You are on page 1of 9

Canlas, Angelica F.

Mariano, Leri Mae P.

Masusing Banghay Aralin


I.Mga Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a)Nakasasagot ng mga katanungang patungkol sa kasalukuyang


nangyayari sa ating pamahalaan;

b)Nakasasali nang masigasig ang mga mag-aaral sa talakayan;

c)Nakikintal sa puso ng mga mag-aaral ang kahalagan at aral na


mapupulot sa tula sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga opinyon at
saloobin sa bawat saknong,

d.Nakapagtatanghal ng isang maikling dula patungkol sa


pangkabuuang mensahe ng tula

II.Paksa
Tula: Mga Buwaya sa Katihan
III.Kagamitan
Pisara at Panulat
Powerpoint Presentation
TicTacToe
Frames
Laptop
Mga Larawan
Videoke Presentation
Game Template
Rubrik
IV.Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Magandang Umaga! -Magandang Umaga rin po!

- Maaari bang tumayo ang lahat para sa - Opo Maam.


pambungad na panalangin?

- Pangunahan mo (pangalan ng mag- (Pagdarasal ng mga mag-aaral)


aaral)

B.Pagganyak

- Ngayon,handa na ba kayo sa ating - Opo Maam.


gawain?

-Tingnan niyo ngayon ang aking inihanda


(Titingnan ng mga mag-aaral)
na nakapaskil sa ating pisara maging ang
mga larawang ito na magiging kasangkot
din sa ating gawain.

-Dahil ngayong araw ay magkakaroon


tayo ng laro at ito ay ang “Buwaya
TicTacToe”

-Bago tayo magsimula, hahatiin muna


natin ang klase sa dalawang grupo na
kung saan ang bawat grupo ay mayroong
tig-sampung larawan na siyang ididikit sa
tictactoe board sa tuwing masasagot
nang tama ang mga katanungang aking
inihanda.

-Maliwanag ba ang aking unang panuto? -Opo.

-Ang bawat katanungan ay babasahin ko


ng dalawang beses, upang malaman
natin kung sino ang sasagot magpapaikot
ng tig isang bola sa bawat grupo na
sasabayan ng isang awit, ang mag-aaral
na may hawak ng bola kapag huminto
ang kanta at unang makapagtaas ng bola
ang siyang may pagkakataong sumagot
sa ating katanungan. Kung mali ang
sagot ay may pagkakataong sumagot ang
sino mang miyembro ng kabilang grupo.
Ang unang makatapos ng pattern ng TIC
TAC TOE ang tatanghaling panalo.
-Wala po.
-May katanungan ba?

- Kung gayon ay magsimula na tayo.

(Laro)

-Lubos kong ikinagagalak ang inyong


naging partisipasyon sa ating laro.

C. Paglalahad -Tungkol po sa gobyerno ng Pilipinas


Ngayon, ano ang inyong naging
obserbasyon sa ating mga katanungan?
-Magulo po, maraming isyu ang
-Siyang tunay, ano naman ang masasabi kinahaharap ng ating bansa na may
mo sa gobyerno natin sa Pilipinas sa kinalaman sa droga,bombing etc.
kasalukuyan ___________?

-Napaka gandang obserbasyon, ngayon


ay ituon ninyo ang inyong atensyon sa
larawang nasa monitor. Kaugnay ang
mga katanungang ating sinagot sa laro, -Gobyerno
ano ang unang salitang pumasok sa
inyong isipin nang makita ang larawan?
(buwaya)

-Magaling, sa araw na ito ang ating


tatalakayin ay may kinalaman sa
Gobyerno ng bansang Pilipinas. Upang -Opo
mabigyan pa natin ng mas malawak na
pagsusuri ang nasabing paksa, narito ang
tulang aking inihanda. Handa na ba
kayong makinig?
-PAGBASA NG GURO-

-Nagustuhan niyo ba ang tula? Ngayon


kayo naman ang babasa nito, sa
pagkakataong ito ang mga salitang may
kulay na pink ay babasahin ng mga
kababaihan samantalang ang mga
salitang may kulay na asul ay babasahin
ng mga kalalakihan at ang mga salitang - Opo Ma’am.
may itim na kulay ay babasahin ng buong
klase. Maliwanag ba?

-Bigyan ang bawat isa ng limang bagsak


sa husay ninyo sa pagbabasa ng tula.
Ngayon upang mas lalo pa nating
maintindihan ang tula, tayo ay dumako sa
-Opo Ma’am
pagsusuri natin sa bawat saknong, handa
na ba kayong makinig?

-Ngayon ay ating susuriin ang unang -Pagbasa ng mag-aaral


saknong ng ating tula, maaari mo bang
basahing ulit ang unang saknong
______________.

-Magaling, kung napapansin ninyo ay


mayroong mga salitang nakasalungguhit.
Upang lubos nating maunawaan ang
ating tula, ating alami ang mga kahulugan
nito.
(PAGHAWI NG BALAKID)

-Ngayon mayroon akong isang kaibigan -Tulungan niyo akong mabuksan ang aking
na si Juan na nais kong tulungan natin sa mata sa mga katiwaliang nangyayari sa
kanyang paghahanap ng mga larawang Gobyerno sa kasalukuyan.
may kaugnayan sa kanyang sinasabi.
Maaari mo bang basahin ang kanyang
kahilingan.

-Magaling, ngayon upang matulungan -Tugon ng mag-aaral


natin si Juan ating gamitin ang mga
larawan sa laro kanina na nasa ating Tic
Tac Toe board, ano sa tingin ninyo ang
larawang sumisimbolo sa unang
saknong. Magtaas ng kamay ang may
alam ng tamang larawan at idikit ito sa
frame ni Juan.

-Batay sa unang larawan, ano sa tingin -Maraming politiko po ang ginagamit ang
kanilang pera para mabili po ang boto.
ninyo ang nais pahalagahan o ang
kahulugan ng unang saknong?
-Gumagamit po sila ng mga taong popular
upang makuha ang loob ng mga
mamamayan.
-Lahat po sila ay nag-aanyong kaibigan ng
masa upang makuha ang boto ng bawat isa.
-Napakagaling na obserbasyon.
(Komento ng guro batay sa magiging
sagot ng mag-aaral)

-Ngayon dumako naman tayo sa -Pagbasa ng mag-aaral


ikalawang saknong, maaari mo bang
basahin muli _______________. Kung
napapansin ninyo ay mayroon muling
nakasalungguhit na salita. Alamin natin
ngayon ang kahulugan ng salitang kaban.

-Ngayon bago ka maupo ay pumili ka Tugon ng mag-aaral


muli ng isang larawan na maaaring
sumimbolo sa ikalawang saknong

-Bakit sa tingin mo, iyan ang larawang -Dahil po ipinapakita sa larawan na


nais ipakita ng ikalawang saknong? kinukuha niya ang pera na para sa
bayan.

-Ang ipon po ng bayan ay nilalagay po sa


sariling bulsa.

-Ginagamit din po ang pera ng mga


mamamayan para sa pangangampanya.

-Magaling! (Komento ng guro batay sa


magiging sagot ng mag-aaral)

-Ngayon para sa ating ikatlong saknong, -Tugon ng mag-aaral


akin itong babasahin muli at inyong piliin
ang larawang sinisimbolo nito.

-Maaari mo bang kunin ang inyong -Pagkatapos po ng eleksyon, ang mga


napiling larawan at sabihin kung papaano
nito inilalarawan ang ikatlong saknong. pangako po nila ay naglalahong parang
bula.

-Ang pangako po nila ay napapako.

-Nakalimutan napo nila na tulungan na


tulungan ang mga tao na siyang
nagluklok po sa kanila.
-Siyang tunay! (Komento ng guro batay
sa magiging sagot ng mag-aaral)
-Para sa ika-apat na saknong, muli natin
itog basahin nang sabay-sabay.

-Batay sa ating nabasa, anong larawan


ang lubos nagpapakita sa mensahe ng -Tugon ng mag-aaral
naturang saknong.

-Paano nailarawan ng larawang iyan ang


ika-apat na saknong. -Dahil po sa madalas sabihin ni Napoles
noon, “Hindi ko po alam"

-Gusto niya pong ipakita na siya ay


inosente sa kanyang ginawang
pagnanakaw sa ating kaban.

-Siya po ay halimbawa ng mga buwaya


sa ating Gobyerno.
-Napakagandang obserbasyon. (Komento
ng guro batay sa magiging sagot ng mag-
aaral)

-Para sa huling saknong ng ating tula


maaari mo bang basahin muli ito Tugon ng mag-aaral
____________.

-Kung mapapansin mo isa na lamang ang


larawan na kaiba sa mga napili kanina, -Makikita po ang isang Pilipino na
paano mo maipapakita na ito ang pinuputol ang kadenang sumisimbolo sa
sumisimbolo sa hulig saknong? paghawak sa atin ng mga buwaya sa atig
Gobyerno.

-Ito po ang nagpapaalala sa mga Pilipino


na dapat piliin nang maayos ang mga
ibobotong lider ng bansa.
-Binuksan po nito ang ating mata sa mga
katiwalian ng mga buwaya sa ating
-Napakagaling na sagot. (Komento ng gobyerno.
guro batay sa magiging sagot ng mag-
aaral)

D.Paglalahat
-Ngayong napaliwanag na ang bawat
saknong, sa halip na basahin natin muli Opo!
ang tula, ay aawitin natin ito gamit ang
tono ng kantang paro- parong bukid.
Bilang gabay narito ang inihanda kong
videoke presentation, handa na ba kayo?

-PAG-AWIT NG MAG-AARAL-

-Bigyan natin ang buong klase ng limang PAG-AWIT NG MAG-AARAL


bagsak, napaka galing ninyong lahat.
Natulungan nating buksan ang mata ni (Tugon ng mag-aaral)
Juan sa katiwaliang nangyayari sa
Gobyerno ng Pilipinas sa kasalukuyan na
kung saan ito ay nakapokus sa mga
pulitikong ganid na ginagamit ang kaban
ng bayan sa pansariling
kapanginabangan.

E.Pagtataya

-Gamit ang larawang ito at ang tula,


magkakaroon muli tayo ng isang gawain
na kung saan ang klase ay hahatiin ko sa Opo!
apat na grupo na gagawa ng isang dula
na ipinapakita ang mensahe ng naturang
tula. Ang lahat ng grupo ay bibigyan ng
sampung minuto upang gawin ang iskrip
at maghanda para sa pagtatanghal. At
mayroon namag tig-limang minuto ang
bawat grupo upang itanghal ang
nagawang maikling dula. Maliwanag ba?

-Bilang gabay sa gagawing pagdudula ,


narito ang rubrik sa pagbibigay ng marka
sa bawat grupo

-RUBRIK-

-May katanugan ba?

Wala po!
-Ngayon ay nasisiguro ko na handa na
kayo at lubos ninyong naiintindihan ang
aking panuto. Ang inyong sampung
minuto ay magsisimula na.

PAGTATANGHAL NG MGA MAG-AARAL

-Maraming salamat sa inyong


kooperasyon, lubos kong ikinagagalak
ang inyong mga dula. Bigyan ang bawat Tugon ng mag-aaral
isa ng pitong bagsak.

-KOMENTO SA DULA-

-Nakita kong lubos na ninyong


naintindihan ang tula natin ngayong araw
na ito, nawa’y namulat na ang ating mga
mata sa dapat na tamang gawin para sa
ating bansa.

-Bilang pagtatapos nais kong basahin


ninyo nang sabay-sabay ang isang
saknong na bubuo sa pangkalahatang -Pagbasa ng mag-aaral
mensahe ng ating aralin ngayong araw
na ito.

-Maraming salamat sa inyong pakikinig


nawa’y baunin ninyo sa inyong pag-uwi
ang mensahe ng saknong na binasa at
maging ang tulang Buwaya sa Katihan.
Tumayo ang lahat para sa pangwakas na
panalangin. -Panalangin

-PANALANGIN-
-Mag-ingat ang lahat, sa muli nating
pagkikita. Paalam! Paalam Ma’am, mag-ingat!

TULA:

BUWAYA SA KATIHAN

Pagandahan sila ng kanilang ngiti


Mga pera nila ang s’yang palamuti
Tiwala ng tao’y pilit sinasamsam
Araw ng eleksyon, buwaya’y kaibigan

Ngayong lahat sila ay nakaupo na


Tunay na ugali’y ating makikita
Iisang layunin ubusin ang kaban
Para sa sariling kapanginabangan

Ang mga pangako nilang binitiwan


Unti-unti nilang nakalilimutan
Perang nakalaan na para sa bayan
Ang mga buwaya ang nakikinabang

Hindi ko po alam ganyan ang sinabi


Ng mga buwayang walang pinipili
Ninakaw ang kaban ng bayan kong sawi
Mga yaman natin kailan mababawi?

Kapwa Pilipino buksan ating mata


Pagpili ng lider dapat laging tama
‘Wag magpapabulag sa mga salita
Korapsyo’y sugpuin nang maging malaya

You might also like