You are on page 1of 7

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PAGRERETIRO
Si Binibining Hernandez ay isang guro sa isang pampublikong paaralan. Makikita sa mga studyante na siya ang paborito
at binabalik-balikang guro dahil maliban sa magaling itong magturo, palakaibigan ito at hindi istrikto. Hindi mawawala
ang halakhakan at biruan sa tuwing siya ay nagtuturo kaya naman, napalapit ng husto ang loob ng mga studyante
sakanya ngunit nitong nakaraang buwan lamang, naging usap-usapan ang biglaang pagkawala nito. Nagtaka ang mga
estudyante noong unang araw na hindi si Binibining Hernandez ang nagturo sakanila at akala nila’y panandalian lamang
iyon ngunit ang isang araw na walang Binibining Hernandez ay nagpatuloy hanggang sa umabot na ito ng halos isang
buwan. At ngayong araw, ipinatawag nila ang lahat ng mga estudyante upang magtungo sa gymnasium ng eskwelahan
kung saan naroroon si Binibining Hernandez at mayroong sasabihing mahalagang anunsyo para sa mga estudyante sa
paaralang kaniyang pinagtatrabahuan.

Guro: Kung iiwan niyo ang inyong mga gamit sa silid aralan, dalhin ninyo ang inyong mga mahahalagang gamit lalo na
ang cellphone at pera.

(Magtataas ng kamay ang isa sa mga estudyante ng Guro at kaniya naman itong mapapansin.)

Shamel (Ang nagtaas ng kamay): Sir, maaari po bang magpunta muna ako sa clinic? Hindi po kasi maganda ang aking
pakiramdam.

Guro: Gano’n ba? Jelo, samahan mo si Shamel papuntang Clinic. Pagkatapos ay sumunod ka narin patungong gym.

Jelo: Sige po.

Guro: Ang mga iba, magtungo na sa gym. Nahuli na kayo, baka wala na kayong maupuan. Pakisarado nalang ang pinto,
Mara. Nasa iyo rin ang susi kaya kung wala pa ako at tapos na ang programa, ikaw na ang magbukas at magkandado
kapag nakuha na nila ang kani-kanilang mga gamit.

Marem: Magpunta na tayo, Hezira. Magsisimula na raw ang anunsyo ng ating guro. Nandoon na ang ibang mga
estudyante, baka wala na tayong maupuan! (Pasigaw at aligagang saad ni Marem at hihilain nito si Hezira patungong
gymnasium.)

Hezira: (Pipigilan nito si Marem sa pagtakbo.) Sandali lang, Marem. (Kukunin ang kaniyang kolorete para sa kaniyang
mukha na palagi niyang dala-dala saan man siya magtungo.) Maglalagay muna ako nito. Magtutungo muna ako sa banyo
saglit. (Ipapakita niya kay Marem ang kaniyang hawak na kolorete.) Mauna ka na at susunod na ako. Mag-aayos lamang
ako saglit. Ilapag mo na lamang ang iyong bag sa kabilang upuan upang pagdating ko’y magkatabi parin tayo.
Marem: (Tatango si Marem upang sumang-ayon at iwawagayway nito ang kaniyang kamay bilang tanda ng
pagpapaalam.) Bilisan mo, ha? H’wag kang masyadong magatagal, Hezira.

(Tatango lamang si Hezira at sabay silang tatakbo ni Marem ngunit sa magkaibang landas.)

Pagkarating ni Marem sa gymnasium ay nakarinig siya ng iba’t – ibang ingay. Habang naghahanap ito ng mauupuan ay
lumabas ang kanilang Guro na nakaupo sa upuang mayroong gulong at may nakasabit na hindi pamilyar na bagay sa
kaniyang upuan na nakakonekta sa kaniyang katawan. Natahimik ang lahat at sinusuri ang guro na mayroong mapayat at
lupaypay na pangangatawan, maputlang labi, at nanghihinang mukha ngunit sa kabila noon ay nagawa parin nitong
ngumiti. Hindi maalis ang mata ng ibang estudyante sa kaniyang pang Ospital na kasuotan at ang patuloy na
pagbubulungan ng karamihan. Marami ang nalungkot sa kalagayan ni Binibining Hernandez at ang ilan ay mahinang
humihikbi mula sa likuran. At talagang mararamdaman m

Punong-guro: Magandang araw sainyo mga minamahal kong estudyante. Narito tayong lahat upang marinig ang
mensaheng nais sabihin ng ating pinakamamahal na guro. Napakaingay ng pangalan nitong si Binibining Hernandez
(Pabirong saad ng Punong-guro at haharap ito kay Binibining Hernandez.) Labis ang aking pasasalamat sa iyo. Napakalaki
ng tulong at ambag mo sa eskwelahang ito gayon din ang ibang mga guro. Maraming estudyante ang itinuring kang ina
at ngayon narito silang lahat upang marinig ang dahilan ng iyong pagkawala. (Haharap ang punong-guro sa madla.)
Handa na ba kayong makinig?

Nagsimulang maghiyawan ang mga tao sa loob ng gymnasium at namumutawi ang kanilang pagsang-ayon. Agad namang
iniabot ng punong guro ang mikropono kay Binibining Hernandez at nagsimula ng bumaba ang punong guro upang
magtungo sa harapang upuan kung saan naroon ang iba pang mga guro at mahahalagang bisita.Sa pagbukas ng bibig ni
Binibining Hernandez ay biglang tumahimik ang lahat. Mababatid din sa kaniyang pananalita ang panghihina.

Binibining Hernandez: Magandang umaga sainyo! (Ngingiti si Binibining Hernandez habang sinasabi ang katagang ito.)
Kamusta kayo? Namiss niyo ba ako?

Mga estudyante sa gymnasium: Sobra po! Magpagaling po kayo at bumalik na sa pagtuturo! (Sabay-sabay nila itong
isisigaw.)

Binibining Hernandez: Nakakatuwa naman kayo. (Sasabihin niya ang katagang ito na lumuluha.) Magpapagaling ako para
sa inyo. Ngunit sa araw na ito nais ko munang sabihin ang dahilan ng aking pagkawala. Ang iba ay alam kong mayroon ng
ideya kung bakit ako umalis. Ngayon, nais kong malaman niyong sa loob ng halos isang buwan, ang mga ngiti at kulitan
niyo ang nagbibigay lakas saakin habang nasa loob ako ng Ospital at nakaratay. Sa tuwing naalala kong hinihintay niyo
ako, lumalakas ako. Ngunit sa loob lamang ng isang buwan ay naglalagas na ang aking mga buhok at baka kalaunan ay
hindi niyo na ako makilala. Mayroon akong Breast Cancer at parte ang Chemoteraphy sa sakit na ito. Habang
nagpapagaling ako at mayroon ako nitong sakit na ito, hindi ako makakabalik sa pagtuturo. Hindi lang ang kanser ang
masakit saakin kundi pati narin ang pagkawala ng propesyong mahal ko at ang mga studyanteng iiwan ko. Kaya…
Mahirap mang sabihin, mahirap mang tanggapin ngunit kailangan ko nang magretiro.
Nanlumo ang mga estudyante sa mga sinabi ng guro. Maraming humikbi dahil sa isang iglap, ang gurong kanilang
nakasanayan at nakasama ay tuluyan ng lilisanin ang kanilang pangalawang tahanan.

Marem: Bakit inabot ka ng napakatagal, Hezira? Napakakapal din ng iyong kolorete sa mukha… (Manlalaki ang mata ni
Marem dahil may mapagtatanto ito.) Huwag mong sabihing umiyak ka?!

Sa murang edad, si Hezira ay nawalan ng mga magulang kaya ang kaniyang lolo at lola na lamang ang tumayong
magulang nito. Hanggang sa nakilala niya si Binibining Hernandez, ipinaramdam nito ang pagmamahal ng isang ina na
hindi niya naramdaman sa kaniyang magulang. Kaya sa lahat ng estudyante, si Hezira ang pinakamalapit kay Binibining
Hernandez at ngayong magreretiro at may karamdaman ang kaniyang itinuring na ina, nababasag ang kaniyang puso.

Hezira: Hindi ako umiyak! Tumayo ka na riyan at tawagin na natin ang iba nating kasamahan para sa inihanda nating
sorpresa. Yung mga bata sa sped program ay nalikom ko na.

Gaya ng dati ay nakasuot parin si Hezira ng pantalon at itim na damit. Palagi itong nagsusuot ng mga damit na itim o
kaya naman ay kulay abo. Mayroong uniporme ang eskwelahan ngunit sa araw na lunes lamang ito isinusuot ngunit iba
si Hezira dahil hindi niya ito sinusunod.

(Pagkatapos magsalita ni Binibining Hernandez, magsisimulang aawait ang mga mag-aaral na kanina pa nakatayo at
nakaabang sa gilid, naghihintay ng kanilang pagkakataon. Ang kantang kanilang kakantahin ay Farewell Song na kinanta
ni Rachelle Rose Mitchell)

Tracy: Nsaan na ang presidente natin? Siya ang unang magsasalita sa entablado!

Kairus: Andito ako, Tracy. Nag-print lang ako ng sasabihin ko.

Mila: Pumunta ka na ro’n, Kairus. Pagkatapos mo ay ang mga bata sa SPED ang susunod!

(Maglalakad si Kairus papuntang entablado at aayusin ang mikropono.)

Kairus: Magandang Umaga sa inyong lahat. Magandang umaga rin po, Binibining Hernandez. Narito ako upang sabihin
ang aking mensahe at ipaabot ang aking labis na pasasalamat.

(Tatahimik ang bung gym at tanging ang mahinang kanta na kinakanta ng mga estudyante at ang mesahe ni Kairus
lamang ang naririnig.)
Kairus: Ang hindi ko malilimutang ginawa ni Binibinang Hernandez ay noong mga araw na hindi ako binigyan ng baon ng
aking ina. Huwag na raw akong pumasok ngunit nagpuilit ako. Ang perang dala ko ay sapat lamang para sa aking
pamasahe kaya gustuhin ko mang kumain ay isinantabi ko na lamang ang aking gutom. Si Binibining Hernandez ang
susunod naming papasukang subject kaya ang ginawa ko ay naghintay na lamang akong matapos ang break time kahit
kumukulo na ang aking tiyan at hintayin siyang magturo. Ngunit, napansin niya ako. Sa gitna ng kanyang ginagawa ay
nakita niya akong nakaupo sa sulok ng kaniyang silid aralan. Nilapitan niya ako at tinanong kung bakit naroon daw ako.
Ibinahagi niya saakin ang mga pagkain niya at binigyan niya pa ako ng pera at sabi niya’y h’wag daw akong
magpapagutom dahil mahaba pa ang klase ko. Sa simpleng ginawang iyon ni Binibining Hernandez, parang hinaplos ang
puso ko. Napakabait po niya at nakikita ko ring hindi lang ako ang ginagawan niya no’n kundi halos lahat ng
estudyanteng may problema sa baon. Minsan, binibigyan niya ng malaking stick-o ang mga kaklase kong hindi
makapasok dahil sa kakulangang pinasyal upang itinda iyon at palaguin na siyang magsisilbing baon nila araw-araw. Wala
akong mahihiling kundi ang ikakagaling ng ating Guro at Anghel ng ating paaralan. Aming Guro, saludo po ako sainyo.
Hihintayin po naming ang pagbabalik niyo at kung aabutin man ng taon, babalik po kami rito upang bisitahin at
pasalamatan kayo.

Nagpatuloy ang programa sa araw na iyon. Ang mga bata sa Sped Program ay nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa
pamamagitan ng pagsulat at pagguhit. Natapos ang araw na iyon sa pagdalo ng pamilya ni binibining Hernandez. Napuno
ng luha, halakhakan at pagtangis ang lugar dahil sa pagbabalik tanaw sa nakaraan. Hindi rin nawala ang kalahating oras
ng taimtim na pagdarasal ng lahat para kay Binibining Hernandez.

Binibining Hernandez: Salamat sa inyong lahat. Nawa’y maging tagumpay ang aking pagpapagaling. Babalik ako at
patuloy na magbibigay at maghahatid ng aral para sa pag-asa ng ating bayan. Tuparin niyo ang inyong mga pangarap
anuman ang mangyari. Kung kailangan niyo ng tulong ko sa hinaharap, andito lang ako at palaging bukas para sa inyo.
Mag-iwan lang kayo ng mga mensahe sa telepono kung may mga bagay na gumugulo sainyo at kapag pwede ko ng
hawakan uli ang aking cellphone, babasahin ko lahat ng mga iyon at babatiin ko kayo sa inyong mga narating. Mahal na
mahal ko kayo at mag-aral kayong mabuti. Buena suerte!
ENGLISH FOR ACADEMIC AND PROFESSIONAL PURPOSES

MY HOMETOWN: PANGASINAN
Hi, our tourists for today! Welcome to the Philippines! Thank you for choosing my hometown and the
province where I grew up. I guarantee you that you won’t regret your choice. Let's start! My Hometown is at
Pangasinan province, which is located on the west central area of the islands of Luzon in the Philippines. If
you’re looking for beaches near Manila, the Philippine capital, you should definitely consider is the province of
Pangasinan. The third-largest province in the Philippines, located roughly 160km north of Manila and is around
a two- to three-hour drive away from the capital, making it a popular destination for weekend trips. Pangasinan
is home to many natural wonders, including caves, waterfalls, mountains, hills, and, of course, its famous white
sand beaches. The province’s coast is not only an attraction but also a source of livelihood for those who farm
salt from its rich salt beds. In fact, the province’s name is derived from the word “panag-asinan,” which means
“where salt is made.” This doesn’t necessarily mean our food is salty though—two famous dishes from our
province are tupig and puto calasiao, two different kinds of sweet rice cakes. The ideal place here in Pangasinan
and is highly recommended for the tourists is the Hundred islands national park. Hundred islands national park
place is very famous for its flora and fauna. Some of the rare species of plants are there on the island. Every
year thousands of tourists come to this place to witness this extraordinary natural beauty. Among all the islands
there are three which are developed well by the local authorities. These are the Governor Island, Quezon Island,
and Children’s Island.This is a national park that is located in the city of Alaminos which again is in the
province of Pangasinan. This place is about 150 miles from Manila. These islands are approximately 2 million
years old according to the researchers. The corals make it a majestic place. During the moon, the heavy rainfall
sometimes makes the tours a bit gloomy but other than that rest of the year it is quite good for travels.
With every travel plan, food eventually finds its way into the discussion. Food, after all, is the reward we
all get after a day’s worth of sight-seeing and fun activities. Also, trying out food from different places is an
exciting and satisfying activity for me.And in my opinion, food will always be the great part of travelling. In the
province of Pangasinan, food is diverse and delicious—as a result of the different topography and culture of its
regions. With a wide variety of food choices to choose from, it can get overwhelming to plan out what you’re
eating on your Pangasinan trip. In my view, Pigar-pigar, lechon bagoong, Sinigang, adobo, and tapa are the
best. But I usually go for some sort of fish dish. Tilapia is one of my favorites. I also think daing na bangus are
good especially that the bangus capital in the Philippines can be found in our province. Also, people here
usually eat with bare hands. And I can say, without a doubt, mangoes here are unbeatable in terms of sweetness
and sourness, size and weight. For dessert, I suggest Bukayo. It is sweet and delicious. Lastly, If you are
planning to stay here in our province, I prefer Olana bed and breakfast to stay because it is near in the hundred
Islands so you can enjoy the place for a week or two since there are so many activities in there that will surely
not enough to try for only a day.

ORAL COMMUNICATION

“THE NEED TO SPEAK WHAT WE FEEL”


Why do we need to speak what we feel? Can’t we just keep it to ourselves? If you ask me, I can say that there
are so many reason to speak what we feel and that includes being connected to our loved ones. We can always turn our
feelings into words or we can speak it freely if we want to.
PHILOSOPHY

You might also like