You are on page 1of 11

PHINMA-University of Pangasinan

Arellano Street, Dagupan Citty


College Of Social Sciences
Education Department

Masusing Banghay Aralin


Araling Panlipunan IV at V
Ika- 23 ng Agosto, 2021

I. Layunin
Sa loob ng tatlumpong minutong aralin, ang 100% na mag-aaral ay inaasahang
makamit ang 80% na kasanayan sa mga sumusunod na;
a. natalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikayson at ang epekto nito
sa mga Pilipino;
b. napahalagahan ang kaunlarang ginawa ng mga Amerikano sa sistema ng
transportasyon at komunikasyon sa ating bansa sa pamamagitan ng role playing
at;
c. naisagawa ang tamang pangangalaga at kalinisan sa mga pampublikong
sasakyan at sa mga terminal sa pamamagitan ng paggawa ng sariling slogan.
II. Paksang Aralin
a. Paksa
Yunit III: Sa Panahon ng mga Amerikano, Komonwelt at
Hapones
Kabanata 9: Mga Pagbabago sa Panahon ng mga Amerikano
b. Sanggunian
Palu-ay, Alvenia P. Makabayan Kasaysayang Pilipino, pahina 146-148
c. Kagamitan
Kagamitan ng guro:
Speaker, Plaskard, Relo, Bola na gawa sa papel, tarpapel
Kagamitan ng mag-aaral:
Lapis, papel, coupon bond paper
d. Estratehiya
D.1 Kapare-Who?
Ang estratehiyang ito ay makakabuo ng samahan habang
nagbabahagi ng ideya ang mga mag-aaral.

D.2 “Isa-dalawa-tatlo, Aksyon!”


Ang estratehiyang ito ay masusubok ang kooperasyon ng bawat
isa sakanilang kinabibilangang grupo, at pakikipagpalitan ng ideya sa
loob ng dalawang minuto.

III. Pamamaraan
Guro Mag-aaral
A.1. Panalangin
Magandang araw mga bata, tayo ay magsitayo at Jessica: Kamay sa harap, kamay sa taas,
puriin ang ating Panginoon. kamay sa gilid halina’t magdasal.
Panginoon, maraming salamat po sa araw
na ito, patnubayan mo po kami, Amen.
A.2. Pagbati
Magandang hapon mga mag-aaral! Magandang hapon po Bb. Marcellana!

Bago kayo magsi-upo, maari bang pulutin muna (Pinupulot ng mga bata ang mga kalat at
ang mga kalat sa gilid ng inyong upuan at ilagay ito inilalagay ito sa sarili nilang plastic bag)
sa loob ng inyong plastic bag. Kung malinis na ay
maari na kayong maupo.
A.3. Pagsuri ng Pagdalo
Meron bang lumiban sa ating klase ngayon? Jessica: Ma’am, kinagagalak ko pong
Jessica, maari mo bang ipaalam sa klase kung ipaalam na wala pong lumiban sa ating
meron bang lumiban? klase ngayon araw!

Mahusay! Ako rin ay nagagalak dahil narito kayong


lahat na nagpapatunay na pursigidong mag-aral ng
mabuti.

Dahil diyan ay gusto kong sabihin ninyo sa inyong Lahat: Nais ko pang matuto!
sarili na “Nais ko pang matuto!”

At dahil sabi niyo’y nais niyo pang matuto, tignan


natin kung ano ang inyong natutunan sa ating
tinalakay kahapon.
A.4. Balik-Aral “Kapare-Who?”
Tayo ay magbabalik-aral sa ating paksang Mga
Komunikasyon na dala ng mga Amerikano dito sa
Pilipinas sa pamamagitan nitong aktibiti na
gagawin natin. Ngunit bago yun.

Alam niyo ba na ang Pebrero ay buwan ng pag-ibig? Patricia: Mga hugis puso po titser.
O pagmamahal? Kung saan tayo ay nakakakita ng
mga hugis?

Tama Patricia salamat! At ito’y konektado sa ating


unang aktibidad ngayon, na tatawagin nating
“Kapare-who?”
Jhizzel: Opo titser, ito ay mga biyak na puso.
Nakikita niyo ba kung ano itong hawak ko?
Lahat: Puso!
Mahusay Jhizzel! Mga biyak na puso at ito din ay
naglalaman ng mga biyak na salita na kung saan
pagpinagdikit ito ay makakabuo ng hugis?

Magaling! Bago natin simulan ay making muna sa


aking panuto.

Una ay kailangan ko ng walong boluntaryo.


Ikalawa, bibigyan ko ang walong boluntaryo ng
mga biyak na puso.
Ikatlo, ang walong boluntaryo ay makikinig sa
inyong mga kaklase na napili kong bumunot ng
katanungan at babasahin ito.
Ika-apat, ay hahanapin niyo na ang inyong kapare-
who o ang inyong kabiyak na sagot pag ako’y
humudyat na at sisigaw ng “Kapare-who!”
Tandaan, ang aktibidad natin ay may halong ‘twist’
dahit sa bawat tanong ay may ipapagawa sainyong
dapat gawin. Lahat: Opo ma’am!
At ang mga hindi naman kasama sa walong
boluntaryo ay dapat tumahimik, magobserba at
making mabuti sa ating aktibidad. Naintindihan ba
klase? Jessica, Lanilyn, Rod, Patricia, Rona, Frenah,
Kung gayon ay simulan na natin. Jonalie, Jasmine
Sino-sino ang walong nais magboluntaryo?
Maari na kayong pumwesto sa harapan at gumawa
ng linya.
Lahat: Opo titser!
(Ibibigay ang mga flaskards)

Ngayon naman ay pipili na ako ng bubunot dito sa Angela: Ako po titser!


mahiwagang kahon. Handa na ba kayo?

Kung handa na ay simulan na natin para sa unang


katanungan. Pero bago yun sino muna ang may
dalang alchohol?

(naglalakad papunta kay Angela)


Wow Angela, dapat lagi tayong may dalang Angela: Ito ay isang liham na may dalang
alchohol ngayon dahil may mga mikrobyo na di balita o mensahe.
natin nakikitang nahahawakan na pala natin.
Lanilyn at Jessica: Kapare-who! Titser sulat
Dahil ikaw ay may dalang alchohol, bumunot ka at po ang sagot.
basahin ang tanong.

Ito daw ay nagdadala ng balita o mensahe gamit


ang liham. Sa bilang kong tatlo hanapin na ang
kapare-who, isa-dalawa-tatlo!

Tama! Ito ay sulat, isang liham na nagdadala ng Angela: Kung susulatan niyo ang isa’t-isa
balita o mensahe pag nasa malayo ang inyong anong mensahe ang nais mong iparating
kausap. sakanya? At bakit?

Angela maari mo bang ituloy ang kasunod na Lanilyn: Titser ang tatay ko po ay nanalo sa
katanungan. lotto!

Kung magbibigayan kayo ng sulat anong mensahe Lanilyn: Kasi po titser masaya po ako kasi
ang nais niyong ipagbigay alam sa isa’t-isa? po nanalo po siya.

Bakit yun ang nais mong iparating? Jessica: Babatiin ko po siya ng Congrats!

Jessica: Kasi masaya din po akong nanalo


Mahusay! Ikaw naman Jessica? ang tatay niya sa lotto.

Bakit naman? Shayne: Titser ako po!

Magaling! Palakpakan natin sila. Para naman sa Shayne: Isang aparato na bumubuo ng
susunod na katanungan. Sino ang may dalang transmitter at isang receiver na
bolpen? matatagpuan sa parehong dulo ng isang
linya upang magpadala at makatanggap ng
Si Shayne ay may dalang bolpen, ginagamit ito mga tawag.
bilang panulat natin. Shayne maari ka nang
bumunot at basahin ang tanong. Rod at Patricia: Kapare-who! Titser
telepono po!

Ito ay isang aparato na tumatanggap ng tawag na Kasi po ginagamit po ito pantawag.


binubuo ng transmitter at receiver, isa-dalawa-
tatlo-go. (Nag-uusap si Rod at Patricia)

Pano niyo nasabing telepono?


Tama ang inyong sagot, kung gayon ay magbigay Eunice: Ako po titser may papel po.
kayo ng senaryo kung paano ginagamit ang
telepono sa pakikipag-usap sa loob ng tatlumpong
segundo.
Eunice: Isang sistema ng pagpapadala ng
Mahusay! Palakpakan natin sila! Para sa ikatlong mensahe sa pamamagitan ng sasakyang
tanong. Sino ay may dalang isang buong papel? pang-himpapawid.

Kung gayon Eunice ay ikaw ang bubunot para sa Jonalie at Jasmine: Kapare-who! Airmail po
ikatlong katanungan. titser!

Pinapadala ang mensahe sa pamamagitan ng mga Eunice: Magbigay ng senaryo kung paano at
sasakyang pang-himpapawid. Ano ito? Isa-dalawa- para saan ang airmail, at inyo itong isadula
tatlo! sa loob ng tatlumpong Segundo.

Tama, ito ay airmail. Eunice maari mo nang basahin (nagdudula ang dalawang bata)
ang sunod na katanungan.
Antonette: Ma’am ako po!

Antonette: Ito ay isang uri ng teleponong


Palakpakan natin sila! Para sa huling tanong, sino walang kawad na gumagamit ng mga
ang may dalang iinuming tubig? sityong sular para sa pakikipagtalastasan.

Dahil may dalang iinuming tubig si Antonette ay Rona at Frenah: Kapare-who! Selpon po ang
siya ang huling bubunot at magbabasa sa tanong. sagot titser!
Maari ka na bumunot Antonette.
Antonette: Magbigay ng isang senaryo na
Salamat Antonette. Sa bilang kong tatlo hanapin na nagpapakita ng kahalagan nito, isadula ito
ang kapareho, isa-dalawa-tatlo! sa dalawampung Segundo.

Tama ito ay selpon, ito ay walang kawad na (Rona at Frenah nag-uusap)


ginagamit sa pakikipag-usap. Dahil jan Antonette
pakibasa nga ang sunod nilang gagawin.

Mahusay mga bata palakpakan natin sila! Maari na


kayong maupo.

Magaling klase. Tunay nga na may natutunan kayo


kahapon tungkol sa pang-Komunikasyon na dala ng
mga Amerikano sa ating bansa.
B. Pagtalakay
B.1. Lunsaran
Alam niyo ba na ang mga Amerikano ay di lang
sistema ng pang-komunikasyon ang pinaunlad nito
maging ang transportasyon dito sa ating bansa.

Sino na ang napunta sa plaza ng Dagupan? Kung


wala, sino ang nakakaalam ng lugar na ito? Mag-aaral: Ako po titser.
Ito ba’y iyong nadadaanan?
Mag-aaral: Opo titser
Meron akong ipapakita sainyo. Kung saan ito ay
makikita sa plaza ng ating lungsod.

(idinikit ang larawan sa pisara)


Mag-aaral: Ito
Maari mo bang ilarawan ang nasa litrato? po ay isang tren
Sa iyong palagay saan dumadaan ang tren? titser.
Mag-aaral: sa
Tama! Maari niyo bang ibigay ang tunog ng isang riles po titser!
tren?
Lahat: Tsooo! Tsooo! Tug! Tug! Tug!
B.2. Layunin
Mahusay! Upang lalo pang mapalawak ang inyong
kaalam may tatlong layunin muna tayong dapat
tandaan at ito’y nagsisimula sa pantig na “MA”.

Una, MAtalakay natin ang pag-unlad ng


transportasyon at komunikasyon at ang epekto nito
sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Ikalawang MA, MApahalagahan ang kaunlarang
ginawa ng mga Amerikano sa sistema ng
transportasyon at komunikasyon sa pamamagitan
ng maikling dula.
At ang ikatlong MA nama’y, MAisagawa ang tamang Lahat: MAtalakay, MApahalagan at
pangangalaga at kalinisan sa mga pampublikong MAisagawa
sasakyan at sa mga terminal sa pamamagitan ng
paggawa ng sariling slogan.
Maari bang ulitin natin ang tatlong MA.
Rona: Pag-unlad ng Transportasyon at
Mahusay mga bata, dahil ang bago nating Komunikasyon sa Panahon ng mga
tatalakayin ngayon ay tungkol sa, maari mo bang Amerikano.
basahin ang nasa pisara Rona.
Lahat: Pag-unlad ng Transportasyon at
Maraming salamat Rona. Sabay-sabay nga ulit Komunikasyon sa Panahon ng mga
nating basahin. Amerikano.
B.3. Paglalahad
Maari ba kayong magbigay ng halimbawa ng iba
pang transportasyon?

Jessica, anong uri ng transportasyon ang iyong Jessica: Bangka po titser, sasakyang pan-
sinasakyan sa tuwing papasok kana sa eskwelahan? tubig po

Bakit bangka ang iyong sinasakyan?


Jessica: Kasi po titser yung bahay po namin
ay pinaliligiran ng ilog kung saan po kami
Salamat Jessica. Ano namang mga tranportasyon ay nasa Island Brgy.
ang nakikita niyo sa mga kalsada?

Lani maari ka bang makapagbigay ng halimbawa ng Lani: Jeepney po ma’am.


sinasakyan mo sa tuwing ika’y pauwi na galing
eskwelahan?
Lani: Humihingi po ng suyo upang maiabot
Kapag ba ay nag-aabot ka ng bayad ano ang iyong ang aking bayad ma’am.
sinasabi?

Tama, kung tayo ay nasa sasakyang katulad ng


jeepney at walang kundoktor ay hihingi tayo ng
suyo sa ating kapwa pasahero.

Ang bangka at jeepney na kasagutan ng inyong Lahat: Pagdadaanan.


kamag-aral ay ilan lamang halimbawa ng
transportasyon noong panahon din ng mga
Amerikano. Kung may mga sasakyan ay dapat
meron ding?

Tama pagdadaanan, tulad ng kalsada, tulay, riles at


paliparaan na siyang inayos ng mga dayuhang
Amerikano at ipinakilala na din ang modernong
sasakyang pangkalsada, panghimpapawid at
pandagat.

May inihanda akong timeline chart upang mas


madali nating maintindihan ang ating aralin.
Mga Transportasyon sa Panahon ng mga Amerikano

1903 1911 1917 1924 1930’s 1935


kauna- unang Manila MERALCO -auto China
unahan paglipad Railway Trackless callesa Clipper
g kotse ng o PNR trolly bus -
eroplan bangkan
o sa g de
pilipinas motor
-lansta,
steam,
tugboats.

Mga transportasyon at komunikasyon sa panahon


ng mga Amerikano

Noong 1903 dumating sa Maynila ang kauna-


unahang kotse na isang benzene-fueled French-
made brazier na sinasakyan lamang ng may mga
kaya sa buhay.

(pinapakita ang litrato sa mga mag-aaral) Patricia: Titser yung noon po mahaba yung
nasa harap niya, malapad po ganun. Yung
Ano ang naobserbahan niyo sa litratong ito? ngayon po fay iba’t-ibang disenyo at klase
nito.
Patricia maari mo bang ibigay ang pinagkaiba ng
kotse noon sa ngayon?
Base po sa akong nakikita sa aking
Bakit mo naman nasabi iyon? kapaligiran mayayaman lang po ang may ari
nun.

Kasi po kailangan mo po ng malaking


Paano mo nasabing mayayaman ang may-ari nun? halaga ng pera para po makabili ng kotse
ngayon.
Kahit sino naman ay pwede namang makabili ng
kotse, basta’t tayo ay magsikap at magipon.
Nakikita niyo ba ang larawang hawak ko?

(ipinakita ang larawan)


Mag-aaral: Opo titser!
Tama! Ito ay isang eroplano noong panahon ng mga
Amerikano kung saan una itong pinakilala sa ating
bansa na pinalipad ni Lucky Baldwin bilang bahagi
ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City
noong 1911.

Balikan natin ang riles ng tren sa PNR Site na


tinalakay natin kanina lamang. Alam niyo ba na
binili ito ng mga Amerikano noong 1917 kung saan
ito’y tinawag na Manila Railroad Company noon na
mas kilala ngayon bilang PNR o Philippine National
Railways.

(pinapakita ang litrato)

At mas pinahaba pa ng mga dayuhang Amerikano


ang riles ng tren dito sa Pilipinas na tinatayang
umabot ng 1,395 kilometro ang haba mula La
Union sa hilaga hanggang Albay sa timog at mga
riles sa Visayas tulad ng Panay at Cebu. Kaya’t
mabilis na umunlad ang ekonomiya ng ating bansa Mag-aaral: Opo titser
at patuloy na sumisigla ang lungsod ng Maynila
bilang sentro ng kalakalan. Lara: masaya po ma’am.

Nakasakay na ba kayo sa kalesa? O sa kabayo?


Lara: Kasi po para po akong nasa panahon
Maari mo bang ibahagi ang iyong naging karanasan pa ni Rizal.
sa pagsakay sa kabayo Lara?

Pano mo naman nasabing masaya ang pagsakay sa


kalesa Lara?

Salamat Lara, ang kalesa o


ang dating tranvia sa panahon ng mga Kastila na
hinihila ng kabayo ay binago ng Manila Electric
Railroad Company o MERALCO at ginawa nila itong
de-kuryente, na makakapagsakay ng 24 na
pasahero.

(pinakita ang imahe)

Kinalaunan noong 1924 ipinakilala ng MERALCO sa


publiko ang Atlas- General Electric trackless trolley
bus na siyang pinagmulan sa ngayon ng mga
pampublikong bus na bumibiyahe sa mga
pangunahing lansangan sa Metro Manila.

(pinapakita ang imahe)

Napansin niyo ba na di lang sa lungsod ng Maynila


at Baguio City merong taxi, pati na din dito sa
Dagupan ay meron na. Dahil noong 1930’s ay nauso
sa Maynila ang autocalesa o de-metrong taxi na
maaring makapagsakay ng 4-6 na pasahero at
pagkatapos ng ikalawang pandaigdig ay sunod-
sunod nang lumaganap ang iba’t-ibang uri ng
sasakyan tulad ng pampublikong dyipni na ang
pinagbatayan ay ang dyip ng militar.

Heto ang mga litrato nito


(pinapakita ang litrato)

Hindi lang autocalesa at de-metrong taxi ang nauso


noon pati na din ang mga sasakyang pandagat na
bangkang de-motor at dumami rin ang mga lantsa,
steam tugboats at mga inter island steamer o barko
dahil sa pinaganda pa lalo ng mga Amerikano ang
mga daungan sa ating bansa kabilang na ang
daungan ng Maynila.

At hindi lamang yan noong 1930 din ay ang unang


paglipad ng komersyal na eroplano sa ating bansa
na pamumuno ng Philippine Aerial Taxi Company o
PATCO.

(pinapakita ang litaro)

Kung may eroplano ay meron ding?

Tama Airport o Airline kung saan noong 1933 ang


Iloilo-Negros Air Express Corporation o INAEC ang
kauna-unahang Philippine Airline sa bansa.
Bukod ditto meron pa ba kayong alam na Airline o
Airport dito sa ating bansa na inyo nang Mag-aaral: Airport po!
napuntahan?

Maari ka bang makapagbigay Rod? At ibahagi ang Rod: Ninoy Aquino International Airport po
iyong naging karanasan sa klase. ma’am. Hinatid po namin ang aming kamag-
anak na maggtatrabaho sa ibang bansa.
Salamat Rod.

Kita niyo ba itong hawak kong litrato?

Maari, dahil tulad din ito ng eroplano na sasakyang


panghimpapawid ngunit ito lamang ay may labing-
apat na pasahero di tulad ng eroplano na may isang Mag-aaral: titser eroplano po.
daan o higit pa. Ito ay tinatawag na China Clipper
ng Pan-American Airways, ang unang paglapag nito
sa ating bansa ay noong ika-29 Nobyembre taong
1935. Mag-aaral: Opo!
Napansin niyo ba ang mga pagbabago ng sistema
ng transportasyon sa ating bansa? Lani: Opo ma’am, dahil mas lalong umunlad
ang ekonomiya n gating bansa dahil sa
Pano mo naman ito nasabi Lanilyn? Malaki ba ang mabilis na pakikipagkalakan gamit ang
naging epekto nito sa ating bansa? bagong sistema ng transportasyon.

Barko po titser kung saan nakikipagpalitan


Mahusay! Maari ka bang makapagbigay ng isang ng produkto ang Pilipinas sa ibang bansa.
transportasyon na nagamit ng mga Pilipino noon sa
pakikipagkalakalan?

Magaling Lani, maraming salamat. Lahat: Opo, ma’am


Naintindihan niyo ba klase an gating paksa ngayon
araw klase? Lahat: Wala na po, titser

May mga katanungan ba?


Kung wala na kayong katanungan, tignan nga natin
kung talagang naintintihan ninyo ang ating aralin.
Dumako na tayo sa pangkatang gawain.
B.4. Paglalapat “1-2-3 Aksyon!”
Ang aktibing ito ay tatawagin nating “isa-dalawa-
tatlo, Aksyon!” Kayo ay papangkatin ko sa dalawa.
Bawat grupo ay may lider na lalapit saakin at
bubunot dito ng kanilang isasa-dula. Kayo ay
bibigyan ko ng 2 minuto lamang upang magprepara
ng 1 minutong dula rito sa harapan. Para sa ating
rubriks, 5 puntos para sa nilalaman ng inyong dula
at 5 puntos para sa kooperasyon ng inyong grupo
na may kabuuang 10 puntos. Maliwanag ba mga Lahat: opo titser!
bata?
Mag-aaral: Isa-dalawa-isa-dalawa…
Kung gayon ay mag bilang na ng isa-dalawa para sa
pagpapangkat.
(bumubunot ang mga lider ng bawat grupo)
Maari na bang magsilapit ang lider ng bawat grupo
at kayo’y bumunot na rito sa harapan.
Mag-aaral: Paano nabago at nakaapekto ang
Ano ang nabunot ng ika-unang grupo? magandang transportasyon sa mga
Pilipino?

Mag-aaral: Paano nabago at nakaapekto ang


Ang ikalawang grupo naman? magandang komunikasyon sa mga Pilipino?

Ngayon ay alam niyo na ang tema ng inyong


isasadula ay maguumpisa na ang 2 minuto para sa
inyong preparasyon. Mag-aaral: Opo titser
(timer) (nagdudula ang mga mag-aaral)
Ang inyong 2 minuto ay tapos na, maari na bang
pumunta sa harapan ang unang grupo upang
magpresenta?

Mahusay ang unang pangkat, naipakita nila ang (nagdudula ang pangalawang grupo)
pagbabago at ang naging epekto ng sistema ng
transportasyon sa ating bansa.
Tignan naman natin ang presentasyon nang sunod
na pangkat. Maari na kayong pumwesto sa
harapan.

Magaling! Naipakita din nila kung paano nabago at


nakaapekto ang magandang komunikasyon sa ating
mga Pilipino.

Palakpakan natin ang bawat isa dahil naipakita


ninyo sa klase ang kooperasyon sa bawat pangkat.
Tunay nga na may natutunan kayo sa ating paksa
ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula. Dahil jan,
ang bawat isa ay makakatanggap ng sampung
puntos sa pangkatang gawain.
C. Paglalahat
Kung tunay ngang naintindihan niyo ang ating
paksa, maari bang maglabas kayo ng isang coupon
bond paper at gumawa ng slogan patungkol sa
pagpapakita ng tamang pangangalaga at kalinisan
sa ating mga pampublikong sasakyan at mga
terminal sa loob ng tatlong minuto. Pagtapos na ay
ipasa ito saaken. At ako’y bubunot upang ibahagi
ito sa ating klase. Naintindihan ba mga bata? Lahat: Opo titser

Kung gayon ay simulan nang gumawa. (gumagawa ng slogan)

Mahusay klase! Natutuwa ako at may natutunan


kayo sa ating paksa ngayong araw.
V. Ebalwasyon
Dahil jan ay magkakaroon kayo ng pagsusulit. Ang
inyong nakuhang puntos sa pangkatang gawain
kanina ay idaragdag ko na lamang sa inyong
makukuhang puntos sa inyong pagsusulit.

Maglabas kayo ng bolpen at sangkapat na papel at


sagutan ang mga katanungan sa tarpapel. Meron
lamang kayong 2 minuto upang sagutan ito.
Lahat: Opo titser.
Maliwanag ba klase?

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1.) Ito ang kauna-unahang Philippine Airline sa


bansa.
a. Ninoy Aquino International Airport
b. Iloilo-Negros Air Express Corporation
c. Cebu Pacific Airline
d. American Airways

2.) Noong 1911 unang ipinakilala sa mga


Pilipino ang eroplano na ipinalipad
ni________?
a. Lucy Bell
b. Gen. Mc Arthur III
c. Lucky Baldwin
d. Ben Lawrence

3.) Kelan unang pinalipad ng komersyal na


eroplano sa ating bansa na pinamunuan ng
Philippine Aerial Taxi Company o PATCO?
a. 1930
b. 1911
c. 1933
d. 1917

4.) Ang Manila Railroad Company ay kilala


ngayon bilang PNR o ________________?
a. Philippine National Railroad
b. Philippine National Road
c. Philippine National Rail
d. Philippine National Railways

5.) Noong Nobyembre 29, 1935 ang unang


paglapag sa bansa ng _____________ na pag-
aari ng American Airways mula California
Usa.
a. Inter island steamer o barko
b. China Clipper
c. steam tugboats
d. eroplano

Tapos na ba mga bata? Kung tapos na ay maarri


niyo nang ipasa ang inyong papel.
VII. Takdan-Aralin/Kasunduan
Bago tayo magtapos sa ating klase ay may
kasunduan muna tayo. Kayo ay magbasa patungkol
sa Pagbabago ng Sistema ng Edukasyon at Lahat: Opo titser
Relihiyon noong panahon ng Amerikano sa ating
bansa. Dahil yun ang sunod nating tatalakayin sa
muli nating pagkikita. Maliwanag ba?
Lahat: Paalam na po at maraming salamat
Kung gayon ay, paalam na klase!
po Bb. Marcellana! Hanggang sa muli
salamat po! Papasa kami!

Inihanda ni:
Donna Marie D. Marcellana
2BEED-02

Ipinasa kay:
Dr. Cherry B. Calaunan

You might also like