You are on page 1of 3

SALITANG NA NAGING POPULAR SA PILIPINAS,

TAONG 2021

PAULA ROSS ALARCON


ABJOURN-1A
LAHOK NA SALITA : BAKUNA

BAKUNA : LABAN SA PANDEMYA, TUTOL ANG MASA

Introduksyon

Napakalaki ng problema na kinakaharap natin ngayon sa panahon na ito ,


Hindi natin Makita kung nasaan ang kalaban. Ito ba ay meron sa iyong katabi ? Meron
ba sa iyong hinahawakan ? Hindi natin mawari Kung Sino ang mayroon at epektado
nito . Bawat araw, bawat oras may mga taong binabawian ng buhay o nahahawahan,
bagamat wala pa tayong batayan o napatunayan na pag-aaral tungkol sa pagtuklas ng
gamot o ang tinatawag na bakuna. kaya napili ko ang salitang Bakuna, kasalukuyang
Ito ay ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa ngayon na para bang isang ibon
na napakahirap hanapin at tuklasin Ito ay ang ating pangunahing sandata ngayon sa
Pandemyang kinakaharap natin Ito ay ang Bakuna .

Kahulugan, Etimolohiya at Gamit ng Salita

BAKUNA (pangngalan): ay ang paglalapat o pag-inject sa ating katawan na


mula sa pinahinang uri ng virus o bacteria tulad ng Tigdas, Pertussis atbp. Ito ay upang
bumuo ang ating katawan ng sariling panlaban o immunity para sa uri ng sakit na ito.
Ang uri ng gamot na ginagamit sa pagbabakuna ay tinatawag na bakuna o vaccine.
Unang ginamit ni Louis Pasteur ang terminong "vaccine" (baksin), na hinango naman
mula sa Latin para sa baka, ang vacca. Katawagan din sa bakuna ang isang preparasyon
o inihandang sustansiyang gawa mula sa isang bakterya o birus na nakapagsasanhi ng
sakit. Sa isang demonstrasyong maka-agham na may kaugnayan sa birus na nagsasanhi
ng bulutong sa baka (cowpox), naipakita na makatutulong sa pagsasanggalang o
pagbibigay ng proteksiyon mula sa mas nakamamatay o kaugnay na birus ang paraan
ng pagbibigay sa isang taong ng isang birus.

Bakuna sa Pambansang Diskurso

Napakalaki ng kauganayan nito sa ating lipunan ngayong panahon na ito, dahil


dito lamang tayo bumabase upang maligtas sa biwit ng kamatayan ang mga
natatamaan nito , bilang pagpili ko sa salitang "BAKUNA" upang aking tuklasin na
ang Bakuna ay siyang magbibigay sa atin ng proteksyon upang malabanan ang
kinakaharap natin sakit o problema ito ay ang Covid-19 , Ang Bakuna ay ginawa at
pinagugulan ng oras, taon at pawis upang magawa lamang at may panlaban tayo sa
ating kinakaharap na pandemya ito ang aking pinili bilang salita ng taon sapagkat
napakalaking usapin ngayon ang pagbibigay ng bakuna sa mga matatanda na kung
saan napapabalita na nakapakaraming tinurakan ng sinasabing bakuna na ito
kinaulanan ay namamatay naman. napakalaking tanong sa aking isipan, totoo ba na
may gamot na sa pandemyang ito, ang Bakuna ba ay tiyak iyan ang napakalaking
usapin lalo na sa ating bansa bukod sa kulang , napakarami pang mga Pilipino ang
hindi nababakunahan maraming nagsasabi ang Bakuna raw ay lason upang
mabawasan ang tao sa mundo dahil sa overpopulation na tayo. Ang Bakuna bang Ito ay
sapat , Tama ba ? Ang Bakuna bang Ito ay ang ating sandata o ikapapahamak lamang .
Una ang Bakuna ay panlaban sa kinaharap natin napakalaking sakit. Ikalawa, ang
Bakuna ay siyang ang bakuna sa COVID-19 ay ligtas at mabisa. Milyun-milyong mga
tao sa Estados Unidos ang nakatanggap ng mga bakuna sa COVID-19, at ang mga
bakunang ito ay sumailalim sa masinsinang pagsubaybay ng kaligtasan sa kasaysayan.
Ang salitang ito ay napakalaking usapin ngayon sa ating lipunan at napakalaking
ambag nito sa ating bilang sating bawat indibidwal dahil Ito ang pinaka tutukan ng
bawat isa ang mabakunahan upang matapos na ang ating pandemyang kinakarap ,
Para sa akin napili ko ang salitang ito sa taong kasalukuyan ito ay hanap hanap pa rin
ito o ito ay isang malaking Usapan sa bahagi ng ating kasaysayan .
Mga Sanggunian:

> https://www.yoboseshu-
rc.com/relays/download/8/413/313/435/?file=/files/libs/436/202007151708434833.p
df

> https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabakuna

> https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/mag-ingat-sa-mga-pekeng-
pagsusuri-bakuna-paggamot-para-sa-coronavirus

You might also like