You are on page 1of 6

Jingle: May tatalo ba-sa galing ng Marista ang kaligayahan nating walang kupas Di Alintana Hirap na

tinatamasa bastat tayoy nagtutulungan Ibang iba talaga!


MARISTA AK RADIO....

Voice: Marista... MARISTA.. MARISTA, AK RADIO STATION

THIS STATION WAS Brought to you by: Notre Dame of Marbel Universtiy (Dugong marista sikat!)

DJ Jewel: Narito na Ang pinaka hinihintay ng lahat..


DJ Raz : Handang isawalat ang katotohanan
DJ Blessy: Handang ibahagi mga bagong kaalaman
DJ Joy: Handang Maging karamay maging sino ka man..
Dj Dave: eto ang "Istorya Marista"

DJ Jewel: so ayun na nga no, skiirrrrttt welcome po sa ating segment na Istorya Marista. Na kung saan
ISANG naglalagablab at MAINIT NAMAN NA TALAKAYAN ANG ATING MATUTUNGHAYAN ngayong hapon .

DJ Raz: AT PANIBAGONG ISTORYA NA NAMAN ANG MAIBABAHAGI SA ATIN na may ikapupulutan ng aral.
Di lang para sa mga estudyante , kundi pati na rin sa mga Guro at mga Magulang.

DJ Jewel: Ngunit bago tayo dadako diyan Kami muna ay magpapakilala. AKO NGA PO PALA ang dj nyong
Diet daw pero suki ng Jollibee , SI DJ Jewel ,

Dj Raz: ako naman po Ang Dj Nyong madalas Ganda lang talaga ang ambag Dj Raz

DJ Blessy: at ako naman po ang DJ na Mukang masungit pero tunay na mabait , Dj Blessy

Dj Joy:Ako naman si Dj Joy ang Dj na magbibigay sayo ng tunay na ligaya.

Dj Dave : at ako si Dj Dave… wala lang napa daan lang po ako dito charot!.

“Kami ang Dj’s ng Marista AK Radio !”

Dj Jewel: so welcome po sa mga nakikinig ngayon sa ating estasyon ! Live na live po tayo mga ka Marista.

Dj Raz : Tama ka diyan Dj Jewel, marami rin ngayun ang active sa ating facebook live.

Dj Blessy: Shout out po kina Madam Aiza at Madam Angelica na nakikinig ngayon,

Dj Joy: Pati rin kay Maam susan na producer ng ating segment ngayung hapon.

Dj Dave: so mag uumpisa na nga tayo mga Ka marista, ang istorya natin ngayon sa ating segment na
ISTORYA MARISTA ay ukol sa ating mga guro at mga magulang.

Dj Raz: Tama ka diyan Dj dave, dito sa kwento na inyong mapapakinggan, malalaman natin kung pano
hinahandle ng mga guro ang bawat sitwasyon lalo na para sa kapakanan ng mga estudyante.
Dj Blessy : Mapapakinggan rin dito ang pakikipagtulungan ng bawat mga magulang sa mga guro para sa
ikabubuti ng kanilang mga anak.

(scenario)

Narrator: hello po sa mga tagapagpakinig, ngayon akoy mag uumpisa na sa ating kwento na pinamagatang
“ Pangalawang Magulang” ito ay tungkol sa isang ulirang guro na may pusong kayang gawin ang lahat para
sa ikabubuti ng kanyang mag-aaral ito ay walang iba kundi si teacher ligaya.

Teacher Joy: Yun lamang po, maraming salamat mga Maam and sir sa inyong kooperasyon sa ating PTA
meeting para sa mga proyekto dito sa loob ng ating silid aralan. Ngayun dadako naman po tayo sa
pagbibigay ng mga grado ng inyong mga anak. Kung may tanong po kayo ukol sa mga grado ng inyong mga
anak , huwag po kayong mag atubiling lumapit sakin para naman mapag usapan natin ito ng maayos at ma
bigyan ng solusyon.

Narrator jewel: At namigay na nga ng mga report cards ang guro, maraming magulang ang nasiyahan sa
matataas na grado ng kanilang mga anak, at mayroong magulang naman ang nag taka dahil sa mababang
grado na nakuha ng kanilang mga anak.

Teacher: Gusto ko pong batiin ang mga mag-aaral kong nakakuha ng matataas na grado. At alam ko rin na
nag sisipag rin sa pag aaral ang iba kaya binabati ko rin kayo.

Students (all): salamat teacher :)

Narrator: At nagsimula ng magsipag uwian ang ibang mga magulang at ,mag-aaral, alam ni teacher Ligaya
na may mga mag-aaral siyang nahihirapan humabol sa mga leksyon sa klase, at ang iba naman ay di
masyadong aktibo sa pakikilahok ng mga aktibidades sa loob ng klase, nalulungkot si teacher Ligaya dahil sa
masamang epekto nito sa performance ng kanyang mag-aaral at naisip niyang kausapin ang mga magulang
ng mga ito.

Teacher: Mrs, Gallo, and Mr Gregory, pwede po ba kayo makausap saglit?

Mrs Gallo: oo naman maam para saan po ba?

Teacher: tungkol po ito sa anak mong si Chris mrs Gallo, gayun na rin po sa anak mong si Breech , Mr
Gregory.

Mr: Gregory: Ano po ang tungkol sa kanila maam


Teacher: Pansin ko po kasi na mababa ang outputs ng inyong mga anak at maging sa kanilang partisipasyon
sa loob ng klase ay malimit ko lang sila makitang aktibo, may problema po ba ang inyong mga anak mrs
Gallo at Mr Gregory?

Mrs: Wala naman akong nakikitang problema sa aking anak Maam

Mr: sa akin rin po teacher wala rin naman nasasabi sakin ang aking anak if nagkaka problema siya sa loob
ng paaralan.

Teacher: pwede nyo po bang tawaging ang inyong mga anak mr gregory and mrs Gallo ng makausap po
natin sila ukol dito.
Chris(RAZ): MA…. ano po yun?

Breech( jewel): Bakit po itay?

Mr: Gusto sana namin itanong if may problema ba kayo sa klase?

Mrs: oo nga anak nahihirapan ka bang makipag sabayan sa mga kaklase mo?

RAZ: Yung totoo po mama, madalas di ko po maintindihan ang mga leksyon di gaya ng mga kaklase ko na
madali lang nila nakukuha kung ano ang tinuturo ni maam sa klase.

Jewel: Ako po itay, alam ko naman po yung mga leksyon pero nahihiya po akong makipapag tulungan sa iba
kong mga kaklase, dahil alam ko naman po na matatalino sila at magagaling kaya pakiramdam ko po na
napag iiwanan parin po ako at minsan pinag tatawan po ako dahil di po ako nagsasalita sabi pa nila pipe
daw ako.

Teacher: kung gayon bakit di kayo nag sabi sa akin ng matulungan ko kayo,

Jew/raz: nahihiya po kami teacher,

Ras: takot rin kami na baka tuksuhin kami ng iba pa naming mga kaklase.

Mrs: ano po ba ang pwede naming gawin maam ukol dito?

Mr: oo nga ho, ayaw naming ganito nalang parati ang kinahihinatnan ng aming mga anak mahirap ito para
sa aming mga magulang.

Teacher: Bilang guro na may totoong malasakit sa aking mga estudyante, hindi ko naman maipapangako na
agarang ma reresolba ito pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya at kailangan ko rin ang
kooperasyon ninyong mga magulang para mapaisaayos ang lahat dahil para rin naman ito sa ating mga
anak.
Hinihiling ko naway magkaroon kayong mga magulang ng oras na makapag usap kayo ng inyong mga anak
ng masinsinan, at ng maging komportable sila sa pa bahagi ng kanilang mga opinyon, o storya ukol sa mga
nangyayari sa kanila sa loob ng paaralan . gayun rin dapat nandyan kayo parati para sa kanila at handang
sanayin o turuan ng mga leksyon na di nila alam habang sila ay nasa tahanan , maging sa pag buo ng
kanilang kumpyansa sa sarili, palagi nyo po sana silang I encourage o kumbinsihin ng sa gayun makakaya
nilang makipag sabayan sa kapwa nila mag-aaral at nang di na mulingg mangyari ang ganitong mga
pangyayari.

Mrs: Makakaasa po kayo maam

Mr: gagawin po naming ang aming makakaya na makipag cooperate sa inyo para sa ikabubuti ng aming
mga anak.

Teacher: Mabuti naman sa ganon, kakausapin ko rin ang iba ko pang mga guro ukol sa sitwasyon ng inyong
mga anak ng matulungan rin sila sa loob ng klase. At kayo mga Kids, wag kayong mahihiya kay teacher na
mag tanong o humingi ng tulong pag nahihirapan ha? Narito lang naman ako para tulungan kayo.

Raz/jew: Yes po teacher thank you po!


Mrs/mr: thank you maam sa inyong tulong

Teacher: walang anuman ho, wala rin naman akong ibang gusto kundi ang mapabuti ang aking mga mag-
aaral, dahil para rin naman ito sa kanilang kinabukasan.

Narrator: Nagmula ng araw iyon, naging mas tutok ang mga magulang sa kanilang mga anak upang
matulungan sila at gayun rin ang mga guro sa loob ng paaralan. Matapos ang ilang mga linggo kapansin
pansin ang pagbabago ng dalawang mag-aaral sa loob ng klase, naging mas aktibo na ang mga ito, at
tumaas na rin ang kanilang mga grado. Laking pasasalamat sa pagtutulungang nabuo ng gurong si teacher
ligaya at ng mga magulang para sa ikabubuti ng mga mag-aaral.

End.

(real world)

DJ Dave: woaahh isang nakaka antig damdamin naman talaga itong storyang ating napakinggan,

Dj Raz: Tama ka riyan Dj Dave,naway lahat ng nakikinig ay may napulot na mga aral lalong lalo na sa mga
guro, magulang at mga mag-aaral riyan.

Dj Jewel: siguradong sigurado naman ako na maraming natutunan ang ating mga tagapakinig ngayong
hapon at mas madadagtagan pa ito dahil mayroon tayong bisita ngayon sa ating estasyon na handang
sagutin ang bawat katanungan ng mga magulang ukol sa problema ng kanilang mga anak sa paaralan.

Dj: Blessy: oo nga Dj jewel lalo na sa panahon ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya, karamihan sa mga
estudyante ang nakakaranas ng mga problema dahil Online class o modular na ang paraan ng pagtuturo
ngayun at karamihan ay di nakaka sabay o nahihirapan sa pagbabago ng uri ng pag tuturo sa kanila.

Dj Dave; kaya isang mainit naman na talakayan ang ating matutunghayan ngayung hapon,
at maya maya rin ay makikilala nyo na ang ating bisita matapos nitong mga advertisment

(advertisment)

Boy: Ara kamo bulong sa lupot te?


(May gamot ba kayo sa tae-tae)
Cashier: Lansang kag martilyo lang gina
baligya namun diri, Ser ba.
(Pako at martilyo lang binibenta namin dito sir)
Boy: Ay s-sige salamat na lang.
(Sound effects running, farting, cars)
Boy: May bulong k-kamo sa L-lupot te?
(May gamot po ba kayo sa tae-tae?)
( Heavy Breathing, stomach noise)

Cashier: May ara! Pila ka bilog?


(Meron, ilang piraso?)
Boy:P-pila ka bilog! T-tatlo na lang te
(I-ilang piraso! Tatlo na lang po)
Cashier: Hulat ka lang anay gha ha.
(Sandali)
( More stomach ache sounds, fart sound and poop sounds)(funny music)
Boy: Te may ara kamo tisyu da kag tubig?
(May tissue po ba kayo at tubig)
Cashier: Ara
(Meron)
Boy: Dalaha niyo na lang sang map kag sabon te
(Pakisamahan niyo na rin po map at sabon)

(Sound effects)
Di isalig ang lupot sa pag pugong-pugong!
Pag lupot i tae-go na na! Sa presyo nga barato lang .Katae ka pa nga wala gina batyag! Tae-go na!
( Wag ipagkatiwala ang tae-tae sa pag pipigil lang! Pag tae-tae, tae-go na yan! Sa presyong mura lang.
Makakapagbawas ka ng walang problema! TAE GO NA!)

If symptoms persist consult your doctor

DJ Jewel: AT kami ay nag babalik para sa isang mainit na talakayan para sa ating mga mag-aaral at mga
magulang sa gitna ng pandemya. Kaya di na tayo magpapatumpik tumpik pa, andito na ang ating bisita
walang iba kundi si teacher ligaya.

Teacher ligaya: hi, everyone nagagalak po akong maparito sa inyong estasyon sa Marista AK Radio station

DJ Raz: at nagagalak rin po kaming maimbitahan po kayo dito, btw, live na live po tayo ngayon patii na rin
po sa fb live viral po ngayun ang ating estasyon maraming salamat po sa inyong supporta ,

Dj blessy: at para po sa ating mga tagapagpakinig pwede po kayong mag text sa aming estasyon o mag
comment sa aming fb live kung mayroon kayong tanong o gustong malaman na gusto nyong sagutin ni
teacher ligaya, open po ito sa mga magulang at mag-aaral, mga ka marista.

Questions:
DJ dave : alright! magsisimula na tayo Galing kay Mr Vincent Anotado: Paano po ma motivate ang mga
students specially ang aming mga anak na pumasok sa online class ?

Ans:

Eto naman galing kay Mr:

Kay Ms. Aiza funticha naman


Ans.

At ang pang huli galing kay mR kEN

ANS.

Dj Raz: Maraming salamat po maam Ligaya dahil pinaunlakan nyo po ang aming imbitasyon,

Teach: walang anuman ho, tungkulin ko po ang tumulong lalo na para sa ikabubuti ng mga mag-aaral .

Dj dave: Maraming salamat rin sa mga tagapag pakinig natin ngayon na walang sawang sumusuporta sa
ating estasyon, naway patuloy nyo parin po kaming suportahan sa mga susunod pa nating mga episode ng
Istorya MARISTA,

Dj Joy: coming up Right next (isang estasyon naman po ang magbabahagi ng mga bagong kaalaman sa ating
lahat)

Dj: So ayun na nga po hanggang sa uuliting mga Ka marista, ako nga po pala si DJ jewel,

I’M Dj rAZ,
Dj joy here
Im dj, blessy
And Im Dj dave

At ito ang MARISTA …..AK RADIO STATION!

You might also like