You are on page 1of 5

Rey Joseph A.

Siorez

BSA3 Midterm – Module 6 – AKT 4

Sumulat ng maikling kwento.

Baliktanaw: Pagalalakbay Tungo sa mga Ala-ala ng Tagumpay

"Marahil marami nga ang nagbago, ngunit ang mga mumunting ala-ala na ating pinagsaluhan ay
siyang baon baon ko hanggang sa bagong mundo na aking ginagalawan."
Nakatanaw ang isang lalaki sa isang silid, nakamasid , nakangiti ngunit may bahid ng kalungkutan ang
kanyang mga mata. Natigilan ang lalaki matapos mahulog ang papel mula sa isang parte ng silid muling
sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata pinagmasdan
niya ang papel kung saan makikita ang isang lumang class picture. Tumingala siya at sabay sabing
"Kumusta na kaya kayo?"
Tumalikod ako at itinapat ko ang larawan sa kung saan ito kiuhanan. Malayo na ang itsura ng silid sa
dati nitong mukha ngunit namumutawi sa lalaki ang ala-ala na parang binalik siya sa kung paano
nagsimula ang lahat.Ang magulong mga silya , mga ingay ng tao sa loob ng silid ang pisara na may mga
sulat ang mga batang natitipon sa likod upang magprint sa likod. Ang iba'y naglilinis ang iba ay
gumagawa ng takdang aralin sa loob ng silid ng biglang may lalaking pumasok sa loob ng silid
"Mukhang ang saya niyo! Bakit hindi pa ayos ang lahat? " Tila hindi magkamayaw ang mga tao sa silid
kung ano ang uunahin nilang damputin dahil sa takot, inis at kaba na kanilanv nararamdaman.
Pagkatapos maayos ang lahat ng kalat ay muling nagsalita ang lalaki
"Sa susunod kung ganito ang maabutan ko tiyak na sa labas kayo magkaklase" alam nila na posibleng
mangyari yun dahil kilala nila ang ugali ng lalaki. Napabaling ang lalaki sa limang tao na nasa likod.
"Bakit andito pa kayo? " Lintaya niya. Dali daling nagsipag gayak ang lima at sinabing "Aalis na nga po,
hehe". Lumabas na sa silid ang limang tao habang ang mga naiwan naman ay naghanda na upang
masimulan na ang pagsusulit. Walang mariring na ingay kundi ang tunog ng ballpen at sulat sa papel.
"Mukhang babagsak ako dito ah, handa na sa intervention" lintaya ng isang lalaki sa may bandang
gitna.
Natapos ang pagsusulit at gaya ng inasahan , marami nga ang bagsak. Pumasok muli ang limang
umalis kanina at naupo sa upuan.
"Bakit andito na kayo?" Lintaya ng lalaki
"Tapos na po klase namin " sabi ng babae
Umisngor lamang ang lalaki.Bakanteng klase ng mga tao sa loob ng silid. Maririnig ang tawahan at ingay
ng mga tao rito. Para silang mga ibong nakawala sa hawla nila. May dalawang bata na talagang
kinatutuwaan nila at sila ang nagsisilbing liwanag ng mga tao sa loob ng silid.

"Go! Aura" hiyaw ng mga tao matapos magmodel ang isa sa kanila sa kanila
"Go Himor! " hiyaw naman ng isa pa matapos hindi ito magpakabog.
Mas lalong nag ingay ang silid dahil sa patalbugan ng dalawa, dahil sa ingay napuntahan sila ng guro
sa kabilang section.Hindi pa man recess break makikita na ang mga kabatang bumababa sa hagdan
upang pumunta sa canteen.
"Andyan na ang isang batalyong Leadership" lintaya ng tindera sa kantina
Napuno ng ingay at tawanan ang canteen , ingay na mula sa kanilang halakhakan dahil sa biruan at
mga kalokohan.Mabilis dumaan ang mga araw katatapos lang mga aktibidad na ginawa nila Muli na
namang napagkasunduan ang mga tao sa loob ng silid. Nagsimula na magitara ang isa hindi pa nasa
kalagitnaan ay sinabayan ito ng kanta ng isang babae na may magandang boses. Unti-unting dumarami
ang kumakanta hanggang sa namalayan nilang sabay sabay na silang umaawit. Lahat ay abala lahat ay
may ginawa review, reporting at mga aktibidad mula sa kani kanilang subject. Kita sa kanila ang pagod at
puyat.
"Konting kembot na lang matatapos niyo na ang senior high " sabi ng lalaki
"Naku sir, di pa alam kung makakapasa" sabi naman ng isang babae
"Sabagay" komento ng lalaki at muling napuno ng tawanan ang loob ng silid. Lahat ng pagod ay
nabubura at nawawala sa oras na magsimula na ang kasiyahan sa loob ng silid.
Maraming problema ang dumating, nag away-away at kung minsan ay gusto ng sumuko ngunit lagi
nilang dinadamayan ang isa't isa. Maya maya ay may sumigaw
"Walang iwanan!"
"Lahat tayo ga graduate" sabi naman ng isa pa
"Sama sama tayong magtatagumapay" sabi pa ng isa
"Laban" sabay sabay nilang sigaw
Dumating na ang oras na itinakda. Taas noo silang naglalakad sa bulwagan ng may ngiti sa labi. Punong
puno ng pagbati , pagpupuyag , tawanan at kasiyahan ang momento. Picture dito picture doon.
"Maligayang Pagtatapos!" bati ng lalaki
"Salamat po" sabay sabay nilang sabi
"Wala ng magulo at maingay, wala ng sakit sa ulo, aalis na kayo dito" sabi ng lalaki na halos maluha
luha .Nagtawanan ang mga estudyante
"Huwag niyo akong tawanan , seryoso yun pero ipinagmamalaki ko kayo hindi ko man yun madalas
sabihin pero mula yun dito" turo sa dibdib niya.
Nagpatuloy ito habang isa isang tinitingnan ang kanyang mga kasama na halos maluha luha "Marahil
hindi niyo na ito naalala ngunit minsan nagatanong ako kung ano ang gusto niyo maging pagtapos nito,
may nagsabi sa inyo na gusto niyong maging guro, police, engineer, doktor, accountant, at kung ano pa,
alam niyo sobrang saya ko non kase nakikita ko ang matamis na tagumpay na naghihintay sa inyo" muli
itong tumigil sa pagsasalita
"May mga nagasabi sa inyo na hindi niyo pa alam, at ayos lang yun hayaan niyo ang sarili niyo
maramdaman kung ano talaga ang gusto niyo at kapag nagyari yun wag kayo matakot sumugal, wag
kayong matakot na maglakbay kahit walang kasiguraduhan. Maglakbay kayo tungo sa inyong pangarap
kung ano ang tunay na laman ng inyong puso at kapag nangyari yun ako ang magiging masaya para sa
inyo." Muli itong tumigil sa pagsasalita at muling pinagmasdan ang mga naiiyak niyang estudyante .
"Piliin niyong maglayag ng may laya , patungo sa walang kasiguraduhang mundo ng tagumpay , piliin
niyong magpatulog kahit mahirap , kahit matarik at madulas ang daraan niyo papasaan bat makakamtan
niyo rin ang rurok ng tagumapay." Hindi mapigilang mapaluha ng mga estudyante ang ganitong salitain
ng kanilang guro ang nagbigay ng inspirasyon para sa kanila.
Sumigaw ang isang estudyante at sinabing
"Tingin dito! Selfie" sabay sabay silang ngumiti at 1,2,3...
Nanumbalik sa kasalukayan ang lalaki ng may kumatok sa pinto.
"Ano yun?" tanong niya?
" May naghahanap po sa inyo" Bumaba ang lalaki papuntang faculty at pagdating niya doon
"Nasaan na ang naghahanap sa akin?"
"Asa taas"
"Huh? Ako bay niloloko mo?"
"Umakyat na ulit sila sa taas sa kabilang hagdan dumaan."
Kahit alanganin umakyat ang lalaki at hindi pa siya nakakasapit sa silid rinig niya ang pamilyar na ingay
at kalat ng paligid. Pagbukas niya ng pinto ito ang bumungad sa kanya
"Hello sirrrrr! " Sabay sabay na sabi ng mga tao sa silid . Hindi agad nakaimik ang lalaki
"Sir kami lang to! Anu ba"
"Hindi ba to panaginip? " Ayun ang numatawi sa bibig niya Andito ba talaga sila? Ang aking mga dating
estudyante, inang ibang sila mula sa pananamit ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanilang ugali ang
mga ngiti at kulitan nila na talagang tumatak sa akin. Hindi ko napigilang umiyak at sabihing
"Proud ako sa inyo aking mga mumunting manlalakbay!

Pamagat ng Kwento:
Baliktanaw: Paglalakbay Tungo sa mga Ala-ala ng Tagumpay
Kabuuan ng kwento o buhay (plot):
May isang lalaki na napadpad sa isang silid sa paaralan at di sinasadyang may
napulot siyang papel , ang papel na ito ay isang class picture. Sa class picture na
ito muling nanumbalik ang mga alalang nabuo sa loob ng silid na iyon. Ala-ala
kung paano niya nakitang mahirapan , sumaya , magtagumpay ang kanyang mga
dating studyante. Ala-ala na kailanman hindi mabubura sa kanyang puso. Sa
kanyang pagbabaliktanaw muli niyang nasilayan ang mga ngiti , lungkot at
kalokohang nabuo ng mga estudyanteng ito hanggang sa kung paano nila
samang samang hinaharap ang tagumpay ng pagtatapos. Bumalik siya sa
kasulukuyan ng may kumatok sa pinto dahil may naghahanap sa kanya at sa
pagkita niya sa naghahanap sa kanya muli niyang nasilayan ang kanyang mga
dating estudyante na ngayon ay tila mga propesyonal na ngunit ang mga ngiti at
kalokohan sa kanilang pagkatao ay mananating andoon.
Tauhan (character):
Lalaki - ang lalaki ay ang gurong nagbaliktanaw sa mga alala na kanilang
pinagsmahan ng kanyang mga estudyante sa loob ng napakahabang panahon
Mga tao- ang mga tao ay sumisimbolo sa mga edtudyantemg makukulit at
matatatag.
Mga taong lumabas - ito ang mga estudyanteng advisory niya ngunit umaalis
dahil sa ibang major subjects
Aura at Himor- sila ang dalawang kenkoy at kinatutuwaan ng mga kaklase nila
na nagbibigay kulay at sigla sa buong klase
Pook na ginagampanan (setting) :
Paaralan ( silid aralan)
Tunggalian (conflict):
Ang kanyang pangungulila sa kanyang mga minamahal na estudyante, ang
kagustuhan nyang makita silang muli.
Kasukdulan:
Ang makita ng lalaki na nagsisipagtapos na ang kanyang mga estudyante at
nagbibigay na siya ng pamamalaam sa kanila. Ang pagbibigay niya ng payo at
mga paalala sa kanila na alam niyang babaunin nila sa hinaharap.
Katapusan:
Muli niyang nakita ang kanyang mga estudyante ngunit hindi na sila estudyante,
sila ay isa ng ganap na propesyonal . Binisita at sinorpresa siya ng mga ito.
Suliranin:
Ang kanyang mga estudyante na hindi alam ang daan na tatahakin sa hinaharap,
hindi alam kung ano ang kanilang gustong maging sa hinaharap.
Solusyon:
Hindi minadali ng lalaki ang mga ito bagkos sinabihan niya na hayaan ang sarili
na damdamin kung ano ang gusto nila.

You might also like