You are on page 1of 1

Matienzo, Kia Marie C.

BSEd FIL 2103

Talumpati

Reyalisasyon Ngayong Nakakaranas ng Pandemya ang Buong Mundo

Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t


ibang sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang mga
impeksyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring
magdulot ng iba’t ibang sakit sa mga hayop.

Ang isang aral na naituro sa atin ng pagkalat ng Coronavirus ay ang kaugnayan


ng kalususgan sa kayamanan o ekonomiya ng isang bansa. Marami ang naging
reyalisasyon ko noong nag ka pandemya. Isa na rito ay ang pahalagahan ang
kalusugan, aanhin mo ang yaman mo kung di naman nagagamot ng pera ang sakit mo.
Pangalwa ay dapat na mabigyan pansin ang ating mga doktor at nurse dahil sila ang
pangunahing tumatayo ngayon may pamdemya. Pangatlo dapat laging handa ang
gobyerno kung ano man mangyayari sa bansa, tulad ngayon isang pagkakamali na
tumanggap ng turista kahit may banta ng covid 19, ngayon tayo ay nagdudusa at
nahihirapan pa sa pandemya habang ang pinagmulan ay tapos na.

Ngayon, laging binibigyang-pansin ang kahalagahan ng pagiging malakas upang


hindi kaagad maibagsak ng sakit at ang madalas na paghuhugas ng kamay upang
mapatay ang mga mikrobyo. Mahalaga ang kalusugan. Mas mahalaga pa kaysa
kayamanan. Kaya nakapagtataka na may mga taong “pinapatay” ang katawan kumita
lamang ng pera. Naghahanapbuhay tayo para mabuhay at hindi para mamatay.
Pinatunayan ng COVID-19 na ang materyalismo ay hindi destinasyon ng buhay.
Hindi ito ang layunin ng buhay. Mas maraming mahalaga kaysa kayamanan, tulad ng
kalusugan. Napakaganda ng sinabi ni Hesus sa Lucas 12:15, “Sapagkat ang buhay ng
tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

You might also like