You are on page 1of 1

Si Anthony ay galing sa isang mayamang pamilya.

Ngayong papalapit na ang kanyang kaarawan binigyan siya ng kanyang


mga magulang ng pera bilang regalo. Matapos nyang matanggap ang pera ay agad-agad siyang nagbihis upang pumunta
sa pinakamalaking pamilihan sa kanilang bayan. Pagkalipas ng ilang oras ay isang piso nalamang ang natira sa perang
ibinigay sakanya ng kanyang mga magulang. Papaalis na siya sa pamilihan nang may lumapit sakangyang isang bata na
humihingi ng pera, kahit may isang piso siya sa kanyang bulsa nagsabi parin siya na wala siyang pera. “Kuya sigurado ka
po ba?” tanong ng bata, “Oo, tumabi ka nga sinasayang mo ang oras ko!” sagot ni Anthony, “Eh bakit may piso ka sa iyong
bulsa? “ isinigaw ng bata, biglang napatigil si Anthony sa paglalakad dahil kinilabutan siya sa sinabi ng bata pero isinantabi
niya ito at itinuloy uli ang paglalakad “Mamalasin ka” pabulong na sinabi ng bata. Pag ka uwi niya naabutan niyang nag
aaway ang kanyang magulang dahil sa palugi na ang kanilang negosyo. Makalipas ang isang linggo, puro kamalasan ang
binanas ng niya at ang kanyang pamilya. Nagtaka siya kung ito ba ay dahil sa bata na kanyang nakasalubong sa pamilihan
at nag pasya siyang hanapin ang batang kanyang nakasalubong sa pamilihan upang humingi ng tawad, kinabukasan ay
hinanap niya ang bata sa pamilihan subalit hindi niya ito mahanap. Makalipas pa ang ilang araw lumala na ang kamalasang
nangyayari sa kanyang pamilya dahil na lulugi na ang kanlang negosyo, sila’y naghirap, nag hiwalay ang kanyang mga
magulang at ang kanyang ama ay nagkaroon ng sakit na cancer dahil sa mga ito napaiyak si Anthony atmakikita mo
sakanyang muka ang pagsisisi. Biglang may bumulong sakanyang tenga “Ano? Natutunan mo na ba ang aral na binigay ko
sayo?” pag talikod ni Anthony nakita niya ang batang kanyang nakasalibong sa pamilihan, bigla siyang lumuho at nagsabing
“Opo natutunan ko na po ang iyong aral na binigay, magiging mabait na po ako, sana mapatawad mo po ako at sana po
bawiin niyo na ang kamalasang ibinigay niyo saamin” “I-pangako mo saakin na magiging mabait kanang bata” sabi ng bata
at nangako rin si Anthony. Mula noon bumalik na sa dati ang kanyang pamilya lumago na uli ang kanilang negosyo, hindi
na sila mahirap, nagkabalikan ang kanyang mga magulang, gumaling na ang kanyang ama mula sa cancer at naging
mabuting bata na si Anthony.

You might also like