You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
DON BRIGIDO MIRAFLOR INTEGRATED SCHOOL (JESMAG)
LUCAPON NORTH, STA. CRUZ, ZAMBALES

BANGHAY – ARALIN SA MOTHER TONGUE 1


(Pinagsanib na Aralin sa Filipino, English, ESP, Agham at Matematika)

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman
Demonstrates understanding that words are made up of sounds and syllables

B. Pamatayan sa Pagganap
Demonstrates knowledge of the alphabet and decoding to read, write and spell
words correctly

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


 Give the synonyms and antonyms of describing words
(MT1GA-IVh-i-4.1)
1. Natutukoy ang mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap.
2. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman sa iba pang kahulugan
ng salita.
3. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga salitang magkasingkahulugan.
4. Nakalalahok nang aktibo sa pangkatang gawain.

Pagpapahalaga:
Pagbibigay halaga sa kahulugan ng mga salita

II. Paksang Aralin:


Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng
Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Kasingkahulugan

A. Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies (MELCs), ph. 491
Curriculum Guide in Mathematics I, ph. 26
Mathematics I (Kagamitan ng Mag-aaral), ph.255-258
https://youtu.be/kevSUn8Qi7k; https://youtu.be/7bNOmVPj5T8

B. Mga Kagamitang Panturo:


speaker, straw, mga larawan, worksheet, buzzer, white board marker, white
board, DIY TV, store, basket, flaglet, pocket chart

C. Pinagsama-samang Paksa (Subjects Integrated):


Filipino, English , Edukasyon sa Pagpapakatao at Agham
D. Pokus sa Halaga (Value Focus): Kooperasyon sa mga pangkatang
gawain

III. Mga Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

“Tayo ay tumayo para sa isang panalangin.”

2. Pagbati

“Magandang umaga sa inyo mga bata.” “Magandang umaga rin po, Teacher”

3. Pagtsetsek kung may lumiban sa


klase
“Wala po, Teacher.”
“Mayroon bang lumiban sa ating klase
ngayon?”

4. Pag-awit

5. Balik-aral
(Gagamit ang guro ng powerpoint presentation
at ipakikita ito sa screen)
“Mula sa ating huling talakayan, ating
napag-aralan ang pagsabi at pagsulat ng oras
gamit ang analog clock.”

“Ngayon, mayroong inihandang gawain si


Teacher at ating aalamin kung ang nakaraang
aralin ay lubusan ninyong naunawaan.” “Laminated analog clock po,Teacher”

“Ano ang bagay na nasa inyong mesa?”


“Tama! Mayroon kayong laminated analog
clock. Gamit ang orasang ito, tayo ay
magbalik-aral.”
“Tatawagin natin ang balik-aral na ito na
“Oras ko, Show Mo!” Bibigyan ko kayo ng
tatlong segundo para sa pagsagot ng bawat
bilang. Kapag aking pinatunog ang buzzer, ito
ay nangangahulugan na dapat na ninyong itaas “Opo, Teacher.”
ang inyong laminated analog clock upang
ipakita ang oras na binanggit ko. Naintindihan (Gagamit ng laminated analog clock ang mga mag-
po ba?” aaral upang maipakita ang oras na babanggitin ng guro)

“Isusulat ko sa white board na ito ang oras na


kailangan ninyong ipakita sa pamamagitan ng “Opo, Teacher”
analog clock na hawak ninyo.”
(Mga inaasahang sagot ng mga mag-aaral)
“Handa na ba kayo?”

Panuto: Ipakita ang tamang oras gamit ang 1.


inyong laminated clock.
2.
1. 3:00
3.
2. 4:00
4.
3. 5:00
5.
4. 9:15

5. 9:30

“Mahusay mga bata! Ngayon ay talagang


marunong na kayong magbasa ng oras sa
orasan.
Bigyan ng ‘Ang Galing Galing Clap’ ang bawat
isa. “Opo, Teacher.”
6. Pagganyak

“Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang laro.


Gusto ba ninyong maglaro?
Ayan! Ang larong ito ay tatawagin nating
“Pahabaan Tayo!”
“Sa larong ito, ang ating klase ay hahatiin
natin sa tatlong pangkat. Ang gagawin ninyo ay
pipila ayon sa inyong tangkad at
magpapaunahan sa pagdudugtong ng straw
mula sa starting point hanggang sa makarating
sa finish line. Kayo ay bibigyan ng dalawang
minuto upang gawin ito. Kapag narinig ninyo
ang tugtog hudyat na ito ng pagsisimula ng
palaro. Sa paghinto ng tugtog, kailangan na
ninyong huminto sa inyong ginagawa. Ang
pangkat na may pinakamahabang straw na “Opo, Teacher.”
nadugtong at unang nakarating sa finish line ay
siyang panalo at makatatanggap ng premyo.” (Pagsasagawa ng mga bata ng larong “Pahabaan
Tayo”)
Naintindihan po ba?

“Bigyan natin ng “Jollibee Clap” ang “Nagpahabaan po ng straw, Teacher.”


grupong nanalo.”
Ano ang inyong katatapos na ginawa?

“Tama! Kanina ay nag-unahan kayong


magpahabaan ng straw hanggang sa makarating
sa finish line. Ang inyong ginawa ay may
kinalaman sa ating talakayan sa araw na ito.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
(Magpapakita ang guro ng tatlong payong na
may iba’t-ibang haba at ipapahawak ang mga
ito sa mga bata) “Teacher, may ibat’t-ibang haba po ang mga payong”

“Ano ang napansin ninyo sa mga payong?” “Ang payong ay mahaba po.”

“Tumpak! Ilarawan nga ninyo ang unang


payong.” “Ang ikalawang payong ay mas mahaba po”

“Ano naman ang masasabi ninyo sa


ikalawang payong?” “Pinakamahaba po”

“Ang ikatlong payong naman ay _______?” “Pinaghambing po, Teacher”

“Ano ang ginawa natin sa tatlong payong?”

“Mahusay! Ngayong araw ay tungkol dito


ang ating pag-uusapan.”

“Ang ating talakayan sa araw na ito ay


tungkol sa Paghahambing ng Mga Bagay
Gamit ang mga salitang Mahaba, Mas
Mahaba at Pinakamahaba.”

2. Pagbabasa at Pakikinig sa Kwento


a. Pagbibigay ng pamantayan sa
pagbabasa ng kwento.
“Mga bata, nais ba ninyong makinig ng
kwento?” “Opo, Teacher”

“Ano-ano ang mga dapat nating tandaan sa


tuwing tayo ay nakikinig ng kwento?”
Mag-aaral 1: “Umupo po nang
maayos.”
Mag-aaral 2: “ Huwag po mag-iingay.”
Mag-aaral 3: “Unawain po ang kuwento.”
“Mahusay! Sa aking palagay ay handa na (Tanggapin ang iba pang tamang kasagutan)
talaga kayong makinig ng ating kwento.”

“Mga bata, lagi ninyong tatandaan ang mga


paalala habang kayo ay nakikinig ng kwento.”
“ Handa na ba kayo mga bata?” “Opo, Teacher.”

b. Pagbabasa ng Kwento
“Mga bata, halina’t ating pakinggan ang
isang maikling istorya gamit ang puppet na
kapupulutan ninyo ng kaalaman. Ang pamagat
ng ating kwento sa araw na ito ay “Sina Pam at
Pau ” na isinulat ni Aubrey Mareen Nuyad.”

Sina Pam at Pau


(Ni: Aubrey Mareen Nuyad)

Lunes ng umaga sa simpleng paaralan ng


Barangay Pag-asa, may dalawang magkaibigan
ang nag-uusap tungkol sa pagpapatupad ng
kalahating araw na pagpasok sa Pag-asa
Elementary School dahil sa matinding init ng
panahon.
Pam: Kumusta ka naman Pau?
Pau: Okey lang naman, pero basang - basa na
ng pawis ang likod ko dahil sa sobrang init.
Pam: Kailangan mong magdala ng mahabang
tuwalya na puwedeng ilagay sa likod mo para
hindi ka matuyuan ng pawis.
Pau: Bukas magdadala ako. Marami kaming
tuwalya sa bahay. May mahaba, mas mahaba at
pinakamahaba.
Pam: Mabuti iyan, para hindi ka magkasakit.
Pau: Kailangan ko ring magdala ng payong,
panangga sa matinding sikat ng araw.
Pam: Marami kaming payong sa bahay. May
mahaba, mas mahaba at pinakamahaba. Pero
ang dadalhin ko ay iyong mahaba lang kasi
maliit ako e. Hihihi!
Pau: Huwag mong kalimutan iyan ha? Ang
sabi ng ating guro ipapatupad na naman daw
ang kalahating araw na klase sa paaralan at
modyul naman ang gagamitin natin sa pag-aaral
tuwing hapon.
Pam: Oo nga e, mamayang hapon bibili ako
ng mahabang ice candy pagkatapos ko
mananghalian para matagal maubos! Gusto ko
kumain ng malamig habang nagbabasa at
nagsasagot ng modyul sa bahay.
Pau: Sa tindahan ni Aling Aubrey marami
kang mapagpipiliang masarap na ice candy.
May mahaba, mas mahaba at pinakamahaba .
Pam: Wow! Gusto ko iyan, mamaya bibili
ako.
Pau: Libre mo naman ako.
Pam: Oo ba, bibili tayo ng pinakamahabang
ice candy para matagal maubos.
Pau: Pagkatapos nating kumain ng matamis
ay iinom tayo ng maraming tubig.
Pam: Tama! Kailangan iyon para hindi tayo
mawalan ng tubig sa katawan.

Biglang tumunog ang kampana ng paaralan,


hudyat na tapos na ang rises kaya’t sina Pam at
Pau ay nagmamadaling bumalik na sa kanilang
silid-aralan.

3. Pagtatalakay
“Mga bata, naunawaan ba ninyo ang ating “Opo, Teacher.”
kwento?”

“Kung talagang inyong naunawaan, mayroon


akong mga katanungan. Kung nais sumagot
itaas lamang ang inyong flaglet at hintayin na
tawagin ko ang inyong pangalan.”
“Opo, Teacher.”
“Handa na ba kayo?”

Pag-unawa sa kuwento:
“Sila po ay sina Pam at Pau, Teacher”
1. Sino ang dalawang magkaibigan sa kwento?
“Tungkol po sa matinding init ng panahon, Teacher”
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan? “Tungkol po sa pagpapatupad ng kalahating araw na
pagpasok at pagsagot ng modyul sa hapon, Teacher”
(Tanggapin ang iba pang tamang kasagutan)

“Sa Pag-asa Elementary School po.”


3. Saan nag-aaral sina Pam at Pau?
“Dahil po sa sobrang init ng panahon.”
4. Bakit basang-basa ng pawis si Pau?

“May mahabang payong, mas mahabang payong at


5. Paano inilarawan ni Pam ang mga payong sa pinakamahabang payong po, Teacher.”
kanilang bahay?
“Mahabang tuwalya, mas mahabang tuwalya, at
6. Ano-ano ang mga salita na may paghahambing pinakamahabang tuwalya po.”
ang ginamit sa kwento?
“Mahabang payong, mas mahabang payong, at pinaka
mahabang payong po.”

“Mahabang ice candy, mas mahabang ice candy at pinaka-


mahabang ice candy po.”

“Para po hindi mauhaw, Teacher.”


7. Bakit kaya natin kailangang uminom ng “Para po mapalitan ang pawis na lumalabas sa ating
maraming tubig araw-araw? katawan dahil sa matinding init ng panahon, Teacher.”
(Tanggapin ang iba pang kasagutan)

“Bigyan natin ng “Kris Aquino Clap” ang mga


sumagot sa ating katanungan.”

C.Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

 “Mga bata, ano uli ang mga salitang may “Mahaba, mas mahaba at pinakamahaba po.”
paghahambing na ating tinalakay sa araw na
ito?
“Kapag wala pong ikinukumpara o pinaghahambing ang
 “Ano ang inyong mapapansin sa mga gagamitin po natin ay mahaba. Kapag dalawang bagay ang
pinaghambing gamit ang iba’t-ibang bagay?" ating ipinagkukumpara gagamit tayo ng mas mahaba, at
kapag naman po tatlo o higit pang bagay ang ating
ipinagkukumpara gagamit tayo ng salitang pinakamahaba.”

“Mahaba, mas mahaba, pinakamahaba po.”


 “Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng
mga bagay gamit ang salitang mahaba kapag
tayo ay naghahambing?”
“Kami po ay nagtulungan sa mga gawain”
 “Sa inyong pangkatang gawain, paano ninyo “Kami po ay nagkaroon ng kooperasyon sa paggawa ng
isinagawa ang inyong mga gawain?” pangkatang gawain.”
(Tatanggapin ang iba pang kasagutan.)

“Mahalaga po ito Teacher para matapos nang mabilis at


 “Bakit mahalaga ang kooperasyon ng bawat maayos ang gawain”
isa?”

2. Pagpapahalaga
“Sa inyong palagay, bakit kaya kailangang pag-
aralan ang wastong paggamit ng mga salitang may
paghahambing tulad ng mahaba, mas mahaba at Mag-aaral 1: “Dahil dito po namin nalalaman ang haba ng
pinakamahaba?” isang bagay.”
Mag-aaral 2: “Para matukoy po namin ang wastong salita na
gagamitin sa paghambing ng mga bagay gamit ang mahaba,
mas mahaba at pinakamahaba.”
Mag-aaral 3: “Para alam po namin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga bagay ayon sa haba.”
“Tama! Mahalagang malaman natin ang wastong
paggamit ng mga salita na may paghahambing
sapagkat ito ay makatutulong sa atin upang
matukoy kung ano ang wastong haba o sukat ng
isang bagay na maaari nating gamitin sa pang araw-
araw na buhay.”

3. Pagsasanay
“Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng mga
pagsasanay upang higit ninyong maunawaan ang
ating aralin. Bawat pangkat sa klase ay may kani-
kaniyang gawain.”
“Para sa Pangkat Asul, ang inyong pagsasanay
ay tatawagin nating “Larawan Mo, Iayos Mo!

Pagsasanay 1:
Larawan Mo, Iayos mo!
Panuto: Ayusin ang tatlong set ng larawan ayon sa
kanilang haba.

Unang Set

Ikalawang Set

Ikatlong Set

“Para naman sa ikalawang pangkat, Pangkat


Berde ang inyong pagsasanay ay may pamagat na
“Napili Mo, Ipakita Mo.”

Pagsasanay 2:
Napili Mo, Ipakita Mo!

Panuto:
1. Kumuha ng tatlong (3) bagay mula sa Aubrey’s
Store.
2. Kunin ang mga bagay na may kaniya-kaniyang
haba. May mahaba, mas mahaba at pinakamahaba.
Halimbawa: Lapis, ruler at payong
3. Ilagay sa basket ang mga napiling bagay at isa-
isang ipakita sa harap.
4. Tukuyin ang bagay na mahaba, mas mahaba at
pinakamahaba.

“Para naman sa ikatlong pangkat, Pangkat Pula


ang inyong pagsasanay ay may pamagat na “Sampay
Mo, Pangalanan Mo!”

“Mayroong 3 bagay sa loob ng bag na ito. Isuot


ito sa hanger. Pagkatapos ay paghambingin ang
tatlong bagay gamit ang mga salitang mahaba, mas
mahaba at pinakamahaba.”

Pagsasanay 3:
Sampay Mo, Pangalanan Mo!

Panuto: Tukuyin ang mahaba, mas mahaba at


pinakamahaba sa mga bagay na ito.

Pinakamahaba Mas mahaba Mahaba

“Para sa inyong gawain, kayo ay bibigyan ng


puntos gamit ang rubriks na ito.”

Rubriks
Maayos na napagsunod- 4 puntos
sunod ang mga larawan
o bagay ayon sa haba ng
mga ito
Ang lahat ng kasapi ay 4 puntos
nakikiisa sa pangkatang
gawain.
Tahimik na nakiisa ang 2 puntos
bawat miyembro sa
pangkatang gawain.
Kabuuan: 10 puntos

“Ang bawat pangkat ay bibigyan ng tatlong


minuto para tapusin ang gawain. Handa na ba kayo?” “Handa na po, Teacher.”
(Pagkatapos ng pagtsetsek sa natapos na gawain ng
bawat pangkat, iba’t-ibang uri ng palakpak ang
ibibigay.)

IV. Pagtataya
(Gamit ang powerpoint presentation na ipapakita sa
screen)
Panuto: Isulat sa ibaba ng bawat larawan ang
wastong sagot. Tukuyin kung ito ay mahaba, mas
mahaba at pinakamahaba.

1.

2.

3.

4.

5.

V. Takdang Aralin
Panuto: Mag-isip ng mga bagay na mahaba, mas
mahaba at pinakamahaba.

1. Ang ay mahaba.
Ang ay mas mahaba.
Ang ____________ ay ang pinakamahaba.

2. Ang ay mahaba.
Ang __________ ay mas mahaba.
Ang ay pinakamahaba.

3. Ang ay mahaba.

Ang ay mas mahaba.

Ang ______________ ay pinakamahaba.

4. Ang ay mahaba.

Ang ______________ ay mas mahaba.

Ang ay pinakamahaba.

5. Ang _____________ ay mahaba.

Ang ay mas mahaba.


Ang

Ang ay pinakamahaba.
Inihanda Ni:

EMY FLOR E. MARCELLANA, EdD


Master Teacher II

Binigyang Pansin Ni:

MARIO M. MONTEROLA
Head Teacher III

You might also like