You are on page 1of 1

Bayani Sa Likod Ng Maskara

Ang Covid-19 o Coronavirus Disease ay isang bagong sakit na galing sa Tsina.


Base sa mga eksperto, galing ito sa mga paniki. Nagsimula ito noong Disyembre 2019
sa Wuhan, China at hindi nagtagal ay lumawak na ang sakop nito mula China papunta
sa iba’t ibang lugar pati na rito sa Pilipinas. Nagsimula ang Covid-19 sa Pilipinas noong
Enero 2020 nang mayroong Chinese Nationals na bumisita rito sa bansa. Nang
magsagawa ang mga eksperto ng tests sa kanila ay napag alaman na positibo sila sa
panibagong sakit. Kumalat ang sakit sa bansa at dito na nagkaroon ng Lockdown
Protocols ang gobyerno upang masiguro na hindi kumalat ang sakit ngunit hindi ito
nagwagi. Tumatayang nasa halos 500 libo na ang bilang ng mga kaso sa bansa.
Lubos na napakarami ang kaso dito sa bansa pero mas marami sana ito kung
wala ang ating mga tinatawag na Frontliners. Ang mga Frontliners ay ang siyang lubos
na nagsasakripisyo hindi lamang ng kanilang kalusugan kung hindi pati na rin ang
kanilang koneksyon sa kanilang minamahal sa buhay. May mga ulat na maraming
namamatay na mga Frontliners dahil sa sakit na ito. Dahil doon ay mainam na silang
umuwi sa kanilang bahay at makasama ang kanilang pamilya. Sila rin ang
nagpapasimuno ng mga symposium o mga seminar kung paano labanan ang Covid-19.
Isa sa mga ito ay ang paghugas ng kamay palagi gamit ang disinfectants kagaya ng
alcohol at sanitizers. Itinuturo rin nila sa mga tao na dapat may anim na talampakan ang
pagitan ng bawat isa at dapat na takpan ang bunganga kapag nababahing. Kailangan
din na magsuot ng face masks upang hindi kumalat ang sakit sa kanila o sa iba.
Importante ang ating mga modernong bayani dahil kung wala sila ay lubos nang
naghihirap ang bansa dahil sa sakit. Marami na sana ang namatay kung hindi lamang
sa ating mga bayani na nasa likod ng maskara.

You might also like