You are on page 1of 3

ANG SAYA NG ISANG MAPAGBIGAY

Narrator: May isang bata na nasa kanya na lahat ng yaman. Maraming baon, maraming laruan na
madalas ay dinadala nya sa school. Subalit sa kanyang karangyaan, ay may isang bagay na wala
siya…

John: Ang dami ko talagang laruan. Mahal na mahal kasi ako ng mommy at daddy ko eh, kaya lagi
lang nilang sinusunod mga gusto ko. (Kausap ang sarili habang naglalarong mag-isa sa classroom)

Emma: Hi John. Wow! Ang dami mo naming laruan, pwede mo ba akong pahiramin?

Roxanne: Oo nga, ako din!

John: Ay huwag!! Ayaw ng mommy ko na ipahiram mga toys ko kasi baka masira. Magpabili din kasi
kayo sa mga parents ninyo.

Narrator: At masayang nagpatuloy si John sa kanyang paglalaro ng kanyang laruan. Dahil sa ganung
ugali ni John ay wala tuloy may gusto sa kanya. Lagi nyang ipinagmamalaki ang mga gamit nya
subalit siya ay totoong madamot. Minsan nakita ni John ang mga kaklase na nag uumpukan.

John: Ano kaya ang pinag uusapan nila dun at tawa sila ng tawa?

Peter: (Nagpapatawa sa mga kaklase) Tama na, pinagtatawanan nyo na lang ako.

Linda: Sige na Peter, mag-joke ka pa.

Susan: Oo nga, habang nagrerecess tayo.

Bong: Guys, ilabas na natin mga baon natin at share-share ulit tayo.

Tom: Ang saya lang natin ano? Kahit hindi masyadong marami baong natin pag binabahagi natin
lahat, ay dumadami ano?

John: Tama ka Tom. Parang yung kwento ni Ma’am Beth sa atin tungkol sa batang nagshare ng 5
loaves of bread at 2 fishes.

Linda: Ay oo nga ano? Dumami yung dala nyang pagkain.

Susan: Ipag-pray din natin itong pagkain natin para mabusog tayo at lahat makakain.

(Nagpray)

Bong: Uy Emma at Roxanne, tara na dito sama-sama tayo. (Lumapit si Emma at Roxanne)

Tom: Ayun din si John, tawagin natin.

Susan: Huwag na, madamot yan, hindi sya marunong magshare ng toys nya eh.

Emma: Oo nga.

Peter: Malay nyo naman, gusto din nya na kasama. Teka at lalapitan ko. (Lumapit kay John) John,
gusto mo din bang maki-share ng baon sa amin?

John: Ayoko lang! mas masarap baon ko kesa sa baon nyo.

Peter: Ay ganun ba? Pero iba parin kasi ang sarap ng pagkain pag ay kasmang kumakain.
John: ok lang ako. At saka hindi ko kailangan ng kasama. Marami naman akong mga toys na lalaruin
ko.

Narrator: Malungkot si Peter na umalis sa tabi ni John, at bumalik na lang sa karamihan ng mga
kaklase. Ngunit nakita ni John ang saya ng kanyang mga kaklase. Naririnig lang niya ang malaks nilang
tawanan at kwentuhan. Isang hindi inaasahang pangyayari ang gumulat sa buong klase…

Teacher: Good morning Class, pwede ba tayong mag offer ng isang panalangin para kay John?

Class: Good morning teacher.

Teacher: Class, pwede ba tayong mag offer ng isang panalangin para kay John?

Peter: Bakit po ma’am? Ano pong nangyari sa kanya?

Teacher: Naaksidente kasi siya kahapon habang hinahabol niy yung gumulong nyang bola sa kalsada.

(Nagreact ang lahat at nalungkot)

Teacher: Mamaya, dadalawin naming siya sa ospital.

Susan: Ma’am, pwede po ba kaming sumama?

Teacher: Ay gusto nyo bang sumama? Sino ang may gustong sumama?

(ang lahat ng kaklase ay nagtaas ng kamay)

Teacher: O sige, mamayang after recess tayo pupunta.

Narrator: Pagdating ng oras ng recess, naisip ni Peter na mag ambagan silang magkakaklase para
bigyan ng regalo si Jhon.

Emma: Ok nang dalaw na lang, eh ayaw nga niyang magbigay sa atin eh.

Peter: Kahit naman ganun ang naging asal sa atin ni John, hindi natin kelangan ibalik sa kanya.

Tom: Tama ka nga Peter, hindi tayo magbibigay kasi binibigyan din tayo.

Linda: Mas magandang magbigay ng walang inaasahang kapalit.

Emma: Kung sa bagay nga tama kayo. Sige, hindi na muna ako magrerecess. Bibigay ko na lahat ng
baon ko.

(ang lahat ay nagsabi ng “Ako din!”)

Narrator: Ibinigay nila sa kanilang Teacher ang nalikom nilang pera para ibili ng regalo para kay John.
Nagulat ang teacher nila sapagkat lahat sila ay hindi nagrecess para lang kay John.

(Sa ospital)

Teacher: Hello John! Nandito kasama ko mga kaklase mo, at may dala kaming regalo para sayo.

John: Nako teacher, hindi na po sana kayo nagdala ng regalo. Marami lang naman po akong toys sa
bahay.

Peter: Gusto din kasi naming ipakita sa iyo na mahal ka naming.

Emma: oo nga John. Iba din kasi ang saya namin lalo na kapag nagustuhan mo binili naming regalo.
Teacher: Alam mo ba John na hindi sila lahat nagrecess para lang makaipon nf pangregalo sayo.

John: Talaga ba? Kahit hindi ko kayo pinapahiram ng toys ko?

Bong: Oo naman John. Masaya kami na dalwin ka at sana magoagaling ka na.

John: Naku, maraming salamat sa inyong lahat. Iba ang saya ko ngayon.

Narrator: Naramdaman ni John na iba ang saya pag naaalala at minamahal ng mga kaibigan. Sa
kabila ng kanyang kadamutan sa mga kaklase, ay hindi parin sila nagdamdam at ipinakita parin nila
ang pagmamahal nila sa kanya. Nung araw na pumasok na si John…

Teacher: Good morning class!

Class: Good morning teaceher.

Teacher: Ngayong darating na kapaskuhan, ang school ay mamimigay ng mga lumang laruan at
damit sa mga batang kapos-palad. Sino sa inyo ang gustong magshare.

(Hindi pa natatapos ang tanong ni teacher ay nagtaas na agad ng kamay si John)

John: Teacher ako po, gusto ko pong maranasan ang aya ng nagbibigay. Kaya po ibibigay kop o ang
karamihan ng toys ko.

(lahat ng kaklase nya ay pumalakpak at nagsigawan ng YEHEY)

Narrator: maraming bata ang napasaya ng skwelahan nila John. Pero ang higit na naging masaya ay
ang mgabatang nagbigay, sapagkat naramdaman nila ang sarap sa kalooban ng nagbibigay sa
kapwa at nagpapasaya sa ibang mga bata.

You might also like