You are on page 1of 7

Script

1st scene (sa bahay)

Kuya : Hoy, maglinis ka ng bahay bago pumasok sa school! O kaya wag ka na lang pumasok sa school
tutal hindi ka naman na ata makakagraduate, ilang years ka na sa junior high wala ka naman nararating,
naunahan ka na nitong katapatid mong babae! Hindi ka ba nahihiya ha?!! Namatay sa pangaganak si
nanay ng dahil sayo tapos eto pa ang isusukli mo sa’min!! Napaka walang kwenta mo. Eh sa totoo nga
lang, hindi ko alam bakit may pake pa ‘ko sayo! Anak ka lang naman ni nanay sa ibang lalaki!

Gio: Yan naman lagi yung tingin mo sakin eh! Walang ginawang tama sa pamamahay na ‘to. Bwisit!

Kapatid (babae) : Kuya pwedeng manghingi ng pera bibili lang ako ng nakita kong bag kahapon sa mall
tsaka po yung baon ko??

Kuya : Ano, sumasagot ka pa ha?!! Pinapakain at binihisan kita kaya wala kang karapatan para sagot
sagutin mo ‘ko ng ganyan! Matuto kang gumalang sa mas nakakatanda sayo naiintindihan mo??!!

Kapatid (babae) : Salamat kuya! Alis na po ako. Kuya gio, alis na po ako!

Kuya : Aalis na din ako hoy gio! siguraduhin momg malinis ‘tong bahay pag uwi ko. At sa susunod na
sagutin mo’ko makakatikim ka na sakin.

2nd scene (sa tindahan malapit sa school)

Kaibigan 1 : Uy si gio ba yan?? Si gio nga, tawagin nyo dali!

Kaibigan 2 : Gio pre hoy!! Hoy!

Kaibigan 3 : Mukhang badtrip ‘tong isang ‘to ah. Yosi gusto mo pre?? pampawala ng init ng ulo.

Kaibigan 1 : Oo nga, upo ka muna dito chill, ang aga aga sira agad araw mo.

Kaibigan 2 : Si kuya mo na naman ‘no?? hays pare kawawa ka na naman, kung ako sayo maglayas ka na!

Kaibigan 3 : Tanga!! ‘kung ano ano talagang sinasuggest mong kabobohan eh ‘no?? hanapin mo na lang
kaya yung tatay mo pre baka ‘yun, tanggapin ka nun.

Gio : Ayoko na hanapin yung taong iniwan kami pre! Matagal ng patay ang taong ‘yun para sa’min. O
s’ya sige na alis nako ha, may klase pa ko eh. Salamat sa yosi.

Mga kaibigan : Sige pare, ingat!

3rd scene (sa classroom)

Kaklase 1: Tignan mo ‘to si gio tulog na naman, unang araw ng klase eh.
Kaklase 2: Hayaan na na’tin siya hindi ka pa ba sanay ‘no ganyan na yan sabi ng ate ko nung kaklase niya
pa lang yan.

Kaklase 3 : Guys!! Andyan na si sir! Yung matapang na teacher.

Kaklase 4 :Uy gio, andyan na si sir gising!

Gio : Tssk mamaya na inaantok pa ko eh!

Teacher : Good morning class!!! Okay Soo--- sino ‘yung natutulog sa likod?? Si Mr. Cruz na naman ba
‘yan???

Kaklase 5 : Gio Si ma’am!!! Gio huy!

Teacher : Yes Mr. Cruz? Unang araw ng klase, natutulog ka na naman! Hindi ka na nagbago! gantong
ganto ka din last year. Now, get out I don’t want to hear your invalid reasons anymore, magkita tayo sa
faculty mamaya!

Gio: Pero Ms.----

Teacher: No buttss, Get out!!

4th scene (sa faculty)

Teacher : Mr. Cruz, I don’t want to tolerate you anymore. Dederetsuhin na kita, kung ako sayo gio ‘wag
ka muna mag aral kung ganyan lang naman ang gagawin mo lagi. Madaming beses na kitang
pinagbigyan. Wala ka na atang balak magbago. Amoy sigarilyo ka pa at alam mong ipinagbabawal sa
school ‘yan. Tara na sa principal’s office.

Gio : Sorry miss, isa pang chance magbabago na’ko. Maawa ka sa’kin miss, magagalit ang kuya ko.

Teacher : Sana naisip mo ‘yan bago mo ginawa ang mga bagay na mali. Hindi ka na nagtino Gio.

Teacher (bago): Excuse me, Anong mayroon Mr. Castro? Bakit sinisigawan mo yung bata??

Teacher : Eh kasi Sir natutulog at amoy sigarilyo na naman ang batang ‘yan sa klase ko hindi na nag bago.
Ewan ‘ko ba at nasaan ang mga magulang niyan, pinalaking bastos at wala sa ayos. Idadala ko na ‘ho siya
sa principal’s office.

Gio : Sir parang awa niyo na. Magagalit ang kuya ko sir.

Teacher (bago) : Naiintindihan ko kung bakit ka ngagalit Mr. Castro pero sana kausapin mo ng maayos at
sana ‘wag mong hayaan tanggalan ng edukasyon ang bata, karapatan ng bawat estudyante ang makapag
aral kahit na may ginawa silang mali. Dapat alam mo ‘yan bilang guro. Ako na ang bahala dito Sir at
pagsasabihan ko siya.

Teacher : Sige Sir, Sorry.


Teacher (bago) : Ikaw, ano ulit ang pangalan mo? Alam mo ba yung maling ginawa mo?

Gio : Gio Simon Cruz po pangalan ko. Opo Sir, sorry po hindi na po mauulit.

Teacher (bago) : Sige na sigurduhin mong hindi na mauulit ‘to. Pumasok ka na sa susunod na klase mo.

5th scene (sa classroom)

Teacher (bago) : Hello class, Ako nga pala ang bagong teacher sa school na ‘to. Inaasahan ko na lahat
kayo ay makikinig sa tuwing nagkaklase ako, nagkakaintindihan ba tayo?? Before we start, kumuha kayo
ng papel at may itatanong ako na related sa topic na tatalakayin ko sa susunod natin na pagkikita.

Mga estudyante : Yes sir!

Teacher : Okay, Ipasa na ang lahat ng papel. Magtatawag ako ng pangalan at sasagot dito sa harap.
What’s your purpose in life?? Anyone? Mr. Cruz?

Gio : Wala sir, dahil walang kwenta naman ang buhay na mayroon ako.

Teacher (bago) : Okay, so next Mr. Uy? Mr. Guttierez? Ms. Dela Vega?

Teacher (bago) : That’s all for today class. At ikaw Mr. Cruz maiwan ka, kakausapin kita.

Gio : Okay Sir.

Teacher (bago) : I can see that you have a lot of problems sa buhay mo Mr. Cruz, at gusto kitang
tulungan pati na rin sap ag aaral mo. I believe that you are a good & smart student at malayo pa ang
mararating mo.

Gio : Sorry sir, pero hindi ko po kailangan ng tulong niyo. Hindi nyo po ako ka ano ano at dapat wala
kayong paki alam sa mga estudyanteng katulad ko. Mas magandang ganto na lang ang tingin ng
nakararami sa’kin. Mauuna na ko sir. Maraming Salamat.

Teacher (bago) : Pag isipan mong mabuti, handa akong tulungan ang mga estudyanteng katulad mo. At
ako ang magsisilbing pangalawang chance mo, Mr. Cruz.

6th scene (sa tindahan)

Kaibigan 1: Uy gio, tara inom tayo sama ka!!

Kaibigan 2: Onga pare sama ka sa’min.

Gio : Sige tol. San ba kayo mag iinom??

Kaibigan 3 : Diyan lang sa may malapit na tindahan pre.


Gio : Na weweirduhan ako sa teacher namin na bago pre, gusto niyang tulungan daw ako eh, hindi niya
naman ako kilala??! Baliw ba siya? Eh, ayoko na nga mag aral, nawawalan na din ako ng gana kung hindi
lang dahil sa kuya ko, mag sstop na ‘ko mag aral eh.

Kaibigan 4 : Baka naman bakla pre, tapos type ka!!

Gio : Hindi ko na alam gagawin sa buhay ko, hindi ako tanggap sa bahay, lagi akong pinapagalitan.

Kaibigan 5 : Patunayan mo kasi kay kuya mo na mali siya, na balang araw may mararating ka din.
Simulan mo ng baguhin yung sarili mo tol, hindi naman masamang mag bago.

Kaibigan 4 : Wow! Talagang galling sa’yo yan pre ha?! Baguhin mo muna sarili mo, tanga! Bago ka
magsabi ng ganyan kay gio!!

Gio : Salamat sa inyo pre. Pag iisipan ko ‘yan.

7th scene ( sa bahay)


3 days later…
Kuya : Hoy GIO!!!!! Anong oras ka umuwi kagabi???!! at nag inom ka na naman, kasama yung mga
walang modo mong kaibigan?! Hindi ka na ba nagsasawa sa ganyan?? Na sa tuwing umuuwi ka ng
bahay, lasing ka! Hindi ka na ba naawa sakin ha???!! Nagpapakapagod ako mag trabaho araw araw pero
sinasayang mo yung pinapa aral ko sayo! ni wala ka ng ginawang matino sa bahay na 'to kung hindi ang
maging pabigat! Wala kang kwentang kapatid! Sana hindi ka na lang pinanganak, sana hindi na lang
namatay si nanay! Sana ikaw na lang yung namatay.

Gio : Bakit noon ba kuya napapansin mo lahat ng ginawa kong tama??? hindi!! Napansin mo lang ako
simula nung gumawa ako ng mali!!! Laging ako na lang mali sa paningin mo. Ako na walang modo,
pasaway, walang kwenta, bobo, tanga, inutil sige sabihin mo lahat. Na sa araw araw na bumabangon
ako, sigaw mo lagi yung naririnig ko! na laging pinapapaalala sakin kubg gano ako kawalang kwenta sa
buhay nyo ngayon! Maraming beses ko na rin hiniling na sana nga ako na lang yung namatay kuya! Na
sana si nanay na lang yung nabuhay kasi sa palagay ko, pag yun ang nangyare ansaya saya nyo ngayon.
Tao rin ako kuya, may pakiramdam din ako. Pagod na pagod nako.

8th scene (sa bahay)


Teacher (bago) : Gio?? Gio??
Gio : ba't nandito po kayo?
Teacher (bago) : Ilang days ka na kasi hindi pumapasok sa school, sabi ko naman sayo ako ang
magsisilbing second chance mo.
Gio : Salamat 'ho sa concern sir pero hindi ko po talaga kailangan ng tulong niyo.
Techer (bago) : Osige hindi na kita kukulitin pero sana pumasok ka. At kung sakaling magbago ang
desisyon mo, lapitan mo lang ako.
Gio : Salamat ho sir, papasok na ho ako bukas.

Kinabukasan

Gio: Sir, Tinatanggap ko na po ang offer niyo.


Teacher bago : Sige Gio, tuwing hapon sa library tayo magkita, tutulungan kita sa pag aaral mo. At sana
kasabay ng panibagong panimula mo, tigilan mo na rin ang pagbibisyo.
Gio : Maraming salamat ho talaga sir.

9th scene
Pag uwi sa bahay, nagulat siya na nag aabang sa pinto ang kuya niya. Nagusap silang dalawa.

Kuya : Gio
Gio : Kung pagagalitan niyo lang ako ulit kuya, wag na lang parang awa niyo na. Sinusubukan ko na
magbago, pero hindi para sa inyo, para sa sarili ko.

Kuya : Hindi, Gio. Sa totoo lang, gusto ko lang humingi ng tawad sayo ngayon, Pagpasensyahan mo sana
ako sa lahat ng ginawa 'kong mali sayo. Hindi ko dapat sinabi lahat ng 'yon sayo, kapatid kita.
pagpasensyahan mo ko sana mapatawad mo pa ko.

10th scene (sa library)


8 months later….
naging close na si gio at yung panibagong teacher.

Teacher (bago) : Gio, Congrats running for salutatorian ka this year! you deserve it! Makaka graduate ka
na!
Gio : Talaga Sir?? Maraming salamat po! Kung wala siguro kayo sir, hindi nako nag aral at wala ko sa
posisyon ko ngayon.
Teacher (bago): Walang anuman, basta ikaw Gio! Sabi ko naman sayo kaya mo eh.
Gio : Sir? may tanong ako??
Teacher (bago) : ano yon?
Gio : Wala ho ba kayong anak? o asawa??
Teacher (bago) : Meron, pero matagal ng patay ang asawa ko, at yung anak ko naman, baka magalit
sa'kin kapag lumapit ulit ako sa kanya. May nangyare kasi sakin noon, kaya kailangan kong lumayo at
iwan muna sila.
Gio : Hmmmm, mahirap nga yun sir. Sige po maraming salamat po ngayong araw! Utang na loob ko po
lahat ng eto sa inyo! Paalam!!

11th scene (sa school)


hanggang sa isang araw nagulat siya ng hindi na ito pumapasok at dumatjng ang araw ng practice
graduation, hinanap.niya ang teacher ngunit itoy wala pa rin

Gio : Krissa, Nakita mo ba si sir na pumapasok pa?? Hindi ko na kasi siya nakikita dito sa school smula
nung natapos niya ko tulungan sa pag aaral ko.

Krissa : Ay sorry gio, pero hindi eh. Balita ko may nangyari ata kay Sir kaya hindi na muna pumapasok.

Gio : Sige salamat!

12th scene
Hindi na siya nakatiis pinuntahan niya ito sa kanilang bahay at nagulat sya na may nakita syang mga
kandila na nakatirik at sa gitna ang kabaong at nagulat siya na itoy ang kanyang guro. Tinanong sya kung
anong pangalan at sinagot niya ito at binigyan siya ng isang papel at binasa niya ito.

Ale : Iho, anong pangalan mo? Bakit ka nandito?

Gio : Gio po, Gio Cruz po ang pangalan ko. Estudyante niya po ako.
Ale : Ah ikaw ba si gio??? Teka, may pinapaabot pala siyang sulat sayo bago siya namatay.

Gio : Salamat po.

13th Scene (graduation day)

Gio : Congratulations to us batchmates! Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang speech ko, Sa dinami
dami ng nangyare ngayong junior high………………………

You might also like