You are on page 1of 43

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
DIVISION OF DAVAO ORIENTAL

MODYUL sa ARALING PANLIPUNAN 10

Pandemya sa COVID 19

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral


Mga Manunulat: Maricel C. Pawaon,
Melani T. Suarez
Trisha C. Peṅanueva
Leelanie Anne T. Suarez
Catherine P. Lintogonan
Florence T. Agudo
Jessa F. Cabrera
Anilyn C. Ligan
Jayar S. Cadalzo

Mga Konsultant: Maricel C. Pawaon,


Adiza C. Castillones

Tagasuri: Dr. Gierson B. Rosa


Book Designer: Jhon Chell O. Toroba
Tagapamahala: Gierson B. Rosa, Ph.D

PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t-ibang impormasyon tungkol sa

Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 para maiparating at maipahayag sa mag-

aaral ang kahulugan at kahalagahan ng mga konseptong nakapaloob sa modyul na

ito. Ang nilalaman nito ay hango sa kasalukyang sitwasyon na nagaganap sa ating

bansa at sa buong mundo.

Sa modyul na ito, inaasahan na maintindihan ng mga mag-aaral ang tungkol

sa COVID-19. Matututunan din dito ang mga sintomas ng nasabing sakit, mga

paraan upang maiwasan ang sakit at ang mga ipinatupad na polisiya ng


pamahalaan. Sa modyul na ito malalaman din ang pagpapahalaga ng pamahalaan

sa sakunang kinakaharap ng mga tao at mga hakbang na ginagawa ng iba’t ibang

ahensiya ng pamahalaan mula sa nasyonal hanggang sa lokal na yunit hinggil sa

sakit na lumalaganap sa ngayon. Dito rin mauunawaan ng mga mag-aaral ang tunay

na kahalagahan ng buhay sa pagharap sa hamon na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang maunawaan ng mga mag-

aaral ang tunay na kahulugan ng konsepto ng COVID-19 at ang mga mahahalagang

detalye na nakapaloob tungkol dito lalo na ang tungkol sa pag-iwas at kaligtasan

mula sa sakit na ito.

Unang Araw: Modyul – 1

PANIMULA
Ang modyul na ito ay naglalaman ng ibat – ibang impormasyon upang
maipahayag sa mga mag aaral ang kahulugan ng epidemya, pandemiya at mga
aksyon na ginawa tungkol sa isang kumakalat na sakit. Malalaman nila ang
kahulugan at aksyon na ginawa ng lokal na gobyerno tungkol dito.

LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng epidemya at pandemya.
 Natutukoy ang mga paraan na ginawa ng lokal na pamahalaan.

Mga Paksa:
 Epidemya
 Pandemya
 Ang Ginawang Hakbang ng ating Lokal na Pamahalaan Upang
Maprotektahan ang bawat isa
GAWAIN: Awit - Suri
Ang unang gawain ng mga mag-aaral ay pagsusuri sa Awiting “ Corona Ba Bye Na” ni Vice
Ganda. Ito ay isang awitin sa kasalukuyang nangyayari sa sambayanan. Ang pagsusuri ng
awiting ito ay akma upang maganyak ang mga mag aaral at mapukaw ang interes nila
tungkol sa paksang COVID-19.

Isaalang-alang ang sumusunod na panuto sa pagsagawa ng gawain:

1. Kung may kagamitang audio visual, maaring pakinggan mo ang awiting Corana
Ba Bye Na. Kung wala naman puwede mong basahin ang liriko ng awitin na
matatagpuan sa baba ng iyong modyul.

2. Basaha ang liriko o pakinggan mo ang awit at sagutin mo ang mga gabay na
tanong na matatagpuan sa baba.

Corona Ba Bye Na
Vice Ganda

Ay nakuha Corona
Oh Corona
Bakit OKRAY ka?
Veerus man O Virus
Ang tawag sayo
Sino ka ba
Ang best naming korona
Kay Pia lna at Catriona
Kaya sa Universe lumayas ka!
Korona ba bye na
Nakaka chaka ka nang life
Korona ba bye na !
Mag farewell walk kana
Korona ba bye na
Wash your hands
Mga brothas and sistah
Don’t touch your Mouth and eyes
Pati ang nose, don’t dial ha!
Di ka namin bet sa earth
Korona ba bye na
Nakaka Chaka ka NANG LIFE.

MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano ang ipinahiwatig ng awiting Corona Ba Bye Na?


2. Suriin ang awitin at isulat sa iyong sagutang kwaderno ang mga paraan na
nabanggit upang maiwasan ang sakit na Corona Virus.

Panuto: Basaha at intindihin mo nang Mabuti ang kwento sa baba upang


maintindihan at malalaman mo kung ano ang kanilang pinag-uusapan.
MGA TANONG:
Panuto: Basahin at intindihin nang Mabuti ang mga katanungan sa
bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa sagutang kwaderno o papel.
1. Ano ang gagawin kapag nararamdaman mo ang mga sintomas tulad ng
sipon, ubo at lagnat?

a. Magpakonsulta agad ngunit tawagan muna ang tagapagbigay ng


serbisyo at kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.

b. Pumunta agad sa pinakamalapit na Health Center sa inyong


Baranggay.

c. Manatili sa bahay at kumain ng gulay at prutas.

d. Lahat ng nabanggit

2. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maiiwasan ang Corona Virus
na kumakalat ngayon sa ating bansa. MALIBAN sa:

a. Panatilihin ang paglinis ng katawan.

b. Manatili sa loob ng bahay.

c. Sundin ang mga payong gobyerno.

d. Lumabas nang bahay at magtanong tanong sa kapitbahay tungkol sa


kumakalat na virus.

3. Ano ang tawag sa isang mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit sa isang


malaking bilang ng mga tao sa isang ibinigay na populasyon sa loob ng isang
maikling panahon, karaniwan ay dalawang linggo o mas kaunti pa?

a. Corona Virus

b. Epidemya

c. Pandemya

d. Spanish Flu
PAGLALAHAT / GENERALIZATION:

Kapag sinabing epidemya ito ay ang mabilis na pagkalat ng nakakahawang


sakit sa isang malaking bilang ng mga tao sa isang ibinigay na populasyon sa loob
ng isang maikling panahon, karaniwan ay dalawang linggo o mas kaunti. Habang
ang pandemya naman ay isang epedimya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa
pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon o pandaigdigan.
Dahil dito ay kailangan ng pamahalaan na tulungan ang mga tao upang maiwasan
ang mga pagkalat nito.
Ikalawang Araw: Modyul – 2

PANIMULA
Ang nilalaman ng modyul na ito ay nagpapahayag ng impormasyon tungkol
sa isang virus na tinatawag na COVID - 19. Bukod dito ay malalaman mo din ang
mga sintomas ng nasabing sakit at lunas sa virus na ito.

LAYUNIN
 Naibibigay ang kahulugan ng COVID - 19.
 Natutukoy ang mga sintomas at lunas ng COVID - 19.

Mga Paksa
 COVID - 19
 Sintomas at Lunas ng COVID – 19

Pagbabalik-Aral:

 Ano ang ginawang hakbang ng ating lokal na pamahalaan upang


maprotektahan ang bawat isa?

Panuto: Basahin at intindihin mo nang Mabuti ang kwento na


makikita sa baba na naka comic strip upang malalaman mo kung
ano ang kanilang pinag-usapan.
Assessment:

Mga Tanong:
PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang titik nang tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Isa itong tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat at ilang kaso na nagiging
sanhi ng malalang sakit sab aga o paghinga/rspiratoryo (SARS).

a. Corona Virus.

b. Ebola Virus Disease

c. Kilham Rat Virus

d. Worm Virus

2. Alin sa mga ito ang sintomas ng COVID 19?

a. Pamumutla

b. Pangangati

c. Pamamaga ng balat

d. Pag uubo at Paglalagnat

3.Alin sa mga sumusunod ang lunas ng COVID 19?

a. Pag iinom ng gamot

b. Pag iinom ng suka

c. Pagkain ng maraming kanin

d. Walang lunas ngunit puwedeng gumaling sa kondisyon ng pasyente

PAGLALAHAT/GENERALIZATION

Mahalagang malaman ng mga mag – aaral na kapag sinabing COVID - 19 ito


ay virus na nagdudulot ng ibat – ibang klaseng sakit, mula sa ubo at sipon hanggang
sa mas malubhang impeksyon tulad ng MERS - COV AT SARS - COV. At dahil dito
ay kailangan umiwas sa matataong lugar upang maiwasan ito.

Ikatlong Araw: Modyul – 3

PANIMULA

Matututunan rin ng mga mag – aaral sa modyul na ito ang mga paraan upang
maiwasan ang sakit na ito at maproteksyonan ang mga pamilya sa bawat barangay.
Malalaman rin dito kung ano ang gagawin ng isang mag – aaral kapag ang
miyembro ng kaniyang pamilya ay naapektuhan ng virus.

LAYUNIN
 Nasusuri ang mga paraan upang maiwasan ang virus.
 Natatalakay ang mga paraan upang maproteksyonan ang sarili at pamilya.

MGA PAKSA
 Paraan Upang Maiwasan ang Virus
 Paraan Upang Maproteksyonan ang Sarili at Pamilya

Panuto: Basahin at intindihin mo nang Mabuti ang kwento sa baba


upang malalaman mo kung ano ang pinag-uusapan sa mga tauhan sa
comic strip.
Assessment:

Mga Tanong:

PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga sumusuno na tanong. Isulat ang tamang
sagot sa isang pirasong papel.

1. Ano-anong paraan para maiwasan ang COVID-19?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2.Paano mo maproteksyonan ang iyong sarili at pamilya sa COVID 19?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3.Paano tinugunan ng barangay ang COVID 19?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGLALAHAT/GENERALIZATION
Para maiwasan ang sakit na ito ay kinakailangan ang pagpapanatili sa bahay at
tamang paghugas ng kamay ng sa ganoon ay maiawasan ang virus. Bukod dito ay
butihing kumain ng masustansyang gulay para maging malusog ang katawan.
Ikaapat na Araw - Modyul 4

PANIMULA
Sa modyul na ito, inaasahan na maintindihan mo at maisagawa mo ang mga
alituntunin na ibinigay ng gobyerno. Ang mga sumusunod ay mga ahensiya na
nagbibigay tulong sa mga tao. Una, ang bawat munisipalidad ng Davao Oriental at
ang nasabing probinsya kasama na rin ang Deped Division of Davao Oriental.

LAYUNIN

 Naibibigay ang mga paraan na ginawa ng munisipalidad ng Davao Oriental sa


pagtugon sa COVID - 19.
 Natutukoy ang mga alituntunin na naisagawa ng Probinsya ng Davao Oriental
sa pagtugon sa COVID - 19.
 Natatalakay ang mga paraan na ginawa ng Division of Davao Oriental sa
pagtugon sa COVID - 19.

MGA PAKSA:

 Mga paraan na ginawa ng bawat munisipalidad ng Davao Oriental sa


pagtugon sa COVID - 19.
 Mga alituntunin na naisagawa ng Probinsya ng Davao Oriental sa pagtugon
sa Covid – 19.
Assessment:

MGA TANONG:

PANUTO: Isulat ang mga nagawa o aksyon ng mga sumusunod Munisipyo,


Probinsya, Paaralan o Distrito, at Dibisyon sa Davao Oriental tungkol sa COVID - 19.
Isulat sa sagutang kuwaderno o papel.

Munisipyo Probinsya Paaralan/Distrito Dibisyon

PAGLALAHAT/GENERALIZATION

Masigasig na natugunan ng Munisipalidad ng Boston ang mga paraan sa


pag- iwas patungkol sa COVID - 19, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
alituntunin, bagamat nasa kamay ng mamamayan ang kaligtasan ng bawat isa sa
nasabing pandemya.
IKALIMANG ARAW – MODYUL 5

PANIMULA
Ang panghuling modyul na ito ay makatutulong sa iyo na mauunawaan ang tungkol
sa COVID – 19 upang maging gabay sa pagsasagawa ng mga pagsasanay at
pagsagot nang tama ang mga gabay na tanong.

LAYUNIN
 Nasasagot ng mga mag-aaral nang tama at may katapatan ang mga
pagsasanay at gawain.

PAKSA:
 COVID – 19

PAGLALAPAT:

Panuto: Basahin at intindihin mo nang Mabuti ang mga sumusunod na


gawain na mababasa sa baba at gawin mo ito batay sa iyong napag-aralan.

1. Tamang paghugas ng mga kamay.


2. Tamang pagsuot ng face mask.
3. Tamang etikita sa pag-ubo at pagbahing.

Assessment:

Reflection/Pagninilay-nilay: Ano ang natutunan at


nararamdaman mo sa sakit na Covid-19?

________________________________________________________________
PAGLALAHAT/GENERALIZATION

Masigasig na natugunan ng Munisipalidad ng Boston ang mga paraan sa


pag- iwas patungkol sa COVID - 19, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
alituntunin, bagamat nasa kamay ng mamamayan ang kaligtasan ng bawat isa sa
nasabing pandemya.
BIDYONG PANTURO:

https://www.youtube.com/watch?v=k515r-jeeHs

https://www.youtube.com/watch?v=Y5PUPpkGG-A

https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw

https://www.youtube.com/watch?v=jBgqz68nqqs

http://ssyoutube.com/watch?v=8RYu350KWyo

https://www.youtube.com/watch?v=fzCwudrdKIQ

https://www.youtube.com/watch?v=Jm3ixPjJZt8

https://www.youtube.com/watch?v=U1IO-QytkYo

https://www.youtube.com/watch?v=eEJ8w92NSAc

https://www.youtube.com/watch?v=0DAE_aV41Gs

https://www.youtube.com/watch?v=lThMX8z7qZ8

https://www.youtube.com/watch?v=Y7mtUUWcNTo
PAGYAMANIN: SLOGAN MAKING

PANUTO: Gumawa ng isang SLOGAN na naglalaman tungkol sa COVID-19. Gawin


ito sa isang long bond paper.

RUBRIK SA PAGTATAYA:
Krayterya Puntos

Nailalahad ang kaalaman ng paksa 5 4 3 2 1

Nabibigyan ng kahalagahan ang paksang inilahad 5 4 3 2 1

May organisasyon ang presentasyon na naaayon sa


5 4 3 2 1
paksa
Nagkakaisa ang bawat miyembro ng pangkat sa
5 4 3 2 1
pagsasagawa ng presentasyon

Tugma sa nakalaang oras ang presentasyon 5 4 3 2 1

Kabuuan ( 25 puntos)
PAGLALAPAT:
Panuto: Hikayatin ang mga mag-aaral na gawin ang mga sumusunod.

1. Tamang paghugas ng mga kamay.

2. Tamang pagsuot ng face mask.

3. Tamang etikita sa pag-ubo at pagbahing.

PAGSUSULIT:

Panuto: Basahin at intindihin mo ang mga katanungan sa bawat bilang.


Titik lamang ang isulat sa sagutang papel o kuwaderno.

1. Ano ang tawag sa isang mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit sa isang


malaking bilang ng mga tao sa isang ibinigay na populasyon sa loob ng isang
maikling panahon, karaniwan ay dalawang linggo o mas kaunti pa?

a. Corona Viruses

b. Epidemya

c. Pandemya

d. Spanish Flu

2. Isa itong tipo na mga viruses na nagdudulot ng lagnat at ilang kaso, nagiging
sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS)?
a. Corona Viruse
b. Ebola Virus Disease
c. Kilham Rat Virus
d. Worm Virus
3. Saang bansa nagmula ang COVID – 19?
a. Wuhan City, China
b. Shanghai, China
c. Beijing, China
d. Yantal, China

4. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagbibigay ng tamang kahulugan ng


salitang Pandemya?
a. Isang pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula
sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impekyon
tulad ng MeRS-CoV at SARS-CoV.
b. Isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa
pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon,
halimbawa isang lupalop o kahit pandaigdigan.
c. Isang mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit sa isang malaking
bilang ng mga tao sa isang ibinigay na populasyon sa loob ng isang
maikling panahon.
d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang tawag sa isang bagay na ginagamit para malaman ang temperatura
ng katawan ng isang tao.
a. Facial Mask
b. Face Shield
c. Thermal Scanner
d. Surgical Gloves
6. Ito ay ginagamit bilang pantakip sa bibig at ilong upang makaiwas sa virus na
dala ng COVID - 19.
a. Facial Mask
b. Face Shield
c. Thermal scanner
d. Surgical Gloves
7. Aling ahensiya ng gobyerno ang nangangalaga sa kapakanang
pangkalusugan ng mamamayan.
a. DSWD
b. DOH
c. MSU
d. DA
8. Ano ang gagawin kapag nararamdaman mo ang mga sintomas tulad ng sip
on, ubo, at lagnat.
a. Magpakonsulta agad ngunit tawagan muna ang tagapagbigay ng
serbisyo at kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang
awtoridad.
b. Pumunta agad sa pinakamalapit na Health Center sa inyong
Baranggay.
c. Manatili sa bahay at kumain ng gulay at prutas.
d. Lahat ng nabanggit
9. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maiiwasan ang corona virus na
kumakalat ngayon sa ating bansa. MALIBAN sa?
a. Panatilihin ang paglinis ng katawan.
b. Manatili sa loob ng bahay.
c. Sundin ang mga payo gobyerno.
d. Lumabas ng bahay at magtanong tanong sa kapitbahay tungkol sa
kumakalat na virus.
10. Ano ang kailangang dalhin ng isang miyembro ng pamilya para makalabas
upang makabili ng pangunahing pangangailangan ng buong pamilya?
a. Working Pass
b. Travel Pass
c. Government Issued ID
d. Home Quarantine Pass
11. Ang mga sumusunod na bagay ay kabilang sa PPEs’ o (Personal Protective
Equipments).
a. Face Mask
b. Face Shield
c. Protective Suit
d. Thermal Scanner
12. Ang mga sumusunod ay mga aksyon na ginawa ng Divison of Davao Oriental
para labanan ang pandemyang tinatawag na COVID – 19 maliban sa isa.
a. Pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa Corona Virus sa mga
bata at guro
b. Pagpapaikli ng rehiyon sa araw ng klase.
c. Pag uutos sa lahat ng DepEd Personnel na nanggaling sa ibang lugar
na apektado ng Covid na makipag – ugnayan sa kanilang Municipal
Surviellance Unit at kapitan ng barangay para sa mabisang pagtingin
sa kanilang kalusugan.
d. Ipinaalam ng kagawaran ng edukasyon ang tungkol sa Covid – 19
ngunit walang aksyong pinapatupad.
13. Sa paanong paraan binigyang tugon ng inyong Barangay ang pandemyang
COVID -19?
a. Ang bawat barangay ay sumusunod sa anumang pagtugon na ginawa
ng munisipalidad para maiwasan ang Covd-19.
b. Sumusunod sa alituntunin ang bawat tao sa lahat ng barangay.
c. Gumawa ng sariling hakbang ang bawat tao sa barangay.
d. Nagpatupad ng curfew.
14. Paano gumawa ng aksyon ang inyong probinsya partikular na sa Davao
Oriental sa kinakaharap na pandemya?
a. Sa pamamagitan ng pagbuo ng IATF O Inter - Agency Task Force para
mapaghandaan ang tamang proseso upang labanan o maiwasan ang
pandemya.
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang alituntuning pinatupad.
c. Sa pamamagitan ng pag eehersisyo ng bawat tao.
d. Sa pamamagitan ng masustansyang pagkain.
15. Bilang mag aaral, ano ang iyong gagawin sa krisis na ating kinaharap sa
kasalukuyan upang makatulong tayo sa ating pamahalaan?
a. Maging bukas ang isipan sa bawat pangyayaring nagaganap.
b. Maging mapamanuri, mapagmatyag, at masunurin sa bawat
alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan tungkol sa COVID - 19.
c. Maging maaalahanin sa kapwa tao.
d. Maging maalaga sa sarili.
PAGLALAHAT:

Ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ay isang uri ng sakit na

nakaaapekto sa respiratory system ng isang tao. Ito ay na naipapasa ng tao sa tao

sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa

pagsasalita, pagbahing o pag-ubo ng isang tao na may COVID-19. Karaniwang

nangyayari sa mga taong may malapitang pakikisalamuha sa may sakit.

Ang COVID-19 ay isang pandemyang kinakaharap ng buong mundo sa

ngayon. Ang pamahalaan at iba’t ibang pribadong ahensiya ay nagtutulungan upang

mapigilan ang pagkalat nito. Ilan sa mga pamamaraan na ginagawa ng mga

nasabing ahensiya ay ang mga sumusunod: pagkakaroon ng sistema ng

pagsubaybay sa sakit; ang kakayahang mabilis na magpadala ng mga

manggagawang pang-emergency, lalo na ang lokal na manggagawa sa

emerhensiyang nakabatay; at mga lehitimong hakbangin upang masiguro ang

kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawang pangkalusugan.


MGA BATAYAN:
https://mimirbook.com/tl/ec604bfe1f6

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pandemya

https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino

http://www.depedschoolsdivisionofdavaooriental.com.ph/

https://davaooriental.gov.ph/

https://www.youtube.com/watch?v=k515r-jeeHs

https://www.youtube.com/watch?v=Y5PUPpkGG-A

https://storyboardthat.com
https://www.youtube.com/watch?v=LrxTuj1SsEw

https://www.youtube.com/watch?v=jBgqz68nqqs

http://ssyoutube.com/watch?v=8RYu350KWyo

https://www.youtube.com/watch?v=fzCwudrdKIQ

https://www.youtube.com/watch?v=Jm3ixPjJZt8

https://www.youtube.com/watch?v=U1IO-QytkYo

https://www.youtube.com/watch?v=eEJ8w92NSAc

https://www.youtube.com/watch?v=0DAE_aV41Gs

https://www.youtube.com/watch?v=lThMX8z7qZ8

https://www.youtube.com/watch?v=Y7mtUUWcNTo

You might also like