You are on page 1of 13

Mahirap man ang Gawain, Kakayanin Ko

Ang ibig sabihin ng Katatagan ng loob ay yung kahit na anung


mangyari ay makakaya mo itong lampasan o tapusin at yung kahit na
anu pa, yung mga masasakit na sinasabi ng ilan sa paligid mo ay
walakang pakialam sa halip ay mas pinatutunayan mo pa sakanila na
kaya mo at mali sila...

Ito ay may kaakibat na panininindigan at pagtitiis.


1. Para kanino ka lumalaban?
2. Ano ang gusto mong marating balAng araw?
3. Paano ka matutulong saiyong pamilya at kapwa?
Isang Dakilang Anak
Gising na si Albert nang als-singko ng umaga. Maingat niyang
inaayos ang mga kakanin. Nagtitinda siya ng kakanin araw-araw na
hinahango niya sa kaniyang kapitbahay na nagluluto nito.
Binabayaran siya ayon sa bilang ng kakanin na naipagbili niya. Mabilis
kumilos si Albertn. Kailangang maaga siya sa kalsada para marami
siyang maibenta. Pagkatapos, uuwe siya upang maghanda para sa
pagpasok sa paaralan. Ito ang karaniwang gawain ni Albert sa halos
isang taon na ngayon.
Nag-iisang anak ni Albert, pero hindi katulad ng ibang
batang kasinggulang niya na nakahihiling ng anumang naisin sa
kanilang mga magulang. Tinutulungan niyang maghanapbuhay ang
kaniyang ama halos isang taon na ang nakaraan.
Isang araw habang nagtitinda si Albert, nakita siya ng mga
batang naglalarto, sa kalye.
“Puto, biko, kutsinta!” sigaw ng masipag na bata
“Eto na si Biko- Kutsinta!” pangungutya ni Gerry. “Hoy,
napakaingay mo! Para kang babae sa laks ng boses mo”.
“Tama, at masama ang lasa ng itinitinda mong pagkain. Mga
chocolate cake kaya ang itinda mo, mas masarap,” dagdag ni Mark.
Hindi na lang sila pinansin ni Albert. Ilan lamang sila sa mga
taong nakakatagpo niya sa kalye araw-araw. Tuloy lang siya ng
paglalakad. Naalala niya ang payo ng kaniyang ina na lang laging
maging mahinahon at huwag makikipag-away kahit ginagalit.
“Puto, biko, kutsinta1!” patuloy na sigaw ni Albert.
Pagkatapos magtinda ng kakanin, karaniwang masayang
umuuwi si Albert. Kung minsan, dumaraan muna siya sa botika para
bumili ng gamot para sa may sakit na ina. Pagkatapos bibili siya ng
masarap na almusal at uuwi na.
"Ikaw ba iyan, Anak?" tanong ng nanay ni Albert.
"Magpahinga ka muna bago pumasok sa paaralan. Nagawa mo
na ba ang takdang-aralin mo?
"Opo, nanay," sagot ng mabuting anak."Kumain po tayo
para makainom na kayo ng gamot ninyo".
Maluha-luha si Aling Vicky, ang ina ni Albert. "Mabait
ang anak ko at matatag ang loob sa pagharapmnsa mga
pagsubok na nararanasan namin. Hindi rin siya nagrerekalmo.
Alam kong magiging maganda ang kinakabukasan niya.
Suwerte talaga ako sa pagkakaroon ng anak na tulad niya.
Patnubayan siya palagi ng Diyos", bulong ng ina sa sarili.
Minsan nakakuha ng mahabang marka si Albert sa
kaniyang pagsusulit. Inaalagaan niya kasi noon
Ang inang may sakit kaya hindi siya nakapag-aral. Kinausap
siya ng guro niya at sinabi sa kaniya ang tungkol dito. Naikwento ni
Albert sa guro ang kaniyang sitwasyon.
Isang linggo pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang guro,
ipinatawag siya sa opisina ng punong-guro. May magandang balita
para sa kaniya; ang Parents-Teachers’ Association (P.T.A) ng kanilang
paaralan ang magbabaya ng kaniyang mga gastusin sa paaralan.
Makakakuha pa siya ng regular na sustento!
Masayang-masaya siya na sinabi sa kaniyang nanay ang
magandang balita.
Hindi na kailangang magtinda ni Albert ng kakanin sa
umaga. Bihira na ring magkasakit ang kaniyang ina. Nagkakaroon na
ng oras sa mga kaibigan ni Albert. Dahil matulungiin si Albert,
tinuturuan niya ang mga kamag-aral niyang mababa sa mga
pagsusulit.
“Salamat po, Diyos ko, sa katatagn ng loob na ibinigay ninyo
sa anak ko,” nakangiting wika ni Aling Vicky.
1. Sino si Albert? Bakit kailangang magtrabaho ni Albert sa murang edad?
2. Bkit tinutukso ni Gery at ng kanyang mga kaibigan si Albert?
3. Ano ang natanggap ni Albert at paano ito nakatulong sa kaniya?
4. Bakit mahalagang maging matatag ang loob sa pagharap sa mga problema o
pagsubok?
Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Ano ang kabutihan ng
pakikipaglaro sa ibang bata lalo na sa higit na nangangailangan?
Punan ang kulang na titik upang mabuo ang pahayag.

P G B I G Y

G B O G P S
1. Magiging masaya ka ba kung ibibigay mo ang iyong
upuan sa bus sa matanda o mahina?
2. Nag-iisip ka ba kung tama o mali ang ang isang bagay
bago ito gawin?
3. Tutulungan mo ba ang isang taong nasaktan kahit
maaabala ang iyong ginagawa?
4. Iiwasan mo ba ang tukso na magbababad sa
computer shop?
5. Sasama ka ba sa iyong kaibigan na makipagkita sa
nakilala niya sa social media?
Paano na susuriin ang isng bagay na may kinalaman sa iyong sarili at pangyayari?
Mamili ng isa sa mga sumusunod na bagay. Sumulat ng talata tungkol dito.
1. Panghiram ng mamahaling laruan
2. Pangongopya ng takdang aralin
3. Pananamit
4. Pamamasiyal kasama ng mga kaibigan.

You might also like