You are on page 1of 12

Ano nga ba ng iskolar?

Characters:
Artemide Marvelli- estudyante , palaging seryoso
Carlota Mariz Cruz- estudyante, masayahin
Antonio Banderas- estudyante, maangas medyo o.a
Ceferino Magone- estudyante, positibo ang personality
Prof. David Agonia- prof sa Geometry, lagging galit
Prof. Juvelan Dimalanta- prof sa Sociology, mabait
Tirso- holdaper,tatay ni kakay
Hitler- holdaper
Jason- holdaper
Scene 1
(Sa Kanluran, hapon. Merong mga naglalarong bata, mga estudyanteng nakatambay at nagkakantahan.)
Kakay: (pakanta) Baloooot Balooot
Bili na kayo ng itlog na baloot
Doses pesos lang ang isa
Masarap na mura pa
Walang hihilingin pa
Balooot! Balooot!
Art: Magkahawak ang ating kamay at walang kamalaymalay na tinuruan mo ang puso ko na umibig na
tunay… nanananana
Antonio: Mga pare, matanong ko nga pala, anong balak mo ngayong graduate na tayo ng highschool?
Pare 1: Ako Criminology sa Sta. Cruz.
Pare 2: Ako naman Philosophy. Para diretso na sa abogado.
Antonio: Ako naman Civil Engineering para sa kompanya namin. Alam ninyo naman ako din naman ang
mamahala nun sa future.
Pare 1: Ha?! Kompanya? Haha. Taas mo talagang mangarap pare.ahaha
Antonio: Bakit? Di naman masamang mangarap diba? Haha. Ikaw Art, anong course mo?
Art: ah…. Eh.. baka tumigil muna ako. Wala pa kasing pera eh.
Lights of

Scene 2
(Kakauwi lang ni Kakay sa bahay. Maabutang lasing ang kanyang tatay.)
Kakay: O Itay, ano pong nangyari sa iyo? (Aakayin ang kanyang tatay para maiupo sa upuan.)
Tirso: Nandito ka na palang malandi ka! Saan ka nanggaling? Nagugutom ako.
Kakay: Tay, nagbenta po kasi ako ng balot. Para makaipon para makaenrol sa…. (sasampalin ng tatay)
Tirso: Tigil tigilan mo nga ako sa ilusyon mong iyan! Nag-aaksaya ka lang ng panahon sa aral aral na iyan..
Ang gawin mo, magtarabaho ka para naaman magkaroon ka ng silbi dito sa bahay!!

Narrator: Pamilyar ba ang eksena na ito sa iyo? Malamang iniisip mo na may Alexander at Agnes ang kwento
pwes nagkakamali ka. Dahil walang forever kundi si God. Pero siguradong kikiligin kayo sa ibang love
story na ito. Kitang kita na ang mga pabebe este bida at ang mga kontrabida na magpapaganda sa
buhay nila.

Scene 3
May nagkalat ang poster na PUP. Mababasa ito ni Art.

Art: hmm.. Ano to? PUP? Wow 12 pesos per unit! Paano kaya magenrol?
(may magbabato ng papel sa kanya ng papel kada instruction)
Art: Ah. Fill out pala ng form sa pup.edu.ph/Iapply tapos upload ng 2x2 pic.
Paano ako mag fifill up?(papel)
Art: (Read out loud) Sintido kumon naman sa internet shop syempre. Ha?! Paano yan wala akong pera!
(Bato ulit ng papel)
Art: (Read out) Ayan 800. Kasama ang pambayad sa Entrance exam fee plus pamasahe papuntang
LandBank. Wag ka ngang masyadong matanong. Magpasalamat ka nalang.
Art: Thanks Lord!

(Lights of)

Scene 4

Art: (may magtetext) wohhhoooooo!!! Nakapasa ako!!! Kaso may pangenrol kaya ako?
Nanay: (Natataranta) Asana ng magnanakaw? May dumating bang naniningil ng utang? Maguguho na baa ng
mundo?
Art: Nay, relaks ka lang! may maganda akong balita sa iyo!Nakapasa ako sa PUP!
Nanay: Talaga! Sa U.P.! Naka 75 ka nga sa Math pero nakapasa ka sa U.P.! Proud of you anak!
Art: Hindi po U.P. nay. PUP. Mas lamang kami ng isang P.
Nanay: Ganoon ba iyon anak? E ano bang kurso ang kukunin mo?
Art: Kahit ano po Nay. Para imposible naman kasing makapag…….
Nanay: heto pang enroll mo. Nagbigay ung tiyahin mo sa akin ng sampung libo. Galing London eh di ko alam
kung ano ang gagawin ko. Ang kalahati ipinambayad ko sa mga utang natin naalala kita kaya iyo na ang
natitira. May ibinigay naman siyang gamit pampasok sa mga kapatid mo. Bahala sa mga susunod na
taon. Kung paano ang pang matrikula mo.
Art: Salamat po nay! Pramis pagka gradweyt ko, higit pa ditto ang makukuha natin. Ibibili ko kayo ng lahat
ng gusto mo ng mga kapatid ko.
Nanay: Ay siya, bago pa mangyari ang lahat ng iyon, ayusin mo muna ang pangenrol mo. Dinidistorbo mo ang
panonood ko ng AlDub.

Scene 5

(Background Music: Intro ng Give me some sunshine from 3 idiots)

Art: Unang araw ko na sa kolehiyo. Paano kaya ako magpapakilala? Ito na rin ang simula ng
Pagtupad ko sa aking mga pangarap.
(magsisimulang kumanta ng First day high)

Nasasabik sa unang araw ng eskwela,


Taas kamay with confidence,
Lets do the first day high.
First day of school laging may kaba,
Sinu ba naman gustong mag-isa,
Sana may cute na makatabi,
May bagong kaibigan pagtapos ng klase,
Lakas loob hanapin ang katropa,
Sumabay sa saya,
Lets do the first day high.
Nasasabik sa unang araw ng eskwela,
Taas kamay with confidence,
Lets do the first day high.
Umaapaw sa talino,
Do the brainy high,
Kung mayaman si papa,
Do the sossy high,
Pagmahilig ka sa sports,
Do the mvp high,
Kung cool ka at astig,
Do the rebel high,
Pag solid sa bait,
Do the nice guy high,
itaas ang kamay
Lets do the first day high,
First day high,
Nasasabik sa unang araw ng eskwela,
Taas kamay with confidence,
Lets do the first day high,
Ibat iba ang hilig,
Magkakasundo sa trip,
Kung gusto mo sumama,
Welcome ka mag first day high.
(papasok sa classroom ang mga kaklase. Mababangga siya ni Kakay. Ung tipong sparks ng kuryente)

Kakay: Ooops, Sorry.. teka..


Art: Ok lang…(mabibigla) Ikaw yung tindera ng ballot! Mag-aaral ka rin pala dito?
Kakay: Oo. Ang mga pinagbentabahan ko ng ballot ang ginamit kong pang-enrol. Gustong-gusto
ko kasi na mag-aral. Ako nga pala si Carlota Mariz Cruz.
Art: Art. Artemide Marvelli. Tara hanp na tayo ng upuan.
(papasok ang prof.)

Prof Agonia: Good morning Bachelor in Business Teacher’s Education. Ako nga pala si Profesor David Agonia,
Summa Cum Laude, Doctor of Philosophy, Doctor of Education, at kasulukuyang kumukuha ng MBA.
Classmate 1: Hala sir, magaling po pala ikaw magbasketball?
Prof. Agonia: At paano mo nasabi?
Classmate 1: Di ba sabi mo po sir nagenNBA ka? Saan ka po Mavericks o Lakers?(tawanan ang buong klase)
Prof. Agonia: MBA as in Master in Business Administration. Dahil sa corny mong joke at bilang teacher ninyo sa
College Geometrty gusto kong gumawa kayo ng model ng Leaning Tower of Pisa dapat realistic na
parang ginawa ng isang sikat na architect. Kasama ang complete computed value ng pagtagilid nito per
month for the last 20 years. At kailangan itong idemo sa akin. Pangalawa ang buong computation at
paliwanag ng Pythagorean Theorem kasama ang mga taong nagpumilit na mali ito. Maipakita sa akin
ang value ng pi hanggang sa ika 2 thousandth place value nito with computation at kailangan maipasa
sa katapusan ng buwang ito.
Antonio: (Basang basa at hinihingal) Good.. Good morning po sir.. Sorry I am late.. My name is…(Puputulin ni
Agonia)
Prof. Agonia: First day of classes late ka! At bakit basing-basa ka?
Antonio: Sir diba po yung kalsada papasok ng campus binabaha?
Prof. Agonia: O tapos? Madalas hanggang tuhod nga ang tubig doon.
Antonio: Lampas tao nap o. Nilangoy ko po natangay po ako papuntang palayan.
Prof. Agonia: Paano mangyayari yun e kaya bumabaha dun kasi di patag lupa. Tsaka pwedeng itong ikutan kahit
maputik.
Antonio: Hala, di po ba gate natin ung..
Prof. Agonia: Anong gate?! Wala tayong gate. Water gate ng irrigation ang malapit dito. Ano ba yan?
Tamang classroom baa ng napasukan ko? Mga isip high school ang mga estudyante?

Narrator: Ayayay. First period palang ganun na kaagad? Pero wag kayong mag-alala. Simula pa
lang iyan. Magiging ok lang din ang lahat.
Scene 6

(Matamlay ang mga estudyante. Papasok ang Prof.)

Prof. Dimanlanta: (Energetic at naka smile) Good Afternoon class. Ako nga pala si Prof. Juvelan
Dimalanta. At ako ang magiging teacher ninyo sa Sociology. Bago muna ang lahat
Gusto kong makilala ang bawat isa sa inyo at malaman ang dahilan kung bakit kayo
Pumasok dito sa PUP. Volunteer dito sa unahan. Pero dahil sa dami ninyo, expected na
next meeting na yung iba. Para mas marami tayo, magsimula na ang isa.
Antonio: (maangas) Ako po si Antonio Banderas. Dapat po Civil Engineering ang kukunin ko. Ayaw
ng mga magulang ko. Di po kasi kakayanin ang mga magiging allowance ko. Tsaka PUP
naman po ito sikat at maganda ang kalidad ng edukasyon. Tsaka in demand po ang teachers. Mabilis
makahanap ng trabaho. Pampalubag loob po nila.
Art: Ako naman po si Artemide Marvelli (paalden). Di kop o talaga alam kung ano ang gusto kong kurso.
Binalak ko po na tumigil sa pag-aaral. Siguro wala na rin po akong ibang choice kaya teacher po ang
pinili ko.
Kakay: Ako po si Carlota Mariz Cruz. Pangarap ko po talagang maging teacher. Kaya nga po pinagipunan ko ng
maigi ang pangenrol ko.
Cef: Ako naman po si Ceferino Magone. Pinilit lang po ako ng magulang ko ng pumasok dito.
Prof. Dimalanta: oh? First Day of Classes ang tamlay tamlay ninyo? Alam ko namang napipilitan ang iba sa inyo na
mag-aral dito. Wag kayong mag-alala, di magtatagal mageenjoy din kayo sa course na ito. Sa subject ko
isa lang ang dapat mangyari sa subject ko: Papasa kayo o idrop. Papasa kayo dahil pinagsumikapan
ninyong unawain at pag-aralan. Babagsak kayo dahil hindi kayo masaya. Kung magiging hadlang ang
subject na ito sa pagkatuto ng bawat isa sa inyo, ikagagalak kong gawin ang hakbang na yaon kung ito
na lamang ang tanging paraan upang magkaroon ng pakatuto sa isa man sa inyo. Ang mas mahalaga
ay ang dala-dala ninyong aral matapos ang graduation. Alam ko rin naman ang karamihan ng nasa
kwartong ito ay napilitan lamang. Kung ito ay dahil sa kagustuhan ng magulang, sundin muna sila
pagkagraduate ninyo tsaka gawin ang lahat ng gusto. Sa pamamalagi sa paaralang ito, iimprove ninyo
ang talents na meron kayo. Magagamit at magagamit ninyo iyan. Hindi dahilan ang paaralan upang
limitahan ang kakayahan. Tandaan, mga iskolar kayo, Iskolar ng Bayan.
School Mate: Good afternoon po sir. Excuse lang po, pinapatawag po ikaw sa Admin. May emergency
meeting po. Early dismissal po ang lahat ng subjects.
Prof. Dimalanta: O siya. Isang good news ito sa inyo. Pwede na kayong umuwi.

(Lights off)

Scene 7
(Naglalakad pauwi si Art at Antonio)

Art: Pare, di ko talaga na dito ka pala mag-aaral.


Antonio: Oo nga pare. Pero ok lang kaysa naman sa tumambay ako sa kanto.
Art: Bakit ka nga ba late kanina?
Antonio: Ang totoo tinanghali ako ng gising. Tapos nanakbo na ako papasok ditto kaso nadapa ako dun sa lubak
na binabaha. Ganun lang yung kwento ko para realistic.
Art: Ganun?
(Bigla nilang makasalubong si Kakay na hawak ng tatay sa braso)
Kakay: Tama na po tay, nasaksaktan na po ako!
Tirso: Ayan, sumama ka sa kanila gawin mong customer!
Kakay: Sawang sawa na po ako tay. Bakit ayaw mo po ba…(bago matapos ay sasampalin siya ng ama)
Tirso: Nagsasawa? Kulang pa yan! Kulang pa yan sa kasalanan ng ina mo sa akin! Mamatay nalang iniwan pa
niya ako ng isang walang kwentang bastarda! (Aalis)
Art: Ayos ka lang Kakay?
Kakay: Oo. Okay lang ako. Kaya ko namang makatayo. Gusto ko nalang umuwi.
Antonio: Tara, hatid ka na namin.
Kakay: Wag na. May dadaanan pa rin naman ako.
(solo si Kakay na pumuntang sementeryo. Mapuntod na madamo na. mapapaupo si kakay at kakausapin ito).

Kakay: Hi Nanay! Pasenya nap o. Ngayon lang ako nakadalaw. Alam mo po, may good news po ako. Nag-
aaaral na po ako sa kolehiyo. Okay naman po kami ni tatay, nay. Sayang, di kana po naming kasama.
Lagi ko pong ipinagdadasalsa pamamagitan ni Mama Mary at Kuya Jesus na gabayan po kami. Miss na
miss na po kita kahit di po kita nakilala. At least, dalawa na po ang nanay ko sa langit. Ikaw po at si
Mama Mary.
(Tatahimik ng kaunti at kakanta ng Inay)
Sa mahinahong paalam ng araw
Sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig
Sa dapit-hapong kay lamig

Mga bituin kay agang magsigising


Umaandap, mapaglaro man din
Iyong ngiti hatid nila sa akin
Sa diwa ko't panalangin

Puso ko'y pahimlayin Inay


Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong Anak
Ay! Irog kong inay

Sa palad niyo itago aking palad


Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahanan kong dapat
Sa piling ng inyong Anak

Puso ko'y pahimlayin Inay


Upang yaring hamog
Ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
Halik ng 'yong anak
Ay! Irog ko, O Ina kong mahal
Ay! Irog kong Inay

(Lights out)
Hitler: O ano, tira na!
Jason: O heto! (laglag ng baraha)
Hitler: Ang daya mo naman! Iniipit mo kasi ang baraha!
Jason: Ayaw mo lang kasing tanggapin na magaling ako!
Hitler: Ayoko na nga!(tulak ang lamesa) Bakit baa ng tagal ni Tirso?! Kaninang kanina pa eh!
Tirso: Mga pare nandito na ako.
Jason: Bakit ang tagal mo ha?!
Tirso: Kasi naman ung anak kong bastarda walang maibigay sa akin kahit singkong duling.
Wala naman siyang napuprat sa aral aral na iyan.
Hitler: Ay siya. Paano baa ng plano natin?
Tirso: Aabangan natin siya sa kanto ng Velasco at Santol. Palagi namang mag-isa yun. Tas
tutukan natin ng kutsilyo. Panakot lang ba. Tapos kukunin natin ang bag. Kunin din natin
ang susi ng bahay para makuha natin ang appliances. Ikaw Jason ang look out sa eskinita at ikaw
naman Hitler ang aakbay. Ako na ang bahalang kumapkap at dun sa bag.
Hitler: Sigurado ka bang mapera yun?
Tirso: Oo pare.

Narrator: Tsk. Tsk. Krus nga ni Carlota Mariz Cruz ang tatay niya. May panganib na darating na panganib. Sino
kaya ang tinutukoy ng gang nila?

Scene 8

(Nasa loob ng kwarto si Ceferino habang hawak ang cellphone at nakabulat ang mga gamit. Papasok kunwari ang
kapatid)

Ceferino: Ayan. Medyo mataas na ang level ko sa Clash of Clans. Review na muna ko ng kaunti. Baka magkaroon
ng surprise quiz si Prof. Agonia.
(Biglang papasok ang isang kapatid niya. Hinihingal.)

Kapatid: Kuya tulong! (Naghahabol ng hininga)


Ceferino: oh bakit? Anong nangyari?
Kapatid: yung team natin sa DOTA, humihina ang depensa! Ikaw ang master sa atin! Kailangan ng backup!
Sayang ang investment ko dun at ang pusta ko! Tara na sa comp. shop!
Ceferino: ha?! Mag-aaral pa ako!
Kapatid: Ano?! Anong pipiliin mo? Nakaka 500 ka na sa character mo! Una na ako. Sumunod ka na lang.
Kailangan din nga pala nating palakasin pa ang pwersa sa Clash of Clans! Bilis mo ha! Bago mahuli pa
ang lahat!
(Nagpapanic si Ceferino. Di alam ang gagawin mapapakanta sat ono ng Mahal ko o mahal ako by KZ Tandingan).

Dalawa kayo sa buhay ko


At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari

Alam kong Malaki ang puhunan ko


Lagi para saiyo
gawa kitang labis
Ngunit iba ang iyong nais

Ito nama'y narito alay sakin wagas na pagisip


Nalilitong litong litong lito

Ano ang pipiliin ko?


Itong para sa pangarap ko?
O, sya bang pinaghirapan sa DOTA ko

Oh, anong paiiralin ko?


Isip ba o ang laro ko?
Nililitong litong litong lito...

Ano ang pipiliin ko...


DOTA ko o ang lesson ko?
(mapapatigil sandal tapos hahanapin ang kapatid)

Ceferino: Hoy Ambrose! Hintayin mo ako!

Scene 9

Antonio: Ayoko na!


Ceferino: Ayaw ang alin?
Antonio: Isinusuko ko na ang steno!
Ceferino: Ha? Kaya yan! Madami pa tayong mapagdadaanan bukod sa steno!
Antonio: Hanggang pangarap ko na ba ng pagiging dl?
(tono ng Pangarap lang kita)
Buti pa sa trigo
May pag-asang mauno
Di tulad sa steno
Imposible
Puyat ka na
Bagsak ka pa
Sa dictation lang naman kasi may mangyayari
At kahit pagod ka na wala akong magagawa tanggap ko aking sinta
Pangarap lang kita
(Ceferino’s part)
Mahirap maging estudyante
Kung marami kang arte
Kahit puyat ka pa
Walang mangyayari
Hindi tayo yung tipo basta nalang sumuko
Iskolar ka kaya di maari
At puyat kana
Lahat ay magagawa
Hamon lang to aking sinta
Pangarap lang kita
(lahat ng kaklase)
At puyat kana
Lahat ay magagawa
Hamon lang to aking sinta
Pangarap lang kita
(papasok naman si Prof. Agonia. Nagmamadali.)

Prof. Agonia: Kumuha ng isang Cross wise. Then answer the following equations na ididikta ko. You are given 15
Minutes to answer. Included sa points ang computation.

(Mangangamote ang ilang estedyante. May magtatangkang mangopya. Tapos biglang timesup)

Prof. Agonia: Since, nagkaroon kayo ng surprise quiz. Hindi muna ako maglelesson ngayong araw. May pupuntahan
ako ng conference. Inaasahana ko nagagamitin ninyo ang natitirang oras para sa mga requirements
para sa subject ko. Goobye class
(babati rin ang mga estudyante. Maguusap ang magkakabarkada habang gumagawa ng visual aids.)

Art: Badtrip talaga! Wala akong halos naisagot sa surprise quiz! Kakaasar!
Ceferino: Alam mo pare, di mo anamn kasi kailangan magpakahirap. Gayahin mo kasi ang sikreto ko.
Art: Ang ibig mong sabihin.
Ceferino: Edi ito!
Art: Ano yan?
Ceferino: Obvious ba? Ung notes natin at key to correction sa iba pang quizzes.
Art: Ha?! Paano mo nakuha yan? Tsaka di ba bawal iyan?
Ceferino: Edi sa ibang section! At anong bawal? Bawal kung may makaka alam.

(kakanta si Ceferino. Tono ng Papa Cologne)


Kung ang iyong problema ang ay ang iyong marka
Wag magaalala pagkat nandito na
Ang Sagot sa lahat ng problema sa mga assignment
Ang sagot sa lahat ng porblema mo sa pagsusulit

Gumamit ka ng papa pakodigo (2x)


Magmumukang matalino kahit di totoo
Tataas ang grado hustle pa review
Di na muna kailangan pa na magreview ng todo-todo
Isang piraso siguradong patok garantisado
Gumamit ka ng papa pakodigo (2x
(Babatukan si Ceferino)
Kakay: Ano ka ba? Future teacher ka tapos nangngopya?! Dinadaya mo lang ang sarili mo! Kaya dumadami
ang mga kurakot eh! Natuto ang mga bata na mangdaya. Kaya pagtanda, nadadala ang mga
natutunan. Ayun pagdating sa kongreso at senado, magagaling.. Magalign gumawa ng kabalbalan.
Ceferino: Opo. Ititigil ko na. Mag-aaral po ng mabuti.

(Papasok si Prof. Dimalanta)

Prof. Dimalanta: Good Afternoon class. Mauupo kayo ng maayos para hindi kayo antukin. Ang topic
natin ngayon ay tungkol sa emphaty. It is a situation where you can put yourself in
somebody else shoes and makes connections to their situation. It expands your moral
universe and helps you to be conscious to your sorroundings.
Ceferino: (pabulong) Siguro si Prof. Agonia kulang nyan. Imbis na magkaroon sa atin ng emphaty,
Agony ang napapala natin.
Prof. Dimalanta: Parang kami sa inyo, naging estudyante rin kami. Alam naming ang hirap ng pag-
aaral. Ang iba pa nga sa amin mas matindi pa ang dinanas ng iba sa amin upang marating ang
posisyong ito. Kung nagagalit kayo sa isa sa mga teacher’s ninyo dahil sa dami ng
ipinapagawa, gawin nalang. Para rin naman sa ikabubuti ninyo iyan. Matuto kayong maging
mapagkumbaba para maabot kayo ng mga estudyante ninyo dahil sila na ang bahalang itaas kayo.
Ceferino: Prof, paano po iyon? Palagi pong galit sa amin?
Prof. Dimalanta: Katulad nga ng sinabi ko sa inyo, emphaty. Tandaan: tao lang din kami nagkakaroon
ng mga problema. May mga bagay na kailangan naming iwan sa labas ng classroom bago
humarap sa inyo. Pero di rin maiiwasan ang mga sitwasyong nadadala pa rin naming ang
emosyon. Dahil sa topic natin, may project tayo na isang outreach program sa out of school youth para
malaman sa inyong maga sarili na kayo ay mapalad. Gagawan ito ng reflection o kwento ng inyong
karanasan.
Lahat: HA! Gastos po yan sir!
Prof. Dimalanta: Anong gastos? Di naman kasi kailangang material ang lahat ng ibibigay ninyo. Pwede
Naman kayong magturo na magbasa, magdrawing, kumanta at sumayaw. Maari ibahagi
Ang kanyakanyang talent. Tandaan: mga Iskolar kayo ng Bayan. Mula sa bayan ang
Ipinangtutustos sa pagaaral ng bawat isa. Marapat lamang na ibalik ito sa bayan sa
paglilingkod dito. Kayo rin ang kabataan, ang tinutukoy na pag-asa ni Rizal. May mas
malaya kayong paraan upang malaman ang silbi ninyo sa mundo di tulad naming noon.
Hindi ninyo dapat iasa sa ibang tao ang kakahitnan ng kinabukasan. Mas may kakayahan kayo at boses
sa ating lipunan. Marunong na kayong makijam at makilahok.
(change background magpeprepare para sa outreach)

Kaklase: Hirap umawit mag-isa


Ang kasabay lumang gitara
Parang walang saysay
Ang kilos ko sa
mundo
Prof. Dimalanta:Pero and kinabukasan mo
Tungkulin ba ng ibang tao
Maghanap ng entablado mo’t
kalaro
Kaklase2: ‘Wag lang pagmasdan ang pangyayari
Gumala’t gumalaw
Lamang sa init ng damdamin
Sabay-sabay
nang sumigaw
Lahat: Kilos kabataan
Oras natin ‘to
Makialam, maki-jam, makilahok
Kilos kabataan
Buhay
natin ‘to
Ang mundong dinatnan
Tayo magpatakbo
Maki-jam ka pare ko
Gusto ko mang makiisa
Sa
paglutas ng problema
Anong magagawa
Ng ‘sang katulad ko
Pero ang kinabukasan mo
Tungkulin ba ng
iilang tao
Makibahagi sa bagahe ng mundo
‘Wag lang pagmasdan ang pangyayari
Gumala’t gumalaw
Lamang
sa init ng damdamin
Sabay-sabay nang sumigaw
Kilos kabataan
Oras natin ‘to
Makialam, maki-jam,
makilahok
Kilos kabataan
Buhay natin ‘to
Ang mundong dinatnan
Tayo magpatakbo
Maki-jam ka pare
ko
Matuto kang makisaya
Ang mundo may magkaiba
Sabay-sabay kung mag-ingay
Makilahok,
magpakilala

Kilos kabataan
Oras natin ‘to
Makialam, maki-jam, makilahok
Kilos kabataan
Buhay
natin ‘to
Ang mundong dinatnan
Tayo magpatakbo
Maki-jam ka pare ko

(magsisimula na ang out reach then fade. Naglalakad habang nakukwentuhan sina Prof. Dimalanta.
Art,Kakay, at Antonio)
Antonio: Ang saya po pala ng feeling! Lalong nagkaroon dahil sa kanila ng inspirasyon na mag-aral.
Prof. Dimalanta: Isa lang ang pangarap ko sa bawat nagiging estudyante ko, ang maging simula ng
pagbabago. Kailangang-kailagan tayo ng ating bayan. Hindi na mahalaga sa akin ang
maalala nino man. Naging immortal na ako sa kung ano ang nagawa ko upang mapaunlad ang bayan.
Art: Eh prof, bakit nga po ba ganyan ang pananaw mo sa buhay? Kung tutuusin po, maraming ofer na
university na mas malaki ang sweldo.
Prof. Dimalanta: katulad ninyo galling din ako sa hirap. Isang malaking sampal sa akin kung hindi ko tutulungan ang
mga tao kung saan ako nagmula. Siguro nga, ganito talaga kapag naglilingkod. Parang sa love, handa
ka dapat mag-alay ng sarili at masaktan. Hindi mo na iisipin ang kung may maibabalik sa iyo.
Kalangang maging durog ang puso mo upang makumpleto ang puso ng iba. Ikaw ang kukumpleto sa
kanilang mga kakulangan.
Kakay: Idol prof! Gusto po na naming maging katulad mo kapag naging teacher na kami.
Prof. Dimalanta: Kayo talaga. O umuwi na kayo gabi na. Mag-iingat kayo!
Kakay, Antonio at Art: Bye po! Ingat

(Habang naglalakad mapapatigil si Kakay)

Kakay: Hala! Nalimutan kong ibalik kay prof yung libo niya. Ihahabol ko lang sa kanya.
Antonio: Ulyanin ka talaga! Bukas na lang! Gabi na!
Kakay: Hindi! Kailangan na daw niya eh.
(tatakbo si Kakay)
Art: Kakay! Teka lang hintayin mo kami!

(naglalakad sa eskinita si Prof.Dimalanta. May biglang aakbay)

Hitler: Huwag kang sisigaw kundi tutulo ang gripo sa tagiliran mo.
(Kukunin ni Tirso ang bag ang bag at hahalungkatin)
Tirso: Pare, tiba-tiba tayo dito! Bagong sweldo pala ito!
Jason: Bilisan mo! Bago pa may makakita sa atin!
(Magpupumiglas si Prof. Dimalanta at mahahablot ang takip sa mukha ni Tirso.)
Hitler: Patay na! (Sinaksak ng dalawang ulit sa tagiliran si Prof. Dimalanta. Bigla namang dating ni Kakay)
Kakay: Prof! libro mo po pala…. Tay! (natulala si Kakay)
Jason: Tara pare takbo! (nagtatakbo ang mga magnanakaw)
Kakay: Prof! (tatakbo papunta kay Prof. Dimalanta)
(Biglang dating ni Antonio at Art)
Antonio at Art: (Hinihingal) Kakay!
Art: Anong nangyari?
(Di makasagot si Kakay)
Antonio: Maghahanap kami ng tulong.
(hanap ng tulong)
Art: Prof, kaya natin to. Wag kang susuko!
Prof. Dimalanta: (nanghihina)Siguro may mga bagay rin dapat kong isuko. Baka hanggang dito nalang ako.
Art: Prof, tipirin mo ang lakas mo. Wag ka na pong masyadong magsalita.
Prof. Dimalanta: Art, salamat ha. Pakisabi rin sa mga kaklase na salamat.. kayo ang katuparan ng mga pangarap ko.
Hanggang sa muling pagkikita…
Art: Prof… (umiiyak)
(Lights off)

Scene 9

(Nakaupo si Kakay. Biglang dadating ang tatay niya)


Kakay: Tay! (yayakapin) Kumusta na po kayo? Dinalhan ko nga po pala kita ng makakain.
Tirso: Mabuti naman anak. Salamat. Ngayon nga pala ang praktis ninyo ng graduation baka malate ka.
Kakay: Maaga pa naman po. Dadaanan ko pa po sina Art.
Tirso: Ganun ba. Sayang wala ako sa graduation mo. Patawarin mo sana ako sa mga kasalanan ko sayo. Di ko
inakala na makakapagtapos ka ng kolehiyo.
Kakay: Hindi po iyon mahalaga. Ang importante po ay malapit ko na po ikaw na matulungan.
Alis na po ako tay.
Tirso: Sige anak mag-iingat ka.
(lights off. Habang naglalakad makikita si Antonio, Ceferino, at Art)

Kakay: Art!
Art: O Kakay. Akala ko nauna ka na sa school?
Kakay: Hindi. Dumaan pa ako kay tatay.
Ceferino: Akalain mo ang bilis ng panahon. Parang first year lang tayo kahapon tapos nagdadrama pa si Cum
Laude Antonio Banderas (ngingitian si Antonio)
Antonio: Oo nga eh. Punta kayo sa amin pagkatapos ng graduation may kaunting salo-salo lang naman.(Aasarin
si Antonio)
Kakay: Sayang, wala na si Prof. Dimalanta. Kung nandito yun, mas masaya tayo.
Art: Ano ka ba Kakay? Alam mo ban a immortal si Prof?
Antonio: huh? May nakikita kaba na hindi naming nakikita?
Art: Anong pinagsasabi mo? Naalala mo ba yung pangarap niya? Di ba pangarap niyang maging simula tayo
ng pagbabago? Magiging immortal siya kung tuturuan din ang ating mga estudyante na maging at
hihikayatin din silanag ituro sa mga magiging anak nila ang gumawa ng pagbabago at paglilingkod sa
bayan. Gayundin naman sa henerasyong tuturuan nila. At ang mga batang iyon ang magpapasa sa mga
susunod pa.

(kakanta nag lahat ng Patuloy ang Pangarap)


'Di pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari
Pangarap parang kailan lang sa panaginip ko'y nakita
Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay
Di maubusan ng pagasa ako'y nanalig sa

Isang Pangarap, ako'y naniniwala


Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap
'Di pa makapaniwala sa aking nakikita
Lahat ng panalangin ko, ngayon may kasagutan
Lahat ng pinagdaanan at pinaghirapan
Nagbigay ng kalakasan upang marating ang

Isang Pangarap, ako'y naniniwala


Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap.

Fin.

You might also like