You are on page 1of 8

5

Ang Mag-Ama: Si Renexiahn Kiercartes, isang senior; at


ang anak Niyang si Socraoren Rhynie, at si Renexiahn
Junior Kiercartes (na ngayo’y lumalaki na)…

“Anuman ang mga naging hirap ko para mapag-aral ang lahat


ng aking mga anak,” wika ng isang ama na nasa edad magpi-
pitumpung taong gulang; banaag sa kanyang hitsura ang
maraming taon ng pagtatrabaho—isang pagal at subok na
tatag, siyempre, dahil sa gracia ng Diyos na nagsu-sustena ng
Kanyang mga lingkod—gaya nga ni Ginoong Oceano, ama ni
Socraoren, dating tubero sa ciudad ng Menloah; ang ma-
tandang lalaki na si Oceano, haligi ng tahanang Kiercartes, ay
may taglay na pambihirang galak na halatang-halata sa anyo
ng kanyang mukha, na habang ikinukwento ang pagpapala sa
kanilang pamilya ukol sa pagkakaroon sa wakas ni Socraoren
Rhynie Kiercartes ng mas maayos na trabaho; ang kanyang
pangatlong anak—at pito silang magkakapatid sa ina—na
kanyang unang asawa, si Ginang Socrameen (nanay ni
Socraoren) at pangalawang lalaki mula sa panganay itong si
Socraoren): siya ay naging isang guro sa kolehiyo dito nga sa
unibersidad ng Praktisaduz Colonia Academia, sa Lengwa.

“Anuman ang mga naging hirap ko para mapag-aral ang lahat


ng aking mga anak—lalo na sa pangalawa ko, si Socraoren
Rhynie—ang mahalaga ngayon, natutuwa ako sa Panginoon
dahil dininig Niya ang panalangin ko para sa Kuya ninyo,”
wika ni Ginoong Oceano, na may halong mga pagluha at pag-
yakap sa mga anak niya, samantalang ibinabahagi ng ama ang
nadarama nitong katagumpayan at kasiyahan; nagpatuloy si
Oceano sa kanyang sinasabi, samantalang pinupunasan ng
bunso (na si Renexiahn Kiercartes, Junior) ang sarili nitong
mga luha, kasabay ng umiiyak o tumatangis din na kanilang
ama dahil nga sa blessing kay Socraoren Rhynie Kiercartes
bilang isang professor ng Philosophical Arts department sa
paaralan na siya’y nagtapos ng kolehiyo, ang PCA Lengwa.

Kaharap din ni Ginoong Oceana ang isa niyang katrabaho.

5
6

6
7
Ang Kayamanan ng Physical Library at Online Library

(A.1) The Instructor and His Students


Nasa ikalawang palapag ng PCA Main Library si Professor
Socraoren Rhynie Kiercartes, kasama ang isang special class
ng siyam na mga estudyante na kanyang tinuturuan sa
dalawang courses na: (1) Philosophy of Mind, atsaka sa (2)
Ethics, or Moral Philosophy. Twice a week ang kanilang
schedule at ngayon ay araw ng Huwebes, dakong alas-onse
emedya na ng umaga: tatlumpung minuto na lang at magta-
tanghaling-tapat na, kaya’t minabuti ni Professor Kiercartes
na ibuod ang kanyang huling lecture sa kanila sa 2nd subject
na ito, Moral Philosophy, na may pamagat na Virtue Ethics.1
“Virtue ethics [or aretaic ethics from Greek ἀρετή (arete)
are normative ethical theories which emphasize virtues of
mind, character and sense of honesty.” (Wikipedia)
Nasa last point na siya ng kanyang lecture, at ito’y tungkol sa
isang pragmatic principle sa paglutas o pagremedyo sa isang
sitwasyon—sa isang foresight approach upang maagapan ang
lunas at mas mabigyan ng oras ang pagbalangkas at paglapat
ng solusyon sa mga posibleng paparating na suliranin.
“A proactive person or policy is creating or controlling a
situation by causing something to happen rather than
responding to it after it has happened. It’s not just reactionary.”
Iyan ang kanyang pagpapaliwanag, which is, obviously, a
standard definition from textbooks and other scholarly sources.
Tila ba nag-i-enjoy siya nang husto sa kanyang expostulations,
or the act of reasoning earnestly in order to dissuade or
remonstrate.

Note 1: Virtue ethicists discuss the nature and definition of virtues and
other related problems that focus on the consequences of action. These
include how virtues are acquired, how they are applied in various real
life contexts, and whether they are rooted in a universal human nature
or in a plurality of cultures.
7
8
“Be proactive in identifying and preventing potential
problems,” dugtong pa niya. “Proactive behavior involves acting
in advance of a future situation, rather than just reacting. It means
taking control and making things happen rather than just adjusting
to a situation or waiting for something to happen.” Period. 
Nagugutom na ang isa o dalawa sa mga nakikinig sa maiksing
lecture (raw) ni Professor Kiercartes dito sa Conference
room. Ang location nito ay katabi lang ng Study Area ng mga
estudyante dito sa loob ng main library. Naka-airconditioned.
“Napakahaba namang magturo ni Sir. Nagugutom na’ko.”
“Hindi naman, sakto nga lang e. Diba 11:45am ang out
natin sa kanya? Wala pa namang time; di kasi nagmirienda…”
“Manahimik ka. Ang daldal mo.”
“Hindi noh.” “Nagugutom ka lang talaga.”
“Baka marinig nya tayo, yari ka sa akin…”
Pasulyap-sulyap ng tingin ang professor sa panig na kinauupuan
ng magbestfriend na sina X at Y. Malakas ang pandinig niya at
alam niyang may nag-uusap nang pabulong pero hindi niya
masyadong pinansin. “That ends our lecture. Any questions?”
Nagtaas ng kamay si X. Napatingin ang halos lahat ng kaklase.
Sa loob-loob nila, Tingnan mo ‘tong taong ‘to. Nagtaas pa
talaga ng kamay?! Imbes na uwian na. Aigooo… Haist.
“Yes, Xhianty,” tugon ng professor habang nakatingin sa
kaibigan ni Yaldeel na tila confident sa kanyang itatanong.
Halatang na-puzzle si Yaldeel sapagkat kanina lang ay sinabi ni
Xhianty na nagugutom na sya.
“Prof. Rhynie,” (iyon ang second given name ni Socraoren).
Parang bumwelo muna si Xhianty, sumulyap saglit kay Yaldeel
atsaka sumagot sa professor.
“Yes what is your question?” nakatitig ang mata nito kay X.

8
9
“Ahm, ah.. Prof Rhynie, tutal ten minutes na lang ay out na
natin. Itatanong ko lang po sana kung...” (medyo binitin pa nya)
“Kung…?” agad na pinasundan ng professor.
“Huwag po kayong magagalit Sir, pero…”
“Pero…?” halatang pasensiyoso ang maestro.
Napapikit na lang si Yaldeel at napasara nang ubod-higpit ang
mga labi nito, dahil tila nabasa na niya ang sasabihin ni Xhianty.
“Prof. Pwede na po ba akong umuwi?”

Ikalawang Tagpo: Sa lugar ng Quovou (bigkas: ‘Kiuvu’), sa may ciudad


ng Queda Cieda, rehiyon ng OLA (Overall Land Area), ang capital region
ng bansang Palañas.
Dito’y itinatag ang isang religious school na naiiba sa dati ng mga naka-
tayong paaralang nagsasanay ng mga magiging preachers & pastors…

*******

Ang Estudyanteng Henyo, pero Hindi Seryoso sa Seminaryo

Wallito Cephas Meets Ryuzakie Khearona

(B.1) The Knowledge from Divine Revelation, Exposited


(Ikaapat na Meeting ng Klase)
[Tatlumpu’t dalawang mga seminarista o mga Bible students ang
ipinadala ng kanilang mga kanya-kanyang ecclesia at mga
ministers nito, dito sa Chariz Ministerium Aeyscuela ng Quovou.]
First semester ng school year, buwan ng Hunyo, at nasa ikalawang
linggo na sila ng klase—ibig sabihin, ito ang fourth meeting (dahil
twice a week ang schedule, two days: Tuesday at Thursday); at
araw ng Huwebes ngayon—alas-onse emedya (11:30AM).

9
10
Ang Chariz Ministerium Aeyscuela ay naglalaan ng two weeks of
“free sit-in” sa morning at afternoon class ng mga tutors.
Ibig sabihin, ngayon ang last day ng libreng “sit-in”, at pagkatapos
nito ay kailangan ng mag-decide finally ng isang student kung
tutuloy siya para sa isang semester; that being said, He must enroll
and pay his tuition fee (or at least make a down payment—partial
fee). For now, ang bawat mag-aaral ay ibinibilang na ‘sit-in’,
ngunit simula sa darating na Martes ay hindi na pahihintulutan ang
sit-in.
Nasa labas ng classroom ang mga estudyante dahil break time.
Katatapos lang ng unang klase nila kanina, sa Dogmatics 1:
‘Bibliology’—or, The Doctrine of the Word of God (3 units ito).
Susunod na ang klase sa ‘Roman Catholicism’, Part 1 (2 units).
*******
Masayang araw ito para sa estudyanteng si Wallito Cephas, taga-
Cieda des Menloah, tubong-Praktisaduz at naglilingkod sa ecclesia
ng Desiring GOD Reformed & Reforming Evangelical Church of
Praktisaduz, at the locality of Lengwa Municipality; siya ay
naglilingkod roon bilang ikatlong Maestro ng paaralan ni Tirano
tuwing linggo. (Ito ay isang Sunday School class para sa mga adult
believers/members at ipinangalan base sa isang passage sa Book
of Acts, na kung saan ang Apostol Pablo ay ipinagpatuloy ang
kanyang pagtuturo sa Hall ni Tirano.2) Sa kasalukuyang sitwasyon
niya bilang freshman, napalayo nga siya ng distancia sa kanilang
ecclesia sa bayan ng Lengwa sapagkat siya’y naninirahan ngayon
sa kanyang kumpareng tubero at construction worker sa ciudad ng
Menloah dito sa Overall Land Area. Hawak-hawak pa niya sa
kanyang kaliwang kamay ang brochure invitation para sa semester
na ito, na kinasusulatan rin ng endorsement signature ng kanyang
pastor. Nakasulat rin ang ganitong description ng Dogmatics 1:
“Pag-aaral ng doktrina ng Kasulatan. Ang Reformed
theology ay tumitindig sa konviksiyon ng Protestanteng
prinsipyo na Sola Scriptura. Bawat evanghelikong doktrina ay
nakatayo sa ating pag-uunawa na ang Biblia ay hindi
nagkakamali sa inaangkin nito, hindi ito mabibigo sa mga
itinuturo’t inihahayag at mayroon itong kapangyarihan o
awtoridad bilang siyang panukat ng mga claims ng katotohanan
10
11
at pagpunto sa kamalian at higit sa lahat, ang doktrina nito ukol
sa Persona ng Diyos ay banal na katuruan at naghahatid sa
kaalaman ng kaligtasan ang mga inihahayag nito ukol sa gawain
ng Diyos, kaya’t mayroon itong espesyal na katayuan bilang
ang Salita ng Diyos na nasusulat: bukod-tangi, walang kapares,
at nananawagan sa mambabasa na ilagak sa Diyos, kay Cristo
Jesus lamang—sa Kanyang Persona, buhay, kamatayan at
muling pagka-buhay—sa kanya lamang ang tuon ng
pananampalataya ng evanghelio ng biyaya, at ang bawat
tumatanggap sa Kanyang pagka-Panginoon ay nararapat
magsisi sa kanyang mga kasalanan, talikuran ito at bumaling sa
Tagapagligtas na isinugo ng Diyos: ang Kanyang bugtong na
Anak, si Hesus, ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang
mga Poimen (pastors) ay hindi pwedeng walang kaalaman
nitong napakahalagang katotohanan. Ang kursong ito ay
naglalayon na talakayin at sagutin rin ang mga kasalukuyang
trends at mga hamon na nagkokompromiso sa prinsipyo ng
Tanging ang Kasulatan lamang (Sola Scriptura). Makakatulong
rin ito na positibong iapply ang doctrine ng Word of God sa
kontemporaryong ecclesia at Cristianong buhay.

Ang lecturer ng Dogmatics ay ang main tutor and,—at the same


time—the Principal as well, ng seminary of Chariz Ministerial
Aeyscuela, si Poimen Chesastor.1 (Note: Poimen means Pastor.)
Isang nakakabuhay, ubod-sigla, anointed na pagtuturo ng isang
mahusay at iginagalang na pastor-na-guro: napakalaking
pagpapala ang maupo sa kanyang mga lectures, makinig, matuto,
mahamon at lumago tungo sa pagiging kawangis ng Punong
Pastol, ang Dakilang Panginoong Jesu-Cristo; kawili-wili maging
ang mga asides, at pati mga illustrations; napaka-sober ng mga
applications at inspiring ng mga ibinigay na hamon para sa mga
aspiring pastors at mga already workers na ng mga churches! At
ganon rin sa kaseryosohan at attentiveness sa pakikinig nitong
mga mag-aaral (bagaman may ilang mga naninibago, particular
ang mga freshmen); nangingibabaw rin ang excitement at
enthusiasm sa interactions mula sa mga students matapos ang
lecture, dahil sa Q & A na matiyagang hina-handle ni Principal
Tutor Chesastor—sinasagot ang mga katanungan ng mga baguhan,
maging ng mga veterano sa laban, ang matatagal na sa ministry.

11
12

[ Ring… Ring… ] Tumunog na ang electric ring bell ng room.


Tapos na ang 10 minutes break time; kaya’t pinatunog na ng
Tutor ang alarm bell para pumasok at magsiupo na ang bawat
estudyante

12

You might also like