You are on page 1of 1

Ara S. Arnoco STEM 12 A.

Lagmay

Linggo 7 : Gawain Blg. 1


Panuto: PAGSULAT NG TALUMPATI

Sumulat ng isang mahusay na talumpati tungkol dito.


Tandaan: Ang iyong talumpati ay dapat binubuo ng tatlong bahagi, introduksyon,
katawan, at katapusan. Huwag kalimutang lagyan ito ng pamagat.

KAGITINGAN SA GITNA NG PANDEMYA


Kasalukuyang may kinakaharap ang ating buong mundo na pandemya na dala ng isang
nakakahawang virus na kung tawagin ay Corona Virus Disease o mas kilala sa tawag na
COVID19. Ayon sa World Health Organization, ang COVID-19 ay isang sakit kung
saan pinupunturya nito ang panghinga ng isang tao. Ilan sa mga sintomas ng virus ay
ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng hininga.

Sa panahon ng pandemyang ating kinakaharap, may bagong konsepto nanaman ang


bansa sa tinatawag na makabagong bayani. Ang kahulugan ng bayani ay isang tao na
handang magpamalas ng tapang at walang pagmamalaki sa sarili sa kabila ng kagipitan.
Dito sa ating bansa, marami tayong kinikilalang bayani na nagpamalas ng pagmamahal
sa bayan na syang nagpupuno sa mayaman nating kasaysayan. Si Lapu-Lapu, Andres
Bonifacio, at Dr. Jose Rizal ay ilan lamang sa mahabang listahan ng mga magigiting na
bayani ng ating bansa. Noong hindi pa tumatama ang pandemya sa bansa, gingamit natin
ang salitang makabagong bayani para sa mga Overseas Filipino Workers na silang
nagsasakripisyo at tumutulong sa pag-angat ng ating bansa tungo sa pag-unlad. Dahil sa
pandemya, ang mga taong nasa unahan o “frontliners” ang panibagong tinatawag na
makabagong bayani.

Sa gitna ng pagkalat ng virus, ibang hirap ang kinakaharap ng mga taong nasa larangan
ng medisina, lalo na ang mga doctor at nars. Ngunit hindi lang sila ang may malalaking
ambag sa pagsugpo ng virus at sa pagtulong sa mga tinamaan ng sakit. Kabilang ang
mga pulis, health protocol officer, tanod, at sundalo sa malaki ang naitulong na wala sa
larangan ng medisina na malaki ang naitulong upang masugpo ang sakit. Sila ang
nagbabantay sa mga checkpoint, mga nagbabantay upang lahat ay sumunod sa
ipinatupad na curfew, at mga tumutulong upang tignan kung ang lahat ay sumusunod sa
health protocols. Hindi lang buhay nila ang kanilang sinasakripisyo maging ang
pagkakataong makasama ang kanilang pamilya. Dahil sa pandemya, nawawalan sila ng
oras sa kanilang pamilya upang tugunan ang pangangailagan ng lahat. Tinatawag natin
silang mga frontliners, at sila ang mga tinuturing nating mga makabagong bayani sa
panahon ng pandemya.

Bilang isang mamamayan at mag-aaral ng ating bansa, mayroon din tayong kailangang
gampanan na mga tungkulin sa pandemyang ito. Hindi man ganon kalaki ang ating mga
dapat gawin, ngunit malaking ambag na ang mga ito para maipakita sa ating mga
magigiting na frontliners na tayo ay nakikiisa sakanila sa paglaban kontra CoVid-19.
Ang hindi madalas na paglabas ng bahay, pagsunod sa mga tinatalagang mga health
protocols, pagsuot ng facemask at faceshield, at pagsa-sanitize, ay ilan lamang sa pwede
nating gawin upang ipakita na tayo ay kasama nila sa laban na ito. Pagkakaisa ang
kailangan ng ating bansa upang matalo natin ang nasabing virus at nang makabangon na
ang bansa natin sa pandemyang kinakaharap natin ngayon.

You might also like