You are on page 1of 3

MAGSASAKA

Isang empleyado na laging bigay todo,


Ngunit minsa’y dehado.
Mayroong mga grupo para maging organisado.

Init sa bukiri’y kanilang titiisin, upang pagkai’y maihan.


Pagod ay hindi iindahin, para sa kikitain.

Kinabukasan ng pamilya’y prayoridad, Upang pangarap ay matupad.


Produktong mataas ang kalidad, Parangal ay nararapat igawad.

Palay, kung saan pagkai’y nakasalalay


Upang mabuhay.

Maagang kumikilos upang mabilhan ang anak ng sapatos,


At araw-araw ay mairaos.
Kaya’t nagpapasalamat sa Diyos, sa biyaya niyang lubos.

Ngunit bakit tila kinalimutan na ang mga nag-aararo?


Maraming kuro-kuro ang publiko
Pero wala pa ring aksyon ang politiko.

Isa, dalawa, tatlo, apat.


Kailan? Kailan magiging sapat ang kitang hindi naman tapat
Pagkayod nila’y mas mataas ang nararapat.
Kayod nang kayod kahit pa maging uugod-ugod
Tumaas man lang ang sahod kahit gumamit na ng tungkod.

Mga magsasaka na laging naiipit at paghihirap pa nga nila’y minamaliit.


Kahit ngawit na ngawit, Di man lang makaupo kahit saglit.
Minsan pa nga’y itsura nila’y nilalait, dahil nabilad sa init.

Nagsusuot ng salakot, dahil sa tirik na araw ito ang sagot.


Mga paa’t kamay nila minsan ay kulubot,
Ngunit patuloy lang upang may perang mahugot.

“Ang mahal naman ng bilihin!”


Eh ikaw kaya ang mag-ani habang bilad sa arawan
At sila ang makikipagtawaran sa presyong babayaran.

Pataas nang pataas ang mga bilihin,


Ngunit mababang pasahod ang inihahain.

Init, pagod at puyatan.


Lahat yan ay nararanasan, para mapakain ang kababayan.

Tapos balak pang ibaba ng gobyerno ang presyo ng bigas.


Pano na lang ang lakas ng mga magsasakang nalalagas?
Magiging mababa na lang ba ang katas?
Paano na rin ang binibuhay nilang pamilya bukas?
Patuloy na lang bang magugutom hanggang wakas?
Ang kasiyahan nila na napapalitan
ng pangambang hindi maiiwasan.

Hindi sagot ang pagbaba ng presyo,


Ang sagot dito ay pagtaas ng sweldo.

Panong hindi hihirap ang bayan,


Kung kinukuha niyo ang kanilang kayamanan.
Yumayaman ang pamahalaan,
Ngunit patuloy na nahihirapan ang mga mamamayan.

Mga magsasaka na tanging hiling ay huwag ibaba nag halaga.


Dahil sila rin namay nagtitiyaga na mag alaga
Upang maging maganda ang bunga.

Kaya sila ay nararapat bigyang importansya at hustisya


Upang maging maligaya, dahil hindi naman sila kahiya-hiya.

MAG-aani upang
SA pamilya at
SAmbayanan
Kanin ay maihain

Sila ay ang MAGSASAKA.

You might also like