You are on page 1of 16

Pambansang Pamantasan ng Bulakan

Kolehiyo ng Edukasyon
Lungsod ng Malolos

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MTB-MLE 3

I. Mga Layunin
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay:
A. Naipakikilala ang mga tauhan sa kuwentong tatalakayin.
B. Naipaunawa sa klase ang ginintuang aral ng kwento.
C. Nakapag-uugnay-ugnay ng mga pangyayari sa kuwentong tatalakayin.
II. Paksang Aralin
A. Paksa:
Ang Pag-uwi ni Sally
B. Sanggunian:
Mother Tongue-Based Multilingual Education 3 p. 7
C. Kagamitan:
Mga larawan at video
III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

Pananalangin

Tayong lahat ay magsitayo para sa


pananalangin.

(Panginoon, kami po ay
nagpapasalamat sa araw na inyong
ibinigay sa amin upang kami ay
muling makapag-aral. Salamat po
dahil nakarating po kami ng ligtas
sa aming paaralan. Dalangin po
namin na kami po ay inyong
ingatan, gabayan, at bigyan ng
katalinuhang nanggagaling sa inyo.
Sa matamis na pangalan ni Hesus,  Amen.
amen.)

 Pagbati

 Magandang umaga rin po,


Magandang umaga mga bata! Binibining Ignacio!

 Pagtala ng Lumiban

 Wala po, Binibini.


May lumiban ba sa klase natin
ngayong araw?

Mahusay mga bata! Dahil walang


lumiban sa ating klase, bigyan natin  (palakpak, palakpak, palakpak)
ng tatlong palakpak ang bawat isa.

 Pagpuna sa Paligid

Bago umupo ang lahat, puwede


bang ayusin muna natin ang
pagkakahanay ng ating mga upuan
ng tahimik? Pagkatapos ay tignan  (Inihanay nang maayos ang mga
din natin kung may mga dumi ba upuan at tinignan kung may dumi sa
ang tabi o ilalim ng inyong upuan. ilalim at tabi ng kanilang upuan
upuan.)
Kung maayos na ang lahat, maaari  (Umupo sa kani-kanilang upuan.)
nang makaupo ang lahat.

 Pagbabalik Aral

May mga larawan akong


ipapakita sa inyo. Ang gagawin
niyo lamang ay tukuyin kung
ano ang mga nasa larawang
aking ipinapakita. Para sa unang
larawan…

 Nanay!

Pangalawang larawan…

 Tatay!

Pangatlong larawan….

 Bunso
Pang-apat na larawan…

 Ate

Panglimang larawan…

 Kuya

Mahuhusay mga bata! Bigyan


natin ng tatlong palakpak ang  (palakpak, palakpak, palakpak)
bawat isa.

Pamilyar ba ang mga larawang


aking ipinakita?  Opo.

Iyan ay dahil napag-aralan na


natin ang mga miyembro ng
pamilya kahapon. Ang ating
kuwentong tatalakayin mamaya
ay may mga tauhan na
miyembro ng pamilya.
B. Paglalahad ng Aralin

I. Pagganyak

Bago natin talakayin ang


kuwento ay may mga tanong
muna ako. Itaas lamang ang
inyong kamay kung sasagot para
sa ating kaayusan. Handa na ba  Handa na po.
kayo?

1. Naranasan ninyo na bang


sumundo ng kamag-anak sa
 Opo.
isang lugar?

2. Saan ninyo sinundo ang


(Mga maaaring sagot)
inyong kamag-anak?
 Sa paliparan po
 Sa terminal ng jeep o ng bus.

3. Ano ang mararamdaman


(Mga maaaring sagot)
ninyo kung sakaling pagabi
 Matatakot po.
na at wala pa ang iyong
 Magtataka po kung bakit wala pa
susunduin?
siya.
 Mag-aalala po.
Maraming salamat mga bata sa
inyong pagbabahagi ng mga
sagot. Bigyan nga natin ng
tatlong palakpak ang mga
 (palakpak, palakpak, palakpak)
sumagot.
II. Paghahawan ng Sabagal

Ngayon naman ay magkakaroon


tayo ng isang laro. Ito ay hango
sa 4 Pics 1 Word. May apat na
larawan akong ipapakita sa inyo
at may mga bali-baliktad na mga
titik. Gamit ang mga titik,
inyong huhulaan kung ano ang
salitang nais ipahiwatig ng apat
na larawan. Handa na ba kayo?  Handa na po.

 Terminal!

Tama! Ang terminal ay ang


himpilan o estasyon ng tren
o ng bus.

 Lungsod po.

Mahusay. Ang lungsod ay


bayan na higit na matao at
karaniwang sentro ng
politika at kabuhayan.

 Bag!

Ang bag ay lalagyan na


maaaring bitbitin o isabit sa
balikat o likod, gawa sa tela,
balat ng hayop, papel,
plastik, o iba pang kauri.

 T-shirt.

Ang t-shirt ay isang istilo ng


tela ng kamiseta na puwede
sa kahit anong kasarian na
ipinangalan sa hugis nitong
titik T.

 Backpack
Ang backpack ay isang uri
ng bag na may isa o
dalawang mga sintas na
naisusukbit sa mga balikat.

Mahusay mga bata. Bigyan


ng tatlong palakpak ang  (palakpak, palakpak, palakpak)
bawat isa.

Tama lahat ng inyong mga


sagot. Tandan ninyong
mabuti ang mga salitang
inyong nabuo dahil
magagamit natin iyan sa
ating kuwentong tatalakayin.

III.Presentasyon ng Aralin

Handa na ba ang lahat na


makapanood at mapakinggan
ang ating kuwento ngayong
 Handa na po.
araw?

Kung handa na ay umayos na


nang pag-upo, panoorin at
making nang mabuti sa video na
ating panonoorin.

 (Panonoorin ng mga mag-aaral ang


video.)
“Ang Pag-uwi ni Sally”
ni: Nelia D. Bamba

“Uuwi si Sally ngayon!”sabi ni


Nanay. “Pumunta na tayo sa
terminal ng bus upang
salubungin siya. Isasama ko si
Tatay at si Ben upang magbuhat
ng mga bagahe ni Sally. ”
Nagpaiwan na si Tiya Rosa
upang maghanda ng masarap at
paboritong pagkain ni Sally.
“Hindi na ako makapaghintay,
Nanay! Pagkatapos ng dalawang
buwang pagtatrabaho ay uuwi
na siya.” ang sabi ni Ben. “Ano
kaya ang pasalubong niya sa
akin?”

“Dumating at umalis na ang


mga bus. Nasaan na kaya si
Sally?”tanong ni Tatay.
“Malapit nang lumubog ang
araw, hintayin na lang natin ang
susunod na bus, baka naman
doon sumakay si Sally,” nag-
aalalang sabi ni Nanay.

Uminom ng tubig si Ben at


itinago ang kaniyang luha.
“Nanay, huwag kang mag-alala,
sigurado akong nasa susunod na
bus na si Sally.”

“Heto na ang huling bus mula sa


lungsod!” wika ng Tatay.
“Umasa tayong diyan na
nakasakay si Sally.” Nang
bumukas ang pinto, patakbo, at
masayang bumaba si Sally at
sabay sabing “Sa wakas! Nanay,
Tatay, nandito na ako!”

“Nag-alala kaming lahat sa iyo,”


wika ni Tatay. “Halika na,
naghihintay na ang paborito
mong pagkain sa bahay,” sabi ni
Nanay.

Tinulungan ni Tatay at ni Ben si


Sally upang buhatin ang
kaniyang bag nang mapansin ni
Ben na may isa pang bag na
dala si Sally. “Ben, ibinili kita
ng tatlong t-shirts at backpack,”
wika ni Sally. “Maraming
salamat pero ang mas
importante ay magkasama na
ulit tayong lahat.”
IV. Pagtatalakay

Nakinig ba kayo sa ating kuwento?  Opo.

Kung oo ay may mga tanong ako na


inyong sasagutin. Magtaas lamang
ng kamay bago sumagot.

Sinu-sino ang mga tauhan sa (Mga maaaring sagot ng mga mag-aaral.)


kwentong inyong napanood?
 Sally
Magbigay lamang ng isa.
 Ben
 Nanay
 Tatay
 Tiya Rosa

Tama ang inyong mga sagot. Bakit


 Upang maghanda ng mga paboritong
nagpaiwan sa Tiya Rosa sa kanilang
pagkain ni Sally.
bahay?

Mahusay! Saan naman susunduin


 Sa terminal ng bus.
nila Tatay, Nanay, at Ben si Sally?

Tama! Bakit nag-alala ang buong


 Dahil hindi pa nakakauuwi si Sally.
pamilya habang nasa terminal ng
bus?

Ano ang naging wakas ng


 Nakauwi na si Sally at may mga
kuwentong ating napanood?
pasalubong siya kay Ben.

Ano ang mga pasalubong ni Sally


 Tatlong t-shirts at backpack
kay Ben?
Tama! Tulad nang sinabi ni Ben,
mas mahalaga para sa kanya na
magkakasama na ulit silang lahat
kaysa sa mga pasalubong ni Sally sa
kanya. Dapat ay walang
makakahigit na ano mang materyal
na bagay kaysa sa ating mga
pamilya. Naintindihan ba ang ating
kuwento ngayong araw?  Opo!

Dahil nakinig kayo nang mabuti sa


ating kuwento, bigyan natin ng
 (Palakpak, palakpak, palakpak,
limang palakpak ang bawat isa. palakpak, palakpak)

C. Pagsasanay/Pangkatang Gawain

Ngayon naman ay tahimik nating igu-


 (Magbibilang ang mga bata ng 1-5
grupo ang ating mga sarili. Bawat grupo
upang sila ay maigrupo at saka
ay may limang miyembro. tutungo sa kani-kanilang mga
puwesto.)
Ang inyong gagawin ay tinatawag na
tableau kung saan kayo ay may
bubuuing eksena ngunit nakahinto o
naka-freeze lamang kayo. Ang
eksenang inyong gagawin ay ang
paborito ninyong kaganapan sa ating
kuwentong tinalakay. Ang lider ng
grupo ang siyang maikling
magpapaliwanag kung anong
kaganapan ang kanilang napili sa
kuwento.
Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto
upang mag-usap-usap nang tahimik.

Pagkatapos ay bibilang ako ng isa


hanggang tatlo at dapat ay nakahinto o
nakapuwesto na kayo para sa ating  (Ang mga bata ay mag-uusap at
tableau. Ang pinakatahimik na grupo ay magpaplano para sa kanilang tableau
may karagdagang puntos. sa loob ng tatlong minuto.)

Galingan mga bata!

Ang tatlong minuto ay nakalipas na.


 (Nakapuwesto na ang mga bata para
Oras na para pumwesto kayo para sa
sa kanilang tableau. Ang bawat lider
inyong tableau. Isa, dalawa, tatlo!
ng grupo ay ipapaliwanag kung
anong parte ng kuwento ang
kanilang pinili.)

Mahusay mga bata! Bigyan natin ang


 (palakpak, palakpak, palakpak)
ating mga sarili ng tatlong palakpak.
D. Paglalahat

Ngayon naman ay may mga ipapabasa


ako sa inyo na diyalogo at kailangan
ninyong sagutin kung sino sa mga
tauhan ang nagsabi o ang nagwika nito.

“Hindi na ako makapaghintay, Nanay!


Pagkatapos ng dalawang buwang  Ben
pagtatrabaho ay uuwi na siya.”

“Ben, ibinili kita ng tatlong t-shirts at


 Sally
backpack,”

“Halika na, naghihintay na ang paborito


 Nanay
mong pagkain sa bahay.”

“Nanay, huwag kang mag-alala,


 Ben
sigurado akong nasa susunod na bus na
si Sally.”

“Dumating at umalis na ang mga bus.


Nasaan na kaya si Sally?”
 Tatay

Mahusay! Talaga ngang nakinig


kayo sa ating kuwentong pinag-
aralan.
Bigyan ng tatlong palakpak ang bawat  (palakpak, palakpak, palakpak)
isa.
E. Pagtataya

Gawain:

Basahin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot
sa inyong papel.

1. Sino ang uuwi matapos ang dalawang buwang pagtatrabaho?


a. Ben
b. Sally
c. Tiya Rosa
2. Saan susunduin si Sally?
a. Terminal ng bus
b. Terminal ng jeep
c. Paliparan
3. Sinu-sino ang susundo kay Sally?
a. Nanay, Tatay, at Tiya Rosa
b. Nanay, Tatay, at Ben
c. Nanay at Tatay
4. Sino ang nagpaiwan sa bahay?
a. Ben
b. Tiya Rosa
c. Tatay
5. Bakit nagpaiwan si Tiya Rosa?
a. Upang magbantay ng bahay habang wala ang buong pamilya.
b. Upang alagaan ang aso ng pamilya.
c. Upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally.
6. Bakit nag-aalala si Nanay?
a. Dahil hindi pa dumarating si Sally.
b. Dahil hindi siya nakapag-ayos ng sarili bago sunduin si Sally.
c. Dahil hindi sumama si Tiya Rosa sa pagsundo.
7. Ano ang mga pasalubong ni Sally kay Ben?
a. Tatlong tsokolate at backpack
b. Tatlong t-shirts at backpack
c. Isang t-shirt at tatlong backpack.
8. Sino ang sumulat ng kuwentong ating piang-aralan?
a. Nelia D. Bamba
b. Jose Rizal
c. Marcelo H. Del Pilar
9. Ano ang naging wakas ng kuwento?
a. Nakauwi na si Sally at may mga pasalubong siya para kay Ben.
b. Hindi na nakauwi si Sally sa hindi malamang dahilan.
c. Nakauwi na si Sally ngunit wala siyang pasalubong para kay Ben.
10. Ano ang pamagat ng kuwentong inyong binasa?
a. Ang Pag-uwi ni Sally.
b. Pauwi na si Sally
c. Uuwi na si Sally
IV. Takdang Aralin
Pagsunud-sunurin ang mga pangungusap ayon sa kuwentong ating nabasa.
Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.

Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag.


May mga binili ring pasalubong si Sally para kay Ben.
Hindi nga nagkamali si Ben dahil nang dumating na ang susunod na bus
ay bumaba na si Sally mula sa bus sabay sabing “Sa wakas! Nanay, Tatay nandito
na ako!”
Uuwi na si Sally kaya naman pupunta na sila sa terminal ng bus.
Nagpaiwan na si Tiya Rosa upang magluto ng masarap at paboritong pagkain
ni Sally.
Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kanyang luha upang sabihin sa
kanyang Nanay na huwag na siyang mag-alala dahil sigurado siyang nasa susunod
na bus na si Sally.
Nagtataka na si Tatay at nag-aalala na si Nanay dahil malapit nang
lumubog ang araw ngunit wala pa rin si Sally.

You might also like