You are on page 1of 2

1st part:

Narrator: Malamig na hapon, masayang nagta-trabaho sa lugawan ang walong taon na si Kian nang biglang….
Aling Mercy: Anong ibig sabihin nito ha bata ka?! Kaya pala unti-unting nauubos ang pera sa ampaw ko dahil
kinukuha mo!
Kian: H-hindi po t-totoo iyan! Wala po akong kinukuha! Wala po sa bag ko ‘yan kanina…
2nd part:
Aling Mercy: E anong itong nasa bag mo?! Palamuti galing sa maliit na sahod?!
Kian: Maniwala po kayo… Wala akong kinukuha…
Anak ni Mercy: Palayasin mo na yang pulubing yan mama! Pinatuloy mo na rito sa pwesto upang magbantay,
nagnakaw pa ng pera! Walang utang naloob!
3rd part:
Aling Mercy: Wala ng anu-ano! Lumayas ka na! Hindi kita ipahuhuli dahil kaunti pa akong awa! Halla sige
layas!
Kian: (hindi na nagbalak magsalita dahil kilala niya na ang ugali nito)
Anak ni Mercy: *dimunyu*
4th part:
Narrator: Sa isip ni Kian, alam niyang ang anak na salbahe ni Aling Mercy ang gumawa nito dahil siya'y
kinaiinggitan at minsan na siyang binantaan.
Picture ni Kian na umalis habang may hawak na kahoy.
5th part:
Narrator: Sibukang maghanap ni Kian ng pabibagong papasukat at sa pang-limang pagkakataon….
Tindera: Sige na po ale, tanggapin niyo na po ako. Wala pa pong laman ang tiyan ko. Gutom na gutom na po
ako.
Ale: Hindi maari! Balita dito sa centro publacion na ikaw ay isang magnanakaw! Dapat sayo'y hinuhuli ng
DSWD!
6th part:
Kian: *sa taas ng ulo ni Kian* (Isang linggo ng kumakalam ang aking sikmura. Wala akong ibang pagpipilian
kundi bumalik sa pamamalimos)
Nagtitinda: Umalis ka nga riyan! Ang baho mo kaya walang bumibili sa paninda ko! Malas ka e!
Kian: Hindi ko naman po kasalanan kung lanta na ang mga gulay at ang mga isda'y namumula na ang mata.
7th part: Matutulog
Kian: Matutulog nanaman akong kumakalam ang aking sikamura.
Panginoon, masyado mo naman akong pinagkakaitan. Wala akong magulang, wala akong tahanan, kahit
kaunting pagkain lang maalis lamang ang sikmurang kumakalam. Kung maari, ako'y bigyan ng kaunting
kaligayahan... hangad ko rin ay pagmamahal kahit kaunti.
8th part:
Batang babae at napamulat ang mata ni Kian: Bata gising! Umaga na. Ayan oh, pagkain.
Kian: Sino ka?
9th
Alena: Ako si Alona ang batang walang kwenta. Pulubi rin kagaya mo. Naitapon dahil masyado na kaming
maraming magkakapatid. Ikaw sino ka?
Kian: Kian nga pala. Lumaki sa daan pero nagbabantay ng lugawan para may matuluyan. Nagta-trabaho ako
dati sa doon pero napaalis ako dahil ako'y napagbintangan. Maraming salamat sa pagkain.
10th
Alena: Nakalulungkot naman ‘yan. Pero ayos lang bilisan mo jan, mangangalakal tayo ng basura imbes na
mamalimos.
Kian: *kumain*
11th – shocked moment pa lang
*Nangangalakal ng basura yung dalawa tapos nakita ni Kian na may sumisigaw sa cliff bata kaya tinulungan
niya*
12th
Kian: tinulungan yung bata.
13th
Kian: Ayos ka lang ba?
Alena: Tignan mo kasi ‘yang dinaraanan mo. Buti nga may mata ka.
Bata: Pa-pasensya na. Kailangan ko ng umalis…
14th
Ale na keme: Nanjan na ang nangunguha ng mga galang bata!
Alena: Takbo!! Kian ‘wag kang magpapahuli! Masasama sila! Huhuliin at gagawing ka nilang alila!
Kian: Oo Alena!
15th
Nahuli si Alena
Alena: Tumakbo ka lang! Wag kang lilingon!!
16th
Nahuli si Alena samantala, napadpad si Kian sa lugar na hindi niya kilala.
Kian: Palipos po.... Parang awa niyo na. Gutom na gutom na ako.
May mamang lumapit:
Mama: Ito tanggapin mo. Nais mo bang sumama sa akin at magkaroon ng magandang tahanan? Ipararamdam
ko sayo ang pagmamahal ng isang magulang.
17th
Makalipas ang dalawang buwan...
Kian: Maraming salamat po sa lahat ng ibinigay niyo sa akin. Hindi ko pa malilimutan lahat ng kabaitang
ipinamalas niyo sa alin. Dadalhin ko po ito hanggang sa pagkamatay ko. P-papa n-nahilo po ako….
Lalaki: (picture nung anak niya)
18th part last.
Kian: nakahiga sa kama tas inalis yung puso.
Lalaki na kumidnap: pasensya ka na. Hindi ko kayang mawala ang anak ko at hindi siya mapapalitan ng kahit
na sino....

You might also like