You are on page 1of 8

PANDEMYA

By ; Mary Grace Ann J. Abueg


Taong 2020, nagsimula ang pandemya sa Sitio Tapang kung saan ay may kumakalat na

sakit na hindi malaman at wala pang lunas dito. Marami na ang nasawi sa kabilang

baranggay. Kaya naman ang kanilang baranggay ang pansamantalang isinara upang

hindi umabot sakanila ang sakit na ito. Dito na nag simulang mawalan nang trabaho

ang mga manggagawa dahil sa pinatupad na tottaly lockdown sa kanilang lugar. Isa sa

mga naapektuhan nito ay ang pamilya ni Juanito, bago palang ang pandemya ang

kanilang kumpanya ay pabagsak na. Nahirapan maghanap si Juanito kung saan

kukuha ng kanilang makakain sa loob ng isa o dalawang buwan na lockdown. Buti na

lang may binibigay ang gobyerno na makakain para sa isang linggo pero hindi ito sapat

sa pamilya ni Juanito sapagkat pito sila na miyembro ng kanilang pamilya.

"Hay, buti na lang may trabaho ang aking si Emilda. Kahit papaano may makakain

kami sa isang buwan" ani ni Juanito

Si Emilda ay ang panganay na anak ni Juanito, kahit na pandemya at skeletal ang pasok

ng kanyang anak ay nakakatulong pa rin iyon upang masustentuhan nila ang kanilang

makakain.

Sila Juanito ay nangungupahan lamang kaya namomoblema din siya kung paano niya

ito mababayaran ngayong wala siyang trabaho.


"Saan naman kaya ako kukuya ng maiibayad dito sa renta, bawal lumabas at wala rin

ako trabaho" ani niya.

Si Juanito ay nagaalala sa kanyang pambayad sa renta dahil mahigpit pa naman si

Aling Cely pag dating sa bayaran. Isang araw ay nakatanggap si Juanito ng tawag

galing kay aling Cely

"Juanito, kailangan mo na magbayad dahil nahihirapan na din kami kung saan kami

kukuha ng makakain namin, kailangan ko nang pera" ani ni Aling Cely

"Nako Aling Cely, pasensya na po talaga wala rin po akong maibabayad sainyo.

Nawalan pa po ako ng trabaho" sambit naman ni Juanito

"Hay nako Juanito, kailangan mo magawan ng paraan yan kung hindi papaalisin ko

kayo dyan" huling sambit ni Aling Cely sabay baba ng telepeno.

Isang araw abala sa pag lilinis si Juanito habang nakikinig sa kanyang radyo at biglang

binalita na

"Magandang... Magandaang tanghaaali sainyong lahat. Sa lahat ng nangungupahan

GoodNews po ito, hindi maaring paalisan agad agad ang mga nangungupahan dahil

hindi makabayad ngayong pandemya. Pwede ito hulughulugan ang bayad upang hindi

mabigat sa nangungupa"

Narinig ito ni Juanito kaya naman agad agad niyang nilakasan ang radyo upang
mapakinggan ulit ang sinabi sa radyo. Tama nga ang kanyang narinig hindi maaring

paalisin ang mga taong nangungupahan ng basta basta dahil kanilang lugar ay may

pandemya.

Natuwa naman si Juanito at agad na nakatanggap kay Aling Cely ng tawag

"Juanito, narinig mo ba ang balita? Ngayon ang aking desisyon ay hindi ko muna kayo

sisingilin para sa upa, ilaan niyo na lang sa pagkain ang maiipon niyo ngayon"

Lalong natuwa si Juanito dahil nabawasan ang kanyang iniisip.

Wala na ring balita si Juanito sa kumpanyang kanyang pinapasukan.

Lumipas ang mga araw ay nalulungkot na ang mga anak ni Juanito.

"Tatay, pwede po ba kami lumabas? Ilang linggo na po kasi kaming hindi makalabas"

ani ni dodong anak ni Juanito.

"Gusto ko na din po maglaro tatay" sambit din ng kanyang bunsong anak na si bochok

Hindi na nila magawa ang kanilang mga nakasanayan dahil hindi sila maaring lumabas

at mag laro. Kinausap ni Juanito ang kanyang mga anak...


“huwag kayo magalala nga anak, konting tiis na lang babalik na ulit tayo sa dati.

Gagawan ko muna kayo ng palaruan upang hindi kayo malungkot”

At agad namang natuwa ang kanyang mga anak. Hindi napansin ni Juanito ang oras

mag aalasais na pala, dapat na niyang sunduin si Emilda dahil wala itong masasakyan

gawa ng totally lockdown sa kanilang lugar.

Habang nag mamaneho ng bisikleta si Juanito ay sinita naman siya ng isang kawani ng

kanilang baranggay, tinanong kung bakit nasa labas pa ito.

“Magandang gabi ho, saan po tayo pupunta?” ani ng isang tanod

“Ah... ehh susunduin ko lang ako ang aking anak dyan sa may kanto, wala kasi

masakyan e alam kong pagod siya sa trabaho kaya susunduin ko na siya para hindi na

mahirapan mag lakad" paliwanag ni Juanito sa tanod

“Ah... ganon ba sige makakadaan kana, ingat sa pag mamaneho" ani ng tanod habang

binubuksan ang gate na nakaharang

Sabay sabay na kumakain ang pamilya nila Juanito, habang kumakain sila ay

kimanusta ni Juanito ang kanyang anak na si Emilda

“Oh Emilda, madami naman bang costumer ngayon?”

“Wala nga po masyado tay, mahina rin po ang kita ng restaurant. Hay nako, kelan kaya

matatapos ‘tong lockdown na ‘to? Ang hirap na wala ang mga costumer dahil wala rin

kaming kita. Tapos dagdag gastusin pa ‘tong facemask at faceshield dahil kailangan sa

aking trabaho na mag suot ‘non kung hindi matatanggal ako. Saan naman kaya ako
kukuha budget para dyan, eh ang sahod ko ay sapat lang sa makakain natin" galit na

sinabi ni Emilda

“Sobra na talaga ang pahirap sa ating mga mahihirap, sana naman mag bigay ang

gobyerno ng facemask at faceshield kung gagawin nilang patakaran ‘yon. Wala na nga

tayong makain dagdag gastusin pa.” Sagot ni Juanito

“Hay.. buhay. Hayaan niyo ‘tay pag lumuwag na po konti ang patakaran gagawa kami

ng paraan ni Amanda upang makatulong din kami.” Singit naman ni Flor.

“Mabuti na lang na walang may sakit sa atin. Wala tayong maibabayad pag na ospital

kayo, kaya ikaw Emilda lumalabas ka kaya mag ingat ka sa mga hahawakan mo. “

sambit naman ni Aling Loida

“Opo ‘nay" sagot ni Emilda

Lumipas ang mga araw ay nairaos naman nila ang isang buwan na hindi sapat ang

kanilang kinakain. Tuluyang nag sara ang kumpanyang pinapasukan ni Juanito at

tuluyang nawalan ng trabaho. Pero hindi pala binabayaran ng kumpanya ang kanyang

mga benipisyo tulad ng SSS at Philhealth. Labing limang taong nag trabaho sa

kumpaya si Juanito ngunit hindi pala binabayaran ang kanyang mga benepisyo. Kaya

naman ay umalma ang kanyang asawa...

“Anoo?!... labing limang taon ka nag trabaho sa kanila pero hindi nila binabayaran ang

benepisyo mo? Grabe naman sila!” Sigaw ni Aling Loida na asawa ni Juanito
“Hayaan mo na muna, pag hindi nila binigay ang huling sahod ko noong pumapasok

pa ako doon na ako gagawa ng aksyon" ani ni Juanito sakanyang asawa.

Natapos na halos dalawang buwan na lockdown sa Sitio Tapang, ito man ay natapos

ngunit meron pa din na dapat sundin. Nililimitahan pa din ang pag dami ng tao sa

kalsada.

Dahil medyo maluwag luwag na ang patakaran sa kanilang lugar, naisipan ni Flor at

Amanda na mag tayo ng maliit na negosyo upang makatulong sa pambayad sa upa.

Naging patok agad ang negosyo ng mga anak ni Juanito dahil ito ay online lamang

dahil pandemic. Karamihan sa kanilang mga costumer ay ang kanilang mga kapitbahay

na natatakot pa din lumabas ngayon. Upang makatulong sa anak, si Juanito ang nag

hahatid ng mga order na pagkain ng kanilang kapitbahay. Ang kanilang kinikita sa

isang araw umaabot sa 500-800 pesos. Natuwa naman si Juanito dahil nakakatulong

ang kanyang mga anak para may maibayad sila kay Aling Cely, ngunit nalungkot din

ito dahil nahihiya siya sa kanyang mga anak na sila ngayon ang bumubuhay para sa

kanilang pamilya.

Dahil sa pagtutulungan nilang pamilya nairaos nila ang kahirapan, nabayaran nila ang

utang na upa kay aling Cely. Ngunit sila ay papaalisin na din sa kadahilanang titirhan

ng anak ni Aling Cely ang kanilang inuupahan.


Nakaisip na paraan si Juanito kung saan sila pansamantalang titira, tinawagan niya ang

kanyang amo upang manghingi ng tulong.

“Hello po? Magandang araw ma'am. Kamusta po kayo dyan?” Ani ni Juanito

“Oh Juanito napatawag ka? Okay lang ako kayo ba ng pamilya mo okay lang ba kayo?”

sagot ng amo ni Juanito

“Okay naman po kami, nakayanan naman po namin ang dalawang buwan na

lockdown na wala akong trabaho, hihingi po sana ako sainyo ng tulong" sambit ni

Juanito

“Ano ‘yon Juanito? May maitutulong ba ako?” sagot ng kanyang amo

“Pinapaalis na po kasi kami sa aming tinitirhan, pwede po ba sa opisana muna kami

tumira kasama ng aking pamilya? Kakapalan ko na po mukha ko sainyo" ani ni Juanito

“Aba oo naman Juanito, ikaw pa eh napaka sipag mo noon sa akin nung nag tatrabaho

ka pa saken. Sige doon muna kayo sa isa ‘kong bahay para na din may bantay. Hindi ko

pa kask alam kung kelan kami uuwi e.” Sagot ng kanyang amo

“Maraming salamat po, isa po itong malaking utang na loob. Babawi po ako sa kabaitan

ninyo" masayang sambit ni Juanito

Ibinilita naman ni Juanito ang magandang balita sa kanyang pamilya.

“Mga anak, ‘nay. May malilipatan na tayooooo!” Nagtatalon na sambit ni Juanito


“Saan naman yan tatay? May ginawa kang masama ‘no?” pabirong tanong ni Aling

Loida

“Grabe ka naman saken Nanay, kahit kailangan hindi ako gumawa ng masama

mabuhay ko lang kayo.” Ani ni Juanito

“Eh saan nga pooo" sagot ng mga anak ni Juanito na nagagalak din sa kanyang balita

“Doon tayo pansamantalang titira sa bahay ng dati ‘kong amo. Doon malaki ang bahay

‘don hindi na tayo mag titiis sa puro anay na bahay ni Aling Cely" pabirong sabi ni

Juanito.

“Talagaa po ‘tayyy???” sagot ng mga anak ni Juanito

Lumipas ang mga araw ay nakalipat na din sila sa bahay ng amo ni Juanito, masayang

masaya ang mga anak ni Juanito lalo na si dudong at buchok dahil kahit nasa loob sila

ng kanilang bahay ay pwede sila mag laro kumapara sa bahay nila Aling Loida.

Noong makalipat sila humanap agad si Juanito na pwedeng pagkakitaan ay pag

extrahan. Nag konstruksyon ito upang mabigay ang kailangan ng nga anak niya sa

eskwelahan. Dahil sa doble kayod ni Juanito sa pag tatrabaho sa kontruksyon

nakabilisiya ng second hand na motor pinandagdag niya dito ang napagbentahan ng

kanyang bisekleta. Gagamitin daw niya ito upang mag deliver, nag apply din sa

Juanito bilang isang delivery boy, kailangang doble kayod si Juanito para sakanyang

pamilya para pag nangyari ulit ang pandemyang ‘yon ay handa siya at hindi siya

mamomoblema kung saan maghahanap ng pagkain.

You might also like