You are on page 1of 3

MAKAKATING MGA PAA

ni Myrnalene V. Borromeo

Lahat: Magandang Buhay sa Inyong Lahat


Megan: Ngayong hapon matutunghayan ninyo ang isang madulang pagkukwento na gagawin ng mga
piling mag-aaral ng Ikaapat, Ikalima at Ikaanim na Baitang.
Megan: Magandang Hapon po sa Lahat . ako po si Megan V. Gloria mula sa Ikalimang Baitang.
Justine: ako naman po c Nhel Justine Baterna mula sa Ikalimang Baitang din.
Dalhia: ako naman po c Dalhia Grace Empimo mula sa Ikaanim na Baitang
Samantha: Ako naman po c Samantha Henoguin mula sa ikaapat na Baitang.
Megan: Ang Madulang Kwento ay tungkol sa
All: Makakating Mga Paa na isinulat ni Myrnalene V. Borromeo

Megan: Siya si Pepoy, ang batang mahilig lumaboy.


Labis ang tuwa niya kapag nakalalabas siya ng bahay at nakapupunta sa mga lugar na nais niyang
puntahan.

Samantha(mama): Peeeppppooooyyyyy!!!!!! Saan na naman ang lakad mo? Hindi ka ba talaga pepirmi
dito sa bahay?

Megan: Ang palaging Sigaw ng kanyang ina

Justine: Pupunta lang po ako sa kaarawan ng classmate ko.

Megan: Sagot ni Pepoy. At may pagkakataon pa na iba iba ang mga dahilan na ibinibigay niya at madalas
aakyat siya sa bakod sa lik0d ng bahay upang tumakas.

Megan: Isang araw umalis ang mga magulang ni Pepoy upang tumulong sa pag-aani sa probinsiya at
naiwan c Pepoy sa kanyang Lola Mameng. Maaga pa at katatapos lang ng almusal…

Dalhia(Lola): Apo, Ba’t walang pasok ngayon? Saan ka pupunta at nakaganyan ka?

Megan: Tanong ni lola Mameng.

Justine: may proyekto po kaming gagawin ng classmate ko

Megan: Sagot ni Pepoy.

Dalhia: Sandali lamang apo. Bilin sa akin ng Nanay mo wag kang palalabasin at mag-aral ka ng iyong
aralin.

Megan: sigaw ni lola Mameng, ngunit tila walang narinig ang apo. Mabilis na naglaho
Tuwang-tuwa si pepoy na wala ang kanyang mga magulang dahil wala siyang ibang gagawin
kundi ang maglaro nang maglaro, takbo dito, takbo doon. Akyat ditto, akyat doon.

Justine: Aaannnggg Sssaaayyyyaaa!!!!!! Walang pasok at wala rin sila nanay. Makakapaglakwatsa ako
magdamag.
Megan: Ani ni Pepoy habang naglalambitin sa puno.
Nang sumunod na araw, di pa rin nakuntento si Pepoy na sa kalsada maglaro

Justine: HHHHmmmmmmm.. gusto ko marating ang bundok nay un. Tara??

Megan: Paanya ni Pepoy sa mga kalaro.

Justine: hmmm napakasaya ko…wala pa rin magsasaway sa kin dahil nasa labas ako. Wala na naming tigil
sa paglalakad ang makakati kong mga paa

Megan: hanggang sa sumapit ang dapit-hapon nasa labas pa rin si Pepoy


Kinabukasan, parating na ang mga magulang ni Pepoy.

Dalhia: Apo, gumising ka na darating na mamayang gabi ang nanay at tatay mo. Maghanda ka na sa
iyong pagpasok.

Megan: Sigaw ni Lola Mameng. Bumangon si Pepoy nagmamadaling mag asikaso papuntang paaralan

Justine: hhhhmmmmm.. (Nag-unat ng Katawan)

Dalhia: Aba apo mukhang maganda ang gising mo,. Galingan mo sa klase. (sabay halik sa kanyang apo)

Justine: hhhmmmm,, nabitin yata ako sap ag akyat sa bundok at pamamasyal kahapon. Uulit ako at hindi
na lng ako papasok sa paaralan ngayon.

Megan: Bulong ni Pepoy sa Kanyang sarili. Masayang lumabas si Pepoy sa kanilang bahay, ngunit hindi
para pumasok sa paaralan kundi upang maglaro at mamasyal. Nagayaya si pepoy ng mga kaibigan ngunit
walang sumama sa kanya.

JUstine: Tara sumama na lng kayo sa akin wag nang pumasok sa paaralan. Mas masayang maglaro at
mamasyal kesa mag-aral.

Megan: Ang Pilit ni Pepoy sa mga kaklase

Samantha: Naku! Di ako sasama Pepoy Natatakot ako baka pagalitan tayo ni teacher pag nalaman niya
masama ang lumiban at tumakas sa klase

Megan: Pagsang-ayon ng ibang kaibigan.


Ganunpaman, kahit nag-iisa, itinuloy pa rin ni Pepoy ang kanyang nais.
Naglakad(Acting si Justine), tumalon (acting), tumakbo, naglambitin sa sanga ng puno at naglaro siyang
mag-isa. Nadaanan niya ang simbahan, perya, nagtampisaw sa ilog, pumitas siya ng bulaklak. Tuwang -
tuwa at aliw na aliw tila di niya nararamdam ang pagod at gutom. Bumigay na ang kanyang sapatos.
Ngunit tuloy pa rin siya sa paglalakwatsa. Manghang-mangha at aliw na aliw siya.
Palubog na ang araw. Napansin ni Ppoy na tila iba na ang lugar na nilalakaran niya. Nasa barrio 2 na pala
siya, limang kilometro ang layo mula sa kanilang Barrio. Nakaramdam na siya ng pagod (acting Justine),
takot at gutom. Hindi na niya alam ang daan pauwi. Napayakap sa kanyang mga tuhod at napahikbi.
Lumpias ang isang oras, madilim na at naroon pa rin si pepoy. Maya maya pa ay may biglang lumapit sa
kanya at niyakap siya ng mahigpit.
JUSTINE: Nanay, Tatay

Megan: Mahinang Sabi ni pepoy at mahigpit na yumakap sa mga magulang

Justine: Nay, tay sorry po sa ginawa ko. Nagsinungaling po ako sa inyo at kay Lola. Di po ako sumunod sa
mga bilin niyo. Sa oras ng klase ay naglaro at tumakas lang po. Wala na po akong ibang ginawa kundi
ang mag laro at mamasyal. Hindi na po mauulit

Megan: umiiyak na sabi ni Pepoy

Samantha: Tahan na anak! Nag-alala kami ng sobra sa iyo. Hayaan mo bumawi ka na lng bukas sa
paaralan. halina at umuwi na tayo.

Megan: At mula ng araw na iyon ay iniwasan n ani Pepoy ang madalas na paglalakwatsa at pagtakas sa
klase upang makapaglaro at mamasyal. Lumalabas lamang siya kapag kailangan at kung nakatapos na
siya sa kanyang takdang aralin.

You might also like