You are on page 1of 3

April 1, 2022 (Friday)

Dear Diary, Ngayong umaga, nagsimula na ako sa pagresearch ng aming tatalakayin para sa
aming group project sa Science at nagbigay ako ng mga gagawin para sa mga group members ko at
sinimulan ko na ang pag-gawa ng PowerPoint presentation namin. Mamayang hapon, nag-edit ako ng
mga videos at nag-aral ng mga iba't-ibang bagay tungkol sa pag-eedit dahil pangarap ko maging isang
editor ng isang vlogger o maging freelance editor. Pagkatapos kong pag-aralan ang mga yon, sinimulan
kong gawin sa pag-eedit ang mga bago kong napag-aralan. Sa gabi, inalagaan ko maliit kong kapatid
dahil nakikita kong kinukulit niya ang mom namin habang nagtratrabaho siya at hindi magawa ng mom
ko yung mga kailangan niyang gawin. Pumasok nalang kami sa kwarto at pinaglaruan namin mga laruan
niya. Maya-maya, napatulog ko na din kapatid ko at sumabay na din ako sa tulog.

April 2, 2022 (Saturday)

Dear Diary, sa araw na 'toh, nag-aya yung kuya kong bumili ng mga damit dahil trending ngunit,
tinanggihan ko ang alok niya saakin dahil hindi naman 'yon ganon ka-importante kaya, sinabi ko nalang
na iiponin ko muna pera ko o gagamitin ko sa mas importanteng bagay. Ngayong gabi, sinabi ko sa mom
ko na ako muna magluluto dahil kita kong pagod na pagod siya sa trabaho niya kanina. Pagkatapos
naming kumain, ako na din ulit nag-alaga sa maliit kong kapatid.

April 3, 2022 (Sunday)

Dear Diary, pagka-gising ko, nag-simula ulit ako sa pag-aaral ng mga inedit ko dahil tapos na ako
samga modules ko nung Friday pa. pagkatapos ko mag-edit, nagluto na ako ng breakfast para sa pamilya
ko. Mamayang hapon, nagbisikleta ako para ma-exercise din katawan ko dahil pansin ko madalas nalang
ako naka upo o naka-higa. Nung gabi na, nag-edit ulit ako para sigurado ako na pumasok sa isip ko mga
napag-aralan ko at nanood din ako ng mga cooking tutorials dahil isa din sa hilig ko ang pagluluto.
Mamaya, medyo nakaramdam na ako ng antok kaya nag-set ako ng alarm at natulog ng maaga.
April 4, 2022 (Monday)

Dear Diary, gumising ako ng alas sais ng umaga para maghanda sa una kong klase ngayong
umaga. Pagka-tapos ng klase, ginawa ko na agad ang pinapagawa ng guro ko para hindi ako
matambakan ng mga gawain. Habang ginagawa ko yung homework, nakita ko na malapit na magsimula
ang susunod kong klase kaya tinigilan ko muna ang paggawa ng homework ko sa TLE. Pagktapos ng klase
kong yon, tinuloy ko na pinapagawa ko ng mga guro ko at biglang nag-announce guro ko sa AP at
Science na may group project kami na magaganap sa Wednesday para sa AP at Thursday naman para sa
Science kaya gumawa na ako ng Group chat para sa grupo ko. Mamayang gabi, naglaro muna ako sa PC
para mabawasan stress ko at nag-edit din muna ng konti at natulog na din dahil may klase pa ako bukas.

April 5, 2022 (Tuesday)

Dear Diary, pumasok na ako sa una kong klase at nagluto na pagkatapos ng klase namin.
Mamaya, nagsimula na kami ng mga kagrupo ko sa AP ng mga gagawin namin at gumawa na din ako ng
PowerPoint para maka-practice na mga reporters na inassign kong magreport para sa grupo namin.
Mamayang gabi, Nag-usap din kami ng mga kagrupo ko sa Science at nagtulungan kaming lahat sa pag-
gawa ng Poem. Natagalan kami dito dahil naka-ilang ulit kami sa paggawa ng poem dahil hindi ganon
kaganda pa gawa namin. At dahil late na, natulog na muna kami para bukas nalang na namin na taposin
ang paggawa ng poem namin.

April 6, 2022 (Wednesday)

Dear Diary, bago mag-simula ang klase namin sa AP, nagusap-usap muna kami ng mga kagrupo
ko para sure kami na ready na ang lahat. Pagkatapos ng pagpresent namin sa grupo namin,
cinongratulate namin ng mga kagrupo ko ang isa't-isa dahil nagawa namin yon nang mabilis. Mamayang
hapon, tinuloy na namin ng mga kagrupo ko sa Science ang poem. At nung natapos na namin, inayos ko
na mga kailangan namin para sa Sceince project namin at natulog ng maaga para maka-practice ng konti
ang grupo namin.
April 7, 2022 (Thursday)

Dear Diary, sinabi ko sa mga kagrupo ko na maghanda na para sa Science presentation namin.
Nung natapos na kami, cinongratulate ko sila dahil natuwa ako sa ginawa namin. Mamayang hapon,
naglinis ako ng backyard namin dahil naiirita ako na ang daming nakatambak lang doon sa likod ng
bahay namin kaya naisip kong linisin ng kusa. Mamaya nung natapos ako sa paglinis, biglang nagbigay
ng pera mom ko dahil naglinis daw ako tapos naisip kong iponin iyon para maigamit ko sa mga oras na
kakailangin.

You might also like