You are on page 1of 1

Ang buhay ngayong pandemya

Magandang araw sa inyong lahat, ako si kisha apurillo mula sa section bugaw Sa taong 2019
walang ni isa sa atin ang nakakaalam na mangyayari ito satin. Walang ni isa sa atin ang nakakaalam na
kahit ang paglabas natin ng ating mga bahay ay susundan parin tayo ng takot, takot na baka mahawa
tayo, takot na baka magkasakit tayo at mahawaan natin ang pamilya natin. Ang covid 19 o coronavirus
ay isang virus na nagdudulot ng mga impeksyon sa paghinga. Ito ay kadalasang anumang bagay mula sa
sipon at ubo hanggang sa mas malubhang sakit na maaring magdulot ng kamatayan ng isang tao. Una
itong naiulat sa lungsod ng Wuhan sa China noong Disyembre 2019 at ngayoy kumikitil ng buhay ng
milyun-milyong tao sa buong mundo. Sa Pilipinas lamang, 3.21 milyong tao ang nahawahan ng
coronavirus, at 52,907 ang namatay bilang resulta. Isipin natin ang lahat ng pagluha at pagdurusa ng
mga nahawahan, pati na rin ang diskriminasyon at poot na kinaharap nila bilang resulta ng pagkahawa.
Kaya naman hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna, magsuot ng mask, at palaging sundin ang lahat
ng pag-iingat sa kaligtasan na ipinapayo sa atin ng ating mga healthcare workers na kinakailangan nating
sundin. Kapag nabakunahan ka, hindi mo lang pinoprotektahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal
sa buhay, kundi pati na rin ang lahat ng tao na naka paligid sayo. Pag ikay nakasout ng isang mask, para
kang isang bayani na nagliligtas ng buhay ng maraming tao. Magtulungan tayong lahat upang mailigtas
ang ating buhay gayundin ang buhay ng ibang taong nakapalgid sa atin. Huwag tayong mag-aksaya ng
oras na walang ginagawa para labanan ang pandemyang ito; sa halip, labanan natin ito sa pamamagitan
ng pagpapabakuna, pagsusuot ng mga mask, at pag-aalaga sa ating sarili.

You might also like