You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
BUENLAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Buenlag, Gerona, Tarlac

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan.


Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang
critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
Kasanayang Pampagkatuto:
F10PT-Ie-f-64 (Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding
damdamin.)
F10PS-Ie-f-67 (Nababasa ng paawit ang ilang piling saknong ng binasang akda.)
I. LAYUNIN
a. Nasusuri ang mga salitang ginamit sa akda na nagpapahayag ng matinding damdamin.
b. Naipapamalas ang paglapat ng himig sa isang akda ng may damdamin.
c. Napapahalagahan ang paggamit ng damdamin sa pagbasa o pagbigkas ng isang akda.
II. NILALAMAN
a. Paksa: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa (Tula mula sa Egypt)
b. Sanggunian: Manwal ng guro
Modyul sa Filipino 10, ph 90-91
c. Kagamitang Panturo:
Mga ginupit na larawan, ginupit na kartolina, flag, laptop, telebisyon at iba pa
III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
-Bago natin umpisahan ang ating pag-aaral,
tumayo muna kayong lahat para sa panalangin -Amen
na pangungunahan ni Mary Rose.
b. Pagbati
-Isang maganda at mapagpalang hapon sa
inyong lahat! -Magandang hapon din po, Ma’am!
- Maari din bang batiin ninyo ang ating butihing
prinsipal! -Magandang hapon po, Ma’am!
-Bago kayo umupo, pakiayos muna ang mga
upuan at pulutin ang mga kalat na nasa iyong
paligid. Maaari na kayong umupo. -Salamat po
c. Pagtala ng lumiban
-Gloria, maaari mo bang iulat sa amin kung sinu- -Ma’am, ikinagagalak ko pong sabihin sa inyo na
sino ang lumiban sa kaklase mong babae. walang lumiban sa aming grupo.
-Christian, sinu-sino naman ang lumiban sa kaklase -Ma’am, masaya po ako dahil wala pong lumiban
mong lalake? sa kanila.

Ako’y nagagalak dahil walang lumiban sa inyo sa


araw na ito.
Kaya naman palakpakan nyo ang inyong mga Papalakpak ang mga mag-aaral.
sarili.
d. Balik-aral
-Bago tayo dumako sa bagong aralin, balikan muna -Ang tinalakay po natin kahapon ay ang mga uri ng
natin ang tinalakay natin kahapon. Ano nga ba ang tulang liriko.
tinalakay natin kahapon?
-Anu-ano nga ba ang uri ng tulang liriko? -Ang mga uri po ng tulang liriko ay pastoral,
elehiya, soneto,oda, awit at dalit.
-Tama. Ano pa ang napag-aralan natin kahapon? -Mga elemento po ng tula- sukat, tugma,
talinghaga at kariktan.
-Magaling!
-Meron pa ba? -Mga paraan po sa pagsulat ng Tula. Una,
magmasid sa paligid, gamitin ang imahinasyon at
magbasa. Pangalawa, pagbibigay ng bagong
pananaw upang maging orihinal. Pangatlo,
paggamit ng tayutay at matatalinghagang
pananalita. Pang-apat, mag-iwan ng kakintalan sa
mambabasa.
-Mahusay!
-Ngayon na lubos na ninyong naunawaan ang ating
aralin kahapon, dumako na tayo sa kung paano
binibigkas ang isang tula upang maipabatid ang
mensahe nito.

B. Paglinang na Gawain
e. Pagganyak
-Bago natin pormal na umpisahan ang ating
aralin, magkakaroon naman tayo ng isang laro.
Ang larong ito ay pinamagatang “PICTURE
PUZZLE”.

-Gusto ba ninyong maglaro? -Opo, Ma’am.


-Simple lang ang mekaniks ng larong ito.
-Mamimili ang bawat grupo ng dalawang miyembro
na maglalaro (isang babae at isang lalake). Bibigyan
ko ang bawat grupo ng sobre na may lamang ginupit
na larawan at sa aking hudyat, ay bubuksan nila ito at
bubuuin sa pisara. Pag nabuo na ito ay kukuha sila ng
flag, sabihin ang kanilang nabuo at sasabihin ang
salitang “FINISH NA”.. Ang unang makakagawa nito
ay siyang mananalo at makakatanggap ng papremyo.

-Kayo ay may dalawang minuto upang gawin ito.


-Maliwanag ba ang mekaniks ng laro? -Maliwanag po ma’am.
-Kung gayon , ayusin ang mga upuan na
magkaharapan ang dalawang hilera at umpisahan na -Mag-uunahan ang limang pangkat sa pagbukas sa
natin ang laro. sobre na may larawan kung saan naroon ang mga
ginupit na larawan at pagkatapos ay bubuuin nila
ito sa pisara. (gansa)
-Sa tingin ko ay may nanalo na, ang pang-_____ na -Mahusay clap.
grupo. Bigyan natin sila ng “ mahusay clap”

-Base sa larawan na inyong nakita sa isinagawa


nating laro, may ideya na ba kayo kung saan
patungkol ang ating pag-aaralan? -Tungkol po sa isang (bibi, pato, gansa?).

-Magaling!
-Ang ating tatalakayin ay ang tula mula sa Ehipto na
pinamagatang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” at ang
mga damdaming nakapaloob dito.

-Ngunit bago natin ito talakayin, ay alamin muna


natin ang kahulugan ng malalalim na salita upang
mas lubos nating maunawaan ang nasabing tula.

f. Pag-alis ng Sagabal
-Mamimili ang mag-aaral ng mga salita na katulad takas alpas kawala
na kahulugan ng salita sa pisara na nasa loob ng
kahon (mystery box). Idikit sa tabi ng kahulugang pain silo
bitag
salita.

-Ako’y nasisiyahan dahil tama ang mga naging bilanggo bihag nakulong
kasagutan ninyo.
nawala naligaw nalihis

-Maaari ba ninyong gamitin sa pangungusap ang mga -Opo ma’am.


malalalim na salita?

-Ako’y nagagalak dahil tama ang naging kasagutan -Papalakpak ang mga mag-aaral.
ninyo. Palakpakan natin sila

g. Paglalahad
-Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa
kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman ng
nakararami higit nilang pinapahalagahan ang
buhay, kaya maging sa kamatayan ay nais nila
itong ipagpatuloy. Ang katibayan sa paniniwalang
ito ay ang mga sinaunang tulang nakuha sa mga
kuweba ng Egypt. Ang paksa at tema ay pawang
tungkol sa kanilang pagpapahalaga sa karaniwang
pamumuhay ng mga tao.
Ang ating paksa ngayon ay isang tula mula sa Egypt
na isinalin sa Ingles ni William Kelly Simpson at sa

Filipino ni Wilma C. Ambat.


-Nasulat noong panahon ng Bagong Kaharian (1570-
1085) BC ng sianunang Egypt. Panahon ng
pagpapalawak ng Empire (imperyo) ng Egypt at
panahon ng napakasopistikadong pag-usbong ng
kultura nito. (Tuklasin kung bakit mahalagang
unawain ang tulang pastoral ng Egypt- nagpapagkita
ng simpleng buhay sa komplikadong sitwasyon).

h.Pagtalakay sa paksa
-Ang tulang ito (Ang Tinig ng Ligaw na Gansa) ay
tumutukoy sa mga taga-Ehipto na gusto ang simple
at payak na pamumuhay.
Ito ay isang TULANG PASTORAL- mula sa
salitang Latin na “pastor”
-hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at
pagpapastol. Pumapaksa at naglalarawan ng
simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba
pa.
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang
sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at
dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao.
Maaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
A. Isang alegorya na gumagamit ng simbolo
B. Panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga
mambabasa na maranasan ang pagtakas sa
magulong buhay at madama pansamantala ang
malaya at walang kaguluhang buhay.
C. Paglagay ng komplikado sa simple

-Ang Tulang Pastoral ay Tulang liriko o Tula ng


damdamin- puno ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kalungkutan, kabiguan,kaligayahan, tagumpay, at
iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
(Ilalantad ang tula na nakadikit sa pisara).

-Ipabasa muna ng tahimik ang tula.

-Bago natin basahin nag tula, gusto kong ipadama


ninyo ang mga babasahing salita. Basahin ang mga BUGHAW- SERYOSO
kulay sa paraang dinadama ang mga damdaming PULA- MATAPANG O GALIT
BERDE- NATATAKOT
nakapaloob.
PUTI- MASAYA
-Mahusay! Nadarama ko ang inyong mga
DILAW- MALUNGKOT
damdamin!
-Babasahin ng lahat ng mag-aaral ang tula.
-Ngayon, basahin ng sabay-sabay ang tula ng may
damdamin.

- isang persona/tao na sabik sa pag-ibig ngunit


-Isa-isahin ang ginamit na simbolismo at kahulugan nasaktan
nito. pain- masasayang karanasan
Bitag-nahulog na ang loob (pag-ibig)
-Tatalakayin ang mga damdaming ipinahayag sa -nahuli sa pain umiyak- nasakta (dahil umibig)
mga taludtod ng tula. Ibigay ang damdamin -hindi ako makaalpas- nalungkot
nakapaloob sa mga taludtod. -lambat ko ay aking itatabi, subalit kay Inay anong
masasabi - nag-aalala
-Sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag-
nagmamahal/umiibig (nahulog ang loob)

-Magaling!

-Bago tayo dumako sa inyong pangkatang gawain


-Ipapalabas ang video ng blind auditions
ay ipapakita ko muna sa inyo ang ginagawa sa
isang patimpalak sa pag-awit sa telebisyon. -Ang bata ay kumakanta ng galing sa puso.
(pakinggang mabuti ang komento ni Sarah G.)
-Ano ang sabi ni Sarah G. (maliban sa ganda ng Mga Pamantayan
boses). A. Nadarama ang bawat linya ng 4 3 2 1
tula na nilapatan ng himig.
-Dumako na tayo sa pagpapalapat ng himig sa tulang B. Nakaakma ang himig sa mga
“Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” sa limang (5) grupo. taludtod ng tula.
Maaari na kayong magpunta sa inyong mga ka-grupo C. Sabay-sabay sa pag-awit ang
ng tahimik. grupo.
D. Kakintalan (di-malilimutang
-Sa inyong paglapat ng himig sa tula ng may impresyon na di mabubura sa puso
damdamin, may mga pamantayang susundin. at isip).
-May 10 minuto kayo para gawin ito. Pag narinig na
ninyo ang tunog na ito…., ay tapos na ang oras
ninyo. Interpretasyon
4- Napakahusay ng pagkakalapat ng himig
3- Mahusay na pagkakalapat ng himig
2- Katamtamang husay ng pagkakalapat ng himig
1-Kailangan pa ng pagsasanay

-Papalakpakan ninyo ang inyong mga sarili! -Papalakpak ang mga mag-aaral.
-Napakahusay ng lahat ng grupo!

-Pagkatapos ninyong lapatan ng himig ang tula,


alaman naman natin kung… (mystery box) -Isang nilalang na sabik sa pag-ibig, at ng makakita
1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? (Ilarawan ng pag-ibig ay sumunggab agad. (nagmahal,
ang kaniyang damdamin batay sa nilalaman ng tula). naging masaya, naghiwalay, nalungkot, umiyak).

2. Ano ang impresyon o kakintalang naiwan sa iyong -Na kapag umibig ka pala ay hindi lang puro saya.
isipan pagkatapos basahin ang tula? Maaari ka din palang masaktan at madurog ang
iyong puso.

3. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Egypt -Ang masasalaming kultura ng Egypt ay ang
na makikita sa akda? Paano ito maiuugnay sa pagpapahalaga sa buhay gaya ng pag-ibig tulad ng
kulturang Pilipino? mga Pilipino, at pagpapahalaga din sa karaniwang
pamumuhay ng mga tao.
4. Paano maglapat ng tinig sa isang akda? Ano ang -Dapat ay gamitan ng puso ang iba’t-ibang
dapat maramdaman? damdamin na nakasaad sa akdang lalapatan ng
tinig at ganun din sa pagbabasa.

5. Paano hinarap ng persona sa tula ang -Tinanggap na lamang niya ang mga sakit at hapdi
komplikasyon sa kanyang buhay? Ito ba ay napadama na dulot ng pag-ibig. Ito ay naipadama niya sa tula.
niya?

i. Paglalapat (ng aralin sa araw-araw)


-Kung ikaw ang persona sa tula, ano ang iyong -Masasaktan at malulungkot din po ako kung
nararamdaman sa mga nangyari sa tauhan? nangyari sa akin ang ganun.

-Nakaranas ka na bang umibig? Magbigay ng -Opo. Positibo: (1.) una, may inspirasyon kaya
positibo at negatibong dulot nito? lahat ng bagay ay nagiging madali. (2.) pangalawa,
laging masaya dahil may nagmamahal at
umiintindi.
Negatibo: (1.) una, sa sobrang pagmamahal,
may posibilidad na hilahin mo ang tao pababa.
(2.) pagkakaroon ng selos na dahilan ng pag-aaway
na nauuwi sa pananakit.

-Kung ikaw ay bibigkas o aawit ng isang tula, sa - Sa paraan pong ginagamit ang puso upang
paanong paraan mo ito gagawin? maipadama ang damdamin ng tula at
nararamdaman ng nakikinig.

-Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang damdamin sa -Mahalaga ang damdamin upang maihatid ang
pagbasa o paglapat ng himig sa isang tula? nakapaloob sa isang tula ito man ay paawit o
pagbasa.
h. Paglalahat (ng aralin)
-Ano ang buod ng binasa nating tula? -Ang gansa ay maihahalintulad sa taong sabik sa
pag-ibig at ng makakita ng pagkakataon ay agad
sumunggab ngunit huli na ng malaman na ang pag-
ibig pala ay pinagsamang hirap at sarap.

-Ilarawan ang mga damdaming namayani sa piling -nahuli sa pain umiyak- nasakta (dahil umibig)
taludtod. -hindi ako makaalpas- nalungkot
-lambat ko ay aking itatabi, subalit kay Inay anong
masasabi - nag-aalala
-Sapagka’t sa pag-ibig mo’y nabihag-
nagmamahal/umiibig (nahulog ang loob)

-Anong uri ng tula ang ating napag-aralan at ano ang -Tulang liriko o tulang damdamin, ito ay isang
mga damdaming nakapaloob dito? liriko na pastoral. Ang mga damdamin sa tula ay
masaya, nasaktan, umiyak, nalungkot.

-Ano ang aral na natutunan mo sa tulang ating -Hindi lang pala puro kasiyahan ang pag-ibig.
nilapatan ng himig? Kapag ikaw pala ay umibig ay dapat handa ka ring
masaktan
IV. PAGTATAYA
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang higit na pinapahalagahan ng mga taga-
Egypt?
a. kayamanan c. kapangyarihan
b. buhay d. kamatayan
2. Anong damdamin ang namayani sa taludtod na
“hindi ako makaalpas”.
a. masaya c. nahihirapan
b. malungkot d. natatakot
3. Anong uri ng tulang liriko ang “Ang Tinig ng
Ligaw na Gansa”?
a. elehiya c. pastoral
b.sonata d. oda
4. Anong damdamin ang ginamit sa taludtod ng tula
na “nahuli sa pain, umiyak”?
a. malungkot c. nasaktan
b. masaya d. pag-aalala
5. Ang salitang bitag ay katulad ng mga sumusunod
na salita maliban sa:
a. Nakulong c. bilanggo
b. Preso d. takas

D. TAKDANG ARALIN
Basahin ang tula lirikong pastoral mula sa Pilipinas
na “Bayani ng Bukid” at sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-ano ang simbolismo sa tula?
3. Ano ang damdaming nangibabaw sa tula?

Inihanda ni:

ETHEL MARIE P. ACOB


Guro I

You might also like