You are on page 1of 10

Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin

Makalipas ang limangpung minutong talakayan, 90% ng mga mag aaral sa unang baitang ay
inaasahang makamit ang mga sumusunod na may 90% na antas ng kasanayan:

A. natutukoy ang mga salitang kilos o galaw sa tulong ng larawan o aksyon.

B. napapahalagahan ang pagtulong sa kapwa.

C. nakapagbibigay ng mga salitang kilos o galaw.

II.Paksang Aralin

Paksa: Pandiwa

Sanggunian: Gabay ng guro pahina 34-36

Kagamitan: larawan at visual aids.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


I. Pagbati
Tayo’y tumayo upang manalangin sa ngalan ng
ama, at ng anak at ng espiritu santo, AMEN.

Panginoon naming ama salamat po sa umagang


ito na ibinigay mo sa amin. Salamat sa
panibagong araw na kami ay matuto.
Pagkalooban mo kami ng isang bukas na isip
upang maipasok naming ang mga itinuturo sa
amin at maunawaanang mga aralinna
makakatulong sa amin sa pagtatagumpay sa
buhay na ito. Amen

Magandang Umaga mga bata.


Magandang umaga po. Mabuhay!

Maari ba ninyong pulutin ang kalat sa ilalim ng


inyong upuan.
Tapos na po.
Meron bang lumiban sa ating klase?
Wala po.

Magaling, bigyan niyo ng palakpak ang sarili niyo.


II.Paglinang
1.Pampasigla
Mga bata alam niyo ba ang kantang ``Kung ikaw
ay masaya’’.
Opo.

(kakanta ang guro at ang mga bata)

Kung ikaw ay masaya tumawa ka. Haha 2x


Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masa tumawa ka . haha
Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka 2x
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka.
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka 2x
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka.
Kung ikaw ay masaya lumundag ka.
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya lumundag ka.

Magaling mga bata!


Maari na kayung umupo.

2.Pagganyak
Mga bata alam niyo ba kaninang wala kayo ay
may inihanda akong supresa para sa inyo. Itinago
ko ito sa ilalim ng iyong mga mesa. Maari ba
kayong tumingin sa ilalim ng inyong upuan.
(tumingin ang mga bata sa ilalim ng upuan at
kinuha ang nasa ilalim nito.)

Maari bang magtungo sa harapan ang lahat ng


nakakuha ng piraso ng larawan sa ilalim ng
upuan.
(pupunta sa harapan ang ilang mag aaral.)

Okay! Mga bata ang mga hawak nyo ay piraso ng


isang larawan. Maari niyo bang buuin ang
larawan sa ating pisara.

(bubuuin ng mga bata ang larawan.)


3.Paglalahad

Kilala niyo ba kung sino ang nasa larawan.


Opo! Siya po si Supermaam.

Tama mga bata! Siya ay si Supermaam.


Ang pag aaralan natin ngayong araw ay tungkol
sa pandiwa, pero bago yun mayroon akong
kwento tungkol kay Supermaam.

Pero bago tayo mag tungo sa kwento basahin


ninyo muna ang mga salitang naka paskil sa
pisara.

Talasalitaan (pagbibigay ng kahulungan ng mga salita sa


1.baybayin pamamagitan ng larawan.)
2.damuhan
3.saklolo
4.galak
5.kapahamakan

Handa naba kayo makinig mga bata? Pero bago


yun maari bang ninyong sabihin sa akin kung ano
ang dapat ninyong gawin habang nakikinig sa
kwento?
Makinig ng mabuti sa guro habang
nagkwekwento.
Umupo ng maayos at iwasan ang paglilikot
habang nakikinig.
Unawaing mabuti ang kwento.
Ang kwento natin ngayon ay tungkol kay
Supermaam.

Ano ang gusto niyong malaman tungkol kay


Supermaam?
Tungkol po sa super power ni supermaam.

Magaling mga bata, bukod dun gusto niyo din


bang malaman kung ano ang ginagawa ni
supermaam kapag walang pasok? Tuwing araw
ng Sabado?

Si Supermaam
Araw ng Sabado, namasyal si Minerva kasama
ang kanyang mga kapatid na sina Vicks B at
Mabel. Pumunta sila sa parke upang mamasyal.
Nag bisekleta si Vicks B sa buong parke,
samantala si Mabel naman ay bumili ng sorbetes
at lobo. Si Minerva naman ay naglakad lakad sa
baybayin ng parke. Sa kanyang paglalakad lakad
ay nakita niya ang isang pamilyang masayang
kumakain, meron din siyang nakitang mga bata
na naghahabulan sa damuhan. Nakita din niya
ang dalawang matandang mag- asawa na
nagkwekwentuhan habang nakaupo. May mga
magkakaibigan din na masisiglang sumasayaw.
Tuwang tuwa si Minerva sa kanyang pamamasyal
ng walang anu ano ay meron siyang narinig na
isang tinig mula sa di kalayuan na humihingi ng
tulong. Ang sabi ng tinig ay ``tulungan niyo ako
mama!’’ saklolo!!! Biglang tumakbo at nagtago si
Minerva upang magpalit anyo bilang si
Supermaam. Mabilis niyang pinuntahan ang
batang humihingi ng saklolo. Nakita niya ang bata
na nakasabit sa itaas ng puno at malapit ng
mahulog dahil sa pagtaka niyang kuhanin ang
kanyang saranggola na sumabit sa puno. Dahan
dahan niyang tinulungan ang batang nakasabit sa
puno hanggang tuluyan na niya itong ibinababa
mula sa pagkasabit. Laking galak ng nanay ng
bata ng Makita niya kung paanong iniligtas ni
Supermaam mula sa tiyak na kapahamakan ang
kanyang anak. Lahat ng tao sa parke ay malakas
na pumalakpak dahil sa pinakitang katapangan at
kabutihan ni Supermaam sa mga nangagailangan.
Niyakap ng nanay si Supermaam at
nagpasalamat. Sabay sabay nilang sinabi
``Mabuhay si Supermaam.’’

Nagustuhan niyo ba ating kwento mga bata?

Opo maam.!

Magaling mga bata. Ngayon meron ako ditong


ilang tanong na nakasabit at atin itong sasagutin.
Ang gagawin niyo lamang ay isusuot niyo itong
kappa upang kayo’y makalipad at maabot ang
tanong at chaka niyo ito sasagutin. Sino ang
gustong mauna?
Sige nga Bricks?
(kumuha si Bricks ng tanong sa mga nakasabit)

1. Ano ang pamagat ng ating kwento?


Si Supermaam

Tama Bricks, bigyan natin ng 3 palakpak si Bricks,


sinong susunod? Sige nga Amaya

2.. Sinu-sino ang mga kapatid ni Minerva na


kasamang namasyal sa parke?
Si Vicks B at Mabel po maam.

Magaling Amaya. Bigyan natin ng tatlong


palakpak si Amaya. Sino ang susunod?
Sige nga Angelica?
(kumuha si Angelica sa mga tanong na nakasabit)

3.Ano ang ginagawa ni Vicks B sa parke?

Nag bike po siya sa parke maam.

Magaling Angelica. Bigyan natin ng 3 palakpak si


Angelica. Sino ang susunod? Sige nga Rustine.

(kumuha si Rustine sa mga tanong na nakasabit)


4. Ano naman ang ginagawa nang pamilyang
nakita ni Minerva sa parke?

Kumakain po sila maam.


Tama Rustine. Bigyan natin ng 3 padyak si
Rustine. Sino pa ang gusting sumagot? Sige nga (kumuha si Alex ng tanong sa mga nakasabit.)
Alex.

5. Ano naman ang ginagawa ng mga bata sa


kwento?
Naghahabulan po sa damuhan maam.

Tama Alex. Bigyan natin ng 3 palakpak si Alex.


Sinong susunod? Sige nga Akeisha.

(kumuha si Akeisha sa mga tanong na nakasabit)

6. Ano ang ginawa ni Minerva nang marinig niya


ang tinig ng isang bata humihingi ng tulong?
Tumakbo po siya maam at nagpalit anyo bilang si
Supermaam.

Magaling Akeisha. Bigyan natin ng 3 palakpak si


Akeisha. Sino pa ang gusto? Sige nga Yohann.
(kumuha si Yohann sa mga tanong na nakasabit)

7. Kung ikaw si Supermaam, gagawin mu din ba


ang tumulong sa inyong kapwa?
Siyempre naman po maam.

Tama Yohann.
Marami ba kayong natutuhan sa kwento?
Opo maam. Tumulong tayo sa abot na ating
makakaya sa mga taong nangangailangan

Tama mga bata. Kailangan maging kagaya tayo ni


Supermaam na handang tumulong sa mga
nangangailangan.

Paglinang sa Kasanayan
Ngayon mga bata tignan ulit natin ang mga
larawan na nagpapakita ng kilos o galaw .

(magpapakita ng ibat ibang larawan ang guro


ayon sa kwento)
Mga bata ano ang ginagawa ng nasa larawan?

Nagbibisekleta po maam.

Tama mga bata, kapag ba nag bibisekleta tayo ay


nagpapakita tayo ng kilos o galaw?
Opo maam kasi po iginagalaw po natin ang ating
katawan.

O itong larawan ito mga bata anu ang kilos na


ipinapakita?

Naghahabulan po maam.

Mahusay mga bata, Anu naman salitang kilos ang


pinapakita nitong larawan na ito?

Sumasayaw po sila maam.


Alam niyo ba na ang pag bibisekleta,
paghahabulan, pagsasayaw, pagwawalis, at pag
inum ay nagpapakita ng kilos, at tinatawag natin
silang Pandiwa.
Ano nga ulit ang tawag sa kanila mga bata?
Pandiwa po maam.

Ngayon mga bata makapagbibigay ba kayu ng


halimbawa ng pandiwa.

Nagbabasa
Naglalaro
Kumakanta
Nagsusulat
Naghuhugas ng pinggan

Tama mga bata lahat ng inyong nabanggit ay mga


Pandiwa. Ngayon yung kinanta natin kanina ay
mayroon din iyong pandiwa. Maari nyo ba ibigay
ang mga pandiwang nabanggit sa kanta.

Tumawa
Pumalakpak
Tumadyak
Umikot
tumalon

Paglalahat
Magaling mga bata, lahat ng mga salitang inyong
nabanggit ay mga Pandiwa dahil sila ay nagsasaad
ng kilos o galaw.

Naiintindihan niyo ba ang ating pinag –aaralan


mga bata?
Opo maam.

Ano nga ulit ang pandiwa mga bata?

Ito po ay salitang nagpapakita ng kilos o galaw.

Paglalapat ng Kasanayan
Okay mga bata, para lalung malinang ang inyong
kaalaman tungkol sa Pandiwa ay maglalaro tayo.
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.
Para sa unang grupo mayroon ako ditong
envelope na naglalaman ng iba’t ibang piraso ng
larawan at gagawin niyo lamang ay buuin sa
pisara ang nasabing larawan at sabihin kung
anong salitang kilos ang pinapakita nito.
(gagawin ng unang grupo ang unang pagsasanay)

Para sa ikalawang grupo bumunot ng salitang


kilos sa kahon at isakilos ito sa harapan.
(gagawin ng pangalawang grupo ang
pangalawang pagsasanay.)

Okay para sa huling grupo ang gagawin niyo


lamang ay magbigay ng sariling halimbawa ng
Pandiwa. (gagawin ng huling grupo ang huling pagsasanay.)

Mahusay mga bata. Mukhang naiintidihan niyo


na talaga ang pinag aralan natin ngayong araw.
Ngayon maari ba kayo kumuha ng lapis at sagutin
ninyo itong sagutan papel.

IV.Pagtataya

Isulat ang pandiwa na ipinapakita ng larawan.

1. Ang pamilya ni Anna ay masayang ____________.

2. Si Joshua ay _____________.
3. Si Lisa ay _____________.

4. Si spongebob ay _________.

5. Ang mga bata ay ___________.

V.Takdang Aralin

Gumupit ng limang larawan na nagpapakita ng kilos at idikit ito sa inyong kwaderno.

You might also like