You are on page 1of 5

PEN NAME: SHOOTING STAR

Si Jane ay isang anak ng CEO ng kompanya na sikat sa Makati City. Bata pa lamang siya ay iniwan na sila
ng kaniyang ama at ang ina na lamang niya ang nag-aaruga sa kanya. Masipag at magandang babae si Jane
ngunit hindi ito napapansin dahil sa kanyang suot na salamin na mas malaki pa sa kanyang mga mata, at
kanyang mga buhok ay mahahaba at magulo dahil hindi naman niya ito kadalasang ayusin at suklayan.
Matalinong babae si Jane kaya siya ay naging iskolar sa isang sikat na Unibersidad sa Maynila.

“Anak! Gising na! Mahuhuli ka na sa iyong klase. Unang araw mo pa naman” sigaw ng kanyang ina.

Dali dali tumayo sa malambot na kama si Jane at kinuha ang kanyang pink na tuwalya na nakasabit
lamang sa kanyang upuan at dumiretso na ito sa kanyang banyo. Makalipas ng 10 minuto ay lumabas na
ito at nagsuot ng kanyang uniporme.

“Jane anong oras na? ‘Di ka pa ba tapos?” sigaw ulit ng kanyang ina.

“Ito na ma! Pababa na po.” Kumaripas na ito ng takbo pababa ng hagdan.

“ Ma, tara na po” pag-aaya ng bata sa kanyang ina. Nagtaas ng kilay ang kanyang ina at sabay tanong ng

“Nak bakit ‘di ka man lang nag-ayos? Tignan mo itsura mo oh-“ di na pinatapos ni Jane ang sasabihin
ng kanyang ina at nag-aya na ito umalis.

“Ma tara na po. Malalate na ko” at nauna nang lumabas ng bahay ang dalagita.

Habang sila ay bumabiyahe, unti-unti na nararamdaman ni Jane ang kaba sa kanyang dibdib at napansin
ito ng kanyang ina

“Nak? Kinakabahan ka ba?”

“Ha? Hindi po Ma hehe?”

“Sus! Sa akin pa naglihim.”

“Eh kasi Ma, sikat na school yun tapos baka mapahiya ako tapos-“

“Shh.. Kaya mo yan nak! Ikaw pa ba? Alam kong kaya mo yan. Magtiwala ka sa sarili mo”

Nabuhayan ng loob ang dalagita at binigyan ng isang malaking ngiti at halik ang kanyang ina bilang
pasasalamat sa pagpapalakas ng kanyang loob. Maya maya lang ay nakarating na sila sa unibersidad at
bumaba na si Jane sa kanilang sasakyan. Nang siya ay malapit na sa gate, tinawag siya ng kanyang ina at
sinabing “Go anak! Kaya mo yan” kaya mas lalong ginanahan ang dalagita. Habang siya ay naglalakad,
nakita niya ang mga tao malapit sa field na nagtitilian at nagkakagulo kaya naisipan niya itong lapitan at
tignan kung ano ba ang meron doon.

“OMG! Ang gwapo ni Brian!”

“Oo nga eh! Myghad! Kinikilig ako sakanya”

“OW EM GIE! Ayan na siya girls, papalapit na siya!”

Yan ang mga nakabibinging narinig ni Jane nang siya ay makisali sa mga taong nagkukumpulan. Laking
pagtataka niya kung sino nga ba si Brian at bakit siya’y sikat na sikat. Mga ilang segundo lang ay may
isang gwapong lalaking papalapit sa lugar kung nasaan sila Jane at mas lalong lumakas ang mga sigawan
ng mga tao.

“Siguro ay ito ang tinutukoy nila na si Brian” tanong sa sarili ni Jane

Habang naglalakad si Brian may isang magandang babae ang lumapit dito at hinalikan ito sa pisnge.
Laking gulat ng mga tao at tila ba’y inggit na inggit sa nangyari.

“Hala! Sila na?”

“Akala ko ba ayaw sakanya ni Brian?”

“Nakakainggit! Sana ako na lang siya!”

Mas lalong nabingi si Jane sa mga sigawan ng mga tao at nagdesisyon na lisanin ang lugar at hanapin ang
kanyang classroom. Pagtingin niya sa kanyang relo ay napansin niya na five minutes na lang ay
magsisimula na ang klase.

“Gosh! Ma-lalate na ko! Unang araw ko pa naman dito, tapos late pa ko. Bakit pa kasi ako naki-
usyoso dun eh.” Inis na sabi ni Jane sa kanyang sarili.

Tumakbo siya na para bang walang bukas.

Pagkadating niya dun, nandoon na ang kanyang mga kaklase pati na rin ang kaniyang prof, halos lahat
sila ay napatingin sakanya at sabay sabay na natawa.

“Miss binagyo ka ba sa labas?” tanong ng isang lalaki na familiar kay Jane. Dahil sa kaniyang sinabi, mas
lalong lumakas ang tawanan ng kaniyang mga kaklase.
“Miss pumasok ka na at ma-upo” sabi ng kaniyang prof na hanggang ngayon ay nakangisi dahil sa
kaniyang itsura.

“Okay class dahil ngayon ang unang araw ng klase wala muna tayong gagawin kung ‘di ipapakilala
muna ninyo ang inyong mga sarili” nang sinabi yan ng kanilang prof, unti-unting kinabahan at tila ‘di
mapakali sa kina-uupuan si Jane, ngunit naalala nito ang sinabi sakanya ng kaniyang ina kaya napangiti
ito at napansin siya ng kaniyang prof

“Mukhang may excited na magpakilala rito ah” natutuwang sabi ng kaniyang prof

“Sir, si Miss Nerd daw po gustong mauna” at tumawa nang malakas ang lalaking kanina pang nang-
aasar sakanya.

Laking gulat ni Jane dahil siya pala ang tinutukoy nito.

“Okay Miss, sayo tayo magsimula”

Wala nang nagawa si Jane kundi tumayo at ipakilala ang sarili kahit na nangangatog na ang kaniyang
katawan sa kaba.

“Uhm.. Good Morning Everyone! My name is –“

“Panget na Nerd” singit ng kaniyang kaklase kaya mas lumakas pa lalo ang tawanan ng buong klase

“Shhh! Class! Quite” pagpapatahimik ng prof sa klase.

“Please proceed”

“My name is Jane Francisco. I am 18 years old and I’m new student here.”

Pagkatapos ni Jane ay para bang nabunutan siya nang isang malaking tinik sa kaniyang dibdib.

Sunod sunod nang nagpakilala ang kaniyang mga kaklase at ang huling nagpakilala ay ang lalaking
palaging nang aasar sakanya. Pagkatayo na pagkatayo nito rinig agad ang bulungan ng mga babaeng
katabi ni Jane.

“Ang gwapo talaga niya!”

“Sana ako na lang yung girlfriend niya”

Biglang tumaas ang kilay ni Jane sakanyang mga narinig

“Gwapo? Oo gwapo nga pero napakasama naman ng ugali” bulong ni Jane sakanyang sarili
“Hi everyone!” bati ng lalaki sa buong klase na halos lahat ay nag-ingay at kilig na kilig.

“My name is Brian. That’s all. Di ko na kailangan magpakilala, kilala niyo naman na siguro ako”

Nagulat si Jane sakanyang narinig. Hindi niya aakalain na siya pla si Brian at magiging kaklase niya ito.

Pagkatapos ng isang oras ay nagbell na at halos lahat ay excited na maglunch. Dumiretso agad si Jane sa
canteen upang kainin ang inihanda ng kaniyang ina ngunit hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari
kanina.

“Siya pala yung Brian. Nakakainis siya! Akala mo kung sinong gwapo. Ang yabang yabang naman!
Ang sama talaga ng ugali, nakakainis!” pagdadabog nito habang inilalabas ang kaniyang baon.

“Hoy panget! Ang ingay mo. Pwede bang paki-hinaan yang panget mong boses?” pangangasar nito
kay Jane

“Alam mo, gigil na gigil na ko sayo!” itinapon ni Jane ang kaniyang baon kay Brian at sabay itong umalis
ng canteen.

“Ang lakas ng loob niyang gawin yun kay Brian”

“Bago lang siya rito ah! ‘Di niya pwede gawin yun kay baby Brian ko!”

Puno nang bulungan ngayon ang canteen dahil sa pangyayari. Maski si Brian ay hindi aakalain na
gagawin sakanya ito ng dalaga. Dahil sakanyang inis, sinundan niya ito at natagpuan niya na naka-upo sa
field si Jane.

“Hoy panget! Ang kapal ng mukha mong gawin sakin yun.”

“Bakit? You deserve it naman eh. Tsaka for your information, Jane ang pangalan ko Jane
Francisco!”

“Wala kong pake kung anong pangalan mo, eh bagay naman sayo yung panget eh hahaha!”

Dahil sa sinabi ni Brian, sinipa ni Jane ang maselang bahagi ng binata at tumakbo papalayo rito

“Ouch! Humanda ka saking panget ka!” sigaw na sabi ni Biran

Dahil sa ginawang pamamahiya ni Jane kay Brian, hindi tumigil ang binata sa pang-aasar , at halos araw-
araw nitong ginagantihan ang dalaga. Lagi niyang iniisip kung paano niya papahiyain o bwi-bwisitin ang
dalaga, ngunit hindi niya napapansin na unting unti na pala siya nahuhulog dito. Hanggang sa isang araw
tinawagan nito ang dalaga upang sabihin ang kaniyang nararamdaman.
“Hi!” masayang bati ni Brian nang sagutin ni jane ang kaniyang tawag.

“Sino to?” takang sagot ni Jane.

“Hi panget!”

Nang marinig ito ni Jane, dali dali niyang pinatay ang cellphone, ngunit patuloy pa rin siya kinukulit ni
Brian. Sa sobrang inis niya sinagot niya ito at sabay sabing

“Pwede ba Brian tantanan mo na ko! Hindi na ko natutuwa sayo. Huwag na huwag mo na kong
kukulitin kahit kailan!” pagtapos na pagkatapos niya itong sabihin ay ibinaba na niya ang cellphone at
hindi na niya inantay ang sasabihin ni Brian sakanya. Makalipas ng ilang oras ay ‘di na siya muling
tinawagan ng binata. Hanggang sa eskwelahan ay hindi na rin siya kinukulit nito. Laking tuwa ni Jane
nang mapansin niya ang pagbabago ni Brian ngunit makalipas ng ilang buwan ay hinahanap hanap pa rin
ito ng dalaga at doon niya lang napagtanto na matagal na pala siyang may gusto kay Brian. Agad siyang
pumunta sakanyang locker upang ilagay ang kaniyang mga libro, ngunit may nakita siyang papel. Kinuha
niya ito at binasa. Isang letter na galing kay Brian, dito ay umamin si Brian ng kaniyang nararamdaman sa
dalaga. Matagal na pala itong nasa locker ni Jane, bago pa tawagan ni Brian si Jane ay na-ihulog na nito
ang letter sa locker ng dalaga at sakanyang pagtawag ay umaasa siya na aamin na rin ng nararamdaman
ang dalaga. Dahil dito, dali-daling hinanap ni Jane si Brian upang sabihin na rin ang kaniyang
nararamdaman, ngunit huli na ang lahat, nakaalis na ng Pilipinas ang binata at sa ibang bansa na
ipagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral, at pagkagraduate nito ay ikakasal na sa babaeng napagkasunduan
ng kaniyang pamilya.

WAKAS

You might also like