula kasi ng iwan
kami ng ama niyang si Yna nung sanggol pa lang siya, parang nawala na ako sa katinuan.
Hindi ko na kayang panindigan lahat ng mga bagay na gusto kong gawin. Malaki rin ang
pagkakamali ko bilang ina ni Yna. Kaya kayo, ‘wag munang mag-aasawa ng maaga kung
ayaw nyong matulad kayo sa akin. Matalino nga pero naging tanga simula nung pinagana
ang puso."

"Wala pa naman po kaming balak ni Angelo na magpakasal. Diba Angelo?!" singit ni Emily
sabay hawak sa braso nito.

"Ano ba? Respetuhin mo nga ‘yung kaibigan mo. Utang na loob. Kahit ngayon lang, ibalik mo
muna ang pagkatao mo," galit na sabi ni Angelo.

"Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Isa siya sa mga buhay na patunay," sagot ni Sisa
sabay turo kay Emily.

"Tulungan niyo naman po ako. Ayoko ng ganito," pagmamakaawa ni Emily.

"Gusto mo ba talaga? Halika sumama ka sa akin. Bilang panimula, alam mo ba yung


ingredients ng maxx?" tanong ng ina.

"Makakatulong po ba yan? Sige sasama po ako."

"Wala ka bang tiwala sa akin?" sarkastikong tanong ni Sisa.

Sumama si Emily kay Sisa at naiwan si Angelo na nag-iisa sa harap ng puntod ni Yna.

"Kahit paulit ulit ko nang sinasabi ‘to.. Uulitin ko pa rin. Mahal na mahal kita Yna
Magaspang. Kung naisipan lang sana ng author na'to na parehas na lang tayong
mamamatay, edi sana tapos na ang kweto na ‘to. Ewan ko ba pero mukhang wala nga
talagang forever. Ayan! Napakadrama ko na naman! Sana lang talaga magbest actor ako. Mas
maganda nga sana kung umuulan pa ngayon kaso hindi kakayanin ng production eh.

Kaya background music na lang ang magdadala," pagdadrama ni Angelo.


Agad agad na pumunta ng airport sina Sisa. At sakto namang nando'n din si SPO1
Dimatakasan.

May kausap sa cellphon ang pulis, "Oh ano na namang problem mo?" tanong nito sa kausap.

(Oy pare!)

"Oh? Bakit?"

(Good news)

"Ano? Nakakurakot na naman ng mas malaki si commander? Wala nang bago dun! Yun pa
ba?"

(Hindi! Ligtas ka na sa kaso kung sakali… nakaisip na kami ng paraan kung pa’no mo yan
malulusutan. Hindi na ipinasa ni Commander ang kaso mo sa mga opisyal ng NBI. Hindi ka
na iimbestigahan pare! Sabi sa’yo eh matatakasan mo yung kaso sa’yo nung boyfriend na
hilaw ng dati mong tagapagbigay aliw! Next time kasi ingat ingat din! Wag lang pasok nang
pasok!)

"Gago! Alam ko namang magagawan nyo yan ng paraan Bwahaha! Wala nang bago dun.
Tsaka di naman ako ang kauna-unahang pulis na iniligtas ni commander sa mga ganyang
gusot. Wag ka ngang magmalinis! Diba nakapatay ka ng isang pamilya dati?!

(‘Wag mo akong idamay pre! Iba ang kasalukuyan sa nakaraan! Tsaka balita ko, may balak
din si commander na ipromote ka dahil sa angkin mong husay sa pangongotong sa mga
doktor tsaka sa galing mo sa pagtakbo palayo at pagtatago kapag may napapatay ka.
Magagamit ka raw niya sa pagpatay ng mga wanted na kriminal)

"Talaga? Sige… ipagpapatuloy ko tong mga gawaing ‘to para sa kinabukasan. Nakakatuwa.
May nakakappreciate pala sa mga gawain ko. Sige na! babye na..." tuwang tuwa na sabi ng
pulis.

(Sige na nga. Babay na rin. Labyupo)

"Siraulong ‘to! May pailo-ilove you pa! Ehhh napakadali lang naman sabihin nun!"

Ieend call na niya at may mapapapansin siyang isang pamilyar na mukha.

"Oooops ops oopss!!! Tigil ka lang dyan! Kailangan kong inspeksyunin ang laman ng dala
mong kit."

Sapilitang kinuha ang dala ng doctor sabay iinspeksyunin.


"Hindi mo ba alam na bawal ang alkohol sa airport!!! Bawal din ‘tong injection at gunting
dahil matutulis na bagay ang mga ‘to. Inuulit ko sharp objects ‘to!" pagpapaliwanag ni SPO1
"P-pero---" sagot ng doktor.

"Walang pero pero! Sasama ka sa akin sa presinto o bibigyan mo ako ng sampung libo?"
pagbabanta ng pulis at may balak nanamang kasamaan.

"Wala po akong ganung kalaking pera…" tugon ng biktima.

Akma namang bubunutin ni SPOq ang kaniyang baril.

"Eto na po, eto na… kaso pitong libo lang po talaga yung laman ng wallet ko eh," walang
nagawa ang doktor.

"Sige pwede na yan at bilang kabayaran sa tatlong libong kulang, akin na yang sapatos mo…"
malakas na loob na sinabi ng pulis.

"Po?"

"Akin na yang sapatos mo sabi ko!!! Tsaka ‘yang polo mo. Dalian mo! Hubad!" utos nito.

"Opo eto na nga po," hinubad ng doktor ang kaniyang polo at sapatos saka ibinigay sa pulis.

"Hoy teka lang! Yung pantalon mo… gusto ko rin yan! Hubarin mo na rin. Dalian mo!"
dagdag ng pulis na di pa nakuntento.

Hinubad ng doktor ang pantalon at mabilis na umalis.

"Haha! Uto-uto…" tuwang tuwa ang pulis.

Pumasok si Sisa sa Airport na may daladalang malaking maleta.

"Oooops ops oops!!! Tigil ka lang dyan! Kailangan kong inspeksyunin yung maleta niyo."
sabi ng pulis sabay harang sa dinadaan ni Sisa.

"Ano ‘to?! May paliwanag ka ba ukol dito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ‘to rito?"
tanong ng pulis habang may hawak na bala ng baril

"Hindi bakit?! Wala ka rin bang nakapagsabi sa’yo na bawal makialam sa gamit ng iba!"
sagot ni Sisa.

"Wala…"

"Oh ngayon, Meron na! Kaya ‘wag kang nakikialam sa gamit ko!" sabay hablot ng gamit niya.
Bigla namang dumating si Angelo na hingal na hingal.

"Nanay! Buti naabutan ko pa kayo," naghahabol ng hiningang bigkas ni Angelo.

"Oh bakit parang pagod na pagod ka?" pagaalala ni Sisa.

"Traffic po kasi sa EDSA kaya tinakbo ko na lang mula doon hanggang dito para maabutan
ko kayo," sabay mapaptingin sa pulis.

"Teka… Namumukhaan kita!" sabay turo sa pulis.

Painosenteng sumagot si SPO1, "Ah oo! Batch mate tayo noong elementary!"

"Anong batch mate yang pinagkakakana mo? Ikaw yun! Hindi ako pwedeng magkamali!"

"Ako nga yun! Yung katabi mo dati sa upuan nung grade 3! Yung tinusok mo ng lapis?"
pagmamaang-maangan pa rin nito.

"Wag ka nang magpainosente… Huling huli ka nang hinayupak ka! Namumukhaan kita!"
siguradong sigurado si Angelo sa mga sinasabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?" patuloy pa rin umaaktong walang alam ang pulis.

"Oo nga! Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan," singit ni Sisa.

"Nagpapalusot ka pa talaga huh?!"

"At bakit naman ako magpapalusot? Hindi ko alam yung mga sinasabi mo!"

"Sinungaling kang demonyo ka!!! Umamin ka na!" pagpipilit ni Angelo.

"Angelo, ano ba talagang nangyari? Wala na akong maintindihan!" naguguluhang tanong ni


Sisa.

"Nahihibang na yata yung kasama nyo," dugtong ni Dimatakasan.

"Ako? Nahihibang? Eh ano ka pa kaya!?"

"Teka---" gulong gulo na si Sisa.

"Sinasabi mo bang ako yung---" pabitin sa sagot ng pulis.

"Oo ikaw nga!" sagot ni Angelo. "Aba’t

---"
"Hay nako bwiset kayong dalawa! Kung alam ko lang na wala rin pa lang mangyayari dito!
Edi sana di na ako tumuloy! Ewan! Bahala na kayo dyan! Ang gugulo niyo!" sa sobrang inis
ay umalis na si Sisa.

"Ikaw yung pumatay kay Yna! Hayup ka!" sigaw ni Angelo.

"Ako?" tanong ni SPO1 sabay turo yung sarili.

"Oo ikaw! Wala naman nang ibang tao rito sa eksena bukod sa ating dalawa! Alangan
namang ituro ko yung sarili ko?"

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo… Alam mo bang pwede kitang kasuhan? Paninirang puri
yang ginagawa mo!" pananakot ni Dimatakasan.

"Tinatakot mo ba ako? Ha!?"

"Sinusubukan mo talaga ako huh…"

"Bakit? Totoo naman ah!"

"May ebidensya ka ba? Wala ‘di ba? Pwede na naman yang dagdag sa kaso mo!" malakas pa
rin ang loob ng pulis.

"Kaso ko? Ikaw dapat yung kakasuhan dito!"

Tumawa ng malakas ang pulis, "Hindi ka pa nasanay! Palaging ganun yung nangyayari, sa
palabas man o sa totoong buhay! Minsan lang manaig ang kabutihan! Sa panahon ngayon,
palaging nananaig ang makapangyarihan… Pwedeng pwede ko ngang palabasin na ikaw
yung pumatay kay Yna eh!!! Tutal ikaw yung huli niyang nakasama bago matisod yung
nanay nya sa katawan niyang iniwan mong nakahandusay sa parke!"

"Paano mo nalaman yung mga yun? Parehas na tayong wala sa parke noon kasi hinabol
kita!" pagtataka ni Angelo.

"Sabihin nating sinabi ni direk sa akin… O ano?? tatlo na yung kasong pwede kong isampa
laban sayo!" pagbabanta nito.

Unti-unting umatras si Angelo habang umiiling, "hindi… hindi… hindi ‘to pwede! Hindi!
Napakamakasalanan koooo!" sabay takbo ng mabilis papaalis.

"Hahahahaha" malademonyong tumawa ang pulis. "One down! Ang galing ko talaga! Nakita
niyo yung mukha niya? ‘Yan ang kaya kong gawin! Kayang kaya kong manipulahin at
paikutin sa palad ko ang lahat! Magagawa ko ang ano mang magustuhan ko Makukuha ko
lahat ng gugustuhin ko! Batas? Anong batas batas? Walang pangil ang ano mang batas dito
sa Pilipinas! Ay mali... Ako ang batas! Hawak ng kamay ko ang leeg ng kahit na sino! Walang
makakatibag sa akin! Walang makakapigil na kahit na sino…" muli siyang tatawa na parang
demonyo.

Dahil sa wala ng magawa si Angelo, bumalik siya sa puntod ni Yna

Hinihimas-himas niya ang puntod ni Yna, "Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat huh? Ano
pa bang kulang? Hayup yung Dimatakasan na ‘yun! Ako pa yung binaliktad na masama!
Hindi ko na alam kung ano yung gagawin ko. Papatayin ko na lang din ba yung sarili ko para
matapos na ‘to? Gayahin na lang kaya natin ‘yung ending ng Romeo and Juliet. Tutal… Tragic
din naman ‘tong kwento na ‘to eh."

May sisigaw ulit mula sa di kalayuan, “Hoy sundin mo ‘yung lines mo ungas! Humanda ka sa
author nito kapag ‘di yan nasunod!”

"Mahal Kita, dalawang salita na nagpasimula ng lahat. Dalawang salita na naging hudyat din
ng ating wakas. Napakadaling kumapit sa mga bagay na inakala mong magtatagal. Gaya ng
unang sandali nang sabihin mo kung gaano mo ako kamahal. Pero Mahal? Wala nga ba itong
pinagkaiba sa lahat? Kung paano ako namulat na sa bawat umpisa ay may nagbabadya ring
katapusan. Gaya ng araw na sisikat sa silangan at hihimlay rin sa kanluran. Walang
pinagkaiba kung paano biglaang bubuhos at titila ang ulan… gaya ng kung papaanong
mamumukakad at malalanta ang isang bulaklak... At higit sa lahat, tulad ng kung paano mo
ako hinawakan at basta na lang binitiwan. Kung paano mo ako sinamahan at bigla na lang
iniwan. Mahal kita ngunit papasaan pa ba? Gayong batid ko na ang dulo nitong ating
umpisa. Mahal Kita. Ngunit hanggang mahal kita na nga lang ba? Mahal Kita. Mahal pa kita
at patuloy na mamahalin pa rin kita."

Tuluyan nang mapapaiyak si Angelo. Yumuko siya sa puntod habang umiiyak pag lipas ng
ilang saglit biglang umangat ang kaniyang ulo sabay tawa.

"Kilala mo ba si Kuya Wil? Kung aku prisidinti kunin ku yan… Ehh sino ba si Nognog? Sabi
nila yung maitim daw. Ikaw ba si Nognog? Ahaha! Ewan napakalabo niyo! Dito na nga lang
ako sa tuwid na daan!" sabay tatawa ng malakas na parang nawala na sa katinuan.

"AHAHAHAHA! Bakit wala ng daan?" muli siyang iiyak.

Sa kabilang dako, sa loob ng bar, may kasiyahan uli at nagsisisayawan ang mga puta. Muling
bumalik si SPO1 at agad naman siyang sinalubong ni Inang Puta.

"Uy! Nandito ka ulit! Dumadami na yata yung linya mo sa kwento na ‘to ah! Kumusta? Balita
ko, promoted ka na! Akalain mo nga naman kung dati SPO1 Dimatakasan lang, ngayon,
SPO2 na! Tumaas ng tatlo ang ranggo mo.
Tumawa na lang ang pulis, "Ako pa ba? Wala ka kasing bilib sa akin eh!"

"Sa galing mo ba naman mangotong eh! Ang laki ng pakinabang ng commander mo sayo
noh! Akalain mong kada kotong mo, may parte sya? Lakas mo talaga," manghang mangha
ang si Magdalena Powers.

"Ganun talaga… Kailangan yun sa buhay… tsaka kulang ang lipunan kung wala ang gaya
kong boy kotong!" pagpapaliwanag ni SPO2

"Sabagay! Tama ka dyan…" sabay tatawa ng napakalakas.

"Oorder ako… Sino menu natin dyan? Gusto ko bago huh?" tanong ng pulis.

"Alam mo, ang galing mo talagang tumiming! May bago na naman kasi akong mga PUTAhe…
Gusto mo bang sila na lang?" tanong ni Inang.

"Tignan natin… Anong PUTA-he ba ‘yan?" pagtataka ng pulis.

"Sisa at Emily labaaaassss!" sigaw nito,

Lumabas ang dalawa, nakasuot ng maiikling damit.

"Sino naman yang mga yan?" tanong ng pulis,

"Nagtapos bilang valedictorian noong elementary at high school, nakatapos sa kursong


Bachelor of Science in Nursing sa Unibersidad ng Pilipinas, nagsagawa ng mga research
patungkol sa..." sagot ni Sisa habang nagtatanggal ng shades.

You might also like