You are on page 1of 34

1

ARALING
PANLIPUNAN
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Mga Taong Bumubuo sa Paaralan
at ang mga Tungkulin Nila
Ikatlong Markahan – Ika-apat - Ikalimang Linggo

1|Pahina
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Mga Taong Bumubuo sa Paaralan at ang mga Tungkulin Nila
Ikatlong Markahan – Ikaapat- Ikalimang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kasanayang Pagkatuto


Mga Manunulat: Emy Flor E. Marcellana, EdD
Wilma M. Autor
Editor: Marmila M. Fruto
Avenix M. Magno
Tagasuri: Diego M. Tongson Jr.
Jonathan M. Anasco
Graphic Artist: Ella Joy M. Nicolas
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta, EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio, EdD
Grace G. Abad
Lani A. Miraflor, EdD
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Mga Taong Bumubuo ng Paaralan
at ang mga Tungkulin Nila

Panimula
Sino-sino nga ba ang mga taong bumubuo sa paaralan? Ano -
ano ang kanilang mga tungkulin?
Ilan ito sa mga tanong ng maraming bata bago sila magsimula
sa unang hakbang ng pag-aaral. Masaya silang nagtatanong sa
kanilang mga ate, kuya, nanay at tatay. Sa kanilang murang edad, sila
ay napapaisip kung sino -sino nga ba ang mga taong naghihintay sa
kanila sa pagpasok sa paaralan. Halu-halong emosyon ang kanilang
nadarama. Nariyan ang saya, pagkasabik at takot. Lahat ay
humahantong sa ganitong nadarama. Ating alamin kung sino-sino ang
mga taong ito at ano-ano ang kanilang ginagampanang tungkulin.

Kasanayang Pampagkatuto

1|Pahina
Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong
bumubuo sa paaralan (e.g. punong-guro, guro, mag-aaral, doktor at
nars, dyanitor, etc.)
(AP1PAA-IIIb-4)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay


inaasahang:

1. natutukoy ang mga taong bumubuo ng paaralan;


2. napahahalagahan ang papel ng mga taong bumubuo ng
paaralan sa sariling buhay at sa komunidad; at
3. nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga
taong bumubuo sa paaralan.

Aralin 1 : Mga Tauhan sa Paaralan

Balik Aral
2|Pahina
Panuto: Iguhit ang malungkot na mukha sa
patlang kung ang nakasaad na sitwasyon ay
nakaaapekto sa pag-aaral at masayang mukha
naman kung hindi.
________1.Malakas ang pagpukpok ng mga karpinterong
nagpapatayo ng malaking bahay malapit sa paaralan.
________2.Tahimik na pumipila patungo sa kantina
ang mga mag-aaral sa unang baitang tuwing rises.
________3. Malakas ang radyo sa tindahan na malapit
sa paaralan.
________4. Humihiyaw ang mga lalaking naglalaro sa
basketball court ng paaralan.
________5. Mahina ang boses ng mga mag-aaral na
nag-uusap malapit sa silid-aralan.

Pagtalakay sa Paksa
Nais mo bang malaman kung sino – sino ang makakasama mo
sa iyong paaralan? Halina at ating alamin!

Basahin ang komik strip.

Magandang araw mga bata! Ako si


Hanna Castro. Ako ay nasa unang
baitang. Ako ay pumapasok sa Don 3|Pahina
Brigido Miraflor Integrated School,
Santa Cruz, Zambales. Isa akong
Ito nga pala ang aking paaralan.

Araw-araw sa pagpasok ko sa
paaralan ay marami akong
nakakasalamuha. Sila ang bumubuo
ng paaralan. Nais ba ninyong
malaman kung sino sila?
Tara! Ipakikilala ko sila sa inyo!

Sa umaga, pagpasok sa
4|Pahina gate, ay siya ang una
kong nakikita. Siya si
Mang Eddie. Isa siyang
Bago ako pumasok sa
aming silid-aralan, lagi ko
siyang nakikitang
nagwawalis ng mga kalat
sa paligid ng paaralan. Siya
si Ate Carol. Isa siyang
dyanitor.

Buong araw, kasama ko


siya sa loob ng silid-aralan.
Matiyaga niya kaming
tinuturuan. Siya si Ma’am
Mabel. Siya ay isang guro.

Kung may mga pagdiriwang


sa paaralan, lagi ko siyang
nakikita at naririnig na
nagbibigay ng mensahe sa
mga tao. Siya si Ginang Mila
Ecleo. Siya ang pinuno ng
paaralan. Siya ay isang
punongguro. Tinatawag din
siyang prinsipal.
5|Pahina
Kapag may ibinigay na
takdang- aralin ang aming guro,
ako ay pumupunta sa silid-
aklatan para humiram ng mga
aklat sa kanya. Siya si Ginang
Romelda Ramos.
Isa siyang tagapangasiwa sa
silid- aklatan.

Minsan, nagkasakit ako.


Sa pagsakit ng aking
tiyan, sa kanya ako dinala
ng aming guro upang
ipagamot. Siya si Ate
Ana. Isa siyang nars.
Minsan, dumadalaw din
sa paaralan ang nagsusuri
ng aming kalusugan na si
Doktor Guevarra. Isa
siyang doktor.

Natandaan ba ninyo ang mga ipinakilala ko sa inyo? Sila ang


mga tauhan ng paaralan. Sila ang bumubuo ng paaralan. Sa
paaralan ninyo, kilala ba ninyo ang mga katulad nila? Sana
ay makilala ninyo sila!

6|Pahina
Sa iyong paaralan ay maraming tao kang nakakasalamuha araw-
araw. Sila ang iyong nakakasama sa buong panahon ng iyong pag-
aaral. Sila ang mga tauhang bumubuo sa paaralan na may kanya-
kanyang gampanin. Mahalagang makilala ng isang batang katulad mo
ang mga taong nagtutulungan upang maging maayos ang iyong pag-
aaral at lumaki kang nagtataglay ng karunungan at kagandahang –
asal.
Ang mga tauhan ng paaralan ay guro, punongguro, mag-aaral,
nars, doktor, tagapangasiwa ng silid-aklatan, dyanitor, at nars. Lahat
sila ay may mahalagang papel na ginagampanan sa paaralan. Dahil sa
kanila, nagiging makulay ang iyong buhay bilang mag-aaral. Malaki
ang kanilang naiaambag upang maging kasiya-siya, makabuluhan at
ligtas ang iyong pananatili sa paaralan.

Pag-unawa sa kuwento:

1. Sino ang batang nagkuwento?


2. Saan nag-aaral si Hanna?
3. Sino -sino ang mga taong bumubuo sa paaralan?
4. Saan makikita ang mga taong ipinakilala ni Hanna?
5. Mahalaga ba ang mga taong nabanggit sa paaralan? Bakit?

7|Pahina
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Guhit Ko, Tukuyin Mo
Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa larawan. Gamit
ang linya, itapat ang larawan sa Hanay A sa pangalan
nito na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1.
guro

2. punongguro

3.
dyanitor

4. tagapangasiwa sa
silid - aklatan

8|Pahina mag-aaral
5.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
B. Kanino Ako?
Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay mga bagay na
makikita sa paaralan. Sino sa mga tauhan ng paaralan ang
maaaring iugnay sa mga ito. Bilugan ang tamang sagot.

1.
guwardiya, mag-aaral, nars

2. doktor, guro, prinsipal

3. tagapangasiwa, nars, dyanitor


sa silid-aklatan

4. guro, dyanitor, mag-aaral

5. guwardiya, guro, nars

Pang-isahang Pagsasanay
C. Sa Gamit at Lugar Ko, Kilalanin Ako
Panuto: Basahin ang mga gamit na sumisimbolo sa
9|Pahina
mga tauhang bumubuo ng paaralan at ang lugar kung
saan madalas silang matatagpuan. Isulat sa nakalaang
bahagi ng graphic organizer ang tinutukoy na tauhan ng
paaralan.

pisara silid - aralan

magasin silid-aklatan

gamot klinika

batuta gate

walis paligid ng paaralan

Pagsusulit
Panuto: Makinig sa babasahin ng nanay. Isulat ang
sagot sa tanong sa loob ng lapis. Piliin sa loob ng
kahon ang iyong sagot.

10 | P a h i n a
doktor dyanitor guro
guwardiya tagapangasiwa sa silid - aklatan
1. Hindi kumain ng almusal si Bel. Pagdating sa
paaralan, biglang sumakit ang kanyang tiyan. Kanino siya
dapat humingi ng tulong upang mabigyan ng lunas ang
nararamdaman?

2. Handang-handa si Mario sa kanilang klase. Siniguro


niyang nagawa ang takdang-aralin bago
pumasok sa paaralan. Kanino ipapasa ni Mario ang
kanyang takdang-aralin?

3. Kailangan ni Emily ng karagdagang impormasyon


tungkol sa aralin na kanilang tinalakay. Siya ay pumunta sa
silid-aklatan upang makahiram ng aklat. Kanino siya
magpapatulong upang mahanap ang aklat na kailangan?

4. Nagkakaroon ng pagpupulong ang mga guro.

11 | P a h i n a
Kanilang pinag-uusapan ang programang gaganapin upang
mabigyan ng tulong ang mga taong mahihirap sa pamayanan.
Sino kaya ang namumuno sa pagpupulong ng mga guro ?

5. Pagpasok sa gate ng paaralan, si John ay


pinansin sapagkat siya ay hindi nakasuot ng I.D. at uniporme.
Sino ang pumansin kay John?

Pangwakas
Panuto: Punan ang tsart ng tamang impormasyon.
Tukuyin ang mga tauhang bumubuo sa iyong paaralan.

Tauhan Pangalan
1
2
3
4
5

Nasagutan mo ba ang lahat ng pagsasanay at pagsusulit sa


araling ito?
12 | P a h i n a
Mahusay! Ngayon ay kilala mo na ang mga tauhang bumubuo
sa paaralan. Sa susunod na sila ay makasalubong, huwag mag-
atubili na sila ay batiin.
Isang pagbati kasama ng iyong matamis na ngiti, tiyak na ang
kanilang buong araw ay magiging maganda.
Lagi mong isaisip ang kanilang kahalagahan sa iyong buhay at
sa komunidad.
Ngayon ay handa ka na sa susunod na aralin.
Maligayang pagkatuto!

13 | P a h i n a
Aralin 2 : Mga Tungkulin ng mga Tauhan
sa Paaralan

Balik Aral
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Saan ka nag-aaral?
2. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa paaralan?

Pagtalakay sa Paksa
Basahin ang kuwento.

Unang Hakbang
Nina: Wilma M. Autor at Emy Flor E. Marcellana

Ang mag-anak na sina Mang Kanor, Aling Maria at kanilang


tatlong anak ay masayang nagkukuwentuhan sa kanilang munting
tahanan. Lahat ay nasasabik sa unang araw ng pagpasok ng bunso

14 | P a h i n a
nilang si Gabriel sa paaralan. Maging si Gabriel ay kakikitaan ng
pagkasabik sa unang araw ng kaniyang pagpasok.

“Ate, kuya, sino-sino kaya ang makakasama ko sa aming


paaralan?,” tanong niya sa kaniyang ate at kuya.

“Marami,” sagot ng dalawa. “Una, nariyan ang iyong guro,”


sagot ng kuya niya.

“Ang iyong guro ang siyang gagabay sa iyo at sa ibang mga


bata upang mahubog ang iyong mga kakayahan. Tuturuan ka niyang
bumasa, sumulat, bumilang at higit sa lahat huhubugin niya ang iyong
pagkatao upang maging isang kaaya-ayang mamamayan na
maipagmamalaki nila nanay at tatay,” sagot ng kaniyang kuya.
Napapangiti si Gabriel habang nakikinig sa mga winika ng kaniyang
Kuya Martin.

“Mayroon ka ring mga kaklase,” wika ng kaniyang ate. “Sila


ang mga batang katulad mo na mag-aaral din. Sila ang makakasama
mo sa loob ng inyong silid-aralan. Sila ang iyong magiging bagong
mga kaibigan at kalaro.”

“Makikilala mo rin ang punongguro ng iyong paaralan.


Ipakikilala siya ng inyong guro. Ang punongguro ang siyang
namumuno sa lahat ng kaniyang nasasakupan sa paaralan,” wika ng
kaniyang Ate Kara.

15 | P a h i n a
Hindi maipinta sa tuwa ang mukha ni Gabriel. Naglalaro sa
isipan niya ang lahat ng mga sinabi ng kaniyang kuya at ate.
Nasasabik talaga siyang makilala lahat ng binanggit ng mga ito.

“Gustong-gusto ko na po silang makilala,” wika ni Gabriel sa


kanila.

“Anak, bukod sa kanila ay ipakikilala rin ng iyong guro ang iba


pang naroon sa paaralan. Makikilala mo rin ang nars ng inyong
paaralan. Siya ang nangangalaga sa kalusugan ng mga guro at mga
batang tulad mo upang masiguro ang inyong kaligtasan at mapanatili
ang kalusugan sa inyong pangangatawan. “

“Mayroon ding guwardiya at dyanitor. Ang guwardiya ang


siyang tumutulong sa mga batang tulad mo sa pagtawid. Siya rin ang
nagtuturo kung nasaan ang silid-aralan upang hindi maligaw ang
batang tulad mo na baguhan pa lang sa paaralan,” sabi ni Mang
Kanor.

“Ang dyanitor naman ang siyang nagpapanatili ng kalinisan sa


paligid ng paaralan,” dagdag pa niya.
“Inay, andami po pala nila, lahat po ba sila ay makakasama ko
sa aking pag-aaral?,” tanong ni Gabriel sa kaniyang nanay.

“Hindi anak, sila ang mga bumubuo sa paaralan,” sagot ng


kaniyang nanay.

“Lahat sila ay makakatulong upang mapatakbo nang maayos


ang isang paaralan,” dagdag pa ng kaniyang nanay.

16 | P a h i n a
“Ang iyong guro at mga kaklase ang siyang makakasama mo sa
iyong pag-aaral. O sige na anak matulog ka na at bukas ay ihahatid
kita sa iyong paaralan,” sabi ni Aling Maria.

Masayang niyakap ni Gabriel ang kaniyang nanay


sabay sabing, “Salamat po nanay.”
Niyakap din siya ni Aling Maria at sinabing, “Masaya rin ako
anak na masaya ka. Ito ang unang hakbang sa pagtupad mo sa iyong
pangarap.”

Maagang natulog si Gabriel upang maging handa sa unang araw


ng kaniyang pagpasok sa paaralan. Ito ang unang hakbang sa pag-
abot ng kaniyang mga pangarap.

Pag-unawa sa Kuwento:

1. Sino ang bunsong anak nina Mang Kanor at Aling Maria?


2. Anong damdamin ang nadarama ni Gabriel sa unang araw ng
kaniyang pagpasok?

17 | P a h i n a
3. Sino-sino ang mga taong nabanggit sa kuwento na bumubuo sa
paaralan?
4. Ano ang tungkulin ng bawat taong bumubuo sa paaralan?
5. Bakit mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng bawat isa?

Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Pagtambalin Mo
Panuto: Iugnay ang larawan sa tungkuling
ginagampanan nito. Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
1.

a. pumapasok sa takdang
oras at nakikinig sa mga
itinuturo ng guro

2.
b.tumatayong
pangalawang magulang
18 | P a h i n a ng mga bata sa paaralan
3.

c. namumuno o lider ng
isang paaralan

4.
d. tagapag-alaga sa mga
kagamitan sa paaralan
gayundin sa kaligtasan ng
mga tao sa paaralan

5.

e. nangangalaga sa
kalusugan ng mga bata at
guro

19 | P a h i n a
Pinatnubayang Pagsasanay 2
B. Pangalanan Mo
Panuto: Isulat sa patlang kung sino ang tinutukoy sa bawat
bilang.

___________________1. Sa paaralan, ako ay isang nanay din,


nagsisilbing gabay sa mga bata at tagahubog ng kanilang kaalaman.
___________________2. Ako ay isa sa mga tauhan ng paaralan.
Tungkulin kong panatilihin ang kalinisan sa loob at labas nito.
___________________3.Pumapasok ako sa paaralan upang matutong
makihalubilo at mapaunlad pa ang kakayahan sa tulong ng mga
gurong tagapatnubay.
___________________4. Isa akong lider na nagsisilbing gabay hindi
lamang ng mga guro kundi maging ng mga batang mag-aaral din.
Tagapamahala ako sa lahat ng pag-aari ng paaralan na
pinamumunuan.
___________________5. Ako ang siyang nagsisilbing tagatingin sa
mga batang tumatawid. Pinangangalagaan ko din ang katahimikan at
kaayusan ng mga gamit sa paaralan.

20 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
C. Sagot Mo, Bilugan Mo
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino sa mga bumubuo ng paaralan ang tumitingin sa kalusugan


ng mga guro at mga mag-aaral?
a. doktor b. guro c. dyanitor

2. Sa loob ng silid-aralan, siya ang nanay ng mga batang kanyang


tinuturuan. Sino siya?
a. punongguro b. guro c. nars

3. Siya ang batang pumapasok sa silid-aralan upang matuto sa


iba’t-ibang asignatura at kagandahang- asal. Sino ako?
a. mag-aaral b. guwardiya c. guro

4. Pinuno siyang maituturing, tagapamahala sa lahat ng bagay sa


paaralan. Sino siya?
a. dyanitor b. guro c. punongguro

5. Isa siya sa nagpapanatili ng kalinisan ng paaralan sa loob at


labas nito. Sino ako?
a. guwardiya b. dyanitor c. nars

Pagsusulit
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
21 | P a h i n a
mag-aaral guro nars
punongguro guwardiya dyanitor

Estranghero
Ni: Wilma M. Autor

Unang araw ng klase, kinakabahan ang batang si Lenlen. Hindi


niya alam ang kaniyang silid-aralan dahil bago pa lang siya sa
kaniyang paaralan.

Pagbaba niya sa kaniyang sinakyang dyip, sa tapat ng gate ng


paaralan ay sinalubong siya nang may ngiti sa labi ni Manong Ernie,
ang __________________ ng paaralan. Nakasabay din niya si Thea,
isa sa mga _________________ ng paaralang DBMIS (Don Brigido
Miraflor Integrated School (JESMAG). Masaya siyang binati ni Thea
at ginantihan naman niya ng masayang pagbati.

Sa kanilang paglalakad ay naitanong ni Thea kung anong


baitang na ba siya ngayon. Masaya si Lenlen dahil pareho silang nasa
unang baitang ng kanilang pag-aaral.
Naging magkaibigan ang dalawa. Habang papasok sila sa
kanilang silid-aralan ay nakasalubong nila ang _________________
na nagwawalis. Binati siya nina Thea at Lenlen, “Magandang umaga
po, Ate Carol,” bati ni Thea. Kilala siya ni Thea dahil doon siya nag-
aral ng Kindergarten.

“Magandang umaga rin,” bati ni Ate Carol sa dalawang bata.


Ilang sandali pa ay tumunog na ang kampana, hudyat upang pumila
na ang lahat ng bata para sa Lupang Hinirang. Pagkatapos nito ay
nagsalita si Ginang Manuela Ecleo, ang ______________________
ng paaralan. Isa-isa niyang ipinakilala ang mga ______________ng
paaralan at sinabi kung ano ang hawak nilang baitang. Pagkatapos ng

22 | P a h i n a
maikling pagsasalita ni Ginang Ecleo, ay pumasok na sa kani-
kaniyang silid- aralan ang mga mag-aaral.

Pangwakas
Panuto: Kilalanin ang nasa larawan. Isulat sa loob ng
kahon ang ngalan ng bawat isa. Sa patlang naman ay isulat
ang tungkulin ng bawat tauhan ng paaralan.

1.

23 | P a h i n a
________________________________________________________
________________________________________________________

2.

________________________________________________________
________________________________________________________

3.
24 | P a h i n a
________________________________________________________
________________________________________________________

4.

________________________________________________________
________________________________________________________

5.

25 | P a h i n a
________________________________________________________
________________________________________________________

26 | P a h i n a
Mga Sanggunian

K – 12 Grade 1 (K-12 Curriculum Guide)

“K – 12 Most Essential Learning Competencies (MELC) –


Teach Pinas”. Teach Pinas, 2020.
https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential- learning
competencies-melc/www.google.com.

Noel P. Miranda et al., Araling Panlipunan, Unang


Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City,
Philippines: Department of Education, 2017.147-154.

Noel P. Miranda et al., Araling Panlipunan, Unang


Baitang, Patnubay ng Guro. Pasig City,
Philippines: Department of Education, 2017.47-49.
https://prezi.com/g9t-xs7lnt8s/mga-tauhan-sa-paaralan

Susi sa Pagwawasto

27 | P a h i n a
Aralin 1 Aralin 1
Gawain Pang-isahang Pagsasanay
Pinatnubayang Pagsasanay 1 1. guro
2. tagapangasiwa sa silid-
1. mag-aaral aklatan
2. dyanitor 3. doktor o nars
3. punongguro 4. guwardiya
4. guro 5. dyanitor
5. nars 1.

Pinatnubayang Pagsasanay 2 Pagsusulit


1. doktor
1. mag-aaral 2. guro
2. doktor o nars 3. tagapangasiwa sa
3. tagapangasiwa sa silid- Silid-aklatan
aklatan 4. punongguro
4. dyanitor 5.guwardiya
5. guro
Pangwakas
1. 1.
2. 2. pangalan ng
3. 3. mga tauhan
4. 4. sa paaralan
5.
2.
3.
4.

Aralin 2 Aralin 2
Gawain Pagsusulit
Pinatnubayang Pagsasanay 1 1. b
28 | P a h i n a
1. b 2.e
2. e 3. a
3. a 4. c
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng
Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod na
nakapag-ambag ng tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad,
pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng Ikatlong
29 | P a h i n a
Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t – ibang antas bilang tugon sa
pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto
hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) –
ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng
mga manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at
kakayahan upang makabuo ng iba’t-ibang kinakailangang kagamitang
pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring
pangwika, at mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at
bumuo sa lahat ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at katugunan sa mga
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang


patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang
gugugulin sa paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na
magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat


asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga
punongguro, sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng
mga Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa
kanilang madalas na pagsubaybay sap ag-unlad ng mag-aaral sa lahat
ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang
tagapagdaloy sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang
patnubay at gabay upang maisagawa ang mga gawain at upang
patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral na maging
responsableng indibidwal sa hinaharap.
30 | P a h i n a
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa
mapanghamong panahon ay lubos na makamit ang sama-samang
pagpupunyagi at matibay na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-
aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

31 | P a h i n a

You might also like