You are on page 1of 3

Scene 1: School

(May papagawang artwork activity)

Teacher: okay class. Ngayon may gagawin kayong activity at iyon ay iguhit ninyo ang taong mahalaga sa
inyong buhay. Okay start na kayo....

( magsisimula na ng mag guhit ang bawat estudyante)

Teacher: Okay, time na. Pasa niyo na ang mga ginawa niyo..

( After checkan ni teacher ang mga activity ay tatawagin niya ng bawat estudyante at iaabot ang activity)

Teacher: *insert name of student, you've got 6 out of 10.

Teacher: *insert protagonist name, very good. You've got a perfect score, 10 out of 10. Keep up the
good work. Ipakita mo ito sa mama mo and i'm sure matutuwa siya sayo..

(Everybody clap their hands)

Narration of Pro: Hindi ako mahal ni Mama (*insert sad song)

Scene 2: house

Pro: Ma, nakakuha po ako ng perfect score sa activity namin kanina at kayo po ang aking ginuhit.

Nanay: (titingnan lang at ipagpapatuloy ulet ang kanyang ginagawa)

Narration of Pro: Laging walang oras sa akin si Mama. Hindi niya na aapreciate ang mga ginagawa ko.

Scene 3: Canteen

Nanay: (May 2 estudyanteng manghihiram ng posporo) (Iaabot at sisindihan ng isang estudyante ang
cake na hawak ng isa)

Narration of Pro: kahit kailan, hindi pa ako nakakapag celebrate ng aking bday o nakakatanggap ng cake
tulad ng ibang bata)

Scene 4: (Malaki na ung bata) (At convenience store)

Pro:( Nakaupo siya habang nagdrawdrawing at ang kanyang mga kaibigan naman ay nagcecellphone)
(Naka uniform)

Kaibigan: *Pro name, Mama mo..

Nanay: *Pro name, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka maggawa ng iyong assignment sa bahay
kesa sa patambay tambay ka lang! Inubos mo lang ba ang mga perang binibigay ko sayo araw araw sa
pag lalaro?
Pro: Ma hindi po nag....

Nanay: Huwag ka na magpalusot. Wala ka bang pakialam sa akin!

*narration of Pro: Di niya ako pinakinggan kahit kailan.

Pro: Wala naman kayong pakialam sa akin e!

(Mag wawalk out si Pro)

Narration of Pro: Para sa kanya, isa lang akong pasaway na anak.

Scene 5: Bahay

Pro: Ma pwede po bang bilhan niyo ako ng laptop?

Nanay: Hindi pwede.

Pro: Laptop lang naman po ma. Pwede pong hulug hulugan ang bayad.

Nanay: Madami na tayong gastusin. Hindi ko kayang bilhin yun.

Pro: Ma hindi na ako hihingi pa ng kahit ano. Basta bilhan mo lang ako ng laptop...

Sa bagay , kahit kelan di mo pa ako binilhan ng kahit ano..

Nanay: Hindi ako bibili.

Pro: Hindi mo naman alam kung ano ang mga ginagawa ko e. Sarili mo lang ang iniisip mo! Kahit minsan
ba tinanong mo kung ano ang gusto ko.. Mas mabuti pang mamuhay ka na lang mag isa! (Walk out)

Scene 6: School( Nanghiram ng laptop sa kaklase)

Kaklase: Kanina ka pa jan ah, kukuhain ko na may gagawin pa ako!

Pro: Sandali na lang to. Papasa ko na lang. (Isasave sa flashdrive ang ginawa)

Scene 7: ( Iaabot ang flashdrive sa nagpagawa at babayaran sya)

Pro: Kuya ito na yung pinagawa niyo.

Kuya: Sige, maraming salamat ha. Sa susunod ulet..

Pro: (Naglalakad habang binibilang ang kinitang pera ,ng di umano'y may tumawag )

Pro: hello ( on phone)

: Oo , bakit?

(Matitigilan at mapapaupo sa nalaman niya)


Flashback: (*insert scene kung saan naninikip ang dibdib ng nanay niya)

(*insert scene kung saan sinabihan niya ang nanay niya ng Mas mabuti pang mamuhay ka na lang mag
isa!)

Back to reality : mapapaiyak sya

Scene 8: Bahay

*insert sad song

(Binabasa ang hawak na papel-Medical Test Results Cause of Death ng kanyang Nanay).

(Bubuksan ang drawer at makikita niya ang isang box na may mga lamang pera - para sa insurance, para
sa pang college, para sa bahay) ( para sa laptop)

Flashback:(habang hawak ang envelope na may nakalagay na para sa laptop)

(*insert scene "Madami na tayong mga gastusin. Di ko kayang bilhin yun)

(Maiiyak *insert sad song)

(Makakita ulet siya ng isang folder kung saan nakalagay dun ang bank account na para sa kanya. At
nakasingit ang drawing na ginawa niya ng nakatape na)

Narration of Pro: Nagkamali ako.. Ako lang pala ang makasarili at hindi si mama.

Flashback: (*insert scene 2 kung saan pinunit niya ang drawing na ginawa niya) (kinuha naman ng nanay
niya at nakangiting binuo ulet ito)

Narration of Pro: Si mama, binigay niya sa akin ang lahat kahit sa huling sandali ng kanyang buhay.

Pro: Patawad Ma..

You might also like