You are on page 1of 3

The Greatest Love: Gloria’s Birthday

Setting: Dining table

Characters and background details:


Gloria - the mother, celebrating her 60th birthday, has Alzheimer’s disease, sent
a text to her children that she’s gonna die but immediately forgets about it
because of her illness.
Amanda - the daughter, a successful business woman, received a text from her
mother that she’s going to die
Paeng - the son, an ex-convict, currently living a new life but discovers her
mother’s illness from a diary video from her phone.

Gloria: Dasal muna tayo, sa ngalan ng Ama, Anak, ng Diyos Espiritu Santo, Amen.
Panginoong Hesus, maraming salamat sa araw na to dahil pinanganak ako. Marami
pong salamat dahil umabot ako sa 60. at marami din pong salamat dahil nandito si
Paeng. (beat) Panginoon, kayo na po ang bahala. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng
Diyos Espiritu Santo. Amen… O, kain na tayo! Sige na, papakabusog ka.

Paeng: Yey! Mukhang masarap to ah!

*Amanda, slowly enters the house while crying while Gloria & Paeng busy eating and
sharing food*

Amanda: *confused at the current situation* Ma… Ano ‘to?

Gloria: Amanda! Buti dumating ka anak *Welcomes Amanda with a hug*

Amanda: Ano ‘to ma!? Ano ‘to! Anong kalokohan to? Akala ko ba mamamatay ka na?
(beat) Hindi mo ba naisip na sa pagkukumahog naming makarating dito dahil sa
tinext mo, pwede kaming maaksidente? Or worse, mamatay? Nag-alala ako sa’yo
ma! Para akong tanga. Tapos itong aabutan ko? Ano? Bakit hindi ka makasagot?

Paeng: * stands up* Ate, pwede ba?!

Gloria: *gives Paeng a sign to stop* Maupo kayong dalawa.

Amanda: *Not sitting down*

Gloria: Amanda, Upo. May sasabihin ako sa inyong dalawa. May kailangan kayong
malaman… *sees Amanda still not sitting down* Amanda!
Amanda: *Sits down with heavy movements*

Gloria: Gusto ko sana ‘tong ipagpaliban. Gusto ko sanang pagsaluhan ‘yung pagkain
nang masaya. Pero andito na ‘to, ipapaliwanag ko na. Gusto ko lang malaman niyo
na ‘yung text na ‘yon, hindi ko sinasadya ‘yon. Ni hindi ko nga malaalala eh.

Amanda: Oh my God. Huwag mo sabihin Ma na pinaupo mo kami dito para lang


sabihin na nag-uulyanin ka na? Joke ba ‘to?

Gloria: Anak, nakikiusap ako. Nakikiusap ako, Amanda. Pakinggan mo muna ako.

Amanda: Bakit ba, Ma? Bibilugin mo na naman yung mga ulo namin? Ano na
namang sasabihin mo ngayon? Kailan ba matatapos ang mga kasinungalingan mo,
Ma? Kailangan ba talaga lokohin mo kami nang ganito?

Paeng: Pwede ba ate, patapusin mo muna si mama?

Amanda: Wow! Paeng! Anong nakain mo at bigla kang bumait? Para namang hindi
mo kilala tong nanay natin? Alam mo naman na sinadya niyang gawin ‘yon para
magpapasin.

Paeng: Ate tama na nga. Kung sinadya man ni Mama yon, yun ay dahil namimiss
niya tayo at dahil gusto niya tayo makasama.

Amanda: Gusto niya… Yung gusto niya ang laging nasusunod!

Paeng: Ang gusto mo, sayo lagi ang nasusunod!

Amanda: How dare you talk to me that way? Ate mo ‘ko!

Paeng: Nanay natin yang kinakausap mo ate ah!? at birthday niya ngayon!! Ate
parati mo nalang inaaway si Mama!! Hindi mo man lang ba siya babatiin bago tayo
mag-away?

Amanda: Ahhh! Birthday niya kaya okay lang na magsinungaling siya satin!!

Paeng: *stands up* ATE TAMA NA NGA!!! KONTING RESPETO NAMAN!! SINO BA
YANG KINAKAUSAP MO BAKA NAKAKALIMUTAN MONG NANAY NATIN YAN!!

Gloria: *begs* Tama na! TAMA NA!!!

Paeng: Hindi Ma! Ang bastos eh! Sumusobra na ‘to eh! Kung makapagsalita akala
mo kung sinong perpekto!

Amanda: *Stands up* Ako pa talaga? Ako pa talaga sumusobra ngayon? Bakit mo
sisihin ‘tong magaling nating nanay?
Paeng: Wala ka talagang karesperespeto!!

Amanda: Look what you did, Ma! Ito ba talagang gusto mo? ha? Ang pag-awayin
kaming magkapatid? Alam mo sana, nagkatotoo nalang ‘yung tinext mo sakin na
mamamatay ka na para tapos na lahat ng panloloko mo!

Amanda & Gloria: *Stares for a while* *Amanda tried to exit*

Gloria: *Loses her memory* Sandali! Sino ba kayo? Ba’t kayo nag-aaway away sa
bahay ko?

Amanda: Ma, anong sino kami? Ma, anong sinasabi mo?

Gloria: Sino kayo? Hindi ko kayo kilala.. umalis kayo dito. Umalis kayo…*looks at
Amanda then stands up from her chair* huwag kayong lalapit!

Amanda: Ma, saan ka pupunta? Saan ka pupunta, ma!

Gloria: Huwag kayong lalapit!

Amanda: Ma, tigilan mo na tong palabas na to, hindi nakakatuwa. *panics* hindi ‘to
nakakatuwa, ma! Itigil mo na to!

Paeng: Ate! Tama na! Hindi mo ba nakikita natatakot na si mama sayo? (beat) May
sakit si mama.

Amanda: Anong sinasabi mo?

Paeng: *shows a phone* ito, sinabi niya dito… sinabi niya na may sakit siya. Sinabi
niya na may Alhziemer’s disease siya. Yan! *puts phone on the table* Mama!! *holds
Gloria’s hand*

Gloria: Sino ka?

Paeng: Ma, si Paeng to, Ma.

Gloria: Bakit may mga tao dito? Ang ingay ingay…

Paeng: Ma, pahinga ka muna ma. Samahan ko po muna kayo sa kwarto, okay lang
po ba?

Gloria: Paalisin mo siya. Ang ingay… Sigaw nang sigaw… Ang ingay… ang ingay…
*exits with Paeng*

Amanda: *left alone in the room then looks at the phone while crying*

You might also like