You are on page 1of 3

SCRIPT

A.P (Performance Task) : Group 3

First Scene :
Ang anak at ang ama ay nasa ilalim ng kahirapan, tila'y nagkaroon ng malubhang sakit na kumakalat sa
lansangan, ngunit Isa na sa biktima rito ang kanyang Ama.

Umaga na't bumangon na ang Anak upang maghanda sa iskwelahan. Kumakain siya sa hapag-kainan
habang ang Tatay niyang may sakit ay nagpapahinga o nakahiga lamang sa gilid at sa tabi nito,
nakikinig ang mag-ama sa Radyo.

Taga-Balita : "Magandang magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si [Insert Name]
Nagbabahagi sainyo ng balita sa "Radddioo ika-3" hindi lamang impormasyon ngunit magbibigay
kaalaman rin sa inyong lahat. Ayon nga sa karaniwang pangyayari ngayon, Tila may kumakalat na
malubhang sakit rito sa Valenzuela at ayon naman sa mga tindera ng mga tindahan ay nagkakaubusan
na daw ng Supply ng gamot dahil sa pagtaas ng bilihin ngayon sa rami ng taong nagkakasakit. Kaya't
mag-ingat tayong lahat at sa mga nagkaroon ng sakit ay mas mainam pa't manatili nalang sa bahay
upang magpahinga. Ayun lamang po ang maibabahagi ng "RadioooOo Ika-3" muli ako si [Insert Name]
Nagbabahagi sainyo ng balita, hindi lamang impormasyon ngunit magbibigay kaalaman rin sa inyong
lahat! "

Tumayo na ang Anak at naglinis na ng lamesa upang pumunta sa iskwelahan. Pagkatapos mag linis at
nagpaalam na siya sa kanyang itay upang umalis patungo sa paaralan.

Anak : Itay, mauuna na po ako.

Tatay : Sige anak, pasensya na’t hindi ako makakapagbigay ng baon, hindi rin ako makapagtrabaho dahil
sa sakit ko.

Anak : Ayos lang ‘tay, ang mahalaga po ay makapagpahinga ka na ng maayos at gumaling. Sige po
mauuna na po ako.

Tatay : Mag-iingat ka!

Pagkalabas ng anak ng bahay, agad siyang tumungo sa paaralan. Habang naglalakad ay nakasalamuha
niya ang kanyang kaibigan. Dali-dali siyang inakbayan nito.

Kaibigan : Uy! Papunta ka na rin pala sa iskwelahan, tara sabay tayo!

Anak : Sige!

Nagkwentuhan ang mag-kaibigan papunta sa iskwelahan. Makalipas ng ilang oras ay nakarating na sila
sa paaralan, ilang klase na ang lumipas at nakikinig ng maayos ang Anak sa guro, nagsusulat siya
tuwing mayroong pinapasulat at nakikiparticipate rin siya sa mga aktibidad na pinapagawa.

Oras na ng recess at nilapitan ng kaibigan ang Anak.


Kaibigan : Huy! Ayos ka lang ba? Kanina pa kita pinagmamasdan at parang tulala ka yata.

Anak : Ayos lang ako, pero nagkasakit kasi yung tatay ko.

Kaibigan : Naku! Nagkaubusan pa naman ngaun ng Supply ng Gamot dahil sa biglang dami ng taong
bumili nito.

Anak : Ayun nga ang problema. Wala akong mabilhan rito kaya iniisip ko kung papaano na ang tatay ko?

Kaibigan : Huwag ka muna masyadong mag-isip, may solusyon naman riyan. Sana gumaling na tatay mo,
kumain ka na rin pala malapit na dumating yung teacher.

Pagkatapos ng ilang oras ay uwian na, umuwi na ang anak at tumungo sa kanilang bahay. Pagkarating
niya ay nadatnan niya ang kanyang Ama na ubo ng ubo na tila’y nahihirapan na ito.Dali-dali niyang
nilapitan ang kanyang ama at inabutan ng tubig.

Anak : ‘tay! Okay ka lang!? Dali ‘tay pumunta na tayo sa ospital!

Ama : ‘Nak, wala tayong pera. Hayaan mo na.

Ngunit labis na nag-alala sa Ama ang Anak, kaya nung kinabukasan ay hindi pumasok ang Anak, Nag-
isip siya ng panandaliang trabaho na maaring makatulong sa kanila at nang magkaroon siya ng pera
para mabilhan ng gamot ang kanyang ama.

Hindi nagtagal ay nakahanap rin siya ng tindahan na naghahanap tiga-pagbantay or tiga-pagbenta.


Pumasok siya roon at nagtrabaho ngunit mahina atsaka mababa ang bilihin, walang masyadong
bumibili ng kanilang paninda kaya onti lang din ang kanyang nakuhang kita. Pag-uwi niya sa bahay
naisipan niyang manghiram na lamang ng pera sa kanyang mga kamag-anak dahil kulang pa ang
kanyang pera sa pagbili ng gamot.

Pinuntahan niya sa bahay ang kanyang kamag-anak at kumatok.

Anak : Tao po.

Binuksan ng kamag-anak niya ang pintuan at nakita ang Anak.

Kamag-Anak : Oh? Ikaw pala iyan. Anong ginagawa mo rito?

Anak : Magandang umaga po, ano po kasi…nagkasakit po kasi ang itay tapos kulang po ang pera na
naipon ko, maari po ba sanang makahingi po kahit unting pera lang po pambili ng gamot?

Kamag-Anak : Kawawa ka naming bata ka, oh eto,

Inabutan ng kamag-anak ang anak ng maraming pera.


Kamag-Anak : Sabihin mo sa tatay mo na magpagaling na siya at ipambili mo na rin iyan ng gamot.

Anak : Maraming salamat po tita.

Nagkaroon na ng pera ang anak upang ipambili ito ng gamot, ngunit nilibot niya na ang kanilang buong
lugar at wala parin siyang mapagbilhan dito ng gamot.

Anak : Pabili po!

Tindera/Tindero : Ano yun?

Anak : Mayroon po ba kayong gamot?

Tindera/Tindero : Ay naku, wala na eh. Nagkaubusan na ngayon ng gamot.

Anak : Ay sige po, maraming salamat po.

Kinabukasan ay, pinilit ng tatay na pumasok na ang anak sa paaralan kaya’t pumayag ang anak at
pumasok. Habang naglalakad ay nakasalubong niya uli ang kanyang kaibigan.

Kaibigan : Oh pre! Kamusta na ang tatay mo?

Anak : Wala kaming mabilhan ng gamot eh..

Kaibigan : Oo nga eh, wala talagang mabilhan rito naubusan na pero i-try mong pumunta sa ibang lugar
at baka mayroon silang gamot roon.

Anak : Oo nga noh, baka nga at mayroon silang benta ng gamot sa ibang lugar!

Nagkaroon ng ideya ang Anak at dali-daling umuwi pagkatapos ng klase upang magpaalam sa kanyang
ama. Sa malayong lugar ay nakahanap siya ng botika na mayroon pang natitirang supply ng gamot.
Ginamit ng anak ang lahat ng kanyang pera upang ipambili ng gamot at marami siyang naibili.

Pag-uwi niya sa bahay ay dali-dali niyang pinainom ng gamot ang kanyang ama at hindi man lang
tumagal ay gumaling agad ito ngunit sa dami ng kanyang nabili ay marami pang gamot na natira,
naisipan ng anak na ibenta ang natitirang gamot sa kanyang kamag-anak na mayroong tindahan. Sila’y
nagkaroon ng supply at binibilhan narin ng iba’t ibang tindahan upang maparami ang ipagbebentahan.
Nakaroon na rin sila ng source kung saan ang pagkukuhaan ng supply ng gamot dahil sa Anak at naging
mabenta ito sa kanilang lugar.

MGA KARAKTER :

Anak Kaibigan
Tindera/Tindero Kamag-Anak
Tatay Taga-pagbalita

You might also like