You are on page 1of 3

The Greatest Love

Gloria Loses her memory of her children

SCENE 2

Amanda: Anong kalokohan to? Akala ko ba mamamatay kana? Hindi mo ba naisip sa

pagkukumahog ko makarating dito…. Lahat kami dahil sa tinext mo na pwede kaming

maaksidente o worst mamamatay! Nag-alala ako sayo Ma! Para akong tanga…. Tapos

ito aabutan ko….. Ano? Bakit hindi ka makasagot!

Andrei: Ate pwede ba!

Nanay Gloria: Maupo kayong lahat…. Amanda upo…. May sasabihin ako sa inyong

lahat may kailangan kayong malaman…. Amanda!

Amanda: (uupo)

Nanay Gloria: Gusto ko sana ito ipagpaliban. Gusto ko sanang pagsaluhan yung

pagkain ng masaya…. Pero andito na to, ipapaliwanag ko na, gusto ko lang malaman

niyo na yung tinext ko na yun hindi ko sinasadya yun ni hindi ko nga maalala eh.

Amanda: Oh my god! Huwag mong sabihin sa amin na pinaupo mo kaming lahat dito

para sabihin na nag uulyanin kana! Joke ba to!

Nanay Gloria: Amanda…. Nak, nakikiusap ako Amanda pakinggan mo muna ako…

Amanda

Amanda: Bakit pa Ma? Bibilugin mo na naman yung mga ulo namin Ano na namang

sasabihin mo ngayon? Kailan ba matatapos ang mga kasinungalingan mo Ma!

Kailangan ba talaga lokohin mo kami ng ganito.

Paeng: Pwede ba ate patapusin mo muna si mama.


Amanda: Wow Paeng! Anong nakain mo at bigla kang bumait… Parang hindi niyo

naman kilala tong nanay natin… Alam niya naman na sinadya niyang gawin yun para

magpapansin!

Andrei: Ate tama na nga! Ate kung sinadya ba naman ni Mama yun dahil namimiss

niya tayo. Dahil gusto niya tayo makasama.

Amanda: Gusto niya… Yung gusto niya laging masusunod.

Paeng: Ang gusto mo sayo lagi ang nasusunod.

Amanda: How dare you to talk to me that way…. Ate mo ko!

Andrei: At nanay natin ang kinakausap mo ate ah!

Lizelle: At birthday niya ngayon! Ate palagi mo na lang inaaway si mama… Hindi mo

man lang siya muna babatiin bago tayo mag away away.

Amanda: Ah! Birthday niya kaya okay lang na magsinungaling siya sa atin.

Andrei: Ate tama na nga! Konting respeto naman…. Sino bang kinakausap mo? Baka

nakakalimutan mo nanay natin yan!

Nanay Gloria: Tama na……. Tama na.

Andrei: Hindi ma, Ang bastos eh. Sumosobra na to eh… Kala mo kung makapagsalita

kala mo perpekto.

Amanda: Ako pa talaga? Ako pa talaga ang sumosobra ngayon. Bakit hindi niyo sisihin

itong magaling nating Nanay.

Paeng: Ate

Amanda: Huwag mo kong hahawakan Paeng.

Paeng: Ate tama na

Amanda: Huwag mo ko hawakan


Andrei: Wala ka talagang karesperespeto

Lizelle: Ate tama na! Nasasaktan na si mama oh.

Amanda: Bakit puro ako na lang lagi ang sinisisi ninyo? Look what you done Ma! Ito ba

talaga ang gusto mo ha! Ang pagsabugin kaming magkakapatid. Alam mo sana

nagkatotoo na lang yung tinext mo sa akin na mamamatay kana para tapos na lahat

ang pagloloko mo.

Nanay Gloria: Sandali….. Sino ba kayo? Bat kayo nag aaway away sa bahay ko?

-END-

You might also like