You are on page 1of 3

SCRIPT

SCENARIO 1

TAGAPAGSALAYSAY: Sina Agay at Aguy ay matalik na magkaibigan. Magkaibigan na sila mula pagkabata pa na
parang magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa.

AGUY: Agay! Sandali lang! Hindi naman makapag-antay ito! Namili pa kasi ako ng regalo para kay Tatay Edo.
AGAY: La! Nag-abala ka pa.
AGUY: Parang wala tayong pinagsamahan! Bespren kita, kaya pamilya ko na rin ang pamilya mo.
(biglang darating si Tatay Edo)
TATAY EDO: Oh nak! Kasama mo pala si Aguy? (ibibigay ni Aguy ang kanyang regalo) Sus nag-abala ka pa Aguy!
Nakakahiya naman sa iyo. *ipat ang head ni Aguy*
AGUY: Huwag na po kayong mahiya parang anak na po ang turing ninyo sa akin. Munting handog ko lang po ito para
sa inyo.

SCENARIO 2

Tagpo: Sa Eskwelahan
AGUY: Oi Agay! Tapos ka na sa takdang-aralin natin sa Math?
AGAY: Hindi pa eh. Pwede bang gawan mo ko? Hehehehhe. Sige na, ililibre kita mamaya. Pramis!
AGUY: Hayss. Wala ka talagang pinagbago Agay. Kailangan mong matutong gawin ang mga takdang-aralin mo.
AGAY: Sige na Aguy. Last na to! Pramis! Gagawin ko na susunod. Pretty please. *pretty eyes*
AGUY: Sige na nga. Hindi talaga ako makatanggi sa iyo. Basta ha pangako sa susunod, gagawin mo na.
AGAY: Aye aye captain. You’re the best bestfriend forever. I love you BFF. Libre kita mamaya.
*umiling nalang sa ulo si Aguy*

SCENARIO 3

Tagpo: Sa Eskwelahan
MGA ESTUDYANTE: Magandang umaga po, Professor Manuel.
PROFESSOR: Good morning everyone. Please pass your thesis today.
AGUY: *tiningnan ang thesis ni Agay* Ano ba ‘to Agay? Bakit walang citations ‘to? Naku, makakasuhan ka talaga ng
plagiarism nito.
AGAY: At ano namang mapapala ko sa plagiarism na iyan? Aber?
AGUY: Alam mo bang pwede kang makulong ng 10 years dahil sa plagiarism?
AGAY: Weh? Hindi naman ‘yan binabasa ni Prof. Manuel at wala naman syang sinasabi tungkol diyan. At tsaka bata pa
naman ako, imposible akong makulong.
AGUY: Kahit na! Dapat honest tayo palagi dahil gaano kaliit ang kasinungalingan, lalaki ito ng lalaki hanggang sa ‘di mo
na mamamalayan na nalamon ka na sa kamandag nito.
AGAY: Blah blah blah....

SCENARIO 4

Tagpo: Sa Eskwelahan
(Nakatuon ng mabuti si Agay sa kanyang test paper)

AGUY: (pabulong) *naa sa luyo ni agay* WOW! Ano kayang nakain nitong kaibigan ko? Focus na focus si Agay ngayon
ah! Mabuti naman at nag study sya!
AGAY: *hindi na nangopya dahil alam na niya ang mga sagot dahil sa ninakaw na answer key*

(lumipas ang ilang minuto)

PROF: Guys let’s all congratulate Mr. Agay, Ms. Chararat and Mr. Tomtom. They got perfect in the exam !
MGA IBANG ESTUDYANTE: *palakpakan at sigawan*
AGUY: WOW Agay! Mabuti at nag-study kana ! Hindi ka na nagcheat ha! Masaya ako para sa iyo. (nag-apir silang
dalawa)
PROF: *nakakita ng papel sa ilalim ng upuan ni Chararat * ANO TO CLASS?! ANSWER KEY ?! KANINO GALING TO? BA’T
NASA IYO ANG ANSWER KEY MS. CHARARAT?! *TUTOK SA STUDYANTE*
CHARARAT: Sir hindi po akin iyan ! Hindi ko po alam kung bakit nasa ilalim ng upuan ko iyan! Maniwala po kayo sa
akin!
PROF: Nasa ilalim ng chair mo? Hindi sayo galing?! Go to the principal’s office right now!
*nagsimulang magbulungan ang mga estudyante*

SCENARIO 5

Tagpo: Sa Silid-aralan
AGAY: Badaf! Alam mo ba tuwang tuwa si mama nang makita niyang perfect ako sa Math ! Never pa kasi ako naka
perfect ! Halika dito may sasabihin ako sayo. *tumawa ng kaunti* ‘Wag mong sasabihin to ha! *bumulong*
*biglang pumasok si Aguy at nakitang may kausap si Agay kaya nagtago ito at narinig ang kanilang napag-usapan*
BADAF: Oh congrats! Teka lang, ninakaw mo ang answer key? Kakaiba ka talaga, shuta!
AGAY: Shhhhh! Wag mong sasabihin kaninuman ha! Oo, ako ang nagnakaw sa answer key. Itatapon ko na sana ngunit
nilipad ng hangin kaya napunta kay Chararat. Malas niya. Hindi ko nalang kinuha dahil baka makita pa ako ni prof.
BADAF: Shuta ka girl! Lagot ka kay prof ! Kawawa naman si Chararat pinatawag sa Principal’s Office.

AGUY: (habang nagtatago) Ang sakit! Bakit ka nagsinungaling Agay? Akala ko pa naman nagbago ka na!

SCENARIO 6

TOMTOM: Oi Agay ! Pinapatawag ka sa principal’s office!


AGAY: Lagot!
(sa Principal’s Office)
PRINCIPAL: Agay at Tomtom. Pinatawag ko kayong dalawa dahil viniolate niyo ang rule na no cheating in periodical
exams! Miss Chararat, bakit nakita sa ilalim ng chair mo ang answer key sa math test paper?
CHARARAT: Madame! Hindi ko talaga alam! Sa katunayan, nakita ko po si Agay na humawak nito during the exam.
AGAY: Aba ! Mandadamay ka pa?! Madame wala po akong kinalaman diyan!
CHARARAT: Bakit ka na perfect ? ‘Di ba umaasa ka lang kay Aguy?
AGAY: N-nag d-decide akong magstudy kasi na i-inspire ako kay Aguy. Nag study lang po ako nang maigi! Madame,
wala po talaga akong kinalaman diyan!
PRINCIPAL: Alam niyo bang pwede ma expelled ang may kagagawan nito? Viniolate ninyo ang rule.
(takot ang mga mukha nina Agay at Chararat)
AGUY: Wala po talaga akong kinalaman diyan! Baka si Chararat talaga nagnakaw niyan Madame. Natagpuan iyan diba
sa chair ni niya? Siya ang nangnakaw!
CHARARAT: *humagulgul *
PRINSIPAL: I’m sorry, Miss Chararat but you’re now expelled. You violated the law. I will send a letter to your
parents regarding about this.

SCENARIO 7

AGAY: Masaya ako--- (biglang sinuntok ni Aguy si Agay)


AGUY: Hindi ako makapaniwala kung gaano ka kasinungaling Agay. AKALA KO’Y NATUTO AT NAGBAGO KA NA!
AGAY: Ano pinagsasabi mo, Aguy?
AGUY: Huwag ka ng mag deny diyan. Alam ko ang totoo na hindi talaga kasalanan ni Chararat. IKAW ANG MAY
KASALANAN NG LAHAT NG ITO! MASAYA KA NA? ANO NAPALA MO?
AGAY: S-sorry Aguy. Gusto ko lang na maging masaya ang aking pamilya.
AGUY: Naging masaya nga ang iyong pamilya ngunit masama naman ang iyong ginawa. Sana’y hindi ka magsisisi sa
iyong ginawa, Agay. Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw ang kilala kong Agay noon.

SCENARIO 8

TAGAPAGSALAYSAY: Lumipas ang sampung taon naging matagumpay na abogado si Agay.


Tagpo: Opisina ni Agay
MADISON: Magandang umaga po, Attorney Agay. I have a pabor for my case tomorrow, attorney.
AGAY: Ano po iyon?
MADISON: You need to do your best to panalo our case. I know that you know na ako talaga ang nagpatay kay Janet
Napriso ngunit hindi ko gustong majail. Sana’y gawin mo ang lahat mong makakaya para mawin natin ang case. I’m
ready to pay you kahit magkano. Name your price and get what you seek...
AGAY: Masusunod po, Madame. *nagshake hands ang dalawa*

SCENARIO 9

Tagpo: Sa Hukuman
HUKOM: Simula na natin ang pagpupulong na ito. Bibigyan ko ng tatlong minuto na magpaliwanag ang unang panig.
AGAY: Magandang umaga po sa inyo. Ako si Agay ang abogado ni Madison. Wala pong sapat na ebidensiya na si
Madison ang nagpatay kay Janet Napriso. Base sa mga impormasyong nakalap, sa oras na namatay si Janet Napriso ay
mayroong meeting si Madison kaya imposibleng magawa ni Madison ang pagpatay.
ABOGADA: Kasinungalingan!
HUKOM: Katahimikan! Ipalabas ang nasasakdal!
(nanlaki ang mata ni Agay nang makita niyang si Aguy pala ang nasasakdal)
AGAY: (pabulong) Ano ang gagawin ko? Itatanggol ko ba ang aking kliyente o papanig ako sa katotohanan. Eh, sa
kliyente ko na lang. Matagal na namang natapos ang pagkakaibigan namin ni Aguy.
HUKOM: Maaari ng makapagsalita ang kabilang panig.
ABOGADA: Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ang abogado ni Aguy para sa kasong ito. Wala rin pong
sapat na ebidensiya na si Aguy ang nagpatay kay Janet Napriso kasi lumuwas po siya sa bayan sa panahong iyon.
AGAY: Sigurado ka ba sa sinasabi mo? At kung lumuwas talaga ng bayan si Aguy, bakit ang nakuhang sulat galing kay
Janet ay nagsasabing si Aguy ang nagpatay sa kanya?
ABOGADA: Kasinungalingan. Ang liham na inyong nakuha galing kay Janet Napriso ay isang liham na naghihingi si
Janet ng paumanhin kay Aguy. Hindi ninyo nabasa ang liham sapagkat ito’y napunit.
AGAY: Wala pa rin tayong sapat na katibayan kong totoo ba talaga ang mga pinagsasabi mo. Kasi ang alam ko na may
galit si Aguy ni Janet noon pa kaya posibleng naghiganti ito at pinatay si Janet.

TAGAPAGSALAYSAY: Lumipas ang ilang oras....

HUKOM: Mula sa kapangyarihan ng hukuman sa Republika ng Pilipinas, hinahatulan kong makukulong si Aguy Ayoyoy
ng sampung taon dahil sa pagpatay kay Janet Napriso.
(labis ang galak ni Madison sa nangyari)

AGUY:*habang papalabas si Aguy ay sinabi niya ang mga katagang ito kay Agay*
Kaanib niyo man ngayon ang kasamaan, sa panahong nakalaan,magaganap ang hustisyang hindi mo maaasahan.

You might also like