You are on page 1of 3

Aralin: Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 3-

4 na hakbang.

Maari ninyo bang gawin ang mga panutong ito?


1. Umupo ng maayos.
2. ihanda ang lapis at papel
3. isulat ang iyong kumpletong pangalan.
4. gumuhit ng tatlong puso sa ilalim ng iyong pangalan
5. kuhanan ito ng larawan at ipadala ito sa iyong guro.

Sa araw-araw ay palaging tayong nakakarinig ng mga panuto.


 Maaring ito ay panuto ng iyong mga magulang.
 Maaring ito ay panuto ng iyong guro.
 Maaring ito ay panuto n gating pamahalaan.
Mahalaga na nakasusunod tayo sa panuto upang maging maayos
an gating gagawin.

Subukin ninyong muling gawinn ang panutong ito.


1. gumuhit ka ng apat na parisukat.
2. sa bawat parisukat ay isulat mo sa loo bang pangalan ng iyong
kaklase. Tig-isang pangalan sa bawat parisukat.
3.gumuhit ka ng isang puso at isulat mo ang iyong pangalan.
4. kuhanan ito ng larawan at ipadala sa iyong guro.
Pakinggan natin ang panuto ng ina sa kanyang anak
Opo inay, gagawin
ko po lahat ang
inuutos nyo.

Ana, pupunta lamang ako sa


palengke upang bumili n gating
pagkain.nais ko na magsaing ka
na.pagkatapos mo magsaing ay
balatan mo na ang papaya para sa
tinola.pagkatapos ay linisin mo an
gating bahay dahil may dadating
tayong bisita. Nauunawaan mo ba
Ana?

Ano- ano ang mga panuto na ibinigay ng ina sa kanyang anak?


1. magsaing ka Ana.
2. Balatan mo ang papaya.
3. maglinis ka ng bahay.
Ang lahat ng panutong iyon ay sinunod ni Ana.

Ngayon ay pakinggan naman natin ang panuto ng Ama sa


kanyang anak.
Miko, pumunta ka sa bahay ng iyong
Tiyo Caloy, Kunin mo ang isang piling
ng saging na ibibigay niya.pagkatapos
ay dumaan ka sa bahay ng iyong Tiyo
Silvia at ibigay mo ang kalahating piling
ng saging.pakatapos ay umuwi ka
kaagad ng bahay. Nauunawaan mo ba,
Miko?

Ano- ano ang 5 panutong ibinigay ng ama sa kanyang Anak?

Pagsusulit:
Gawin ninyo ang mga panuto na aking sasabihin.
1. Sa isang bond paper ay gumuhit ka ng dalawang malaking
puno sa magkabilang gilid
2. Sa gitna ng dalawang puno ay gumuhit ka ng isang bahay na
may dalawang bintana at isang pintuan.
3. Gumuhit ka ng araw sa itaas at gitna ng dalawang puno.
4. Iguhit mo ang iyong buong pamilya sa tabi ng bahay.
5. Isulat mo ang salitang “Kami ay Masayang Pamilya.”
6.Pagkatapos ay kulayan na ang larawan.
7. kuhanan ito ng larawan at ipadala sa iyong guro.

You might also like