You are on page 1of 23

Karapatan ng

mga Bata
AP 10: KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG
PANLIPUNAN
ANG KWENTO NI JOHNNY
O Si Johnny ay isang masayahin,
matulungin at masipag na bata.
Gustong gusto niyang makipaglaro
sa mga kapwa niya bata sa
kanilang paaralan. Tumutulong din
siya sa kanyang Nanay at Tatay
sa lahat ng gawain sa bahay at sa
bukid.
ANG KWENTO NI JOHNNY
Isang araw, habang nasa paaralan si
Jonny ay kinausap siya ng
kanyang guro. “Johnny, may
problema ka ba? Mukhang
malungkot ka”, tanong ng kanyang
guro kay Johnny, “Wala po, guro.
Maayos lang po ako”, sagot naman
ni Johnny sa kanyang guro.
ANG KWENTO NI JOHNNY
Umuwi si Johnny na pagod galing sa
eskwelahan, umupo siya sa kanilang silyon na
gawa ng kanyang tatay . Hanggang sa
dumating ang nanay ni Johnny na galit na
galit dahil natalo na naman siya sa sugal.
“Hoy, Johnny!”, sabi ng kanyang nanay.
Gulat namang narinig ito ni Johnny dahil
nakaidlip siya pagkadating ng kanyang
nanay. “Ano po yun, nanay?”, ang tanging
nabanggit ni Johnny.
ANG KWENTO NI JOHNNY
“Magluto ka na! bwisit na bata ito! Natutulog na
samantalang gutom na ang nanay niya!. Sabi ng nanay
ni Jhonny. Tumayo na lamang si Johnny at dinaanan
niya ang kanyang nanay nang biglang hilain nito ang
buhok ni Johnny at sabing, “ Hoy! Ikaw na bata ka,
pagkauwi mo ng bahay, magluto ka na! Hindi yung
iaasa mo sa akin lahat lahat. Palibhasa palamunin ka
kase!” Nasaktan si Johnny sa sinabi at ginawa ng
kanyang nanay. Hindi na lamang sumabat si Johnny
bagkus ay hinayaan at ginawa na lamang ang utos ng
kanyang nanay.
ANG KWENTO NI JOHNNY
Walang ano ano’y padabog na dumating ang
tatay ni Johnny na may dalang isang bote ng
alak. Nakaupo si Johnny sa kanilang
lamesahan. “Hoy, Johnny!. Ibili mo nga ako
ng isang kahang sigarilyo at isa pang bote ng
alak”. Nabigla si Johnny sa sinabi ng
kanyang tatay. “Tatay, wala na po akong
pera. Ginamit ko po kanina pambaon ko sa
eskwelahan”, tugon ni Johnny sa tatay
niyang lasing.
ANG KWENTO NI JOHNNY
“Ah, aral aral pa ah! Simula bukas hindin ka na
papasok at mag aaral! Wala namang ginagawang
maganda yang pag aaral na yan! Tumulong ka na
lang sa akin sa pagsasaka. Kikita ka pa dun”,
galit na galit na sabi ng tatay ni Johnny. “Pero
tatay, sabi ng guro ko, ang edukasyon ang
magpapaahon sa atin sa kahirapan.” Biglang
lumapit at kinwelyuhan si Johnny ng kanyang
tatay. “ Aba! Mas pinaniniwalaan mo pa ang
guro mo kaysa sa akin na Tatay mo ha,
Johnny?!”
ANG KWENTO NI JOHNNY
“Umayos ka ng pananalita mo at mabaka
masuntok kita at ng guro mo. Mali mali
ang mga tinuturo” Umiiyak na si Johnny
dahil sa sinabi ng kanyang tatay. “
Pasensya na po kayo tatay. Iniidolo ko
lang po ang guro ko. gusto ko po kasing
maging katulad niya balang araw”. At
binitawan si Johnny ng kanyang tatay.
ANG KWENTO NI JOHNNY
Dali daling tumakbo si Johnny palabas ng
kanilang bahay na umiiyak. Patungo siya sa
kanyang guro na tumutulong sa kanya.
Nakarating si Johnny sa bahay ng kanyang
guro. Nabigla ang guro sa pagdating ni
Johnny na umiiyak. “Tatay mo ba ang may
gawa nito sayo Johnny? Nasaan ang nanay
mo Johnny? Anong ginawa niya?” Diretsong
tanong ng kanyang guro kay Johnny.”
Niyakap na lamang ni Johnny ang kanyang
guro dahil sa labis na kalungkutan.
Pagbibigay-diin sa
pagkakapantay-pantay
ng mga bata anuman
ang kanyang lahi,
kultura, relihiyon,
kakayahan o kalagayan
sa buhay.
Pangunahing
pagbibigay pansin sa
nararapat na kalagayan
at kapakanan ng mga
bata sa pagtakda ng
mga batas at
polisiyang makaapekto
sa kanila.
Pagtatakda sa
pamahalaan ng
tungkulin nito na
tiyakin ang
paggalang,
pangangalaga, at
pagpapatupad ng
karapatan ng mga
bata.
Paggalang ng
pamahalaan sa mga
karapatan at tungkulin
ng mga pamilya na
turuan at gabayan ang
kanilang mga anak na
matutuhan ang
wastong pagganap sa
kanilang mga
karapatan.
Magkaroon ng ligtas
at malusog na buhay,
at legal at
rehistradong
pangalan,
nasyonalidad,
manirahan at
maaalagaan ng
kanilang magulang.
Magkaroon ng
karapatang
magpahayag ng
kanilang saloobin at
magkaroon ng tinig
sa mga
pagpapasyang
makaaapektosa
kanilang buhay.
Magkaroon ng
karapatan sa pag-alam
ng impormasyong
makabubti sa kanilang
kalusugan at pagkatao,
kalayaan sa pag iisip,
pananampalataya,
pribadong pamumuhay,
at paglahok sa mga
organisasyon
Magkaroon ng
proteksyon laban sa
lahat ng pang
aabusong pisikal,
seksuwal at mental.
Gayundin ang child
labor, drug abuse,
kidnapping, sale a
trafficking.
Para sa akin, ang
karapatan ng mga
bata ay . . . .
Mahalagang
malaman ang mga
karapatan ng bata
sapagkat. . . .
Ang bawat bata ay
dapat protektahan
sapagkat. . . .
PANATA

Ako si __________ at nanunumpa ako


na pahahalagahan ko ang aking mga
karapatan ayon sa United Nations
Convention on the Rights of the Child.

Ako ay naniniwala na lahat ng bata ay


pantay-pantay at ako ay may
karapatang mabuhay nang may
dignidad at mapaunlad ang sarili.

Karapatan ko na makilahok sa mga


gawain at usaping mahalaga sa akin.
Karapatan ko rin na maproteksyunan mula
sa lahat ng uri ng karahasan at iba pang
sitwasyong makakasakit sa akin.

Responsibilidad ko na igalang ang mga


karapatan ng kapwa ko bata at
nakatatanda. Responsibilidad ko rin na
ibahagi ang kaalaman na ito sa kapwa ko
bata.

Bilang isang child rights advocate,


isusulong ko ang mga karapatang pambata
lalo na ng mga batang madalas ay
naisasantabi.
Maraming
Salamat!

You might also like