You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malaman ang kahulugan ng Pang-uri
2. Matukoy ang Pang-uri sa pangungusap
3. Magamit ang angkop na Pang-uri sa pangungusap

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Pang-uri
Sanggunian: Hiyas sa Wika 5 p. 105-111
Kagamitan: Mga larawan at Powerpoint Presentation
Pagpapahalaga: Pagtutulungan

III. PAMAMARAAN

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANALANGIN

Magandang umaga mga bata!! Magandang umaga po Ma’am!

Bago tayo magsimula ng ating klase, Magsitayo ang lahat.


tayo muna ay manalangin.
Renlyn, maari mo bang pangunahan Panginoon, maraming salamat po sa
ang ating panalangin? panibagong araw na iyong ipinagkaloob
upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng
isang bukas na isip upang maikintal namin
ang mga aralin na aming matututunan
ngayong araw. Idinadalangin namin ang lahat
ng ito panginoon sa ngalan ng iyong anak na
aming tagapagligtas. Amen.
B. PAGTATALA NG LUMIBAN AT
HINDI LUMIBAN

Mayroon bang lumiban sa klase


ngayong araw? Wala po.

Mabuti naman.

C. PAGBABALIK-ARAL

Kahapon, napag-aralan natin ang


tungkol sa Pangngalan. May
nakakaalala pa ba kung ano ang
Pangngalan?
Ok, Bernadette?
Ang Pangngalan po ay ngalan ng tao, bagay,
lugar at pangyayari.
Mahusay Bernadette!

Maaari ka bang magbigay ng


halimbawa ng Pangngalan Gretchen?
Bagong taon po.
Magaling! Mayroon pa ba Jocelyn?
Guro po.
Tama. Ikaw Renlyn? May alam ka
bang Pangngalan?
Iloilo po
Mahusay. Masaya ako dahil talagang
nakinig kayo sa ating klase kahapon.

D. PAGGANYAK
Bago tayo tumuloy sa ating klase,
gusto niyo bang sumayaw mga bata? Opo!
Ok, siguradong alam niyo ang ating
sasayawin ngayong araw. Ito ay ang
“Tatlong Bibe”. Nasasabik na ba
kayong sumayaw? Opo!!

At dahil diyan, magsisimula na tayo.


Nais kong lahat kayo ay sumabay sa
pagsayaw. Maari ba iyon? Opo Guro.

Magaling. Tayo ay magsimula na.

(Pagsayaw) (Pagsayaw)

Nasiyahan ba kayo sa ating sayaw


mga bata? Opo!

Mabuti naman. Nakikita ko din na


kayo ay nasiyahan at higit sa lahat
nakita ko ang husay niyo sa pagsayaw.

E. PAGLALAHAD
Sa kantang Tatlong Bibe, ilan ang
Bibe na nabanggit? Renlyn? Tatlo po Guro.

Magaling! Maaari mo bang ilarawan


ang tatlong Bibe Bernadette? Mataba, mapayat at may pakpak na iisa po.
Mahusay Bernadette!

Ang mga nabanggit ni Bernadette ay


tinatawag nating Pang-uri.
Maaari mo bang basahin sa pisara ang
kahulugan ng Pang-uri Gretchen? Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan.
Inilalarawan nito ang katangian ng mga
pangngalan at Panghalip.
Tama.
Sa karagdagang kaalaman, ang Pang-
uri ay maaring gawing payak na
simuno o payak na panaguri.

Maari mo bang basahin ang unang Maganda si Bernadette.


halimbawa Jocelyn?

Ano ang napansin niyo sa May salungguhit sa salitang Maganda po.


pangungusap? Renlyn?

Magaling!
Maaari niyo bang matukoy kung ano o
sino ang inilalarawan ng salitang Si Bernadette po.
maganda? Gretchen?

Tama. Napakahusay naman ng aking


mga mag-aaral. Talagang nakikinig
kayo sa inyong guro.

Susunod na halimbawa, maari mo


bang basahin at tukuyin ang
inilalarawan ng salitang may Maligaya ang mga tao sa araw ng pasko.
salungguhit? Bernadette? Ang mga tao po ang inilalarawan nito.

Mahusay Bernadette.
Dahil po inilalarawan nito si Bernadette, ang
Ngayon, paano niyo nasabing Pang-
mga tao at ang bagong taon po.
uri ang mga salitang may salungguhit?

Tama at ang mga salitang inilalarawan Pangngalan po.


nito ay halimbawa ng ano?

Mahusay mga bata.

F. PAGLALAHAT
Sa muli, ano ang mga salitang Pang-uri po!
naglalarawan? Ito ay tinatawag na?
Magaling.
Maari ba kayong magbigay ng
halimbawa ng salitang naglalarawan? Mataas
Jocelyn?
Mahaba
Tama, isa pa Renlyn?
Makulay po
Magaling. Ikaw Gretchen?
Masaya po
Mahusay, ikaw naman Bernadette?

Aba! Kayo ay mahuhusay na mga


bata..

G. PAGLALAPAT
Bumuo kayo ng apat na pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ko ng
larawan.
Nais kong magtala kayo ng mga Pang-
uri na maglalarawan sa bawat larawan
na aking ibibigay. Bibigyan ko kayo
ng limang minuto para gawin ang Opo!
inyong pangkatang gawain.
Naiintindihan ba mga bata?

Kung may mga katanungan kayo ay


maaari niyo akong lapitan. Opo!
Nakahanap na ba kayo ng mga
pangkat niyo?

Bago ang lahat, nais kong Makita na Opo guro.


nagtutulungan ang bawat isa upang
mabilis kayong matapos, naiintindihan
ba?

Mabuti naman. Maaari na kayong


magsimula.
Opo!
(Pagkalipas ng limang minuto)

Tapos na ba ang lahat?


(Presentasyon)
Kung sa ganoon, unang pangkat maari
niyo nang ilahad ang inyong ginawa.
(limang palakpak)
Mahusay unang pangkat. Bigyan natin
sila ng limang palakpak. (Presentasyon)

Ngayon naman, dumako tayo sa


pangalawang pangkat. (limang padyak)

Magaling pangalawang pangkat!


Bigyan natin sila ng limang padyak. (Presentasyon)

Ikatlong pangkat? Maari na ba kayong


maglahad?
(3 palakpak at 2 padyak)
Mahuhusay din ang ikatlong pangkat,
bigyan natin sila ng tatlong palakpak
at dalawang padyak. (Presentasyon)

At ang huling pangkat, pumarito na sa


gitna. (2 palakpak at 3 padyak)
Hindi rin nagpahuli ang ating huling
pangkat. (Palakpak)
Bigyan natin sila ng dalawang
palakpak at tatlong padyak.

Dahil magagaling kayong lahat,


palakpakan natin ang ating mga sarili.

Ngayon naman ay dumako tayo sa


isahang gawain.
Maaari mo bang basahin ang panuto?
Gretchen?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na Pang-uri sa bawat pangungusap.

Masaya Mataas Madumi Parisukat

Maliit Payat Luntian Hinog

Maingay Tuwid

1. __________ ang kalsada sa amin tuwing hapon.


2. Ang kaniyang mga magulang ang dahilan kung bakit siya __________.
3. Ang punong Narra ang ___________ sa lahat ng kahoy sa kagubatan.
4. Magandang pagmasdan kapag __________ ang kapaligiran.
5. ___________ ang hakbang niya upang hindi magising ang ina.
6. Masarap kainin ang manga kapag ito ay __________ na.
7. Si berto ang __________ sa kanilang magkakapatid.
8. ___________ siyang nakatayo habang hinihintay ang kapatid na lumabas sa
banyo.
9. Ang mga basura ang siyang dahilan kung kaya _________ ang tubig sa kanal.
10. __________ ang hugis ang aming pisara sa paaralan.

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sa isang buong piraso ng papel, sumulat ng limang pangungusap na


naglalarawan sa inyong kapaligiran.

INIHANDA NI:
Roquena A. Ocate
BEEd IV

You might also like