You are on page 1of 8

Perang Sawi

Sa lugar ng Masbate may isang mag-inang namumuhay ng mapayapa. Ang kanyang anak ay
palaging tumutulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. Sila ay gumagawa ng paraan para
sila umahon sa hirap.

( Sa bahay )

Anak: Inay?

Inay: Ano iyon anak?

Anak: Nay may natira pa bang tuyo diyan? Ibibinta ko sana sa kapit-bahay natin para magkaroon tayo ng
pera.

Inay: Anak ubos na .Magpahinga ka muna kasi kanina ka pa nagbibinta. Kumain ka muna.

Anak: Inay busog pa po ako. Pero nay? Maghahanap na lang ako ng iba kung pagkikitaan.

Inay: Magpahinga ka muna.

Anak: Nay mamaya na po . Pupunta lang po ako sa baryo para maghanap ng mapagkikitaan.

Inay: Sige anak mag-ingat ka ha?

Anak: Opo inay.

( Pumunta sa baryo ang anak at naghanap ng mapagkikitaan. Sa kanyang paglalakad may nakita siyang
bag at agad-agad niya itong kinuha. Dinala niya ito agad sa kanilang bahay at tiningnan.)

Anak: Ano kaya ang laman nito?Siguro mga damit ito buksan ko na kaya.

(Binuksan ng bata ang bag)

Anak: Pera! Ang daming pera!

( Narinig ito ng ina.)

Inay: Anak? Ano yang dala mo?

Anak: Nay may nakita po ako sa kanto na isang bag ang laman po nito ay pera. Nay ang daming pera.

Inay: Ibigay mo sa akin yan.

Anak: Ibabalik ko po ito sa may-ari nay.

Inay: Eh paano mo naman iyan ibibigay eh napulot mo lang naman yan.


Anak: Hahanapin ko po ang may-ari nito.Kung hindi ko po mahanap edi ihahatid ko na ang poi to sa pulis
nay.

Inay: Anak wag mo ng ibalik. Biyaya yan na galig sa Diyos. Anak ang perang yan ay gagamitin natin para
tayo ay makaahon sa hirap.

Anak: Nay ibabalik natin ito. Hindi po sa atin ito nay.

Inay: Anak hindi nga atin yan .

Anak: Kaya nga ibabalik natin ito sa may ari nay.

Inay: Anak ito ang tandaan mo kung hindi mo ibabalik ang perang iyan makakaahon tayo sa hirap.

Anak: Nay makakaahon nga tayo sa hirap pero hindi naman atin niyang perang yan.

Inay: Anak pa’no tayo mabubuhay kung wala tayong pera.

Anak: Inay makakaraos tayo hindi sa perang ito! Makakaraos tayo sa sarili nating pera.

Inay: Kailan pa anak? Kung mamakapagtapos kana? Hindi ka makakapagtapos kung wala tayong pera!

Anak: Inay maghahanap ako ng maraming trabaho para makapagtapos ako.

Inay: Halika sa loob!

( Pumasok ang mag-ina sa loob at doon ipinagpatuloy ang usapan)

Inay: Anak yang perang nakita mo mas palalakihin pa natin.

Anak: Inay iuuwi natin ito.

Inay: Anak bago natin yan iuuwi,ilalagay mo na natin yan sa investment.

Anak: Investment?

Inay: Oo nabalitaan ko nga sa ating mga kapit-bahay na nilalagay nila ang pera nila sa KAPA, kapa na
nagpapalaki ng perang nilagay nila. Anak mas mapapadali ang pagyaman natin.

Anak: Inay hindi natin yan iuuwi!

Inay: Anak wag mo nga ipapairal niyang ugli mo!

Anak: Inay mali kasi eh.

Inay: Anak binigay na sa atin yan tapos sasayangin mo lang?

Anak: Nay hindi ito binigay sadyang nakita ko lang ito sa kanto.

Inay: Anak pariha lang yon. Ito ang tandaan mo sa perang iyan yayaman na tayo.
Anak: Inay ibabalik natin to .

Inay: Sige ibabalik natin yan pero ilalagay mo na natin ang pera iyan at kung malaki na ang makukuha
natin saka pa natin yan ibalik sa pulis.

Anak: Pero nay paano tayo makakasiguro na maibabalik natin ang perang ito? Nay maraming pera ito
hindi na tayo makakakita ng ganito ka raming pera.

Inay: Anak ang mga kapit-bahay natin ay palagi ng nagwewedro at tsaka malapit na sialng maging
mayaman.

Anak: Inay? Paano kung magsasara yan?

Inay: Anak hindi iyan magsasara. Tandaan mo kung magsasara man iyan magiging mayaman muna tayo.

Anak: Nay hindi pa ba sapat ang ganitong klasing buhay?

Inay: Anak matagal na akong nangangarap na maging mayaman. Sawa na ako sa ganitong buhay.

Anak: Nay pangako mo sa akin na ibabalik natin to ha?

Inay: Pangako.

(Pumayag ang anak na ilalagay nila ang pera sa KAPA ngunit sila ay may kasunduan na ibabalik nila ito
kung sakaling makaahon na sila sa hirap.)

Inay: Anak pupunta na ako ha?

Anak: Inay saan ka pupunta?

Inay: Sa

( Napahinto ang Ina sa pagsasalita)

Anak: Ilalagay mo na ba yan nay?

Nanay: Ahhh oo nak.

Anak: Sige nay mag-ingat ka.

Nanay: Sige nak.

(Umalis ang ina at nilagay lahat ng pera sa KAPA nakalipas ang ilang buwan naka wedro sila ng pera.)

Inay: Anak naka wedro na ako sa kapa at 20,000 ito .

Anak: Inay magtira ka po kasi may babayaran pa tayo sa may-ari.


Inay: Wag mo muna yan iisipin nak. Ngayon pa nga tayo naka-wedro magsaya mo na tayo. Bibili mona
tayo ng mga gamit at mga kailangan natin.

Anak: Basta nay ibabalik natin yon.

Inay: Oo na ,wag mo muna isipan ang bambayad.

Anak: Okay po.

Inay: Aalis mo na ako dahil babayaran ko pa lahat ng utang natin sa kapit-bahay.

Anak: Sige nay.

(Umalis ang ina at nagbayad ng utang sa lahat ng pinag-uutangan.)

Anak: Panginoon ano po ang nangyayari sa nanay ko? Malaki po ang kanyang ipinagbago ng nagkapera
kami.

( Nakalipas ang isang oras umalis ang anak sa bahay at may narinig siyang balita sa radio ng kanilang
kapit-bahay na ´´kung sino daw ang nakakakita ng perang nasa bag at may pabuya itong isang milyon
kung sino ang makapagbabalik. Umuwi ang anak sa bahay at nakauwi na rin ang ina kaya sinabi niya
nag lahat ng kanyang narinig.)

Anak: Inay? Inay?(Tumatakbo)

Inay: Oh ano? Ba’t ka ba tumatakbo? Anong nangyari sayo?

Anak: Nay narinig ko po sa radio na kung sino daw ang nakakakita ng bag na may lamang pera at iuuwi
ay makakatanggap na pabuyang isang milyon.

Inay: Tapos? Ano ngayon?

Anak: Inay ibabalik na natin iyon.( Nag-aalala)

Inay: Anak paano natin ibabalik ang pera kung lahat iyon nilagay ko sa KAPA.

Anak: Ayan nay! Diba sinabi ko sayo na ibabalik na sana natin yon dati pero hindi ka pumayag!

Inay: Wag muna yan isipin, ang isipin mo sa ngayon na nabubuhay na tayo ng mapaya pa.

Anak: Inay! Hindi sa atin ang perang iyon! Diba sinabi ko sayo noon na hindi atin yan,hindi!

Inay: Anak hindi nga atin yon pero iyong perang iyon ang daan para sa maganda nating
kinabukasan.Diba?Diba hindi kana nakakakain ng tuyo ngayon?Noon halos umaga ,tanghali,at gabi
kinakain mo yon.

Anak: Kahit kailan hindi po ako nagrereklamo nay. Hindi ako nagreklamo sa kahirapan na nararanas natin
noon.
Inay: Hindi mo ba gusto ang ganitong buhay? Hindi mo ba gusto? Alam mo anak nakakabili na tayo
ngayon ng kahit na ano ,kahit na anong gusto mo!

Anak: Gusto ko naman pero mas maganda sana na ang lahat ng kailangan kung bilhin ay galling sa pagod
ko.

Inay: Mag-aaway na naman tayo?

Anak: Nay hindi ako nakikipag-away ang gusto ko lang naman na ibabalik natin ang perang hindi sa atin.

Inay: Ehh! Paano nga natin ibabalik eh lahat ng pera ay inilagay ko na sa Kapa.

Anak: Anong gagawin natin ngayon nay?

Inay: Magwewedro nalang ako bukas ng 50,000.

Anak: 50,000? Nay kulang po yan.

Inay: Yan na lang ang natira sa ngayong buwan.

Anak: Gawan mo ng paraan nay.

Inay: Oo gagawan ko ng paraan.

( Umalis ang anak at nagtungo ulit sa kapit-bahay. Narinig niya ulit sa radio na ” Kung sino ang
makakakita ng bag na may lamang pera ay sana iuuwi na kasi gagamitin ko ito para sa pagpapa-opera
sa nanay ko na nasa Pilipinas at kung sino ang makakapagbalik nito ay may pabuyang isang milyon.
Agad na bumalik ang anak sa bahay)

Anak: Nay? Inay?

Inay: Ano na naman ?

Anak: Nay narinig ko ulit sa radio na gagamit daw iyon sa pagpapa-opera ng nanay niya.

( Hindi pinakinggan ng ina at hindi rin ito sumagaot sa tanong)

Anak: Inay naman oh. Pakinggan mo naman ako ! Inay ano ba?

Inay: Ano ba? Kanina ka pa ah?

Anak: Gagamitin na nila ang pera nila nay!

Inay: Tapos? Ano? Anong gusto mong gawin ko?

Anak: Nay ipapa-opera niya raw sa nanay niya. Nay maawa ka naman oh!

Inay: Tumahimik ka!


(Umalis ang ina at pumunta sa baryo at doon may nabalitaan siya na nagsara na raw ang Kapa at hindi
muna ito maibabalik. Bumalik ang Ina agad-agad sa bahay )

Anak: Nay nandyan na ba ang pera? Maibabalik na ba natin sa may ari?

( Umiiyak ang ina at nagtaka ang anak)

Anak: Nay anong nangyari sayo? Ba’t ka pa umiiyak?

Inay: Ang perang nilagay natin sa Kapa ay hindi na natin makukuha.

Anak: Huh? Pa’no nangyari iyon? Anong gagawin natin ngayon nay?

(Umiyak ang mag-ina)

Inay: Iwan ko!

Anak: Anong iwan? Nay umisip ka ng paraan!

Inay: Anak kanina pa ako nag-iisip pero wala talaga eh!

Anak: Kasalanan mo yan nay eh! Kasalanan mo.

Inay: Ako ? Bakit ako?

Anak: Kung hindi ka sana nagpa-uto sa KAPA yan, hindi sana tayo ngayon nag proproblema!

Inay: Oo na ako na!

Anak: Ikaw naman talaga nay eh. Nay diba sinabi ko sayo na ibabalik natin ang pera pero ikaw itong
umayaw eh!

Inay: Umayaw ako dahil alam kung yayaman tayo sa perang iyon.

Anak: Naranasan ba natin ang pagiging mayaman nay? Naranasan ba natin?

Inay: Anak nakakabili na tayo ng kahit na ano.

Anak: Nakakabili nga tayo pero hindi tayo naging mayaman! Tandaan mo nay kung alam sana ng may ari
na tayo ang nakakita ng pera at nilagay natin sa walang kwentang kapa na yan!

Inay: Anak alam mo na kahit saglit lang umahon tayo sa hirap!

Anak: Oo umahon nga tayo pero saglit lang! Saglit lang! Nay tandaan mo kung alam lang nila , siguro
mapapatay tayo nila. Nay gagamitin iyon para sa operasyon ng nanay ng may-ari.

( Nagsisi ang ina sa lahat ng ginawa niya, umiyak ito ng umiyak)

Anak: Inay anong gagawin natin?


Inay: Wala akong maisip anak.

Anak: Babalik ako.

Inay: Saan ka pupunta anak?

Anak: Sa labas nay, sagit lang.

Inay: Sige.

( Umalis ang anak at nagtungo ulit sa kapit-bahay. Narinig niya ang sinabi ng may ari na galit na
galit``Kung sino man ang nakakita ng bag na may lamang pera ay sana makonsensiya na kayo kung
mamamatay ang nanay ko kayo ang sisisihin ko!´´Agad na bumalik ang anak sa bahay.)

Inay: Anak ? Anong balita?

Anak: Nay sabi ng may ari na kung mamamatay raw ang nanay niya ang nakakuha ang sisisihin.

Inay: Paano na tayo ngayon?

Anak: Nay parang nasa ibang bansa ang may-ari dahil sabi niya ipapa-opera niya raw ang nanay niyang
nasa Pilipinas.

( Sumuka ng dugo ang ina at nagtaka ang anak.)

Anak: Inay anong nangyari sayo? Ba’t dugo?

Inay: Wala lang yan anak.

Anak: Anong wala eh. Nay dugo yan?Ano bang sakit niyo?

Inay: Matagal na akong may kanser sa puso.

Anak: Ano yan nay?

Inay: Basta anak.

(Sumigaw ang anak )

Anak: Tulong! Tulong mga kapit-bahay. Tulong? Ang nanay ko po nagsusuka ng dugo.

Inay: Anak! Wag kang sumigaw!

Anak: Inay hihingi tayo ng tulong.

Inay: Wag na anak.

Anak: Bakit nay?

Inay: Wag na .
Anak: Bakit nga nay!

Inay: Parang mamamatay nako.

( Sumigaw ang anak ng malakas at sinabing´´ tulong parang mamamatay na nanay ko, tulong!)

Inay: Anak tumahimik ka!

Anak: Nay dadalhin kita sa Ospital.

Inay: Wag na anak. Wag na !

( Narinig ng isang kapit-bahay na namatay na raw ang Ina kaya tinawagan niya ang anak na lalaki sa
ibang bansa at sinabing patay na raw ang ina nito. Nang nalaman ng lalaki na patay na raw ang nanay
sa Pilipinas ay agad din itong nagpa radio ulit.)

Anak: Inay saglit lang ha?

Inay: Anak saan ka pupunta?

Anak: Saglit lang kukuha mo na ang ng masasakyan natin patungo sa ospital .Nay dadalhin kita sa
ospital,pangako.

Inay: Wag mo akong iwan?

Anak: Saglit lang nay.

( Umalis ang anak at lumabas ng bahay at habang sa kanyang paghahanap ng sasakyan may narinig
siya sa radio na´´ kung ikaw man ang nakakita ng bag na may lamng pera ,ba’t hindi mo binalik? Ba’t
hindi mo dinala sa pulis? Bat hindi ka humanap ng paraan para mapabalik iyon! Wala kang kwenta tao
kung sino ka man! Ngayon namatay ang nanay ko dahil sayo! Dahil sayo! Lahat ng iyon ay narinig ng
anak kaya agad itong bumalik sa bahay.)

Anak: Inay? Inay?

( Nawalan na ng malay ang ina, Namatay na ang ina)

Anak: Inay? Inay? Ba’y mo ko iniwan ? Nay?Inay?

( Doon nalaman ng anak na ang perang nakita niya sa bag ay perang galing sa kuya niyang na sa ibang
bansa. Ipinada ito para maipagamot ang nanay niyang may kanser sa puso ngunit huli na ito ng
nalaman ng anak kaya namatay ang ina dahil din sa kanila.)

You might also like